You are on page 1of 11

Tanging Yaman Script Characters: Elisa Danica Arianne Grace Mario George Francis Boyet Rommel John-John Carina

John-John Carina Andrew Madeleine Chona Manang Gunding Doktor

Scene 1: Simbahan Chona: (Choir ng Simbahan at kumakanta ng Tanging Yaman, habang sumusulyap sulyap kina Loleng at Carina.) Elisa: (nagro-rosaryo) Carina: Lola, hindi po ba siya nalilito? Elisa: Sino apo? Carina: Ang Diyos po. Elisa: Nalilito saan? Carina: Pag sabay-sabay pong humihiling ang mga tao. Tapos, iba-iba pa po ang hinihiling natin. Lahat po ba tayo naririnig niya? Elisa: Hindi siya malilito, dahil alam na niya kung ano ang gusto ng bawat tao. Tulad mo, sigurado ako, pagkalabas natin ng Simbahan, magpapabili ka pa ng lobo. Carina: Ang galing niyo naman po! Paano niyo po nalaman? Elisa: Kasi mahal kita! Alam ko kung ano ang gusto mo. Ganyan din ang Diyos. Alam niya ang gusto ng bawat tao, dahil mahal niya ito. Ibibigay niya ang kahit anong hiling natin sa Kanya. Carina: Kahit ano pong hingiin ko lola ibibigay niya? Elisa: Oo, pero kung alam niyang makasasama sayo ang hiling mo, bakit pa niya ibibigay? Alam mo, kung minsan, dahil sa sobra tayong apurado, akala natin ay hindi na tayo dinidinig ng Diyos. Pero ang totoo, naghihitay lamang siya ng tamang panahon. Naniniwala ka na ba?

Carina: (yayakap sa lola) Scene 2: Labas ng bahay nina Danny Darating si Boyet dala ang mga gamit niya, galing sa Maynila. Makakasalubong niya sina Elisa, Carina, at Chona, galing sa Simbahan. (sa masayang mga pagbati) Boyet: Uy, Lola! (mano) Elisa: Kaawaan ka ng Diyos! Carina at Chona: Kuya! Chona: Buti kuya at nagbalik ka na! Boyet: Ang lalaki niyo na. Tumataba kayo dito ah! Magtatawanan ang lahat. Scene 3: Kusina ng bahay Mario: (Habang nagluluto) Manang Gunding! Paki-ayos na ho ng mesa at maluluto na raw ang kanin at ulam! Manang Gunding: Ito na Mario. (Habang hindi pa naghahain ng pagkain ay nag-uusap ang mag-asawang Mario at Danica, kasama si Boyet.) Danica: Oh, buti naman at naisipan mo pang umuwi. Mario: Danica naman, alam mo namang graduating na ang anak mo. Hindi makaka-uwi agad yan at maraming inaasikaso sa Maynila. Working student pa. Boyet: Pasensya na po, inay. Hinahabol ko na po kasi ang paggawa ng thesis ko eh. Danica: Hindi ba pwedeng magpahinga, kahit linggo? Kung ang Diyos nga nagpahinga sa Savath Day, ikaw pa? Boyet: Nay, Sabbath Day po. Danica: Oo nga, Savath Day. Tsk Tsk. Mario: Osha! Mamaya niyo na pag-awayan iyan. Luto na ang ulam. Umupo na kayo sa mesa. Scene 4: Mesa sa Dining Room

