You are on page 1of 1

DEVELOPED BY SCHOOLS DIVISION OF SOUTH COTABATO

Pangalan: ___________________________ Baitang/Pangkat: __________________ Iskor: ____________


Paaralan:____________________________ Guro:_______________________ Asignatura: Esp 10_
Manunulat: Klariz Joyce S.Guiday Tagasuri: Lorelai C. Salinas
Quarter 4 Week 6 LAS #2
Paksa: Posisyon sa isyung Pornograpiya
Layunin: Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isyu ng kawalan ng paggalang sa dignidad
at sekswalidad. (EsP10PI-IV-a-13.4)
13.4.b Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isyung Pornograpiya.
Sanggunian: Reyes, E. 2018. 8 na masamang epekto ng pornograpiya sa bawat indibidwal. [online]
localrehab.net. Available at: < https://localrehab.net/8-masamang-epekto-ng-pornograpiya-
sa-bawat-indibidwal/> [Accessed 4 May 2021].
________________________________________________________________________________________
Nilalaman
Isyung Pornograpiya
Ang Pornograpiya ay itinuturing na isa sa pinakamalaking problema hindi lamang sa ating bansa kundi
pati narin sa buong mundo. Mas lalo itong lumalaganap sa panahon ngayun dahil sa impluwensya ng internet
at hindi lingid sa ating kaalaman na karamihan sa mga kabataan sa panahon ngayun ay may access sa
internet. Bilang isang kabataan kailangan mong malaman kung ano ang mga posibleng epekto ng
Pornograpiya sa iyong pagkatao lalo na sa dignidad mo upang makagagawa ka ng malinaw na posisyon o
mabuting pasiya na maaari mong gawin tungkol sa isyung ito. Nakakalungkot isipin na may mga kabataang
itinuturing ang pornograpiya bilang libangan. Kaya naman upang mamulat ka tungkol dito at mabuksan ang
iyong isipan, narito ang ilan sa mga masamang epekto ng pornograpiya na kailangan mong malaman;
- Itinuturo ng pornograpiya na ang babae ay isang sekswal na materyales – karamihan sa mga
nahuhumaling sa pornograpiya ay mga lalake na kung saan ginagawang sentro ng aktibidad ang
katawan ng babae at isa ito sa mga dahilan bakit tumataas ang kaso ng rape sa loob at labas ng
bansa.
- Ang pagkahumaling sa pornograpiya ay nakakapag-pabago sa ugali ng isang tao – nagiging
eritable, mainitin ang ulo at madaling magalit ang taong adik sa pornograpiya.
- Ang panonood ng pornograpiya ay maaaring makapagbigay ng negatibong tingin sa sarili –
nagkakaroon ng pagkamuhi sa sarili ang taong adik sa pornograpiya sa panahong gusto niya itong iwasan ngunit
patuloy parin ang kaniyang pagkahumaling dito.
- Sinisira ng pornograpiya ang abilidad ng isang tao na mamuhay ng tahimik – nalalayo sa
riyalidad ng buhay ang taong adik sa pornograpiya. Walang katahimikan ang isipan ng sangkot dito
dahil laging nasa kaniyang emahinasyon ang mga nakita o nabasa.
- Ang pornograpiya ay aktuwal na binabago ang utak ng isang tao – Alam mo ba na kapag adik ka
sa pornograpiya naglalabas ang iyong utak ng kemikal na kung tawagin ay dopamine na magdidikta sa
utak mon a patuloy na gawin ang iyong bisyo.
- Ang porn user ay nagiging mahina sa mga tukso – ang pagkalulung sa pornograpiya ay maririsulta
ng pagnanasa sa ibat ibang bagay o aktibidad na may kaugnayan sa sex.

Gawain 1: Ipahayag ang iyong posisyon o mabuting pasiya sa mga sitwasyon o katanungan. (10 ang
pinakamataas na posibleng iskor bawat isa). Makikita sa ibaba ang pamantayan sa pagbibigay ng puntos.
Pamantayan Puntos
Nilalaman - Kompleto at wasto ang lahat ng detalye sa paliwanag. 3
Organisasyon - Organisado at sinuring mabuti ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya o 3
kaisipan sa pagpapaliwanag.
Presentasyon - Maayos na nailahad at naunawaan ang paliwanag 2
Baybay at bantas - Tama ang pagkabaybay at paggamit ng mga bantas 2
Kabuuan 10

1. May mga nagsasabi na hindi masama ang panunuod o pagbabasa ng pornograpiya dahil ito ay katuwaan
at libangan lamang. Sang-ayon kaba sa paniniwalang ito?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Natuklasan mo na ang iyong malapit na kaibigan ay nahuhumaling sa panunuod ng mga mahahalay na
palabas. Ano ang iyong gagawin?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

You might also like