Professional Documents
Culture Documents
Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta) Isang
alamat na pasalin-salinsa iba’t ibang panahon at henerasyon mula noong panahonng
Ayutthaya at nagbigay- inspirasyon kay Haring Rama V ng Thailand.
Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na
hindi naman natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at
mangkukulam. Mga lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi
isinama ang kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon.
Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit
mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka,
kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom
nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag
nailuwa mo at naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot.
Tapos ka nang manood ng kasinungalingan este palabas pala sa TV. Gusto mong
maglaro sa labas kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sinabi
ni Nanay. May bumbay na nangunguha ng bata sa kalsada. Tarantadong bumbay ito.
Akalain mong pati mga batang nananahimik ay gustong kidnapin. Pero ang totoo niyan,
hindi ka pwedeng lumabas dahil bagong paligo ka. At magkakalkal ka na naman ng dumi
sa kalye kapag nakipaglaro ka. Tinatamad na si Mommy na maglinis sa iyo.
Ayaw mong matulog sa tanghali? Lagot ka, andiyan ang “lizard”. Pikit ka na, bababa na
yung “lizard”.
Kaya, kasama sa paglaki ng bata na kahit ang pinakamaliit na problemang kasing liit ng
butiki ay hindi kayang masolusyunan dahil “lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard”.
Sa hapunan, hindi pwedeng hindi mo uubusin ang pagkain. Mabubulag ka. Kahit
magkandasuka ka sa pagsubo, ubusin mo. Hindi dahil sayang ang inihanda sa mesa.
Kung hindi bahala ka, mabubulag ka.
Isasama pa ba natin dito ang mga kasinungalingan tungkol kay Santa Claus, ang tatlong
hari, ang mga pamahiin ni Lolo at Lola, ang pagiging “disente” (daw) ni Rizal,
nakakabungang-araw ang pagkain ng sobra ng mangga at ang tungkol sa mga alamat
ng pinya at Olongapo? Huwag na. Ayoko nang dagdagan ang mga kasinungalingan dito.
Si Frankie Liew ay umiibig- totoo, tunay na umiibig. Paano nalalaman ng isang lalaki na
iyon nga ang tunay? Lumalakad siya sa hangin, damdam niya’y nasa kanyang paanan ang mundo.
Ganito mismo ang nararamdaman ni Frankie Liew. Pagpasok niya tuwing umaga sa trabaho na
sakay ng kanyang Volvo, nadarama niyang lumalaki ang kanyang puso sa init ng magiliw na
pagmamahal kaya’t mapagkaibigan siyang ngumingiti sa mundo, ngumingiti kahit na sa mga
buhol na bus stops ng mga pang- umagang commuter na mukhang matatamlay. At kumakanta
siya. Kumakanta siyang bigay- hilig, sa kabuuan ng walong milya patungo sa opisina, palusot sa
mga traffic jam at nagmamadaling pedestrians, di pansin ang ingay ng alikabok, dahil siya’y
umiibig.
Mas gusto niya ngayon ang mahina at sentimental na mga kanta ni Pat Boone at Nat King
Cole at Dean Martin, at tuwing umaga, pinapatugtog niya ang tapes ng mga to sa kanyang kotse
pagpasok sa trabaho. Di magawang di sumuko si Frankie Liew sa madamdaming himig nina Nat
King Cole at Dean Martin kaya’t pikit- matang nakasandal sa upuan na ibinibigay niyang buong-
buo ang sarili sa kapangyarihan ng pag- ibig. Gustong- gusto niya kapag tungkol sa April love ang
kinakanta ni Pat Boone, at sa April showers na nagpapabukadkad sa mga bulaklak ng gagawing
bouquet para sa pinakamamahal; di nga ba’t nakilala niya ito- ang maganda, ang munti niyang
Pearl noong Abril? Tandang- tanda niya na noo’y ika- 21 ng Abril, Linggo. Ngayon, ang Abril ay
ang buwan din ng kanilang kapanganakan; tuwang- tuwa siya nang ito’y malaman kinabukasan.
Diba iyon ang patunay na sila’y nilalang para sa isa’t isa? At ‘yong isa pang nakasisiyang kanta ni
Pat Boone, I’ll Remember Tonight. Siya, si Frankie Liew, ay di makakalimot kailanman sa gabing
una niyang nakasayaw ang kanyang si Pearl. Lagi niyang maaalala ang malambot na liwanag ng
buwan na dumampi sa kanilang mukha (tulad na tulad ng sa kanta)
Talagang umiibig si Frankie Liew, dahil nagsimulang magkaroon siya ng interes sa tula. Sa
eskwela ay wala siyang kahilig- hilig sa tula (ang totoo, lagi siyang bagsak sa kanyang test sa
Literature) pero ngayo’y gusto niya ang tula- mga tula tungkol sa pag- ibig at ang
nakakapangilabot nitong mga pasyon at alitan.
“May love, she is the bejeweled star of Ind,” nasambit ni Frankie, at isa pang okasyon ay
sumulat siya mismo ng sarili niyang tula kay Pearl.