You are on page 1of 8

Ang paglilitis

kwentong bayan ng Cambodia


Salin ni Erwin L. Fadri

Noong unang panahon sa kaharian ng Cambodia, may isang binata ang umibig sa isang dalaga,
sya ay pumunta sa magulang nito upang sabihin na nais niya itong pakasalan. Gusto ko pong
hingin ang kamay ng inyong anak at kami ay magpapakasal. Ang sabi ng kanyang magulang,
kailangan mo munang dumaaan sa mga pagsubok. Kailangan mo munang ilubog sa tubig na
hanggang leeg na nakatali ang mga paa ng tatlong araw at tatlong gabi. Kahit na ikaw ay
nilalamig, hindi ka maaaring gumalaw upang mapawi ito. Kapag nalampasan mo ang pagsubok
na ito sa pamamagitan ng iyong lakas ng loob maaari mong makuha ang kamay ng aming anak
upang magpakasal. At ang binata ay pumayag sa kasunduan at sya ay tinalian at inilubog sa
tubig.

Makalipas ang dalawang gabi at dalawang araw na pagkakalobog sa lawa, nakita niya ang isang
sunog sa ibabaw ng burol. Sya ang pagod at nilalamig na, itinaas niya ang kanyang kamay at
itinuro ang apoy sa di kalayuan. At sa pagkakataong iyon ang magulang ng babae ay bumaba sa
may lawa at nakita ang kanyang ginawa. At naisip nilang gusto lamang ng lalaki na mainitan
ang kanyang sarili sa apoy mula sa malayong burol at di niya natupad ang isa sa mga kondisyon.
At tumanggi silang magpakasal ang kanilang anak.

Ang binata ay nagalit ng dahil dito at siya ay umalis upang magreklamo sa mahistrado. Inimbita
ng opisyal ang magulang ng babae at ang hinuhusgahan. Ang magulang ng babae ay pumayag
at dahil sila ay mayaman nagawa nilang magbigay ng mga regalo sa mahistrado. Subalit, ang
binata ay mahirap at walang maibigay sa mahistrado, at ito ay nagbigay ng hatol. ang binata ay
di tumupad sa mga kondisyon ng pagsubok sa pamamagitan ng pagpapainit sa kanyang sarili.
Sya ay natalo sa paglilitis na ito. Hindi niya maaaring pakasalan ang dalaga. At sa karagdagan,
kailangan niyang bayaran ang nagtatanggol sa pamamagitan ng pabibigay ng salo-salo sa ating
lahat. Ng marinig ng binata ang nagging hatol, siya ay nagalit at nabalisa, sya ay umalis na
nagrereklamo ng sobrang sakit. Sa kanyang paguwi, nadaan niya ang hukom na kuneho. bakit
ka nalulungkot, kapatid?ang tanong ng hukom ng kuneho. kailangan kung umalis at maghanda
ng isang salu-salo, ang sagot ng binata. ah ang sabi ng hukom na kuneho, magpatuloy ka at
maghanda ng piging; pagkatapos bumalik ka at akoy sunduin at isama sa handaan. Maaari kang
manalo sa kasong ito kung susundin mo ang sasabihin ko. Kapag naghanda ka ng pagkain,
huwag mong lalagyan ng asin ang sabaw. Ilagay mo ang asin sa ibang putahe.

Tuwang tuwa ang binata sapagkat alam niyang tutulungan siya ng hukom na kuneho. At sya ay
umalis upang ihanda ang salu-salo, siniguro niyang walang asin ang sabaw katulad ng sinabi
nito. At kaniyang inihain ang salu-salu kasama ang hukom na kuneho sa magulang ng dalaga at
sa mahistrado. Nakita ng mahistrado ang hukom na kuneho at kanya itong tinanong: Kapatid na
kuneho, bakit ka naririto? Naririto ako upang ikaw ay tulungan sa kasong ito ang sagot ng
hukom na kuneho. Ahhh ang sabi ng Mahistrado, Tumigil ka muna at sumama sa kainang ito
kasama namin?

