You are on page 1of 3

Filipino sa Piling Larang

Lakbay Sanaysay

Nifthaly Jane B. Pagonzaga


STEM 12 Einstein

Gil Montilla National High School


Lakbay Sanaysay: Baguio Travelogue

Ang buhay ay isang mahaba at mapaghamong paglalakbay. Nakakapagod, ngunit


kailangang magtuloy para sa inaasam na pangarap. Ayon sa diksyunaryo, ang paglalakbay ay
isang aktibidad kung saan ang mga tao ay nakikipagsapalaran, naggalugad, bumisita sa iba't
ibang lugar at tumuklas ng mga bagong bagay. Bata pa lang ako, palagi ng sinasabi ng mga
magulang ko na marami pa akong mapupuntahan at malayo pa ang mararating ko. Habang
lumalaki napapagtanto ko na hindi lamang ako ang may gusto ng ganon, lahat ay gustong
maglakbay saanman sa mundo. Umulan man o umaraw, malayo o malapit, mahal o mura,
nakakapagod, o sa ilang kadahilanan, walang umiwas sa salitang "paglalakbay".

Bilang isang bata, pangarap kong makapunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang
tanawin, pagkain, at kultura. Lalo na ang isang lugar na labis na kinagigiliwan ng mga turista, ito
man ay mga imigrante mula sa ibang bansa o mga taong lumaki doon at nagkaisip. Halina kayo’t
samahan niyo kami sa aming paglalakbay. Natutuwa ako kapag kasama ko ang mga mahal ko sa
buhay, lalo na ang pamilya ko. Alam nating lahat na kapag tayo ay nasa problema, malaki man o
hindi, ang magagandang tanawin ay maaaring agad na alisin ang sakit sa ating mga damdamin.

Sa pagkakataong ito ang aking kasama ay ang aking tiyahin at kanyang mga kasamahan
sa AVON, kami ay pumuta sa Baguio. Ang Baguio ay isa sa pinakatanyag na lugar dito sa
Pilipinas, lalo na sa hilagang Luzon. Kilala ito bilang ‘Summer Capital ng Pilipinas’ hindi dahil
sa mainit dito, kundi dahil sa sobrang lamig dito. Mababa ang temperature dito, lalo na sa
panahon ng kapaskuhan. Masarap mamasyal dito, lalo na ang ipagdiwang ang ano mang okasyon
kasama ang mga mahal sa buhay.

Ang aming pagdating sa Baguio ay hindi inaasahan at plinano, dahil nong 2019 kami ay
lumuwas lamang ng Maynila upang kumuha ng award ngunit may biglaang plano na kami raw
ay umakyat doon upang mamasyal at magliwaliw. Iyon ang unang beses kong makapunta doon
kung kaya’t mas lalo kaming naexcite na makarating sa sinasabing lugar.

Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay ang Burnham Park na kung saan dito kami
gumala ng ilang oras, dito sa lugar naito ay matatagpuan ang isang Dancing Fountain at isang
parang ilog na kung saan pwede kang mamangka at maglibot – libot. Dito kami ay kumuha ng
maraming litrato gamit na rin ang mga sarong na aming nabili doon. Isa rin sa mga napuntahan
namin ay ang The Mansion, dito kami ay nagpalitrato sa malaking gate dahil bawal pumasok
dito, kami ay dumaan rin sa 150 steps. Sa unahan lamang nito ay makikita ang Wright Park kung
saan hindi rin naming pinalampas, dito, kami ay bumili ng napakasarap na strawberry icecream.
Sinugod rin naming ang Botanical Garden, dito sa lugar na ito ay may mga matatandang Igorot
na kung saan pwede ka sakanilang magpakuha ng litrato na kasama sila. Dito mo makikita na
hindi nila kinakahiya kung saan silanagmula kahit na ganoon ang kanilang pananamit. Maari rin
ditong magsuot ng kanilang kasuotan upang makapagpalitrato. At nagpunta rin kami sa Mines
View, ngunit kahit malayo at maraming tao doon at sulit naman dahil maganda at talaga namang
nakakarelax at mapapahanga ka sa ganda ng view na iyong nakikita.
Hindi naming pinalampas ang kanilang night market kung saan aming natikman ang mais
na nilalagyan ng cheese, strawberry na taho, ice cream, pancakes, at marami pang iba na sobrag
malasa sa bibig. Dito rin kami bumili ng mga souvenirs na t-shirts at mga key chain. At ang huli
naming pinuntahan sa Baguio, atang huling araw na rin namin doon ayang Strawberry Farm.
Dito mo matitikman ang masasarap na strawberry na tinatawag dinna Preyas. Sa loob ng
dalawang araw namin sa Baguio ay marami akong nalaman sa lugar na iyon at dito ko rin
nalaman kung bakit nga ito tinatangkilik ng mga turista. Tunay na napakaganda ng Baguio.

You might also like