You are on page 1of 13

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino II

Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon

Angeles University Foundation, Angeles City

I. LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng talakayan ay ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nailalahad ang pagkakaiba ng salitang may at mayroon sa wastong kalagayan;

Nakasusulat ng isang editoryal na may mga pangungusap gamit ang salitang may at
mayroon;

Naipapahayag ang kanilang mga pahayag o kasagutan gamit ang mga salitang may at
mayroon;

Nakabubuo ng isang repleksyon tungkol sa isang isyu na naayon sa paksang tinalakay


(salitang may at mayroon);

Naisasagawa ang takdang-aralin sa pamamagitan ng pagdudula at pag-aawit batay sa


tinalakay na paksa.

II. PAKSA: Ang wastong gamit ng may at mayroon.

III. KAGAMITAN:

Cartolina

Laptop

Projector

Larawan

Sipi ng Dula-dulaan

IV. PROSESO NG PAGKATUTO


GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

PAGGANYAK

Magandang Umaga! Magandang umaga din po!

Alam ba ninyo kung ano ang dula-


dulaan?

Sino ang makapagbibigay ng kahulugan


ng dula-dulaan klas?
Ito po ay isang uri ng panitikan na ang
Sige nga, Wharren?
pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Tama!

Sino pa ang may ibang kasagutan?

Yes, Heloiza, ibahagi mo ga ang iyong


Ito rin po ay nahahati sa ilang yugto at ang
nalalaman ukol sa dula-dulaan?
bawat yugto'y maraming tagpo.
Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa
tanghalan ng mga tauhan.

Okay, tama ang inyong ibinigay na


kasagutan.

Ako’y may inihandang dula-dulaan na


kinapapalooban ng diyalogo ng mga
iba’t-ibang tauhan.
Ang bawat isa sa inyo ay aatasan kong
magbasa batay sa tauhang nakaatas sa
Opo, Ma’am.
kanila. Pagkatapos ay may mga
katanungan akong ibibigay sa inyo.

PAGHAWI NG BALAKID

Bago natin basahin ang dula ay atin


munang bigyang linaw ang mga bagong
talasalitaan upang lalong maintindihan Opo, Ma’am.
ang mga ito. Malinaw ba iyon klas?

Ann, basahin ang unang pangungusap.


Tumutugtog ang kampana.

Ang ibig sabihin po ng salitang kampana ay


Ang ibig sabihin ng kampana ay? isang instrumentong lumiklikha ng tunog o
mas kilala sa katawagang “bell” sa ingles.
Tama!

“Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”


Jessica, pakibasa ang pangalawang
pangungusap.

Ano ang ibig sabihin ng salitang kalsada? Ang ibig sabihin po ng salitang kalsada ay ang
daanan ng mga sasakyan.
Tama!

Glenda, pakibasa ang ikatlong “Mayroon akong puto at kutsinta.”


pangungusap.
Ang ibig sabihin po ng salitang kutsinta ay
Ano ang ibig sabihin ng salitang kutsinta? isang uri ng malagkit na puto.
Tama!
“Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.”
Heloiza, pakibasa ang ikaapat na
pangungusap.

Ano ang ibig sabihin ng salitang Ang ibig sabihin po ng salitang kaawaan ay
kaawaan? ang pagbibigay basbas o blessing sa isang tao.

Tama!

“Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto


ko.”
Wharren, pakibasa ang ikalimang
pangungusap. Ang ibig sabihin po ng salitang salu-salo ay
marami o iba’t-iba.
Ano ang ibig sabihin ng salitang salu-
salu?

Tama!

Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa


Noche Buena.”
Mark, pakibasa ang huling pangungusap.

Ano ang ibig sabihin ng salitang Noche Ang ibig sabihin po ng salitang Noche Buena
Buena? ay ang araw bago sumapit ang pasko.

Tama!

Ngayon klas, maaari niyo ng basahin at


isadula ang ibinigay kong halimbawa ng
dula-dulaan batay sa iniatas kong tauhan.

