You are on page 1of 1

Ang Pamana Ang Pamana

Ni Jose Corazon de Jesus Ni Jose Corazon de Jesus


Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan. Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay, At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.” Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala, sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin ”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin
at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin, at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?” Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni ”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni
Bathala Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin? Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.” Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng “Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng
kasangkapan kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay? At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.” Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

You might also like