You are on page 1of 1

Ang Tunay Na Diwa ng Pasko

Tagapagsalaysay: Ibat iba ang kahulugan ng pasko sa bawat tao. Ibat-iba din ang paraan ng
pagdiriwang natin nito. Ngunit ano nga ba at paano nga ba ang tamang paggunita natin sa
Pasko.
Ngayong ay atin pong matutunghayan ang isang pagsasadula na magpapakita ng tunay na
diwa ng pasko at kung paano dapat natin gunitain ito.
Tatay: Anu ba yan. Hindi ko namalayan ang oras. Late na pala kailangan ko pang bumili ng
mga regalo para sa pamilya ko.
Tagapagsalaysay: Nawili sa pamimili ng regalo ang ama kayat hindi namalayan ang oras.
Tatay: Hala alas dose na kailangan ko nang umuwi.
TOK TOK TOK
Nanay: Ano ba naman yan honey gabing gabi na tingnan mo nga kung anung oras na. kanina
ka pa namin hinihintay.
Tatay: Tama na nga kita mo na ngang pagod na pagod ang tao. Galing ako sa trabaho nag
overtime tapus bumili ng mga regalo para sa inyo ganyan pa ang isasalubong mo sa akin.
Nanay: Regalo!? Mas inuna mo pa yang pamimili ng regalo kaysa sa amin na dilat na ang
mata sa kaaantay sa iyo para icelebrate ang pasko.
Lolo: O ano yan? Nag- aaway ba kayo? Paskong pasko a?
Mommy: Si Mike po kasi itay.
Lolo: Anak anu ba ang nangyari? Bakit ngayon ka lang? Besperas ng pasko ngayon pero
tingnan mo pasado alas 12 na.
Tatay: Gusto ko lang po namang maging masaya kayong lahat, kaya namili po ako ng mga
regalo para sa inyong lahat.
Lola: Anak masaya nga ang makatanggap ng regalo pero ibang kaligayahan ang naibibigay
ng presensiya mo sa oras ng pasko.
Anak 1. Daddy dumating na po pala kayo. (Sabay manu sa tatay). Kanina pa po namin kayo
hinihintay ni kuya para maglaro at magcelebrate ng pasko. Kuyakuya Andito na si Dad.
Anak 2: Hello po Daddy. (Sabay manu sa tatay at hatak para maglaro).
Daddy: Sandali lang anak Pasenya na kayo kung late na ako nakauwi. Ngayon ko lang
napagtanto na mas mahalaga at mas masaya ang magdiwang ng pasko kapag sama sama.
(Sabay yakap sa anak).
Daddy: Honey, itay, inay pasensiya na kayo. (Sabay yakap din sa kanila). Maligayang pasko
sa inyong lahat. 1:00 oclock na pero alam ko hindi pa huli ang lahat. Tara ipagdiwang natin
ang pasko
(Sabay sabay umupo sa harap ng mesa ang pamilya at kunwari naglelead ng devotion ang
padre de pamilya.
Tagapagsalaysay: Ang tunay na diwa ng pasko ay matatagpuan sa pagkakaisa ng pamilya sa
pinakamahalaga at pinakadakilang araw sa buong sanlibutan ang kapanganakan ng ating
Tagapagligtas. Hindi kayang tapatan ng alinmang material na bagay ang pagkakaisa at
pagsama -sama ng pamilya sa araw ng pasko.

You might also like