You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Schools Division Office of Cotabato
LIKA NATIONAL HIGH SCHOOL
Lika, Mlang, Cotabato

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO SA PILING LARANG—TECH-VOC

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

 Natutukoy ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

 Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

 Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo (CS_FTV11/12PT-0G-I-94)


 Naisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal-
bokasyunal (CS_FFTV11/12PB-0g-i-106)
 Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong teknikal-bokasyunal na sulatin (CS_FTV11/12PU-0m-o-99)
 Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika (CS_FTV11/12WG-
0m-o-95)

I. LAYUNIN:
 Natutukoy ang mga terminolohiyang teknikal sa pagsulat ng manwal.
 Naiisa-isa ang mga terminolohiyang teknikal sa pagsulat ng manwal.
 Nabibigyang-halaga ang mga terminolohiya sa pagsulat

II. PAKSANG-ARALIN: Pagsulat ng Manwal


 SANGGUNIAN:
 Villanueva,V. & Bandril, L. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Isports at Teknikal-
Bokasyonal).Vibal Group Inc. Quezon City, Philippines.
 Batnag, A. et al. (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex Printing
Company, Inc. Sta Mesa Heights, Quezon City.

 KAGAMITAN: LCD Projector, Laptop, kagamitang biswal at tsok

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
 Panalangin na pangungunahan ng isang mag-aaral .
 N-E-W-S na pagtatala sa mga lumiban sa klase.
 Pagsasaayos ng mga ‘di organisadong upuan gayundin sa pagpulot sa mga kalat.
B. PAGGANYAK
 Pagpapanggap ng guro na may natanggap na regalo mula sa isang hindi kilalang tao.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Schools Division Office of Cotabato
LIKA NATIONAL HIGH SCHOOL
Lika, Mlang, Cotabato

 Bubuksan ng isa sa mga mag-aaral ang regalo, makikita rito ang isang kurtina at isang sobre na
may manwal. Nilalaman ng manwal ang mga panuntunan sa paglalaro ng KURTINA NG
IDENTIDAD.
 Ipapangkat ang klase sa apat.
 Bibigyan ng limang minuto ang bawat pangkat upang isaulo ang unang pangalan ng
kanilang katunggali.
 Pagkatapos ng oras, lalaruin na ang Kurtina ng Identidad.
 Mayroong kurtinang hawak ng dalawang mag-aaral ang papagitan sa dalawang pangkat.
 Sa loob ng sampung segundo magpapadala ng isang kinatawan ang bawat pangkat na
lalapit sa kurtina.
 Sa pagtatapos ng oras, biglaang ibaba ng may hawak ang kurtina at sabay maghuhulaan
ng unang pangalan ang dalawang kinatawan.
 Sampung rounds lamang ang laro, kung sino ang mas maraming natukoy na tamang
pangalan ang siyang tatanghaling panalo.

C. PAGLALAHAD
 Gagamiting lunsaran ang laro sa pagtukoy sa kaugnayan nito sa mismong paksa.
 Pagtukoy ng guro sa kahulugan at kalikasan ng manwal.
MANWAL- ay mga pasulat na gabay o reperensiyang materyal na ginagamit sa pagsasanay, pag-
oorganisa ng mga gawain sa trabaho , pagbuo ng mga mekanismo, pagpapatakbo ng mga kagamitan
o makinarya, pagseserbisyo ng mga produkto o pagkukumpuni ng mga produkto
HALIMBAWA:
Gamit ng appliances sa bahay USER MANUAL/
Kompyuter, fax machine, printer, cell phone USER GUIDES

MANWAL
-nagtuturo sa isang tao kung paano gagamitin o gagawin ang isang bagay.
-higit na komprehensibo at malawak ang saklaw kaysa sa instruksiyon.
-nagbibigay ng mga panuto para sa mga komplikadong gawain katulad ng pagsasaayos ng mga
kompleks na kagamitan.

MGA PAYO SA PAGSULAT NG MANWAL


 Gumamit ng payak na salita. Iwasan ang mga jargon o teknikal na salita, maliban kung sadyang
kinakailangan. Ipaliwanag ang teknikal na salita sa unang beses na gagamitin ito.
 Buuin ang mga akronim sa unang banggit.
 Maging konsistent sa paggamit ng terminolohiya, tono at estilo ng pagsulat.
 Gumamit ng maiikling pangungusap at parirala.
 Gumamit ng numbered lists.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Schools Division Office of Cotabato
LIKA NATIONAL HIGH SCHOOL
Lika, Mlang, Cotabato

D. PAGLALAPAT
PANGKATANG TAGISAN NG TALINO
 PAGTUKOY. Tukuyin kung Tama o Mali ang pahayag. Iharap lamang ang SMILEY na HAHA!
Kung ito’y Tama at HUHU? Kung ito’y Mali.
1. Ang manwal ay isang pasalitang gabay at reperensyang materyal.
2. Mas malawak ang saklaw ng instraksiyon kaysa sa manwal.
3. Mas mainam ang paggamit ng mga salitang jargon sa pagbuo manwal upang mas maka-
ugnay ang mga babasa nito.
4. Kinakailangang ulit-ulitin ang buong kahulugan ng mga akronim upang hindi makalimutan
ng mga babasa ng manwal.
5. Talataan ang paglalahad ng mga instraksyon sa manwal.
E. PAGLALAHAT
Unang Sesyon:
 Dugtungang paglalahat ng mga mag-aaral sa natalakay sa sesyon.

IV. PAGTATAYA
 Sa isang kalahating papel,
o Susuriin ng mga mag-aaral ang isang manwal kung tinataglay nito ang natalakay.
o Ito ay binubuo ng 15 puntos.
V. TAKDANG-ARALIN/KASUNDUAN:
Paunang pagbasa sa mga uri ng manwal.

You might also like