You are on page 1of 2

Sa tuwing ako’y nag-iisa, lagi kong naiisip ang aking mga alaala sa pagkabata.

Isa ito sa

mga bagay sa buhay ko na masarap balik-balikan. Tunay nga na napakabilis ng panahon na parang

kailan lang noong ako'y musmos pa. Ang panahon kung kailan ko natutunan pahalagahan ang mga

simpleng bagay tulad ng mga mumurahing laruan. Naalala ko na napakasaya ko noon sa tuwing

umuuwi ang aking tatay galing sa trabaho dala-dala niya ang laruang ibibigay na sa akin.

Sa pagsapit ng umaga ay gigising ng maaga upang makipaglaro sa aking mga kaibigan.

Madalas din na kami ay maliligo sa ulan at maglalaro ng patintero sa likuran ng aming kapit-bahay.

Sabay-sabay din kaming tatakbo kapag nakita namin ang may ari. Naaalala ko rin na inaabot ako

ng gabi sa kalye kakalaro at mabilis na tatakbo patungo sa bahay kapag nakitang may dala na

pamalo si nanay. Isa rin sa mga ala-alang hindi ko makakalimutan ay ang mga kinakain namin

noon tulad ng mikmik, mga chichiryang may mga laruan sa loob at may kasamang mga pang tatu.

Kapag naaalala ko ang panahon na kung saan ang aking nanay ay ang aking tagapagturo

sa aking pag-aaral noon ay natatawa ako. Sampal dito sampal doon kapag hindi ko masagot ang

kanyang mga katanungan. Napakabilis ng paglipas ng panahon. Marami ang nagbago. Ang mga

kaibigan ko noon na kasama kong bumuo ng mga masaya at magandang alaala, ay para nang

stranger ngayon. Hinding-hindi ko kakalimutan ang mga alaala ng aking pagkabata kasi kung

hindi dahil sa aking mga karanasan at sa mga naging kaibigan ko ay hindi ako magiging kung sino

ako ngayon.

You might also like