You are on page 1of 2

Ang Paglalakbay ay isang maganda at

masayang gawin lalo na kung kasama ang mga


pamilya at kaibigan kung naghahanap ka ng
gustong pasyalan, Sa tingin ko ay ang lugar namin
ang mas magandang puntahan. Masyado mang
malayo an gaming lugar ay nagdudulot pa rin ito
ng magandang ala- ala para sa lahat.

Umaga ng
Disyembre 29 handa kaming
Magkakamag – anak upang
maglakbay sa isang tourist spot
naming. Medyo malayo layo man an
gaming nilakad ay hindi ito
mararamdaman dahil sa sabik na
Makita muli ito. Pagkalipas ng isang
oras at tatlumpong minute ay narating
nanamin ang aming destinasyon.
Maririning ang umaagos na tubig na
humahampas sa malalaking bato.
Hindi lamang ilog iyon ilog ng mga
karanasan karanasan na di
maihahalintulad ko sa tubig na kahit
anong mangyari ay tuloy tuloy parin
ang pag- agos. Kayakung may
problema ka pumunta ka sa aming
lugar kasi ito’y maginhawa at maalis
ang iyong problema.
Sa aming lugar may makikita na rice terecess pero itoy malayo at higit sa lahat ito’y
magandang tignan at itoy nagbibigay ng maginhawang hangin at makikita ang mga
tanawin na nakapalibot sa mga bahay na kahit saan ka tumingin tanawin parin ang
iyong makikita. Ito’y tanawin na ipinamana ng mga ninuno noon na bumubuhay sa mga
tao ngayon na kahit mahirap pumunta sa bukid ay pumupunta parin ang mga tao para
lang makuha ang mga palay para may makain sila kahit napakahirap ng trabaho ay
tulong tulong parin sila.Sabi nga nila ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang
nakakagaan ng ating loob kundi ito’y nagbibigay din ito ng sobrang kasiyahan sa ating
kapwa dahil sa tulong ng kanilang natanggap.Ang aming tradition ay bago magtanim ng
palay ay bawal na lumabas sa lugar namin para may maraming aanhin na palay.

Ang aking naging realisasyon ay kahit anong mangyari huwag kakalimutan ang pamilya
dahil sila ang tutulong sa iyo sa mga problemang haharapin na kahit magkaroon kayo
ng hindi pagkakaunawaan at magkasakitan ay dapat ito’y papatawarin ang isat’t isa at
huwag rin kalimutan ang lugar kung saan ka naggaling kase iyon ang lugar na mayroon
kang magandang ala-ala.

You might also like