You are on page 1of 2

SANGINES, KIEL ANDREI D.

BSCE 3
ASS 9

Sumulat ng isang halimbawang tula ng alinman sa Tulang Patnigan o Tulang Padula

TULANG PADULA/PANTANGHALAN- KOMEDYA


Ang Simbang gabi at ang Pasko
Akda ni Kiel Sangines

(Naghahanda ang mag-anak papunta ng simbahan) ( Biglang tumugtog na ang kampana malapit sa
bahay).

Unang Tagpo:
Nanay: “Dalian niyo na Mark at Precious at baka mahuli tayo sa misa.”
Mark: “Andiyan na po nay hinihintay ko lang si Precious.”
Precious: “Andiyan na ako nagsusuklay lang ako ng aking buhok.”
Mga anak: “Handa na po kami nanay at tatay tara na po.”
Nanay: “O siya sige, tara na’t baka tayo’y mahuli sa huling gabi ng Simbang gabi.”
Tatay: “Magiingat kayo sa paglalakbay sa kalsada.”
Nanay: “O mahal hindi ka sasama sa amin sa Simbang gabi?”
Tatay: “Mauna na muna kayo at susunod na lang ako at ako’y magaayos pa ng ating munting parol
para masabitan natin ang ating bahay at maramdaman natin ang diwa ng pasko.”
(Lalakad na ang mag-iina papuntang simbahan).

Pangalawang Tagpo:
(Tanawin: Labas ng simbahan) (Nakalibot na ang mga tindera at may tindang pagkaing pampasko)
(May mga tao din na nagtutugtog ng pampaskong tugtugin).
Nanay at Tatay: Maligayang Pasko sa inyo, mga anak”. (Mga anak magmano)
Mga anak: “Maligayang pasko din po sa inyo, Nanay at Tatay.” (May madadaanan silang mga tindera
na nagtitinda sa labas ng simbahan).
Mark: Ano po ang tinda niyo?
Tindera 1: Mayroon po kaming putobumbong, puto, kutsinta at iba pa.
Mark: Pagbilan nga po nga po ng dalawang putobumbong.
Precious: Meron po ba kayong suman?
Tindera 2: Mayroon, anak. Ilan ba ang gusto mo?
Precious: Dalawa nga po.
Tatay: Tara na mga anak punta na tayo sa bahay ng inyong Lola at Lolo.
Nanay: Halina kayo mga anak pumunta na tayo sa inyong Lolo at Lola.
(Kumatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola si Tatay).
Tatay: Tao po, nay tay.
Lolo: (Binuksan ang pinto) Halika kayo mga anak at apo, tuloy kayo.

Pangatlong Tagpo:
Mga Anak: Mano po, Lolo at Lola.
Lolo at Lola: Kaawaan kayo ng Diyos, mga apo.
(Nanay at Tatay nagmano din) (Ninong at Ninang nakaupo sa silya)
Mark: Mano po, Ninong at Ninang.
Ninong at Ninang: Kaawaan kayo ng Diyos anak.
Precious: Lola, ang bango at sarap naman po ng niluluto ninyo!
Mga anak: Gutom na nga po kami eh. Gusto na po naming kumain.
SANGINES, KIEL ANDREI D.
BSCE 3
ASS 9

(Matapos kumai, hahaplusin nila ang kanilang mga tiyan dahil sobrang busog at magkekwentuhan)
Precious: “Nanay, Tatay sana’y pasko na lang araw-araw para kasama natin lagi sila Lolo at Lola.”
Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami. Maligayang pasko po sa inyo ulit at Manigong Bagong Taon.
Nanay at Tatay: “Maraming salamat po sa handa ninyong mga pagkain nanay at tatay.”
Buong Mag-anak: (Muling magmamano sabay aalis at magpapaalam). “Paalam na po. Mamasko pa po
kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising naming sa umaga.
Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo daan mga apo at mga anak”.

You might also like