At ng ang salu-salo ay inihain, unang kumain ang Mahistrado. Dalawang malalaking subo sa
sabaw ang kanyang ginawa at nagsabi, Bakit hindi nilagyan ng asin ang sabaw na ito? ang
hukom na kuneho ay mabilis na sumagot sa kanya, Ang apoy na lumiliyab sa ibabaw ng
malayong burol mula sa binata ay ipinagpalagay na nakapagpainit sa kanya. Paanong ang asin
para sa sabaw, ng inilagay malayo sa sabaw ay hindi nagbigay ng lasa dito? Ang Mahistrado
ay napahiya at natahimik. Ang kaso ng binata ay agad na binaliktad at inihayag na nanalo at
agad na ipinakasal sa dalaga.

Alamat ni Prinsesa Manorah Alamat mula sa Thailand


(Salin ni: Dr. Romulo N. Peralta)

Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta) Isang alamat na
pasalin-salinsa ibat ibang panahon at henerasyon mula noong panahonng Ayutthaya at
nagbigay- inspirasyon kay Haring Rama V ng Thailand.

Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesang alamat ng Thai at ang pinakabata sa pitong anak na
kinnaree ng Haring Prathum at Reynang Janta kinnaree. Siya ay nakatira sa maalamat na
kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Silay
nakalilipad at nagagawang itago ang kani-kanilang pakpak kung kanilang nanaisin. Saloob ng
kahariang Krairat (Grairat), nakatago ang kagubatan ng Himmapan kung saan din namamahay
ang mga nakatatakot nanilalang na hindi kilala sa daigdig ng mga tao. Sa loob ng kagubatan,
nakakubli ang maganda at kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay masayang
dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi (kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira
ang isang ermitanyo na nagsasagawa ng kaniyang meditasyon. Isang araw, napadako ang isang
binata habang naglalakbay sa kagubatan ng Himmapan. Siya ay si Prahnbun. Nakita niya ang
pitong kinnaree na masayang nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa nakabibighaning
kagandahan ni Prinsesa Manorah. Naisip niya na kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya
ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah.
Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa. Ngunit naitanong niya sa
sarili kung paano niya ito mahuhuli. Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit
ng kagubatan. Pinuntahan niya ito upang magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi saka niya
ngermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree dahil agad-agad itong lumilipad kapag
tinatakot. Ngunit naisip ng ermitanyo na may isang dragon nanakatira sa pinakasulok-sulukan ng
kagubatan na maaaring makatulong sa kanila. Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at
nagmamadaling lumisan upang hanapin ang dragon. Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang
balak ni Prahnbun, ngunit napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang
lubid na siyang panghuhuli niya sa Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang binata at patakbong
umalis na dala-dala ang makapangyarihang lubid at patagong tinungo ang ilog kung saan
naglalaro ang mga kinnaree. Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun
ang lubid at matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun nalamang ang pagkaawa ng
ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit silay walang nagawa kundi agad- agad nalumipad dahil
sa takot na sila rin ay paghuhulihin. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa
Manorah upang hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at maibigay kay
Prinsipe Suton nanooy naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa kagubatan. Nakasalubong
niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa
Manorah ang prinsipe. Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit
niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at binayaran siya nito
ng napakalaking halaga. Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa
Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isat isa. Nang sabihin ng prinsipe
sa kaniyang inang prinsesa at amang hari angbuong pangyayari, masayang-masaya sila at agad-
agad nagbalak na magsagawa ng kasalpara kina PrinsipeSuton at PrisesaManorah. Bumalik sila
sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang namuhay nang masayat
matiwasay habambuhay.

Alamat ng Ahas Alamat mula sa Thailand

Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati na silang may mga paa. Tulad ng iba pang mga hayop,
ang mga ahas ay may apat na paa na kanilang ginagamit upang makalakad.

Sa gubat, tinuruan ng isang guro ang mga magkakaibigang kobra, sawa at dahong palay ng pagtatanggol
sa sarili. Ang mga ito ay tinuruan ng guro sapagkat napansin nito na ang mga ahas ay maliliit at palagi
silang kinakawawa ng mga mas malalaking hayop.