Danica: (Sisimulan ang pagdarasal ng Prayer Before Meals) Lahat: (Pagkatapos ng dasal) Amen. Mario: Oh, kain na. Danica: Pass the kanin please! (nakangiti) Boyet: (Ipinasa ang kanin) Mario: Oh, mukhang bago yang relo mo, Boyet ah. Boyet: Ahh, bigay po ito sa akin ni Tita Arianne. (Mukhang di nasisiyahan si Elisa sa pagkain. Wala siyang malasahan.) Danica: Yung bingay ko sayong relo, bat di mo sinusuot? Boyet: Ah, sira kasi Nay eh. Pinagawa ko na muna. Chona: Kasi naman Nay, yung relong binigay mo mas matanda pa kay kuya yun eh. Carina: Hahaha. (biglang tawa) Elisa: (Ilalapag ang tinidor) Danica, parang matabang tong torta mo ahh. Danica: Chona, ipasa mo kay nanay ang asin. Elisa: (ita-taktak ng malakas ang asin) Danica: Naku, nay. Baka ma-highblood na kayo nyan. Andaming asin! Elisa: Eh hindi ko malasahan eh. (Aamuyin tapos ay bibitawan.) Wala ni amoy. (nakasimangot) Carina: (bubulong kay Chona) May lasa naman ah. Ang sarap nga eh. Mario: Sayang naman yan, Manang Gunding, ikaw na lang ang kumain nyan. Manang Gunding: Naku! Baka ako naman ang ma-highblood. (Dadalhin ang torta sa kusina) Danica: Ah, oo nga pala, Boyet gumawa ka nga pala ng Bio-Data mo. Ia-apply kita dun sa municipio para pag-graduate mo may trabaho ka na. Boyet: Eh, nay, magtutuloy po ako sa pag-aabogado. Danica: (mukhang nadismaya) Ah, ganun ba, di mo naman sinabi kaagad. Pero gumawa ka na rin para dito ka na rin makapag-aral ng law. At least di ka na dito magka-kasera.

Scene 5: Bahay nina Arianne Pupunta si George sa Dining Room. George: Diyos ko naman, nag-brownout pa. Makikita niya si Rommel sa isang maliit na space sa kusina. George: Ano yan, Rommel? Rommel: Mga photos ko po. Maganda po ba? George: Uhm, medyo dark siya sa paningin ko, pero maganda na ah. Nice shots! Biglang darating si Arianne sa bahay. Arianne: Oh, ano to, picknick by candle light? (Itatago ni Rommel ang mga pictures na kuha niya sa isang folder na nasa mesa.) George: Brownout, Arianne. Speaking of brownout, yung lighting facilities project namin sa Basilan, malapit na daw matapos. Sabi ng Engineer natin 6 months lang operational na siya. Arianne: Kamusta ang final exams mo Rommel? Rommel: Uhm, ok lang po. Arianne: (medyo galit) Cant you be specific, as in ok, papasa or ok, medyo tagilid? Rommel: (mahina ang boses) Papasa po. Arianne: (Galit na, pasigaw) I cant hear you speak up! George: Arianne, Dont Arianne: No, George. Ive had a long day and Im tired. Im asking a simple question. Now, what I get is a whisper, that even he cant hear! Rommel: (lalakasan na ang boses) Papasa po, Ma. Arianne: Great! Nakakapag-salita ka naman pala ng malinaw eh. At ano to? (titingnan ang mga photos na nasa ilalim ng folder.) George: Yan yung mga photos na kinuha ni Rommel. Ang galing niya noh? His photos look great. Arianne: (tinitingnan ang mga larawan) So, ano? Gusto mong maging photographer ang anak mo?

George: Eh diba, mas magiging successful naman ang isang tao kung passion naman niya ang ginagawa niya? Arianne: (Titingnan ang mga larawan for the last time sabay tapon sa ere.) Wala siyang makukuhang career sa photography. (Galit, kakausapin at duduruin si Rommel.) Make sure youll pass the whole semester. Do you understand? Rommel: (tatango) Arianne: (pasigaw) Do you understand? Rommel: Yes, Ma. (Aalis na si Arianne, kukunin naman ni Rommel ang mga litrato, nang naluluha-luha.) Scene 6: USA, sa isang park tanaw ang isang lake (Nakaupo sa isang bench si Grace at si Francis, habang nakatayo malapit sa kanila sina Andrew at Madeleine.) Andrew: Give it now, Dad. Madeleine: Shh! Keep quiet! (titingnan lang sila ni Grace) Andrew: Dad, what are you waiting for? Madeleine: Just shut up! Youre spoiling the occasion! Grace: Ano bang pinagtatalunan niyo? Francis, bakit ba tayo nandito sa park? (Kukuha ng isang maliit na box si Francis sa kanyang bulsa. Ibibigay kay Grace.) Grace: Ano ito? (Bubuksan ang box, at sasalubong sa kanya ang isang bracelet.) Grace: Ang mahal nito ah. Saan mo kinhuha ang pera pambili nito? Francis: Inipon ko yan para sayo. Happy Anniversary! Grace: Diyos ko naman, hindi mo sinabi sa akin may pera ka naman pala. Samantalang ako, hirap na hirap na. Hindi na nga ako magkanda-ugaga sa pagkakasya ng perang kinikita natin. (lalayasan ang tatlo) Francis: Grace, Grace saglit!

