You are on page 1of 1

VIRGEN MILAGROSA UNIVERSITY FOUNDATION

SENIOR HIGH SCHOOL


Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan 2420
Tel. Nos. (075) 531-5222; (075) 955-5222; (075) 634-1111 local 136
Website: http:///www.vmuf.edu.ph/ Email : vmuf1068@gmail.com

Padlan, Giane R. Abril 2, 2020


STEM III – St. Cecilia
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik
Gawain 3

1. Ano ang bibliograpi? Paano nito pinatitibay ang kredibilidad ng pananaliksik?

Ayon kay Gates (1994), ang bibliograpi, na tinatawag ding talaaklatan o


talasanggunian, ay isang talaan ng mga aklat, artikulo, opisyal na dokumento ng
gobyerno, manuskrito, at iba pang publikasyon tungkol sa isang paksa na binibigyang-
detalye at isinasaayos nang may sistematikong pagkakasunod-sunod. Sa maikling
salita, ito ay isang listahan ng mga sangguniang ginamit sa pananaliksik.
Ang masusing paggamit ng isang bibliograpi ay nagpapakita ng katunayan na ang
mga kaisipan at konsepto na binanggit ng isang mananaliksik sa kaniyang pag-aaeral
ay may basehan, hindi haka-haka o opinyon lamang, at walang bahid ng pagkiling o
bias.

2. Bakit dapat unahin ang paggawa ng tentatibong bibliograpi sa isang pananaliksik


sa halip na huli?

Sa proseso ng paggawa ng isang pananaliksik, isa sa pinakamahalagang gawain ay


ang pagbabasa. Bago pa man umpisahan ang pag-aaral, kailangan ay mayroon nang
mga konkretong ideya kung saan iikot ito at kung paano ang daloy nito, at iyon ay
makakamit sa pamamagitan ng masusing pagbabasa o critical reading.

Habang nagbabasa ng mga iba’t ibang aklat, peryodikal, jornal, magasin,


pahayagan at iba pa upang makakalap ng maaaring gawing basehan, inililista na
kaagad dapat ang mga sangguniang ito na may mahahalagang impormasyon upang
magsilbing gabay at masundan ang background ng pag-aaral. Ang talang iyon ay ang
tentatibong bibliograpi, na siyang maaaring baguhin (dagdagan o bawasan) habang
nananaliksik, at siyang magiging permanenteng bibliograpi pagkatapos ng pananaliksik.

You might also like