Professional Documents
Culture Documents
Munting Handog
Munting Handog
panahon ng karamihan lalong-lalo na ng mga bata. Ito ang panahon na kung saan punong-puno
ang mga kalsada ng iba’t ibang pailaw at palamuti, makaririnig ng mga awiting minsan ng
naging pamilyar at makakasalubong ng iba’t ibang tao na abala sa mga paghahanda para sa
Noche Buena at maging sa pagbabalot ng samu’t saring regalo. Ngunit ang akala ko’y
aming napagdesisyonan na bumili ng mga maliliit na loot bags at punuin ito ng samu’t saring
tsokolate, kendi, at iba pang uri ng pagkain. Ilang araw bago sumapit ang araw ng Pasko ay
namili na kami ng lahat ng aming kakailanganin para sa naturang gawain. Buong akala namin ay
handang-handa na kami para kinabukasan ngunit amin palang nakaligtaan sa kung saan ba namin
gaganapin ang aming gift giving. At sa mga oras na iyon ay mahirap nang makahanap ng lugar
na maaaring pagdausan ng aming gift giving lalo na’t medyo gabi na rin nang aming naalala ito
kaya’t naisip na lang namin na ipagpaliban na lang ito. Hanggang sa naisip ng aking ama na
siya’y samahan na lamang namin sa bayan ng San Jose at habang papunta roon ay ipamigay na
lamang namin ang aming napamili sa kung sino mang bata ang madaan habang papunta sa
bayan. Kinabukasan, medyo makulimlim ang mga ulap at mukhang hindi magiging maganda ang
panahon sa buong araw kaya’t napaisip kami kung tutuloy pa ba kami dahil malaki ang
posibilidad na wala kaming makita na mga bata na nasa labas o kaya nama’y naglalaro sa tabi ng
kalsada. Ngunit buo pa rin ang aming loob na ituloy ang aming gift giving tutal ito’y nasimulan
Denise Anne A. Caceres 11HA-4 May 4, 2018
na at wala namang mawawala kung kami’y susubok dahil ang importante naman ay aming
maiparamdam at maibahagi sa iba ang tunay na diwa ng Pasko sa aming munting paraan at
Habang naglalakbay kami ay hindi ko mapigilang kabahan sa kung ano kaya ang
mangyayari, kung matatakot ba sila at lalayo na lang? Paano kung hindi nila kami pansinin?
Napakaraming tanong pa ang bumabagabag sa isipan ko pero unti-unti itong napapawi ng tuwa
dahil sa ito’y gagawin namin sa unang pagkakataon. Habang nasa daan ay ilang bata na rin ang
aming nakita at binigyan ng aming mumunting handog. Kahit sa una ay medyo nahihiya pa,
kalaunan ay lumalapit naman. Kakaiba ang saya na nararamdaman ko sa aking puso sa tuwing
nakakarinig ako ng, “Salamat po!” at isang napakatamis na ngiti na higit na nakakapang-engayo
sa amin na mamigay pa sa maraming bata. Ngunit sa lahat ng bata na aming nabigyan, isang
batang lalaki ang tunay na tumatak sa aking isipan at maging sa aking puso. Isa siyang batang
lalaki na nakita naming naglalakad mag-isa sa gilid ng kalsada at nang tinawag namin siya ay
agad naman siyang lumapit at tila bang ang naka-busangot na mukha ay napalitan ng kakaibang
tuwa at galak. Paalis na sana kami nang bigla siyang nagsabi kung pwede ba raw makahingi pa
ng isa para sa kanyang kapatid na nasa bahay dahil tiyak daw na magugustuhan nito lahat ng
mga nasa loob ng loot bag. Laking tuwa na lang niya nang kunin niya ito at tila’y nagmamadali
Sa mga oras na iyon ay napagtanto ko na minsan may mga bagay na hindi matutumbasan
ng ano mang halaga o ano mang materyal na bagay at ang minsan ay akala nating simple lang
para sa atin ay napakalaki nang bagay para sa iba dahil hindi sa lahat ng pagkakataon na ang
pinakamasaya ay nasasabing masaya dahil sa kung ano man ang hawak-hawak ng kamay dahil