Andrew & Madeleine: Mom, Dad! Wait! Francis: Edi kung sinabi ko sayo edi hindi na surprise. Madeleine: Yeah, he just want to make you happy. Cant you just at least say thank you? Francis: Madz, stop it. Madeleine: Mom, I dont understand why the two of you have to always fight about money. Grace: You dont know? Alam mo ba kung magkano ang kinikita namin ng tatay mo? Huh? Do you have any idea? $3500 a month! Ang tuition nyo magkano? $500! Baon niyo,$200! Ang bahay at ammortization ng kotse, $600! Kuryente, tubig, gasulina, internet, $600! At ang insurance, insurance alam mo, $800! Ang pagkain, $500! Kung may matira dun paghahatian namin ng daddy mo. Kung wala sorry kami pareho! Francis: Grace, huwag ka namang magalit. Para sayo naman yun ah. Besides its our anniversary. Nakakahiya rin sa mga bata kung mag-aaway tayo sa harap nila. Grace: (pasigaw) No, Francis this are realities. These are realities Madz, now do you know why your dad and I have to always fight about money? (Aalis na ng tuluyan, susundan ni Francis na dismayado.) Andrew: Mom, Dad, I dont wanna miss the fireworks! Oh God. Narrator: Ganito ang madalas na takbo ng pamilyang nabuo ni Lola Elisa. Kahit na ang matanda ay isang debotong relihiyoso, hindi niya napigilan ang pagkakaroon nila ng isang watak na pamilya. Namatay ang kanyang asawa matagal ng panahon ang nakaraan. Napariwara ang kanyang panganay na si Danica, ngunit pilit niya pa rin itong tinanggap noong nagsisi. Tanging si Arianne lamang ang hindi tumanggap sa kanyang kapatid. Tinuruan niya ang sarili na magkaroon ng isang pusong bato, pagdating sa kanyang kapatid at mga kapwang nakapaligid sa kanya. Noong dalaga naman si Grace ay hindi sinang-ayunan ng tatay niya ang pagkakaroon niya ng relasyon kay Francis, kaya nagdesisyon siyang sumama dito patungong America. Ngayong araw ay may nag-alok kay Danica na ibenta ang kanilang lupa, kaya sinangguni niya ito sa kanyang nanay. Scene 7: Balkonahe ng Bahay nina Danica Danica: Nay, kung ibenta na kaya natin ang lupa ni papa? Elisa: Nangako ako noon pa sa papa mo, na ang lupa ay hindi kailangang ibenta. Danica: Eh kaysa naman ho nakatengga ang lupa.

