You are on page 1of 42

Ang Sining ng

Pagkukuwento
Ang Kahulugan ng
Pagkukuwento
OAng pagkukuwento ay isang
orihinal na anyo ng pagtuturo.
Baker at Greene (1977)
OAng pagkukuwento ay naghahatid
sa mga tagapakinig ng mataas na
antas ng kamalayan, ng pagtataka
at ng misteryo ng buhay.
OAng pagkukuwento ay isang buhay
na sining. Ang produkto nito ay ang
paglikha ng magkatuwang na
karanasang ibinatay sa mga salita
at imahinasyon.
Sawyer (1977)
O“Ang sining ng pagkukuwento ay
nakasalalay sa tagapagkuwento na
kayang sasaliksikin, isasagawa at
palalaguin.”
OAng pagkukuwento ay
pagsasalaysay ng mga pangyayari
sa pamamagitan ng mga salita,
imahe at tunog. Ito’y naibabahagi
sa iba’t ibang kultura.
Ang Layunin ng
Pagkukuwento
OAng pagkukuwento ay
nakapagtuturo, nakapagbibigay-
liwanag at nakapagdudulot ng
inspirasyon sa buhay. Ito’y
nakapagpapatalas ng isipan at
nakapag-aalis ng pagod sa pang-
araw-araw na gawain. Dahil sa
pagkukuwento,
Onaibabahagi ang kultura ng iba’t
ibang bansa sa tulong ng
edukasyon, entertainment at
pagpapanatili ng kinagisnang
kultura at halagang moral.
Ang Pakikipag-
ugnayan sa mga
Kuwento
OBagama’t marami ang naisagawang
pagtatangka upang mabago at
maigapay sa panahon ang anyo
nito, katulad ng pagsasagawa ng
pagkukuwento sa paraang
elektroniko sa mga palatuntunang
telebisyon, ang
Opasalitang pagkukuwento ay hindi
kailan man maluluma bumilang
man ang mga taon.
OKaugnay nito, sa pagkukuwento ,
ang payak na paglalarawan ay lagi’t
lagi nang nagiging suhay sa
masining na pamaraan ng
pagtuturo. Sa pakikipag-ugnayan
sa mga kuwento, ang bawat isa’y
nagkakaroon ng karanasan sa
Otunay at makapangyarihang wika
ng komunikasyong personal.
OKolokyal man o matalinghaga,
tahas man o mabulaklak, ang
kompletong sangkap ng wika ay
taglay ng mga kuwento.
Ang Pasalitang
Pagkukuwento
OAng pasalitang pagkukuwento ay
lumilinang ng kakayahan sa
pakikinig sa katangi-tanging
paraan. Natatamo ng mga
tagapakinig nito ang kakayahang
matuklasan ang hindi polisadong
wika na nagmumula sa
pagkukuwento nang walang
paghahanda.
OHabang pinakikinggan ang
pagkukuwento , nakatutuklas ang
mga tagapakinig ng istrukturang
makatutulong sa kanila upang
maunawaan ang higit na
komplikadong mga kuwentong
pampanitikan.
OSa pamamagitan ng tradisyonal na
kuwento, naipapahayag ng
tagakuwento ang kanyang
halagang pangkatauhan, takot,
pag-asa at pangarap. Ang mga
kuwentong pasalita ay tuwirang
pagpapahayag o ekspresyon ng
pamanang pampanitikan o
Opangkultural, at dahil sa mga ito,
ang ating pamana ay
napahalagahan, nauunawaan at
napananatiling buhay.
Ang Nararanasan
sa Pagkukuwento
OSa pamamagitan ng pagkukuwento,
nararanasan ng mga tagapakinig
ang naiibang damdamin para sa
nakaraan at ng kaisahan ng iba’t
ibang kultura ng kasalukuyan,
habang nararagdagan ang kanilang
pananaw sa mga motibo at
balangkas ng kaasalang pantao.
OGayunpaman, nadarama ng
maraming tagapagkukuwento na
