You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of City Schools
ZAMBOANGA DEL NORTE NATIONAL HIGH SCHOOL
Dipolog City

MALA – MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 10

Guro: Angelica M. Rodriguez

Petsa ng Pagtuturo: Nobyembre 29, 2019

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng klase, ang mga mag-aaral sa Ika-10 Baitang Seksyon Atanasoff ay


inaasahang:

a. natutukoy ang mga mahahalagang detalye ng paksang tatalakayin;


b. nasusuri ang tula batay sa elemento nito (F10WG-IIIc-73).

II. PAKSANG-ARALIN
PAKSA: Mga Elemento ng Tula
SANGGUNIAN: Panitikang Pandaigdig (Modyul Para sa Mag-aaral)
KAGAMITAN: Manila Paper/ Cartolina, Pentel pen, Chalk.

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Kasunduan
4. Atendans
5. Pagbabalik – Aral

B. PAGANYAK (Istratehiya: Let’s Use the Alphabet/ Gamitin Natin ang Alpabeto.)
 Papangkatin ang klase sa apat na grupo. Magkakaroon ng maikling paligsahan at
paunahan ang mga mag-aaral sa pagsagot ng mga sumusunod. Gamit ang ibinigay
na material ng guro ay hahanapin nila ang mga nakatagong salita at punan nila ng
letra ang mga kahon ng bilang na nasa ibaba ayon sa ating Alpabeto.

A B C D E Halimbawa:
1 2 3 4 5 Mga Sagot:
“Elemento ng Tula”
PANGKAT I

19 21 11 1 20
1. SUKAT
2. TUGMA
PANGKAT II
3. TALINGHAGA
20 21 7 13 1 4. KARIKTAN

PANGKAT III

20 1 12 9 14 7 8 1 7 1

PANGKAT IV

11 1 8 9 11 20 1 14

 Ano-ano ang nais ninyong matutunan batay sa mga salitang inyong nabuo?
(Pagganyak na tanong mula sa mga mag-aaral)
C. PAGLALAHAD (Istratehiya: Q and A)
 Ok, mula sa ating maikling paligsahan, Ano ang nabuo ninyong mga salita?
Pangkat 1? (SUKAT),
Pangkat 2? (TUGMA),
Pangkat 3? (Kariktan, Sabay-sabay na magbabasa.
Pangkat 4? (Talinghaga).

 Mula sa mga salitang ito, tungkol kaya saan ang magiging leksyon natin sa
umagang ito?

D. PAGTATALAKAY (Istratehiya: Interaktibong Diskusyon)


(Sisikapin nang guro na maging interaktibo ang gagawing talakayan.)
Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan sa buhay, hinango sa guniguni,
pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking ganda. Ito ay
naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng
mga salita, pagbilang ng mga pantig, at paggamit ng magkakatugmang salita upang madama
ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat.
Ang tula ay binubuo ng saknong. Bawat saknong ay binubuo ng mga taludtod o linya at
ang bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig.
Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga element nito. Ito ang
mga sumusunod:

1. Sukat – ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.


Mga Halimbawang sukat:
 Pipituhin (7)
 Wawaluhin (8)
 Lalabindalawahin (12) Kdalasang sukat na ginagamit.
 Lalabing-animin (16)
 Lalabimpituhin (17)

Halimbawa:

You might also like