You are on page 1of 1

Lakbay Sanaysay

Ang paglalakbay ay hindi lamang tumutukoy sa pagpunta sa malayong lugar. Tumutukoy ito sa
pagpunta sa malapit o malayo man na lugar upang may matutunan o matuklasang bagay-bagay. Lahat
naman siguro tayo ay nakapag-lakbay na. Sa bawat paglalakbay natin, di mawawala ang saya, saya na di
mapapantayan ng pera lalo na kapag kasama ang pamilya.

May 7,2021 kami ay naglakbay papuntang Aroma Beach doon sa aming lugar sa Aklan. 6:30 palang ng
umaga lahat kami ay nakapaghanda na ng mga dadalhin. Dahil sa sobrang dami namin nagrenta kami ng
isang jeep at meron pang naka-van.Sa biyahe palang ay kita na sa mga mukha ng bawat isa ang
pananabik. Nagkakantahan sa loob ng sasakyan na para bang wala ng tutumbas sa sayang
nararamdaman.Dahil sa ingay namin sa pagkanta, bawat madaanan naming tao ay nakatingin sa amin.

Nang dumating na kami sa aming destinasyon lahat ay nag madaling lumabas sa


sasakyan.Nagtulakan, nagsipagtakbuhan at kaming mga nasa taas ng jeep ay dali-daling tumalon. Nang
nakapasok na kami ng resort, kitang-kita ang saya ng bawat isa. Ang mga maliliit na bata ay dali-daling
naligo sa swimming pool samantalang kaming mga binata ay nag kwentuhan muna. Ilang minuto lang
ang nakalipas at kami ay naligo na din. Nagpaligsahan sa pabilisan lumangoy, nag-dive, sumisid at
naghabulan sa loob ng swimming pool. Yung araw na yon naramdaman ko ang sobrang saya. Hindi lang
saya dahil sa nakapag-outing. Saya na dahil nag sama-sama kaming mag pipinsan at magkakapamilya
sapagkat minsan lang umuwi ng probinsiya ang iba kong kapatid at mga pinsan. At dahil sa panahon na
iyon ay nag sama-sama kami kahit yung iba ay di man nakauwi ng probinsiya. At dahil dito, naramdaman
ko ang sobrang pagka galak.

You might also like