You are on page 1of 7

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
TULUNGATUNG NATIONAL HIGH SCHOOL
SCHOOL I.D. No: 314807
S.Y. 2023-2024
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO
(PANG-ARAW-ARAW NA TALA NG GURO)
CLASS OBSERVATION-II

MARKAHAN: IKALAWANG MARKAHAN


LINGGO/ARALIN: Aralin 6 Iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
BAITANG/SEKSYON: 8- AMETHYST, DIAMOND, SAPPHIRE, GARNET, EMERALD, RUBY
PETSA: Ika-11 ng Nobyembre, 2023
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang
PANGNILALAMAN pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt
at sa Kasalukuyan.
PAMANTAYANG PAGGANAP Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol
sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan
MELC: Nagagamit ang ibat ibang paraan ng pagpapahayag (pag-iisa-isa,
paghahambing, at iba pa) sa pagsulat ng sanaysay. (F8WG-IIf-g-
27)
I- Mga Tiyak na Layunin:

Ang mga mag-aaral na nasa ika-8 baitang ay inaasahang maisakatuparan ang mga sumusunod na
layunin sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda sa loob ng isang (1) oras na may 85 bahagdan na
kahusayan:
a. Naipaliliwanag ang mga iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
b. Natutukoy ang paraan ng pagpapahayag na ginamit sa pangungusap
c. Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag sa pagsulat ng sanaysay
II- Nilalaman/Paksang Aralin: Aralin 6 Iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
III- Kagamitan sa Pagtuturo: Modyul, chalk
Sanggunian: Filipino 8-Ikalawang Markahan, Modyul 6
IV- Pamaraan:
Estratehiyang Ginamit: INDIVIDUAL LEARNING/COLLABORATIVE LEARNING

Panimulang Gawain

a. PAGHAHANDA
 Pagbati
-Magandang Umaga mga Mag-aaral!
 Pagtala ng liban sa klase
 Paglalahad ng Guro sa Alintuntunin sa loob ng klase

 Pagbabalik-Aral
Magtatanong ang Guro sa mga mag-aaral sa paksang tinalakay sa nakaraang pagkikita.

 Pangkatan sa klase
Magtatanong ang Guro sa mga mag-aral kung ano-anong etniko ang kinabiblangan ng mga mag-aaral pagkatapos ay
Papangkatin ng Guro ang klase sa apat na pangkat ayon sa etniko o katutubong kinabibilangan nila. (CHAVACANO,
BISAYA, TAUSUG, TAGALOG Subanen, yakan, badjao kung mayroon.)

 Paglalahad ng Guro sa paraan ng pagbibigay puntos


Magbibigay ang Guro ng kahon sa bawat grupo. Ang kahon ang magsisilbing likoman ng puntos sa bawat
partisipasyon na ibibay ng bawat pangkat. Makakakuha ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na emoji
na may katumbas na puntos. Sa katapusan ng aktibidad, bibilangin ng mga ma-aaral ang kanilang
puntos na
makukuha mula sa kahon.
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga City
TULUNGATUNG NATIONAL HIGH SCHOOL
SCHOOL I.D. No: 314807
S.Y. 2023-2024

Indicator #2: Used a range of teaching


strategies that enhance learners’
achievement in literacy and numeracy skills.
Sa pamamagitan ng pagbibilang ng mga mag-
aaral ng puntos na nalikom mula sa
2 puntos 3 puntos 5 puntos partisipasyon sa klase, kanilang bibilangin ito sa
katapusan ng aktibidad. Sa paraan na ito,
matutumbok ang indicator #2 na kung saan,
Ang mga EMOJI’S na ito ay gagamitin ng matitiyak ng guro ang kasanayan sa NUMERACY.
mga mag-aaral upang makapagbigay ng feedback o puna sa ibang grupo na kung saan ilalagay nila
ito loob ng score box. 2 putos-Kapag nakilahok sa talakayan 3 puntos-

Indicator #9: Used strategies for providing timely, accurate and constructive feedback to
improve learner performance.
ANOTASYON: Gamit ang score box na ito, matitiyak ng Guro ang pagbibigay ng wasto at tiyak na
puntos at kapaki-pakinabang na tugon ng Guro at mga mag-aaral mula sa pagsasagawa ng Gawain
ng mga mag-aaral.

b. PAGGANYAK

GAWAIN 1: SUBUKIN MO! (GUESS THE WORD GAME)


Panuto: Basahin ang mga pahayag at tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag ang mga ito. Ang sinong
pangkat ang makaksagot ay silang makakuha ng emoji na may katumbas na 2 puntos.

