You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
KAPINGKONG NATIONAL HIGH SCHOOL
LAMBAYONG, SULTAN KUDARAT
Address: Kapingkong, Lambayong, Sultan Kudarat
Email Address: 304595@deped.gov.ph

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 10

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Napapaliwanag ang kahulugan ng patalastas.


b. Natutukoy ang mga iba’t ibang uri at layunin ng patalastas.
c. Nakabubuo ng sariling patalastas.

II. PAKSANG ARALIN

a. Paksa: Patalastas (Filipino 10)


b. Sanggunian: Filipino – Ikasampong baiting. Modyul para sa Mag-aaral.Unang
Edisyon 2015. Pahina 298-299.
c. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, Smart TV, Pisara,Chalk at Manila
paper/Cartolina.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
Panalangin
Pagbati
Pagtatala ng lumiban

Gawaing Pagkatuto 1: Pagbabalik-Aral


Ang guro ay magtatanong tungkol sa mga nakaraang talakakayan, at
magtatawag din ng mag-aaral upang ibuod ang nakaraang talakayan.
Gawaing Pagkatuto 2: Pagganyak
Magpapakita ang guro ng “tagline” na siyang aanalisahin naman ng mga
mag-aaral sa pagtukoy ng mga ikinubling salitang may makabuluhang
kaugnayan sa magaging talakayan.

B. Paglalahad ng Aralin

Masusing tatalakayin ng guro patungkol sa patalastas at maglalahad rin


ng ilang halimbawa ukol dito.

Gawaing Pagkatuto 3: Activity (Video Clips)


Magpapakita ang guro ng “video clips” sa mga mag-aaral na siyang
aanalisahin at bibigyan ng karampatang kahulugan batay sa kanyang pag-
unawa.

Gawaing Pagkatuto 4: Analisis


Mga gabay na tanong:
1. Ano ang ibig ipabatid ng patalastas na iyong napanood?
2. Magbigay ng isang simbolismo na ginamit sa patalastas.
3. Anong aral ang iyong nakuha batay sa iyong napanood na patalastas?

Abstraksyon: Pagtatalakay
Aanyayahan ng guro ang mga mag-aaral upang ihayag ang
kanilang mga natutunan hinggil sa paksang tinalakay. Magtatawag din ng
mag-aaral na siyang magbubuod ng kaniyang mga natutunan mula sa
talakayan.

Aplikasyon
Ang guro ay aatasan ang mga mag-aaral sa paggawa ng sariling
patalastas ayon sa kanyang gamit na napili.

IV. EBALWASYON

Panuto: Basahin ang patalastas sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
Tanong:

1. Tungkol saan ang patalastas?


2. Anong uri ito ng patalastas?
3. Ano ang ipinahiwatig ng patalastas?

V. TAKDANG ARALIN

Basahin ang nasa kahon sa pahina 302. Isulat sa kuwaderno ang mga
talasalitaan na makikita at ibigay ang kahulugan.

Inihanda ni:

GNG. NORMINA K. SALISIP


Teacher I

Iniwasto ni:
GNG. ARLENE J. GOCE
Master Teacher II

You might also like