You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon Document Code: PDO-QF-158502- _____

Rehiyon III
Sangay ng Bulacan Revision:
Timog Purok ng San Miguel
PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN VICENTE Effectively date:
Tecson St.,San Vicente
Name of Office:
BANGHAY ARALIN PARA SA FILIPINO 3
San Vicente Elementary School

BANGHAY ARALIN PARA SA FILIPINO 3

I. Layunin:

Pamantayang Pangnilalaman:

 Nagkakaroon ng pagpapaunlad ng kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat ng


pangungusap

Pamantayan sa Pagganap

 Ang bawat mag-aaral ay nakasusulat ng maikling pangungusap gamit ang malalaking titik at
wastong bantas.

Pamantayan sa Pagkatuto

 Nakasusulat ng pangungusap gamit ang malalaking titik at wastong bantas.


Code: F3PU-IId-4

II. Paksa:

 Pagsulat ng pangungusap gamit ang malaking titik ang wastong bantas

Sanggunian:

Filipino 3 Learner’s Materials pahina 112

Kagamitan sa Pagtuturo:

Larawan, bola, flashcard, power point presentation, tarpapel,

III. Pamamaraan:

A. 1. Project PPMTB
 Pagsulat ng pangungusap gamit ang malalaking titik at wastong bantas
2. Balik-Aral/Pagsisimula ng Bagong Aralin
Gamit ang mga larawan, sumulat ng salitang pandiwa.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Activity)

Laro: Roleta ng Kaalaman!


 Gamit ang powerpoint presentation magpapakita ang guro ng mga pangungusap at
ibat-ibang bantas
 Gamit ang roleta pipili ito ng mag-aaral na sasagot.
 Ang mag-aaral ang tutukoy kung saang ilalagay ang wastong bantas. Isusulat nila
ang kanilang sagot sa kanilang show me board.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin (Activity)

“TUKLAS-TALINO”
(Ang klase ang magsasagawa ng Tuklas-Talino)

 Bawat mag-aaral ay may kanya kanya gawain na ibibigay ng kanilang guro.

 Unang mag-aaral – Pipili siya ng wastong bantas na akma sa pangungusap.

 Ikalawang mag-aaral – Aayusin niya ang pangungusap gamit ang


malalaking titik.

 Ikatlong mag-aaral – Gamit ang larawan bubuo siya ng pangungusap.

 Ikaapat na mag-aaral – Gamit ang larawan punan ng wastong salita at

bantas ang pangungusap.

 Hayaang maging matalas ang kanilang mata at kaisipan sa pagbuo at pagsasaayos ng


pangungusap at mabatid ang angkop na bantas sa nasabing pangungusap.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan (Activity)


 Gamit ang mga impormasyong nakalap ng mga mag-aaral, ang guro ay maglalabas
ng mga pangungusap na nasa hindi wastong pagkakaayos kung saan hayaang ang
bawat mag-aaral ang magsaayos ng pangungusap.

E. Paglinang ng Kabihasaan (Analysis)

Larawan ko, Tukuyin Mo!

 Gamit ang mga larawan ang mag-aaral ay magbibigay ng pangungusap. Ito ay


kanilang isusulat sa kanilang sagutang papel at ibabahagi sa guro at mga kamag -aral.
 Bigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na makapagbigay ng kanilang sariling
pangungusap
 Magmamasid ang guro sa talakayan at magwawasto at magpapalawig sa paksang
tatalakayin.

F. Paglalapat ng mga Aralin sa Pang araw-araw na Buhay (Abstraction)

 Napapalawig ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikiisa sa pagbahagi ng kanilang


kaalaman.
G. Paglalahat ng Aralin: (Application)
Gawain

 Ang guro ay magpapakita ng lawaran.

 Gamit ang lalarawan bubuo ang mag-aaral ng pangungusap gamit ang malalaking titik at
wastong bantas.

 Ilalahad ang nagawang gawain sa kanyang kamag-aral at guro.

H. Pagtataya:

Gamit ang larawan sumulat ng isang maikling pangungusap gamit malalaking titik at
wastong bantas.

1.

2.

3.
4.

5.

I. Takdang Aralin:

Sumulat ng 5 pangungusap na naisasagawa ninyo sa inyong tahanan.

Inihanda at Ipinakitang Turo ni:

MARICRIS R. UMALI
Teacher I
Binigyang Pansin:

GEMMA A. MANALASTAS
Principal I

NORA G. MANALO, Ph.D.


District Supervisor

Pinagtibay ni:

ANASTACIA N. VICTORINO Ed. D.


EPS- Filipino

You might also like