1. Ito ay nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling


makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o nakikinig. SAGOT: PAGBIBIGAY HALIMBAWA
2. Tinatalakay rito kung ano ang sanhi at dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan. SAGOT: SANHI AT
BUNGA
3. Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaapekto sa isang sitwasyon at ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito. SAGOT: PAGSUSURI
4. Ginagamit ang paraang ito sa paghahambing ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay.
SAGOT: PAGHAHAMBING AT PAGSASALUNGAT
5. Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos sa
paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod nito. SAGOT: PAG-IISA-ISA

Mula sa mga naging kasagutan niyo sa Gawain, Sa araw na ito ay pag-uusapan natin ang IIBA’T IBANG
PARAAN NG PAGPAPAHAYAG.

Indicator #2: Used a range of teaching strategies that enhance learners’ achievement in
literacy and numeracy skills.
ANOTASYON: Sa Gawain na ito, Magagamit ng mga mag-aaral ang kasanayan sa LITERACY. Dito ay
tutukuyin ng mga mag-aaral ang tumpak na salita sa tulong ng mga katuturan na angkop dito sa paraan
ng pagbuo ng mga salita sa tamang ayos nito.
c. PAGLALAHAD
Pagtalakay ng Guro sa mga sumusunod:
Pahapyaw na pagtalakay ng Guro sa katuturan ng Sanaysay.
1.Sanaysay
-Ito ay isang malayang paraan ng paglalahad ng kaisipan, kuro-kuro, palagay at damdamin ng manunulat
upang makaaliw, magbigay-kaalaman, manghikayat, magturo, magbigay-linaw o magpaandar ng isipan.

2.Mga ibat ibang paraan ng pagpapahayag


 Pag-iisa-isa
Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos na paghahanay ng
mga pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod ng mga ito.
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga City
TULUNGATUNG NATIONAL HIGH SCHOOL
SCHOOL I.D. No: 314807
S.Y. 2023-2024

Halimbawa: Taglay ng taong tunay na Malaya ang mga katangiang kagaya ng sumusunod:
a.pinapaunlad ang sarili upang maging kspaki-pakianabang sa bayan.
b.sumunod sa mga alintuntunin ng pamayanan
c.handang tumulong sa nangangailangan

 Paghahambing at Pagsalungat
Ginagamit ang paraan na ito sa paghahambing ng magkatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Ang
paraang ito ay piakamalimit na gamitin.
Halimbawa: masayang tunay ang buhay sa probinsya na di kagaya ng sa siyudad na araw-araw ay habol mo ang oras.

 Pagsusuri
Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik bagay-bagay na nakaapekto sa isang sitwasyon at ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
Halimbawa: Ang isang taong Makabayan ay handing magsakripisyo kung sakaling ang bayan ay malagay sa
panganib.

 Sanhi at Bunga
Tinatalalay rito kung ano ang sanhi o dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan. Sa paraang ito madaling
maikintal sa isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari.
Halimbawa: Kung ang lahat ng Pilipino ay may malasakit sa bayan mabilis na uunlad ang ating bansa.

 Pagbibigay Halimbawa
Ito ay nagapatibay ng isang paglalahad, sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling
makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o nakikinig. Siguraduhin lamang na tiyak at makatotohanan ang
halimbawang ibinigay.
Halimbawa: Ang pagtawid sa tamang tawiran, pagsunod sa batas trapiko sa daan at pati ang paglagay nab asura sa
tamang basurahan ay isang haliimbawa ng taong nagpapakita ng pagkamakabayan.

d. PAGSUSURI/ANALYSIS

Panuto: Tukuyin ang mga paraan ng pagpapapahayag na ginamit sa mga pahayag na nakasalungguhit sa loob
ng Sanaysay.

