You are on page 1of 2

Ang Pamana Ni Jose Corazon de Jesus

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw


Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha


Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin


at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

Ang tulang Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus ay nangangahulugan na ang persona ay
humihiling na ang kanyang ina ay gusto niyang maging pamana. Sa unang saknong, ay
nangangahulugan na ang ina ay naglilinis ng kanilang bahay na kung saan ay nililinis ang
kanilang mga gamit na marumi at naging luma na. Nakikita ng persona ang pilak sa buhok ng
kanyang ina na ibig sabihin ay matanda na at dahil matanda na ay nangangayat na. At sinabing
ang piyano ay ibibigaysa persona ng tula, habang ang kubyertos na pilak ay kay Itang, ang mga
silya at aparador ay para kay Tikong. Dito sa unang saknong ay naglalarawan na ang ina ay
naghahabilin, na kung saan ang kanyang yaman ay hinati-hati o ibibigay sa kanyang mga anak.
Sa pangalawang saknong ay nagsimulang naging malungkot ang persona sa sinabi o
habilin ng kanyang ina ngunit pinilit parin niyang pinasaya ang kanyang mga sarili. Ang ginawa
niya ay nagpapatawa sa kanyang ina upang maging masaya o matuwa. Pero kahit
nagpapatawa sa kanyang ina ay hindi pa rin niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha.
Umiiyak na siya sa sinabi ng ina at napa-isip niya na ang kanyang ina ay nakaka-awa. Pareho
silang nalulungkot, nalungkot ang persona sa halip na matatanggap ng pamana mula sa ina.
Pagkatapos ay talagang humihikbi na siya sa pag-iyak na parang bata, at niyakap ng
mahigpit ang kanyang ina at sinabing gusto niyang pasayahin ang kanyang ina nang hindi na
makikitang malulungkot pa. Dagdag pa, ay tinanong niya kung bakit napag-isipan ng ina na
hatiin ang kayamanan. “Wala naman”, ang sagot ng kanyang ina. Sinabi ng kanyang ina na
baka tawagin na siya o kunin ng maykapal o kaya’y mamatay na siya kaya’y mas mabuti na
malaman na ng mga anak ang mga habilin o mga pamana bago pa siya kunin ng Bathala.

Talinhaga Kahulugan
Namamanglaw nag-iisip, nagmumuni-muni
Hibla tanda
Nabakas nakita
Nalulumbay nalulungkot
Kubyertos gamit na pangkain
Gunita ala-ala
Habilin utos
Magalak matuwa
Tinangka sinubukan
Ililimos ibibigay

You might also like