You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)

of East Cluster Schools for the Implementation of E-PROJECT LIFE

Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino


Ikapitong Baitang

I. MGA LAYUNIN:

Sa pamamagitan ng pagtalakay ng tanka at haiku:

a. F9PN-IIa-b-45 Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku (PAKIKINIG)


b. F9PB-IIa-b-45 Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku
(PAGBASA)
c. F9PS-IIa-b-47 Nabibigkas ang isinulat na tanka at haiku nang may wastong antala/hinto, at
damdamin (PAGSASALITA)
d. F9PU-IIa-b-47 Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat (PAGSULAT)
e. F9PD-IIa-b-45 Napaghahambing ang sariling damdamin at ang damdamin ng bumibigkas batay sa
napanood na paraan ng pagbigkas ng tanka at haiku (PANONOOD)
f. F9EP-IIa-b-15 Nasasaliksik ang kulturang nakapaloob sa tanka at haiku ng Silangang Asya

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: Tanka at Haiku


Sanggunian: Panitikang Asyano pp.92-95, Romulo N. Peralta atbp; youtube.com,
kahoot.com
Kagamitan: Mga larawan, LCD Projector, speaker, aklat at iba pang kagamitang biswal
Pagpapahalaga: Pagpapayaman ng kultura sa pamamagitan ng tula
Pamamaraan: Talakayan, 4 Pics 1 Word, Pagbabagyong-isip at kolaboratibong pagkatuto,
Round 4, Performance-based Assessment, Napoleonic Teknik

III. ISTRATEHIYA

A. Panimulang Gawain:

a. Panalangin
b. Pagsasaayos ng lugar o silid aralan
b. Pagtsek ng atendans
c. Pagbati
d. Pagbabalik-aral:
Tatawag ang guro ng dalawang mag-aaral para magbigay ng rebyu sa paksa ng nakaraang
talakayan.

B. Pagganyak (4 Pics, One Word)

1. Papangkatin ang klase sa 4 (apat). Ang bawat pangkat ay pipili ng isang kard at
paunahang bubuoin ang salita alinsunod sa mga larawan na pinapakita sa apat na
larawan.
2. Sa loob ng isang minuto, kailangang mahulaan ng pangkat ang salita ng bawat
kard na kanilang hawak.
3. Ididikit sa mahiwagang salamin ang mga kard matapos itong masagutan.
4. Ang unang matatapos ang siyang makakakuha panalo.
C. Paglalahad ng Paksa at Layunin

Sasabihin ng guro sa buong klase ang magiging paksa;

D. Paghahawan ng Sagabal (kahoot)

1. Ang bawat pangkat ay hahatiin sa dalawa, kung saan magkakaroon na ngayon ng


apat na pangkat. Pipili ang bawat isa ng magiging pinuno para sa kanilang grupo.
2. Sa pamamagitan ng interactive learning material na kahoot ay susubukin ng
bawat pangkat na sagutan ang mga katanungan na ifa-flash sa projector.
3. Gamit ang makabagong teknolohiyang cellphone, ay sasagutan nila ang bawat
katanungan.
4. Ang pangkat na unang makakuha ng tamang sagot ang siyang panalo.

E. Pagtalakay (Pagsusuri sa tulang Tanka at Haiku, Round 4)

1. Bago pa man nagsimula ang pagtalakay ay binigyan na ng guro ang mga mag-aaral
ng takdang aralin ukol sa pag-uusapang paksa ngayon.
2. Papalapak ang guro hudyat para lumipat sa ibang pangkat ang mga pinuno.
3. Ang bawat pinuno ay magbibigay ng linaw sa ibinigay na sagot kanina sa
isinagawang laro (kahoot). Sa unang paglipat ay tanging ang pinuno ng unang
pangkat ang magsasalita. Susuportahan at dadagdagan na lamang ng guro ang
impormasyong naibigay.
4. Muling papalakpak ang guro upang lumipat ang mga pinuno. Ngayon naman ay ang
pinuno ng ikalawang pangkat ang magsasalita.
5. Uulitin ang prosesong ito hanggang sa makabalik ang mga pinuno sa kanilang
orihinal na pangkat.

F. Paglalapat (Pagbabagyong-isip, kolaboratibong pagkatuto)

Ayon sa napakinggang pagtalakay, ay gagawa ngayon ang bawat pangkat ng isang tulang tanka at
tulang haiku.

G. Pagbabahagi (Performance-based Assessment)

Tatawagin ng guro ang kinatawan ng bawat pangkat na siyang magbibigay ng ginawang tanka at haiku.

G. Paglalagom sa paksang tinalakay (One Sentence Summary)

Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral para magbigay ng isang pangungusap na pagbubuod ng
paksang tinalakay.

IV. Pagtataya

Isulat ang iyong saloobin hinggil sa sumusunod na sitwasyon sa loob ng limang pangungusap. (15 pts)

Kung ikaw ay isang sikat na manunulat sa buong mundo, paano mo maipapakita at maipagmamalaki ang
iyong liping pinagmulan gamit ang panitikan? Patunayan.

Rating scale:
4 – lubos na naisakatuparan
3 – naisakatuparan
2 – hindi masyadong naisakatuparan
1 – Hindi naisakatuparan

Mga Pamantayan Puntos


1. may kaugnayan sa paksa 2
2. organisado ang mga ideya 3
3. binubuo ng limang pangungusap 3
4. maayos ang gramatika 2
Kabuuan: 10

V. Kasunduan

Magsaliksik ukol sa ponemang suprasegmental at paano ito nakakatulong sa wastong pagbigkas ng


alinmang akda?

Inihanda ni:

JEFFERSON V. TORRES
T-1, Filipino
Bicol Regional Science High School
Dibisyon ng Lungsod ng Ligao
09108280230

Pinatutunayan:

CYNTHIA B. LLACER ROSEMARIE M.


NOCEDO
Teacher III Teacher III
Bicol Regional Science High School Amtic National HS
Dibisyon ng Lungsod ng Ligao Dibisyon ng Lungsod ng Ligao

ANGELITA G. DELA RAMA ANGELITA H.


SANDAGON
Teacher III Teacher I
Barayong National HS Barayong National HS
Dibisyon ng Lungsod ng Ligao Dibisyon ng Lungsod ng Ligao

Nabatid:

EDUARDO L. NAÑOZ
Secondary School Principal
Bicol Regional Science High School

LEOPOLDO BRIZUELA JR.


Education Program Specialist I
Dibisyon ng Lungsod ng Ligao

TITA V. AGIR
Chief, CID
Dibisyon ng Lungsod ng Ligao

You might also like