Lolo at Lola- gagananap ay si Wharren


Ninang at Ninong- gaganap ay si Mark

Tatay at Nanay- gaganap ay si Heloiza

Mga Anak- gaganap ay sina Ann at Glenda PASKO - Dula-dulaan


Tagapagsalaysay- gaganap ay si Jessica. Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)

(Naghahanda ang mag-anak papunta sa


simbahan. Tumutugtog ang kampana.)

Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Mayroon


nang misa ngayon baka mahuli tayo.”

Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”

Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita


ang sapatos ko.”

Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”

Anak 4: “Ako rin po.”

Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas


ng bahay, mga anak.”

Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa


kalsada at may dumaraang mabibilis na
sasakyan doon.”

(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)

Tilon

Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang
misa)

(May tindera at may tugtuging pamasko.)

Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo,


mga anak.”

Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin


po sa inyo, Nanay at Tatay.”

(May mararaanang mga tindera ang mga bata


paglabas ng simbahan.)

Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?”

Tindera 1: “Mayroon akong puto at kutsinta.”

Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.”


Anak 2: “Mayroon ba kayong suman?”

Tindera 2: “May tinda akong suman, anak.


Ilan ba ang gusto mo?”

Anak 2: “Dalawa po.”

Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain


sapagkat mayroon silang inihanda, Ate.
Hindi pa naman ako gutom.”

Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola,


marasap pa!”

Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola.


Hinihintay nila tayo.”

Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at


Lola.)

Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga


anak.”

Tilon

Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)

Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.”

Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga


anak.”

(Nanay at Tatay – magmamano rin)

Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)

Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.”

Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.”

Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng


luto ninyo!”

Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng


niluto ko.”

Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda


na ang mga pagkain natin para sa Noche
Buena.”
Anak 3: “Gutom na nga ako eh.”

Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming


niluto si Lola, at mayroon pang masarap na
pagkain.”

(Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa


busog at magkukuwentuhan)

Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko


araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at
Lola.”

Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.”


“Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong
Bagong Taon sa lahat.”

Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa


handa ninyong mga pagkain. Busog na busog
po kaming lahat.”

Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano


kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.”
“Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak
natin pagkagising sa umaga.”

Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.”

Tilon
Magaling ang pagbabasa mga anak!

PAGLALAHAD

Okay ating babalikan ang dula klas.


Mayroon pong misa kaya nagmamadali ang
Anong okasyon mayroon at ganoon na mag-anak.
lamang ang pagmamadali ng mag-anak?

Yes, Ann?
Tama!

Anong dahilan kung bakit kailangang Dahil may dumaraang mabibilis na sasakyan
mag-ingat sa kanilang paglalakad ang doon.
mga bata?

Sige nga Wharren?

Tama!

May tindera at may tugtuging pamasko.


May mararaanang mga tindera ang mga bata
Pagkalabas nila sa simbahan, ano ang
paglabas ng simbahan.
kanilang nakita?

Sige nga Mark?

Magaling!

Anong paninda mayroon ang tindera?


“Mayroon siyang puto at kutsinta.”
Ano ang iyong kasagutan Glenda?

Tama!

“Mayroon ba siyang tindang suman?”


Ano pa ang hinahanap na pagkain ng
panganay na anak?

Yes, Heloiza?

Tama!
“May tinda akong suman, anak. Ilan ba ang gusto
mo?”
Ano naman ang isinagot ng tindera sa
kanya?

Yes, Jessica?

Tama!
Sapagkat mayroon silang inihanda.

HANAY A HANAY B
Ano ang dahilan kung bakit gusto niyang
kumain sa bahay ng kanyang Lolo’t Lola?
1. Mayroon 1. Dahil may
YES, Mark? dumaraang
pong misa
kaya mabibilis na
Tama!
nagmamadali sasakyan doon.
ang mag-anak.
2. May tindera at
“Mayroon may tugtuging
Ngayon klas, batay sa mga ibinigay 2.
pamasko.
ninyong mga kasagutan na isinulat ko sa siyang puto at
May
pisara ay atin muna itong basahin muli. kutsinta.” mararaanang
Malinaw ba iyon klas? mga tindera
3. “Mayroon ba
ang mga bata
siyang tindang paglabas ng
suman?”. simbahan.
3. “May tinda
4. Sapagkat
akong suman,
mayroon
anak. Ilan ba
silang
ang gusto mo?”
inihanda.
Ano ang napansin ninyo sa mga
pangungusap na binasa?
Batay po sa aking sariling pagpapahayag ng
Sige Wharren? aking kasagutan, ang nasa hanay A po ay
ginamitan ng salitang may samantalang ang
nasa hanay B ay ginamitan ng salitang
mayroon.