Matapos ang kanilang pagaaral, natuto nga ang mga ahas ng kakayahang ipagtanggol ang sarili. Mahigpit
na ipinagbilin ng guro sa mga ito na wag gamitin ang natutunang kakayahan sa paghahambog lamang. Ito
ay gagamitin lang nila kung kinakailangan at sa mabuting layunin lamang.

Ngunit dahil sa bagong natutunan, naging mataas ang tingin ng mga ito sa sarili. Saan man sila magpunta
ay pinagyayabang nila na itinuro sa kanila ng guro ang kakayahan na ipagtanggol ang sarili maski mas
malaki pa ang kalaban.

Isang araw, ang mga ahas ay nagkatuwaan at nagpustahan kung sino sa kanila ang pinakamagaling.
Nagpatagisang gilas silang tatlo. Dahil dito, ang lahat ng mga hayop sa gubat ay nagkagulo. Sumakit ang
katawan ni Leon ng pilipitin ni kobra. Iika-ika si elepante matapos sipa-sipain ni sawa ang kanyang mga
binti. Si matsing naman ay napagod at hinihingal sa katatakbo upang maiwasan ang mga suntok ni
dahong palay.

Narinig ng guro ang ginawa ng mga tinuruan niyang ahas. Napa-iling ito at nag-isip kung paano niya
tuturuan ng leksiyon ang mga hambog at malilikot na hayop. Matapos mag-isip ay hinanap niya ang mga
ahas.

Nang makita ng guro ang mga ahas, ito ay nagdasal. Napatulog niya ang mga ito. Itinali niya at inipit ang
mga paa ng malilikot na ahas at pinutol ang mga ito.

Nagising ang tatlo at nakita ang putol nilang mga paa. Nasa tabi nila ang kanilang guro. Pinaunawa ng
guro na kaya niya pinutol ang mga paa nito ay dahil sa naging hambog ang mga ito dahil sa panibagong
natutunan. Pinagsabihan niya ang mga ahas na simula noon ay wala na silang paa at gagapang na lamang
sila para makalakad. Hindi na rin nila magagamit ang kakayahan sa pagtatanggol dahil hindi sila karapat-
dapat para dito.