Ang mga pahayag na may kulay pula ay ang mga inaasahang magiging sagot ng mga mag-aaral.
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga City
TULUNGATUNG NATIONAL HIGH SCHOOL
SCHOOL I.D. No: 314807
S.Y. 2023-2024

Ang Guro ay magpapakita ng bidyo clip patungkol sa LARO NG LAHI.

https://youtu.be/sYfZrpFIISU?si=H-8blNP-OYkuPUmU

-Matapos ipanood sa mga mag-aaral ang bidyo clip, ilalahad ng guro ang mga sumusunod na tanong:

1. Patungkol saan ang napanood na bidyo?


2. Ano-ano ang mga makalumang laro?
3. Bakit mahalaga ang larong lahi sa mga Pilipino?
4. Anong Magandang naidudulot ng mga larong Pinoy sa mga kabataan?
VALUE: pakikipagsalamuha, pakikipag-kaibigan, pagiging matulungin, maparaan, at higit sa lahat ang totoong
kahulugan ng paglalaro o paglilibang.

Indicator #3: Applied a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking, skills
as well as higher order thinking skills.
ANOTASYON: Sa pamamagitan ng mga tanong na inihanda, Matitiyak ng Guro na magamit ng mga mag-aaral
ang kasanayan sa pagiging malikhain at paggamit ng kritikal na pag-iisip sa pagsagot sa mga katanungan
upang matamo ang pag-unawa ng mga mag-aaral.

Indicator #1: Applied knowledge of content within and across curriculum teaching areas.

ANOTASYON: Ipapaliwanag ng Guro sa mga-aaral ang mga Benepisyo sa paglalaro ng mga Larong Pinoy.
Kung kaya, maikokonekta ng Guro ang aralin sa Asignaturang ESP at MAPEH (P.E) kung saan, ipapaliwanag
ng Guro ang mga makakabuti at epekto ng mga larong ito lalo na sa iyong kalusugan dahil nakakapagbigay
din ito ng ehersisyo para sa iyong katawan at nagbibigay din ng lakas para sa kalusugan. Gayundin,
naglalahad ito ng mga aral na kapupulutan mula sa paksang pinag-usapan. Katulad ng nalilinang nito ang
ating kultura, ang lahi kung saan tayo nagmula. Higit sa lahat natutunan ng isang bata na naglalaro nito ang
pakikipagsalamuha, pakikipag-kaibigan, pagiging matulungin, maparaan, at higit sa lahat ang totoong
kahulugan ng paglalaro o paglilibang.

Gawain 1: ROUND TABLE (COLLABORATIVE LEARNING)


Panuto:

1. Gumawa ng survey kaugnay sa Bilang ng tumatangkilik ng alin sa mga LARONG LAHI ayon sa etnikong
kinabibilangan nito (CHAVACANO, TAUSUG, BISAYA, TAGALOG Subanen, yakan, badjao kung mayroon).
Tignan kung anong larong lahi ang MAS MARAMING PUNTOS at kunin ang PORSYENTO ng
tumatangkilik parin ng alin sa mga larong lahi. Gamitin ang formula sa ibaba upang makuha ang porsyento
nito.
2. Gumawa ng maikling sanaysay gamit ang mga iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na may paksang o
pamagat na LARONG LAHI: PINAGHALONG KULTURA NG MGA PILIPINO sa kasalukuyang panahon.
3. Ang resulta ay maaring gamitin upang maisakatuparan ang pagsusulat ng Sanaysay.

Halimbawa: 30 (Students vote sa larong lahi Siko)


______________________________ X 100 = 76.9%
39 (Number of students of Amethyst)

Mekaniks sa pagsagawa ng Aktibidad.


