You are on page 1of 14

Immaculate Heart of Mary School

Pacita 2/Guevarra Subdivision, City of San Pedro, Laguna


S.Y. 2019-2020

MATALINGHAGANG PAHAYAG

Ipinasa ni: Ipinasa kay:


Andrew Julian B. Zamora Gng. Cleotilde Pastolero
TALAAN NG NILALAMAN
Layunin
Matalinghagang Pahayag o Idyoma……………………………………………………………….1
Matalinghagang Pahayag: Tayutay………………………………………………………………..1

Mga Uri ng Tayutay…………………………………………………………………………….1-3

Mga Halimbawa ng Tula………………………………………………………………………….3

Guryon…………………………………………………………………………………………….3

Kapaligiran………………………………………………………………………………………...4

Bukang Liwayway………………………………………………………………………………...5

Ang Aking Pag-ibig……………………………………………………………………………….6

Isang Di Pang-Langit……………………………………………………………………………7-8

Pag ibig………………………………………………………………………………………….8-9

Ang Panday…………………………………………………………………………………….9-10

Bibliograpi
LAYUNIN
Ang sulating pananliksik na ito ay isinasagawa bilang proyekto sa Filipino 10.

Ito’y kinapalooban ng mga paksa tungkol sa Matalinghagang Pahayag o Idyoma,


Matalinghagang Pahayag: Tayutay, Mga Uri ng Tayutay at Mga Halimbawa ng Tula.

Ang proyektong ito ay bilang karagdagang impormsayon sa mga mambabasa na


maunawaan ang Matalinghagang Pahayag

Ang May Akda


Matalinghagang Pahayag o Idyoma
Mga salita o pahayag ay hindi tuwiran o hindi tahasang pagpapahayag sapagkat ang
kahulugan nito ay matalinghaga o malayo sa tunay nitong kahulugan. Ang mga ito ay ginagamit
upang mas maging makulay, masining at makahulugan ang pagpapahayag.

Halimbawa:

Idyoma Kahulugan
matalis ang isip matalino
boses ipis mahina ang boses
naningalang-pugad nanligaw
higad na higad kuripot
hinipan na lobo mataba

Matalinghagang Pahayag: Tayutay


Sa mga lumang libro, ayon kay Nucava, et al. (2016), ang “talinghaga” na binabanggit ay
ang tayutay rin. Ilan sa pinakagamiting talinghaga/tayutay sa diskursong Filipino ay ang mga
sumusunod.
Mga Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad o Simile – paghahambing ng dalawang tao, hayop, bagay, pangyayari o
kaya’y kaisipan na may magkatulad na katangian na ginagamitan ng salitang katulad,
tulad, tila, kamukha, kawangis, parang, gaya, anki’y, animo’y at iba pang kauri nito.

Hal. Siya ay katulad ng bulaklak na Mirasol sa ganda.

2. Pagwawangis o Metapora – ito’y tuwiran paghahambing dalawang magkailang tao,


hayop, bagay, pangyayari o kaya’y kaisipan na may magkatulad na katangian.

Hal. Siya ay ang bulaklak na Mirasol sa ganda

3. Pagsasatao o Personipikasyon – ang katangian o kilos ng tao ay inililipat sa mga bagay


na walang buhay.

Hal. Masayang sumasayaw ang mga puno sa saliw ng hangin

_________
Mercy T. Acosta, et al., BANYUHAY 10. “Matalinghagang Pahayag o Idyoma.” Bulacan: KLEAFS Publishing Inc., p.76
Op.cit. Acosta, et al. “Matalinghagang Pahayag: Tayutay”. p.182
4. Pagmamalabis o Hyperbole – pagpapahayag na malayo sa katotohanan o imposibleng
nangyare dahil nilalabisan ang ibinigay na katangian sa tinutukoy.

Hal. Yumanig ang kanilang kinaroroonan daihil sa kaniyang pag-iyak

5. Pagtawag o Apostrophe – ito ay pakikipag-usap sa walang buhay o pagtawag subalit


wala sa iyong harapan.

Hal. O. magandang kapalaran, lumapit ka sakin!

6. Pagpalit-tawag o Metonomiya – ito’y papapalit ng pagtukoy o pagtawag sa bagay o tao


na pinatutungkulan.