Simula noon ay gumagapang na lang ang mga ahas. Dahil hindi na rin nila magamit ang kakayanan ng
pagtatanggol at sa hiyang dinulot ng pagkakaputol ng paa, sila ngayon ay naging mailap sa ibang mga
hayop. Nagtatago sila at nag-aantay ng tamang pagkakataon upang umatake sa kanilang biktima.
AANHIN NINO YAN? Vilas Manwat Salin ni Luwalhati Bautista
Si Nai phan ay isa sa mga sikat sa kapit-bahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na ang paay
singgaan ng saboy ng bituin; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangan ng pulitika
o panitikan. Marahil, ang kanyang talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ng sinangag ang
kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahit hindi naging katangi-tangi ang nalalaman
niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya, dahil handa niyang pahintulutan ang kanyang mga
parokayano sa walang limitasyong pangungutang.
Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyari pang dahilan
ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya: Ang dalawampung satang na halaga
ng matamis ay hindi ipinahihirap ng pamilya. Pag ang Than Khun, isang mataas na opisyal na
naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak: Magdala ka rito
ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga siya ng
baka para doon!
Sa iskinita ding iyon naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitaw sa kaninan at tumula ng mga
berso mula sa kwento nina Khun Chang at Khun Phaen; makikinig si Nai Phan nang taimtim ang
atensyon. Matapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang may yelo, na
malugod namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na may kasama pang doughnut para kumpleto.
Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: Mga binibini, nahihirapan na kayo sa
pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon, pwede nyong bitbitin ang inyong mga sapatos hanggang sa aking
tindahan at doon nyo isuot. Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na tubig para panghugas ng
paa.
Pero eksakatong gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya,
Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; dyan maganda ang negosyo, mas madali kang yayaman.
Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis.
Ang sagot na itoy may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay Nai Phan,
pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang magpundar ng mas malaki
pang kayamanan.
Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabi pagkaraan ng
maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig sa kanyang maliit
na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilang sarili, Ang saya-
saya nilang tingnan, malayo sa paghahangad sa kayamanan. Mas mabuti pa sila sa amin.
Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisia si Nai Phan. Papadilim na at
naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki.
Anong maipaglilingkod ko sa inyo sir? Tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng baril ang
estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, pero nadaman niya na hindi
maganda ang mga pangyayari.
Iabot mo ang salapi mo, marahas na sabi ng kabataang lalaki. Lahat! Kung anuman meron ka.
Mukhang patayan ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao sa ibat ibang dako araw-araw.
Pag pinatay kita, wala nang ispesyal doon, at pag napatay mo ako, hindi na rin masyadong nakapagtataka,
kaya bilisan mo na. pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala.
Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sinabi niya sa tinig na parang nakikipag-usap
lang; Ibibigay ko sayo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sayo dahil mukhang
kailangang-kailangan mo iyon. Baka nakasalalay ditoy buhay at kamatayan. Eto. . . lahat ng perang
meron ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad. Sinong nakakaalam? Siguroy may sakit ang
iyong ina; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung mag-uuwi ka ng pera o hindi.
Maraming buhay ang maaaring mnakadepende sa pag-uwi mo na may dalang pera. Hindi ko sasabihin sa
mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa. . .kunin mo na.
Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindi nagkalakas-loob na hipuin iyon.
Bakit hindi mo kunin? tanong ni Nai Phan. Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong hirap na
hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kang tao. Sino ang
gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong ama at kailangan
mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya ang perang ito, pero huwag mong ubusin lahat sa gamot.
Maniwalak ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas pati sa
kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ng bulaklak para sa
iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi.
Hindi mo kailangang malaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahan. Sapat na ang
makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay!at itabi mo ang iyong barilgiginhawa
agad ang pakiramdam mo. Ang isang lalaking may dalang baril ay hindi nakakakilala nbg kapayapaan,
ang puso niyay naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa amoy ng panganib. Hindi tayo liligaya
habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata.
Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata. Itinaas niya ang
mga kamay sa pagpupugay sa wai kay Nai Phan, na kilala sa kanyang sinangag at kape at pagbubukas-
palad.
Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka, sabi ng kabataang lalaki.
Huwag kang magsalita na parang baliw, sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang inaabot ang pera sa
binata. Ito na lahat iyon. Dalhin mo at iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit. Alam ko na
