You are on page 1of 8

FEB

26

Pagsusuri sa akdang Ang Pamana ni


Jose Corazon dela Cruz
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

"Ang ibig sabihin ng unang saknong ay noong


isang araw nakita ng bunsong anak ang kanyang
ina na nag-iisa at nalulungkot. Binilin ng ina sa
kanyang anak ang paghahati-hati niya sa mga
materyal na bagay na ipamamana niya sa tatlo
niyang anak."

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha


Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

"Ang mensahe ng ikalawang saknong ay pilit


niyang pinapasaya ang kaniyang ina subalit
kalungkutan ang namayaning damdamin sa
bunsong anak sa kadahilanan na para bang ang ina
ay namamaalam na."           

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin


at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni
Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

"Ang ibig sabihin ng ikatlong saknong ay


nagtanong ang bunsong anak na 
kung ano ang sumagi sa isip ng kanyang ina at
bakit hinati-hati niya ang 
kaniyang mga ari-arian. Ang sagot naman ng
kanyang ina ay baka 
mamatay na siya at naninigurado lamang."
“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

"Ang ibig sabihin ng ikaapat na saknong ay ang


hiling lamang ng kanyang anak ay makapiling ang
kanyang ina na hindi mapapantayan ng anumang
materyal na bagay."

Teoryang Pampanitikan
Ang teoryang inilapat sa akda ay Humanismo sa
kadahilanan 
na ito'y napapaloob sa saloobin at karanasan ng
pangunahing 
tauhan sa akda.
jmsinoy_1
8
Visit me on instagram and Twitter on
jmsinoy_18
Huwebes, Disyembre 15, 2016

Ang Pamana ni
Jose Corazon de
Jesus Ang Pamana

Ni: Jose Corazon de Jesus

I.

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw

Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.


Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan

Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;

Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay

At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,

Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,

Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay

Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

II.

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha

Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,

Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha

Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;

Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at

sa halip na magalak sa pamanang mapapala,

Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita

Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata

Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

III.
”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin

at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,  

O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin

Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”

”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala

Mabuti nang malaman mo ang habilin?

Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming

Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

IV.

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan

Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan

Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang

Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw

Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay

At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?

Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman

Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan

Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”


ANG  PAMANA
Ni: Jose Corazon de Jesus

            Ang tulang Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus ay nangangahulugan na ang

persona ay humihiling na ang kanyang ina ay gusto niyang maging pamana. Sa unang

saknong, ay nangangahulugan na ang ina ay naglilinis ng kanilang bahay na kung saan

ay nililinis ang kanilang mga gamit na marumi at naging luma na. Nakikita ng persona

ang pilak sa buhok ng kanyang ina na ibig sabihin ay matanda na at dahil matanda na

ay nangangayat na. At sinabing ang piyano ay ibibigaysa persona ng tula, habang ang

kubyertos na pilak ay kay Itang, ang mga silya at aparador ay para kay Tikong. Dito sa

unang saknong ay naglalarawan na ang ina ay naghahabilin, na kung saan ang kanyang

yaman ay hinati-hati o ibibigay sa kanyang mga anak.

            Sa pangalawang saknong ay nagsimulang naging malungkot ang persona sa

sinabi o habilin ng kanyang ina ngunit pinilit parin niyang pinasaya ang kanyang mga

sarili. Ang ginawa niya ay nagpapatawa sa kanyang ina upang maging masaya o

matuwa. Pero kahit nagpapatawa sa kanyang ina ay hindi pa rin niya napigilan ang

pagtulo ng kanyang luha. Umiiyak na siya sa sinabi ng ina at napa-isip niya na ang

kanyang ina ay nakaka-awa. Pareho silang nalulungkot, nalungkot ang persona sa halip

na matatanggap ng pamana mula sa ina.


            Pagkatapos ay talagang humihikbi na siya sa pag-iyak na parang bata, at

niyakap ng mahigpit ang kanyang ina at sinabing gusto niyang pasayahin ang kanyang

ina nang hindi na makikitang malulungkot pa. Dagdag pa, ay tinanong niya kung bakit

napag-isipan ng ina na hatiin ang kayamanan. “Wala naman”, ang sagot ng kanyang

ina. Sinabi ng kanyang ina na baka tawagin na siya o kunin ng maykapal o kaya’y

mamatay na siya kaya’y mas mabuti na malaman na ng mga anak ang mga habilin o

mga pamana bago pa siya kunin ng Bathala.

            Sa huling saknong ay sinabi ng persona na hindi niya kailangan ang mga

kagamitan o kasangkapan. Ang gusto lamang niya ay ang kanyang ina, ang mabuhay at

makapiling ang ina. Ang kayamanang hinabilin ay walang saysay kung hindi makasama

ang ina. Hinihiling niya sa Diyos na ang kanyang ina ay gawing pamana na kung saan

ay maging masaya siya at kapiling nila ang isa’t isa. Aanhin pa ang piyano kung hindi

naman ito maitugtug sa tabi ng kanyang ina. Ang gusto lamang niya sa buong buhay

niya ay mabuhay nang mas matagal ang ina. Dahil ang ina ay walang kapantay. Ang

pagmamahal ng ina ay pagmamahal na panghabang-buhay.

You might also like