Hal. Sadyang mas nais niyang manirahan sa perlas ng silangan

7. Pagpapalit-saklaw o Sinekdoke – ang pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan


bilang katapat ng kabuon.

Hal. Masayang hinihingi ni Kony ang kamay ni Maan kay Mang Adong

8. Retorikal na Tanong – pagtatanong na hindi nangangailangan o kaya’y naghihintay o


inaasahang sagot.

Hal. Dapat ko ba siyang ipagpatuloy na mahalin?

9. Pag-uyam o Ironya – kunwati ay pumupuri subalit ang katotohanan nito ay


nangungutya.

Hal. Talagang mayaman siya, kinukuha niya ang kaban ng bayan

10. Pagtatambis o Oksimoron – paggamit ng mga salita o pahayag magkasalungat.

Hal. Kung gaano katalino ang bunso ay ganon naman siya kabagal

11. Paglumanay o Eypemismo – layunin ng tayutay na ito na pagaanin ang tindi ng


kahulugan ng mensaheng pararating, ito ay upang huwag maging masakit ang dating o
bagsak nito.

Hal. Isa kang napakasipag na anak, tulog, lamon, lakwatsa at barkada ang walang
pagod mong ginagawa sa araw-araw na ginagawa ng Diyos.
12. Pagsusukdo o Klaymaks – sa tayutay na ito ay inaayos sa papataas o papatinding tinig
ang mga pangyayari.

Hal. Nagsikap siya sa pag-aaral, noong gumradweyt ay nakapagtrabaho agad sa isang


kilalang kompanya, nag-aral siya sa pagkaabogado at ngayo’y siya na ang may-ari ng
kompanyang itinuturing na siyang pinakamalaki sa CALABARZON.

Mga Halimbawa ng Tula


1. Guryon 3. Biyaya ng Kalikasan
2. Tao, Ika’y Likha Lamang 4. Mahatma Gandhi

GURYON
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon na yari sa patpat at
papel de hapon, magandang laruang pula, puti, asul na may
pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin ang guryon mong ito ay


paatimbangin, ang solo’t paulo’y sakatang magaling nang hindi
nag-akit o kaya’y magkiling.

Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas at sa papawiti’y bayaang


lumipad datupwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, at baka lagutin ng
hanging malakas.

Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw ay mapapabuyong


makipagdagitan; makipaglaban ko, subait tandaan na ang
nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig, matangay ng iba o


kaya’y mapatid, kung saka-sakaling di na mapabalik, maawaing
kamay nawa ang magkamit.

Ang buhay ay guryon; marupok, malikot, dagiti’t dumagit,


saanman sumuot… o paliparin mo’t inalik sa Diyos, bago
pagtutuluyang sa lupa’y sumubsob.

__________
Op.Cit. Acosta, et al., “Mga Uri ng Tayutay.” p.76-77
Op.Cit. Acosta, et al., “Mga Uri ng Tayutay.” p.182
Op.Cit. Acosta, et al., “Mga Uri ng Tayutay.” p.183
Remedios V. Infantado, et al. TUKLAS II. “Guryon.” Manila: Magallanes Publishing House, 2006, p.111
Kapaligiran
Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin?

Hindi nga masama ang pag-unlad


At malayu-layo na rin ang ating narrating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Ang dating kulay asul ngayo’y nagging itim.

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin


Sa langit ‘wag na nating paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man
Sariwang hangin sa langit natin matitikman

Mayroon lang akong hinihiling


Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko’y aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan.

Ang mga batang ngayon lang isinilang


May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan.

Bakit’ di natin pag-isipan


Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakasisira ng kalikasan.

Darating ang panahon mga ibong gala


Ay walang madadapuan.
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo’y nangamatay dahil sa ating kalokohan.

Lahat ng bagay na narito sa lupa


Biyayang galling sa Diyos kahit nang ika’y wala pa
Ingatan natin at wag nang sirain pa
Pagka’t pag kanyang binawi, tayo’y mawawala na.

__________
Op.cit. Infantado, et al. “Kapaligiran”. P.262
Bukang Liway-way ng Vietnam

Ang tilaok ng punglo ay halimaw na lumalaping sa katahimikan ng


humuhulas na dibdib ng dalagang montangyard!

