You are on page 1of 4

MASUSING BANGHAY SA FILIPINO V

Oktubre 11, 2017


8:00-9:00 AM

I. Layunin:
a. Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay.
II. Paksang Aralin:
Paksa: Pagpapangkat ng mga Salitang Magkakaugnay
Pagpapahalaga:
Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum, Filipino V (Alab Filipino) p.96
Kagamitan: Activity cards, tsarts
III. Pamamaraan/Statehiya
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

a. Panimula
Magsitayo ang lahat upang manalangin.
Opo, Sir! Sa ngalan ng ama, anak…

Magandang umaga mga bata!

Magandang umaga din po Sir!

May lumiban ba sa klase?


Wala po Sir!

Ngayon, bago tayo tumungo sa ating bagong


aralin, magbalik aral muna tayo. Ano ba ang ating
tinalakay natin noong nakaraang araw?
Sir, nagkaroon po tayo ng maikling
pagsusulit tungkol sa mga salitang may
kaugnay ng salitang nasa loob ng bilog.

Tama! Ngayon mga bata ay magkakaroon tayo ng


pangkatang gawain. Patungkol sa ating bagong
paksa. Hahatiin ko kayo ng tatlong grupo. Ang
unang matatapos ang syang panalo. (Ang guro ay
magbibigay ng mga larawan na may kaugnay na
salita.)
(Pagsasagawa ng mga bata na ibinigay na
pangkatang gawain.)
Magaling! Salamat sa inyong partisipasyon.
Maari na kayong bumalik sa iyong mga upuan.

Basi sa ating naging gawain, anu ang inyong


napansin sa ating ginawang gawain.
Sir! Ang aming napansin sa ating
pangkatang gawain ay patungkol sa mga
salitang magkakaugnay.

Tama! Ang ating ginawa kanina ay patungkol sa


mga salitang magkakaugnay. .

b. Presentasyon sa Paksa

Sa araw na ito ay pag-aaralan natin ang bagong


aralin, tungkol sa pagpapangkat ng mga salitang
magkakaugnay. Handa na ba kayong makinig
mga bata?
Opo sir!
c. Talakayan

Ang salitang magkaugnay ay mga salitang


magkatulad o magkaugnay ang kahulugan. Ang
mga salitang ito ay magkasama at magkapareha.

Narito ang mga halimbawa ng mga salitang


magkakaugnay. Basahin natin ng sabay sabay.

Bayan – paglilingkod – pakipaglaban

Kompositor – tugtugin – musika

Nakipaglaban – kulungan – biktima

Watawat – sagisag – kalayaan

kape at gatas
kutsara at Tinidor
Nanay At Tatay
tasa at platito
papel at lapis

Bayan – paglilingkod – pakipaglaban

Kompositor – tugtugin – musika

Nakipaglaban – kulungan – biktima

Watawat – sagisag – kalayaan

kape at gatas
kutsara at Tinidor
Nanay At Tatay
tasa at platito
papel at lapis
MALAYOG ang lipad ng saranggola
MATAAS ang pader ng kanilang bahay
MATANGKAD ang kanyang kapatid na lalaki

MALAYOG ang lipad ng saranggola


MATAAS ang pader ng kanilang bahay
Naintindihan nyo ba ang ibig sabihin ang ng mga
MATANGKAD ang kanyang kapatid na
salitang magkakaugnay?
lalaki
d. Paglalahat (Generalization)
Ano ang mga salitang magkakaugnay? Ano ang
ibig sabihin nito?
Opo sir!

Tama! Ang salitang magkaugnay ay mga salitang


magkatulad o magkaugnay ang kahulugan. Ang
Sir, ang salitang magkaugnay ay mga
mga salitang ito ay magkasama at magkaparehas.
salitang magkatulad o magkaugnay ang
kahulugan. Ang mga salitang ito ay
e. Aplikasyon magkasama at magkaparehas.

Ngayon, magbigay kayo ng mga salitang


magkakaugnay na makikita sa loob nga silid-
aralan.

IV. Ebalwasyon
A. Piliin ang salitang hindi kaugnay ng ibang mga salita sa bawat. Isulat ang tamang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. kalye biyahe kalsada eskinita
2. bata mag-aaral tindahan estudyante
3. ospital palengke paaralan mag-aaral
4. hapunan pasahero traysikel pamasahe
5. kita bunso trabaho hanapbuhay
B. Magbigay ng mga salitang kaugnay ng mga kategorya sa bawat bilang
1. Mga Gamit sa Panulat ______, ______, ______,
2. Mga Uri ng Gulay ______, ______, ______,
3. Mga Uri ng Hayop na may apat na paa ______, ______, ______,
4. Mga Uri ng Prutas na may mga buto ______, ______, ______,
5. Mga Ginagamit sa Kusina ______, ______,______,

V. Takdang Aralin
Magbasa ng talambuhay. Isulat ang mahalagang pangyayari.

You might also like