1. magkaroon ng pagbabahagian ng mga ideya/opinyon tungkol sa tanong
2. kapag nagkasundo na ang bawat miyembro sa naging opinyon ng bawat isa ay maari nang gumawa ng sariling input
3. ililikom ang mga naging pinal na opinyon ng klase at i-presenta ang naging pinal na awtput sa buong klase
4. gawing batayan ang rubrik sa pagsasagawa ng Gawain.
5.Gawin ito sa loob ng 10 minuto. At 2 minuto para sa presentasyon.
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga City
TULUNGATUNG NATIONAL HIGH SCHOOL
SCHOOL I.D. No: 314807
S.Y. 2023-2024

HALIMBAWA:

BILANG NG MGA TUMATANGKILIK SA LARONG LAHI


LARONG LAHI LUKSONG PATINTERO PIKO/STEP TIRA- HOLEN LUKSON TAGU- TUMBANG-
TINIK LATA LUBID TAGUAN PRESO

CHAVACAN 10
O
TAUSUG
BISAYA
KABUUAN 10
BAHAGDAN 25%
(PATINTERO

Halimbawa: (Chavacano)10/39*100= 25%

Indicator #7: Indicator


#2: Used a range of teaching strategies that enhance learners’ achievement
in literacy and numeracy skills.

ANOTASYON: ANOTASYON: Sa talahanayan na inihanda ng Guro, Magagamit ng mga mag-aaral ang


kasanayan sa NUMERACY. Dito ay susuriin ng mga mag-aaral ang mga larong lahi na kanilang tinatangkilik
parin sa kasalukuyang panahon. Pagkatapos ay kakalkyulahin nila ito gamit ang formula na inihanda upang
makuha ang porsyento ng mga tumatangkilik ng mga larong lahi sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa etniko
at kulturang kinabibilangan.

Indicator #3: Applied a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking, skills
as well as higher order thinking skills.

ANOTASYON: Sa pamamagitan ng mga tanong na inihanda, Matitiyak ng Guro na magamit ng mga mag-aaral
ang kasanayan sa pagiging malikhain at paggamit ng kritikal na pag-iisip sa pagsagot sa mga katanungan
upang matamo ang pag-unawa ng mga mag-aaral.

Mga tanong:
CHAVACANO:
PANGKAT 1- Pag-iisa-isa: Ano-ano ang mga larong lahi ang kinamulatan mo noong bata ka pa?
Paghahambing at Pagsalungat: Ano ang pinagkaiba ng mga laro ng kabataan Noon at ngayon?
BISAYA:
PANGKAT 2- Pagsusuri: Ano ang naidudulot ng larong lahi sa mga kabataan?
Sanhi at Bunga: Ano ang dahilan kung bakit unti-unti nang nawawala ang larong lahi ng mga Pilipino?
TAUSUG:
PANGKAT 3- Pagbibigay Halimbawa: Paano niyo mapapanatiling buhay ang mga larong lahi sa isipan ng mga
Kabataang Pilipino?

Indicator #7: Established a learner-centered culture by using teaching strategies that respond to their
linguistic, cultural, socio-economic, and religious backgrounds.

Indicator #8: Adapted and used culturally appropriate teaching strategies to address the needs of learners
from indigenous groups.
ANOTASYON: Sa Gawaing ito, maisasaalang-alang ng Guro ang pagkakaiba ng mga mag-aaral ayon sa
kanilang etnikong kinabibilangan o katutubong kinabibilangan at kultura, kung saan, masisiguro ng Guro
ang bawat mag-aaral ay makasabay sa daloy ng talakayan/aktibidad.

Gawing Gabay ang Rubrik sa pagsasagawa ng Sanaysay.