Elisa: Uhh, kung ganon, e di tanungin mo na muna si Grace at si sino yun? Danica: Si Arianne? Elisa: Ayun! Si Arianne. Tanungin mo muna silang dalawa. Danica: Payag naman na daw si Grace. Eh sa payag na naman ako, payag ka na, at payag na rin si Grace, sigurado papayag na rin si Arianne. Narrator: Kinausap ni Elisa si Arianne, upang mapapayag siya na ibenta na ang lupa. Sa una ay hindi siya pumayag, dahil alam niya na kinausap lamang ang kanilang mama. Inakala niya na kukuhanan lamang ni Danica ang nanay nila ng pera. Ngunit di niya alam na walang ganitong balak ang kanyang kapatid. Tanging si Grace lang ang nakapagpapayag Arianne na ibenta ang lupa, dahil may naisip silang plano upang utakan ang nakatatanda nilang kapatid. Isang araw, habang nasa misa si Elisa, ay nagdasal siya sa Panginoon. Hiniling niya na iaalay niya ang kanyang pagkatao, bastat makita lamang ang kanyang mga anak na masaya, at magkakabatibati. Pagtapos ng Komunyon, ay nawalan ng malay si Elisa. Scene 8: Sa Ospital Arianne: Anong nangyari kay mama? Danica: Nagsisimba kaming buong pamilya. Tapos eh, nung natapos ang Komunyon, nawalan na lang siya ng malay. Arianne: Dapat nung una pa lang kasi nasa amin na lang siya. Tingnan mo ngayon, hindi siya naaalagaan ng mabuti sa inyo. Doktor: Uhm, Ms. Arianna, I need to talk to you about your mothers condition. Narrator: Sinabi ng doktor kay Arianne na ang kanyang nanay ay mayroong Alzheimers Disease, isang degenerative disease na kakainin ang kanyang buong pagkatao. Unang ipinaalam ni Arianne ang kalagayan ng ina sa kanyang kapatid na si Grace, bago kay Danica. Umuwi si Grace mula Amerika, para dalawin ang ina, at para asikasuhin ang lupa. Scene 9: Kaarawan ni Nanay Elisa, Bahay ni Danica Narrator: Wala na ang dating mga kilos ni Nanay Elisa. Madalas na siyang bayolente, at hindi na niya nakikilala kung sino ang kanyang mga anak at apo. Danica: Oh, kantahan natin ng Happy Birthday si Lola! Lahat: (kakanta ng Happy Birthday) Danica: Oh, Carina, blow mo cake ni lola para sa kanya.

Carina: (hinipan ni Carina ang kandila) Lahat: Yehey!!!! Narrator: Nilaro ni John-John, anak ni Arianne, ang cake ni Elisa. Nagalit si Elisa at sinaktan ang bata. Elisa: Ahh! Bad ka! Bad! Bad! Bad! (habang pinapalo si John-John) Arianne: (medyo pagalit) Nay, tama na. Wag niyong saktan ang bata. Ayan na yung cake nyo oh, ano pa po ba ang gusto nyo? Elisa: (pasigaw) Huwag mo akong lapitan! Ayoko sayo! Ayoko sayo! Danica: Nay, tama na. Andito na si Danica. Oh, iyan oh. Nay diba sayo tong cake na to? Oh. Kakain tayo nyan mamaya ah Arianne: (naluluha) Sige! Amuhin mo pa ang matanda. Tutal ang habol mo lang naman dyan ay yung pera niya. Magkampihan kayong mag-ina. Siguro ngayon mas natutuwa ka pa na naging ganyan na siya para madali mo na siyang mahuthutan! Mario: Tama na Arianne! Danica: Mario, huwag. (pinipigilan si Mario sa paghawak sa dalawang balikat) Mario: Hindi, Danica. Pagsalitain mo ako! Ikaw Arianne, napupuno na ako sayo! Oo, mahirap lang kami pero hindi namin masisikmura ang huthutan ng pera si mama. Nung naghatian kayo ng lupa, may narinig ba kayo sa amin? Wala! Ni hindi na nga kami umangal kahit na wala kaming nakuha sa pinagbentahan ng lupa! Arianne: Hoy, Mario! Usapang pamilya ito. Huwag na huwag kang makisali dito, dahil sampid ka lang! George: Tumigil na kayo parang awa nyo na! Grace: Please lang tumigil na kayo, maawa kayo sa mga bata! Danica: (nilapitan si Arianne) Sige saktan mo ako, Arianne! Huwag ka nang mandamay ng iba! Diba sa akin ka naman galit! Galit ka sa akin kasi ako pinatawad ni papa! Galit ka dahil paborito ako ni papa! Sige! Sampalin mo dito! (ituturo ang pisngi) Sampalin mo ako! Arianne: (aalis) Danica: (hahabulin si Arianne) Ano! Manampal ka! (hindi na mahahabol pa si Arianne) Scene 10: Bahay Ni Arianne Narrator: Tulog si Rommel sa kanyang kama nang bigla siyang hilahin ni Arianne.