ang pagyayaman sa kaalaman ay
hindi lamang ang pangunahing
layunin ng kanilang sining. Hindi
mabilang ang iba’t ibang uri ng
damdaming nadarama ng mga
Otagapakinig para sa pagpapaunlad
ng kanilang kalagayang kultural at
emosyonal.
O Ang sesyon ng pagkukuwento ay
sandali ng pakikibahagi ng damdamin.
Ang maginhawa at masayang pag-
uugnayan ng tagapagkuwento at ng
kanyang mga tagapakinig ay
naisasagawa, naipagsasanib at
nabibigyan ng magkatuwang na
pagpapalagayang-loob.
OSa kabilang dako, kung ang mga
bata ang tagapakinig, ang
pagkukuwento ay nakatutulong sa
kanila upang makilala nila ng
kanilang sarili at ang kanilang
kapwa upang malutas nila ang mga
suliraning pansikolohikal ng isang
batang lumalaki.
Ang Paraan ng
Pagpili ng
Kuwentong
Gagamitin sa
Pagkukuwento
OSi Pedersen (1995) ay nagbigay ng
mga sumusunod na paraan ng
pagpili ng kuwentong gagamitin sa
pagkukuwento:
1. Bumasa, bumasa at bumasa.
Bagamat ang pagkuha ng mga
kuwento mula sa mga
tagapagkuwento ay nasa paraang
tradisyonal, higit na makabubuti ang
pagkahilig sa pagbabasa ng mga
aklat.
2. Pumili ng mga kwentong
naibigan. Magiging higit na
epektibo at makatotohanan ang
gagawing pagkukuwento kung
ito’y pinili mo dahil may kahulugan
ito sa iyo.
3. Pumili ng kuwentong may
payak na istruktura. Pumili ng
kwentong maiibigang pakinggan
nga mga tagapkinig dahil
umaayon sa kanilang gulang at
antas ng wikang ginagamit.
4. Pumili ng kwentong may payak
na istruktura. Pumili ng kwentong
isa isa at maliwanag na paksa,
may maayos na banghay, hindi
nagbabago ang istilo, may nag-
iisang karaterisasyon (maliban
marahil sa mga protagonista),
kalutasan sa
Otunggalian, madula, may kaisahan,
may nakakasiyang tema at may
matatag na nilalamang emosyonal.
5. Pumili ng kwentong may
positibong halagang pantao.
Pumili ng kwentong
nagpapahayag ng tuwa,
pagmamahal, katatawanan,
kasinupan at iba pang positibong
aspekto ng kahalagahang pantao.
6. Pag-aaralan ang kaligiran ng
kwento. Alamin ang kaligirang
pangkultural, panlipunan, at
pangkasaysayan ng kuwento at
ng bansang pinagmulan nito.
7. Ipabasa sa iba ang kuwento.
Ang pagwakas na pagpili ng
kuwento ay maisasagawa sa
pamamagitan ng pag-alam sa
mga positibo at negatibong
reaksyon ng mga mambabasa.
Paghahanda ng
Pagkukuwento
OSi Pedersen din ang nagbibigay ng
ilang patnubay sa paghahanda ng
pagkukuwento tulad ng mga
sumusunod:
1. Pag-aralan ang kuwento.
2. Balangkasin ang kuwento.
3. Kontrolin ang haba ng kuwento.
4. Kontrolin ang talasalitaan ng
kuwento.
5. Pinuhin ang istilo ng
pagkukuwento.
6. Magsanay, magsanay at
magsanay pa.
7. Magrelaks bago magkuwento.
Ang Pagkukuwento
sa Harap ng mga
Tagapakinig
1. Simulan sa dapat simulan.
2. Maging matapat sa sarili.
3. Bigyang-pansin ang tinig.
4. Panatilihin ang tinginan nang mata sa
mata.
5. Gamitin ang mga kamay at katawan.
6. Gumamit ng props.
7. Bigyang-pansin ang pisikal na
tagpuan.

You might also like