Nasaksihan ko sa lalawigang Tay Ninh ang pagsasalubong ng


nananaong ng hating gabi at umaakyat na bukang liway-way, hila-
hila ang di ko matitigang umaga na lalapangin lamang ng mga
putak ng dumalagang nangitlog ng “plastic bombs”

Ilog Mekong ang mga sandali na hindi malinas ng mga dasal sa


bunga ng karbing M-14.

Ang gabi ay nakaposas na mga kamay ng orasan sa Delta… at


Golpo ng Tonkin!

Kay haba ng magdamag sa lansangan ng Nguyen Huey… mula sa


ika-10 ang “curfew”, ngunit walang kailangan… may sindi ang
mga ilaw sa Embahadong Yankee!

Ang kalinsanganan ng pagbubukhang-liwayway sa Saigon ay


nakapagpapagunita sa lamig ng gabi sa Arayat, sa Koindaba, sa
Magalang!

Ilang sugating sandal pa at mapulang sakong na ng dalagang


Saigones sang Silangan; sa kapatagang Tri Vinh ay nakatalaksan
ang mga lagas na taludtod…

Sa di kalayuan ay bakli ang mga kaganapang uhay ng palay sa


bigat na pira-pirasong katawan ng helicopter!

Sa mga “hamkt” sa Phu Loi ay paalis ang duguang halimaw na


tilaok ng punglo… ngunit sinasalubong ng mga putak ng
dumalagang nangitlog ng “plastic bombs”!

Patuloy ang pagkulo ng bukang-liwayway na ginagatungan ng mga


mongheng Budhista

__________
Op.Cit. Infantado, et al. “Bukang Liway-way sa Vietnam”. p.345
Ang Aking Pag-ibig

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal? Tuturuan kong lahat
Ang mga paraan, iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita ng buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahimbing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipan.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paapi,
Kasing wagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y using musmos pa sa turing
Na ang pananalig at di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkbigo ko ay panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa diyos naman na ipagatalaga

Malibang ma’y lalong iibigan kita.

__________
Loc.Cit. Acosta, et al. “Ang Aking Pag-ibig” p.71
Isang Dipang Langit

Ako’y ipiniit ng linsil na puno


hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:


bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,


sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala


na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang


sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap


at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog


at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!

Pag-Ibig

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!


Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,
tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;


pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo… naglalaho,
Layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,


Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

__________
Maurita M. Reyes, et al. FILIPINO: Lebel 9. “Isang Dipang Langit”. Manila: Vicarish Publication ang Trading, Inc., 2006, p.2-3
Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,
Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.
Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod
Pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,


Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
Ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan
Iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!

Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib


Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip.
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig,
Pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.

Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag,


Ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak.
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak,
O wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.”


Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
Minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.

Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais,


kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid.
Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib,
At ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

Ang Panday

Kaputol na bakal na dungkal sa bundok,


dinalisay muna sa apoy, lumambot;
sa isang pandaya’y matyagang pinukpok,
niyari ng panday na nasa ng loob.

__________
Op.Cit. Reyes, et al. “Pag-ibig”. p.79
Walang anuano’y naging kagamitan
araro na ngayon ang bakal na iyan-,
ang bukiri’y buong sipag na binungkal,
kasabay ang tanim ng dilig ng ulan.

Nguni’t isang araw, sumiklab ang gulo


at ang sambayanan ay bulkang sumubo;
tanang makabansa’y nagtayo ng hukbo
pagka’t may laban nang nagaalimpuyo!

Ang lumang araro’y pinagbagang dagii,


nilagyan ng talim nang pandaying muli:
naging tabak namag tila humihingi
ng paghihiganti ng lahing sinawi!

Kaputot na bakal na kislap ma’y wala,


nguni’t ang halaga’y hindi matingkala-
ginawang araro’t pambuhay ng madla,
ginawang sandata: pananggol ng bansa!

Pagmasdan ang panday, bakal din anaki,


walang kayabanga’t nasa isang tabi;
subali’t sa kanyang kamay na marumi
ay naryan ang buhay at pagsasarili!

__________
Loc.Cit. Infantado, et al., “Ang Panday”. P.33
Bibliograpi
Acosta, Mercy T., et al. BANYUHAY 10. Bulacan: KLEAFS Publishing, Inc.
Infantado, Remedios V., et al. TUKLAS II. Manila: Magallanes Publishing House, 2006.
Reyes, Marita M., et al. FILIPINO: Lebel 9. Manila: Vicarish Publication and Trading,
Inc., 2006, p.2-3

You might also like