PAMANTAYAN PINAKAMAHUSAY MAHUSAY KATANGGAP- MAPAGHUHUSAY NANGANGAILANGAN KABUUANG


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga City
TULUNGATUNG NATIONAL HIGH SCHOOL
SCHOOL I.D. No: 314807
S.Y. 2023-2024
5 4 TANGGAP3 2 NG PANTULONG NA PUNTOS
PAGSASANAY
1
Nilalaman- Malinaw
ang pagkakalahad ng
ideya
kaangkupan ng mga
salitang ginamit, tama
ang pagbabaybay ng
mga salita.
Organisado- Malinis
ang pagkakasulat ng
talata, taglay ang
tatlong bahagi ng
sanaysay (panimula,
gitna, wakas)
Paraan ng
pagpapahayag/kawili-
wili nakagagamit ng
iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag.
KABUUANG
PUNTOS

e. PAGLALAHAT
Sagutin ang tanong:
1. Paano nakatulong saiyo ang magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga ibat-ibang paraan ng
pagpapahayag sa pagsulat ng sanaysay?

-Pagbabahagi ng mga mag-aaral ng maikling kasagutan mula sa tanong.

V- Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag at piliin ang titik nang tamang sagot.

1. Ito ay paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng sumulat tungkol sa isang bagay o paksa.
a. Nobela
b. Maikling Kwento
c. Sanaysay
d. Tula
2. Ang Salitang Essay (Sanaysay)ay hango sa salitang pranses na ________ na ang ibig sabihin ay
sumubok.
a. Essaye
b. Essayer
c. Eseyer
d. Essay
3. Ito ay nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa pamamagitan nito madaling makumbinsi o mahikayat ang
nagbabasa o nakikinig.
a. Pag-iisa-isa
b. Pagbibigay halimbawa
c. Paghahambing at pagsasalungat
d. Pagsusuri
4. Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng ayon sa
talagang pagkakasunod-sunod ng mga ito.
a. Pag-iisa-sa
b. Pagbibigay halimbawa
c. Paghahambing at pagsasalungat
d. Pagsusuri
5. Ginagamit ang paraan na ito sa paghahambing ng Magkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay.
Ang paraang ito ang pinakamalimit na gamitin.
a. Pag-iisa-isa
b. Pagbibigay halimbawa
c. Paghahambing at pagsasalungat
d. Pagsusuri
6. Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaapekto sa isang sitwasyon at ang
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga City
TULUNGATUNG NATIONAL HIGH SCHOOL
SCHOOL I.D. No: 314807
S.Y. 2023-2024
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
a. Pag-iisa-isa
b. Pagbibigay halimbawa
c. Paghahambing at pagsasalungat
d. Pagsusuri
7. Tinatalakay rito kung ano ang rason at kinalabasan ng pangyayari.
a. Pag-iisa-isa
b. Pagbibigay halimbawa
c. Paghahambing at pagsasalungat
d. Sanhi at bunga
8. “Dahil sa patuloy na kawalan ng dispilina, hindi pagtupad sa mga alituntunin ng DOH at kawalang
bahala sa nagyayari sa paligid patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa.”
a. Pagsusuri
b. Pagbibigay halimbawa
c. Paghahambing at pagsasalungat
d. Sanhi at bunga
9. Ang pagsusuot ng face mask ay isang halimbawa ng pagmamalasakit upang mapigilan ang pagkalat ng
virus at makaiwas sa sakit.
a. Pagsusuri
b. Pagbibigay halimbawa
c. Paghahambing at pagsalungat
d. Sanhi at bunga
10. Ang mga naiulat nasakit ay sumasaklaw mula sa mga tao na may banayad (mild) o walang mga
sintomas hanggang sa mga taong nagkasakit ng malubha, na nangangailangang maospital, at
namamatay.
a. Pagsusuri
b. Pagbibigay halimbawa
c. Paghahambing at pagsalungat
d. Sanhi at bunga

Inaasahang kasagutan:

1. B
2. A
3. C
4. D
5. C
6. D
7. D
8. D
9. B
10. A

.
VI- Takdang-Aralin
VII- Karagdagang Gawain
VIII- Mahalagang Tala
IX- Pagninilay

Inihanda ni: Nur-Faiza T. Ismael Sinuri at Inaprubahan ni: Noel M. Reyes


Filipino 8 Teacher School Head

You might also like