puno ang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko, tulad ng ibang lalaki;
kahit sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan din ang gagawin ko kung desperado.
Naupo ang kabataang holdaper. Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako nakakita kailanman ng
gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang aking baril. Ngayoy uuwi
na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo, umubo siya ng ilang ulit bago nagpatuloy. Masama akong anak.
Lahat ng perang ibinigay sa akin ng aking inay inubos ko sa karera ng kabayo; yong kakaunting natiray
inubos ko sa pag-iinom.
Lahat ng taoy nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkahalong eksperimento, pagkakamalit mga
kabiguan? sabi ni Nai Phan.
Hindi, malakas ang katawan ko, alam mo, pagpapatuloy ngkabataang lalaki. Narinig mo ba ang ubo
ko? Natatakot ako na mayroon na akong T.B. iyon ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahil meron akong
mga ginawang masasamadapat talagang mamatay na ako agad-agad. Hindi ako dapat mabuhay,
pasanin lang ako sa mundo. Salamat, at paalam.
Hindi mo kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag-usap tayo. Gusto kitang makilala. Saan
ka nakatira? Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mga pinaniniwalaan mo?
Walang pag-asang umiling ang kabataang lalaki. Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon. Saan ako
maaaring pumunta? Ano ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang walag anupaman sa
mundong ito na karapat-dapat na paniwalaan. Naging isang miserableng nilikha na ako mula nang araw
na akoy ipinanganak; hindi nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking mga kapwa-tao. Minsan, ang
tingin koy pananagutan ng lahat ang mga kasamaan ko. Ayokong makisalamuha sa mga tao. Hindi ako
nagtitiwala sa kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang paraan ng pakikipag-usap ng tao sa isat isa, kung
paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paano nila mahalin at purihin ang isat isa, kung paano sila
tumawa at ngumiti.
Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. Lahat ng taoy ganon ang pakiramdam kung minsan.
Kaya mo ba akong paniwalaan?. Hindi ako interesado sa kahit ano. Sawang-sawa na ako sa lahat. Ang
buong mundo ay parang hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman na mapangangapitan o
maigagalang ng tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho, sa palagay ko ay maaari akong humanap ng
gawain. Pero nasusuklam akong makita ang sangkatauhan, ayokong tumanggap ng kahit na anong pabor
mula sa kanila. Mananatili ako nang isang linggo sa isang trabaho, dalawang linggo, sa isa pahindi ako
nagtatagal kahit saan.
Nagbabasa ka ba ng libro?
Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ako nagbabasa ng dyaryo ngayon. Bakit pa? alam na alam ko kung
anong laman nila. Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mga lugar at mga pangalan,
pero ganun at ganon din ang mga istorya.
Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga mata kay Nai Phan.
Suwerte mo na hindi ka nagpakita ng anumang takot o galit nang pagbantaan kita ng baril, tiyak na
papatayin kita. Ang daigdig na itoy punung-puno ng mga lalaki na gustong magpakita ng galit, mga
lalaking marurumi ang isip, na laging bumubulalas na nabubulok na raw ang sibilisasyon at moralidad.
Hindi ako naniniwala na dahil lang daan-daan o libo-libo ang napasama, ganun na rin ang dapat gawin ng
lahat ng tao. Alam ko na ngayon na hindi ako naparito dahil sa pera kundi para patunayan sa sarili ko na
tama ang aking paniniwala. Naiisip ko palagi kahit pa nawawalan na ng pag-asa ang mundo at lumulubog
na sa kalaliman, pinarumi at dinungisan ng kasalanan ng tao, may natitira pa rin kahit isang tao na hindi
tao dahil lang ganun ang itsura niya, kundi isang tunay na taong nilalang. Alam niya kung paaanong
magmahal ng iba, kung paano mapagwawagian ang paggalang ng ibang tao. Pero hindi ko ganap na
pinanaligan iyon dahil wala pa akong nakitang ganun. Sa loob ng maraming taon ay iniisip ko: Sanay
makakita ako ng isang tao na hindi pa naging buktot kasabay ng kabuktutan ng mundo, para
mapaniwalaan ko na may natitira pang kabutihan, para magkaroon ako ng lakas para patuloy na
mabuhay. Ngayoy nakatagpo ako ng isang taong ganun. Ibinigay mo sa akin ang lahat ng hinahangad ko.
Wala ka nang dapat ibigay. Uuwi na ako ngayon. Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na kamumuhian uli ang
daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng buhay na gusto kong tuntunin.
Mukhang naging mas masigla na ang estranghero. Tumindig na siya para umalis at pagkaraan, naalala
niya, inilabas niya ang baril. Iniabot niya iyon sa may-ari ng tindahan.
Sanay kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumang lalaki na
magdadala ng baril ay walang awa o paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi ang baril. Ang mga
bandidoy maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nilay laging gagambalain ng katotohanan
na ang mga kaaway nilay maaaring sumalakay sa kanila nang wala silang kahandaan. Wala silang
panahon para panoorin ang paglubog ng araw o para umawit. Pag ang taoy walang panahon para umawit,
mabuti pang maging kuliglig na lang o ibong mynah.
Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam, idinugtong nito: Babalik ako para
makita ka uli, pero huwag mo nang ipakita uli sa akin ang aking baril. Yan ang kaaway ng isang malinis
na buhay. Paalam.
Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, para bisitahin ang
pinakabago niyang pag-aari. Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon. Kailangang-kailangan niya ng
bagong pansala ng kape.

You might also like