Tama!

PAGHAHAMBING/PAGHALAW

Sa pagpapahayag ng inyong mga


kasagutan o pahayag ay gumamit kayo ng
mga salita na nagsisimula sa salitang may
at mayroon. Hahatiin ko kayo sa
dalawang pangkat upang suriin ang
Opo, Ma’am.
nakasulat sa bawat hanay Hanay A
(GROUP 1) at Hanay B (GROUP 2). At
baway miyembro ng grupo ay
kinakailangang sumagot. Makinig kayong
mabuti.

Katanungan para sa unang grupo. Ano


Ito po ay nagsisimula sa salitang mayroon.
ang napansin sa mga unang salita ng
pangungusap na nasa Hanay A?

Sagutin nyo nga (GROUP 1)?

Tama!
Ano naman ang mga salitang sinundan
ng mayroon?
Ang mga salitang sinundan ng mayroon ay
Sagutin nyo nga (GROUP 1)? pong, siyang, at silang.

Tama!

Anong bahagi ng pananalita ang mga ito?

Sagutin nyo nga (GROUP 1)? Ang salitang po ay isang kataga. Samantalang
mga salitang siya at sila ay panghalip na
panao.
Magaling!

Katanungan para sa ikalawang grupo.


Ano ang napansin sa mga unang salita ng
pangungusap na nasa Hanay A?

Sagutin nyo nga (GROUP 2)? Ito po ay nagsisimula sa salitang may.

Tama!

Ano naman ang mga salitang sinundan


ng mayroon?

Sagutin nyo nga (GROUP 2)?


Ang mga salitang sinundan ng may ay
Tama! dumaraan, tindera, mararaanan, at tinda.
Ang salitang dumaraan at mararaanan ay
mga pandiwa. Samantala ang mga salitang
Anong bahagi ng pananalita ang mga ito?
tindera at tinda ay pangngalan
Sagutin nyo nga (GROUP 2)?

Magaling!

PAGLALAHAT

Batay sa inyong mga kasagutan ano ang Ang mayroon ay ginagamit kung ang sumusunod
wastong gamit ng salitang mayroon? na salita ay isang kataga, panghalip na panao
(personal pronoun) o pamatlig at pang-abay na
Yes, Wharren?
panlunan (adverb of place.

Tama!

Ano naman ang wastong gamit ng


May ang ginagamit kung ang sumusunod na salita
salitang may? ay pangngalan, pang-uri, pandiwa at pang-abay.
Yes, Jessica?

Tama!
PAGGAMIT/ EBALWASYON

Upang lubos niyong maunawaan ang


wastong gamit ng salitang may at
mayroon, kayo’y aatasang kung sumulat
ng isang editoryal. Nasa inyo kung anong
paksa ang inyong nais, kailangan lamang
ito ay naglalaman ng mga wastong
paggamit ng salitang may at mayroon.

TAKDANG-ARALIN

Sa isang buong papel, sumulat ng isang


repleksyon tungkol sa isyu na napanood
ninyo sa telebisyon o kaya’y internet
gamit ang wastong gamit ng salitang may
at mayroon. Itala kung anong petsa ninyo
napanood, ano ang paksa o isyu at ang
inyong reaksyon.

At sa susunod nating pagkikita ay


irepresenta ang isinagawang repleksyon
sa pamamagitan ng pagsasadula kalakip
nito ang paglalapat ng pagkilos, iba’t-
ibang emosyon at pagsasaawit dito.

You might also like