You are on page 1of 2

Filipino sa Piling Larang

Larawang Sanaysay

Nifthaly Jane B. Pagonzaga


STEM 12 Einstein

Gil Montilla National High School


Larawang Sanaysay: Masarap na Bukid

Kung ako ang papipiliin kung saan ako titira – sa bukid o sa lungsod?
Mas pipiliin ko ang bukid dahil dito ibang-iba ang dating sa paningin ko.
Palibhasa madali akong maakit ng kagandahan sa natural ng kalikasan.
Simple lamang ang buhay sa bukid – masarap at masaya. Kaya naman
ang pakiramdam ko ay maginhawa sa kalusugan.

Kahit malayo man ito sa mga tahanan sa lungsod, hahanap-hanapin


ko talaga ang magandang tanawin nito Kaakit-akit ang mga palayan,
mga puno sa paligid, at ang sariwang hangin na dumadampi sa iyong
balat. Napakalamig sa mata at pakiramdam ng mga tanawing itong
malilibot. Marahil ito nga ay dahil sa hindi mo ito karaniwang
nakikita o nararamdaman sa lungsod.

Dito, ibang-iba ang init ng araw; ang hangin ay walang


polusyon; ang agos ng tubig sa kanal ng irigasyon ay malinaw
at malamig; ang mga manok, pato, at gansa ay palipat-lipat sa
bakuran, hindi natatakot bumawala sa pinanggalingan lungga;
ang mga ibon ay malayang lumilipad saan man sila pumaroon.
Ang katahimikan na bumabalot sa kapaligiran ay ibang-iba sa
bukid.

You might also like