You are on page 1of 2

Symoun Sarmiento

HUMSS 4 MAKATAO

Lakbay Sanaysay

Nang kami ay naatasan gumawa ng isang lakbay sanaysay, ang unang lugar
na pumasok saking isip ay ang perya o peryahan. Munti man tignan, sa isang peryahan
nagaganap ang ilan sa mga pinakamasaya at memorable na alaala ng mga bata at ilang
matatanda. Sa aking pagpunta, aking kasama ang ilan kong mga matatalik na kaibigan. Ang
aming unang napagtanto ay ang dami ng mga tao na pumupunta padin sa peryahan. Kontra
man sa tingin ng iba, marami padin ang mga kabataan at mga binata na dumadayo sa mga
peryahan.

Sa loob ng peryahan, marami ang mga mapaglilibangan, mula sa mga


sakayan kagaya ng Ferris Wheel, meron ding mga palaruan sa peryahan. Noong kami ay
pumunta sa peryahan na ito, ako’y walang kaalam-alam sa kung ano ang pakiramdam ng
paggala sa isang perya, kung ano ang “vibe”, ika nga, kaya nang kami ay makapasok, dali-
dalian na naramdaman ko ang pagiging bata uli. Bagamat ito ang aking unang beses sa
peryahan, pamilyar ang pakiramdam sa loob.
Sa aking opinyon, ang pinakamasaya na gawain sa peryahan ay ang mga
palaro. Ang mga premyo man ay munti at masasabing mumurahin, higit padin sa anumang
engrande na stuffed toy ang ligaya na iyong makukuha sa paglaro para sa munting premyo na
ito. Marerekomenda ko ang pagpasok sa peryahan tuwing malapit palang maggabi, dahil sa
aming napasukan na peryahan na matatagpuan sa Bayan, napakarami ng mga kagaya namin
na naggagala, at ito’y puno na ng tao kahit hindi pa gabing gabi.

Nang kami ay pauwi na, napansin ko din ang kagandahan ng mga ilaw at
palamuti na nasa loob ng peryahan. Ito’y nagbibigay buhay sa lugar at dumadagdag sa
munting kagandahan ng perya. Napansin ko din ang dami ng mga bata na kalahok sa sari-
saring mga palaro. Iyon ang isa sa pinakamagandang parte ng perya; lahat ay
makakapagsaya. Bata man o matanda, lahat ay siguradong may mapagaaliwan sa loob ng
isang peryahan.

You might also like