Arianne: Hoy, Rommel! Wake up! Rommel: (kinakabahang bumangon sa kama) Arianne: Pinuntahan ko ang Dean ng University mo! (maghahagis ng papel) Isang buwan ka na pa lang di pumapasok! Antagal mo na palang nag-drop pero di mo pa rin sinasabi sa amin! Sige! Magpaliwanag ka kung bakit hindi ka na pumapasok! Rommel: (naiiyak) Pagod na kasi akong sundin kayo palagi, Ma. Hindi ko gusto ang course na gusto niyo sa akin. Sa buong bahay na to Ma, ikaw lang ang nasusunod. Kahit sa sarili naming buhay IKAW ang nasusunod! Hindi ba pwedeng sa pagpili na lang ng bokasyon ko, ako naman? Arianne: Ah, ganon! Wala kang utang na loob! Lumayas ka. Lumayas ka sa pamamahay ko! (kakaladkarin si Rommel) Rommel: Ma, no. Ma, huwag! George: Ano to Arianna! Maawa ka naman kay Rommel! Narrator: Pinaalis ni Arianne ang kanyang anak. Nawala ito, at hindi nila nakita si Rommel pagkatapos ng ilang araw. Scene 11: Kalye Umiiyak si Rommel habang naglalakad sa tabi ng daan. Walang ano-ano ay lumapit sa kanya ang isang lalaki at tinutukan sya ng kutsilyo sa tagiliran Holdaper: Holdap to! Huwag kang gagawa ng masama! Nilabanan ni Rommel ang holdaper. Sa kasamaang palad ay nasaksak siya ng matindi sa tagiliran. Nakuhanan na siya ng kanyang bag at cellphone. Mga ilang minuto ay napansin siya ng isang grupo ng tanod, na agad naman siyang itinakbo sa pinakamalapit na ospital. Scene 12: Ospital Mabuti at hindi natangay ang wallet na nasa bulsa ni Rommel, kaya natawagan ang calling card ng kanyang inang si Arianne. Nurse: Hello, this is Saint Bernard Hospital. Kamag-anak niyo po ba si Rommel dela Cruz? Arianne: Yes, Im Mrs. Arianna dela Cruz, his mother. Bakit? Nurse: Kailangan niyo pong pumunta ngayon dito. Nasaksak po ang anak niyo. He is in the critical stage. (Pagkatapos marinig ay agad binaba ang telopono at dali daling pumunta sa ospital.)

Arianne: Asan ang anak ko! Nurse: Kayo po ba si Mrs. Arriene dela Cruz? Arianne: Oo, nasaan ang anak ko! Nurse: Nandoon po sya sa ICU. (agad pumunta si Arianne kasama ang nurse sa ICU) Arianne: Anak kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi na kita pinalayas, sana pinayagan na kita sa gusto mo. George: Arianne, tatawagan ko lang ang mga kapatid mo. Kailangan nilang malaman ang nangyari kay Rommel. Scene 13: Loob ng Bahay Narrator: Tinawagan ni George si Danica at Grace sa bahay. George: Hello. Danica, si George ito. si Rommel nasaksak. Narito kami sa ospital. Danica: Ano?! Grace: Bakit ate? Ano ang nangyari? Danica: Si Rommel daw nasaksak! Grace: Diyos ko! Danica: Hello. George saang ospital ba iyan? Pupunta na kami agad. George: Sa Saint Bernard Hospital. Narrator: Nagmamadali na pumunta ang buong mag-anak ni Danica at ni Grace kasama si Lola Elisa. Scene 14: Chapel ng Hospital Narrator: Makikita nina Grace at Danica si Arianne na nagdadasal, at tatabihan nila ito. Grace: Ate, magiging maayos din ang lahat. Arianne: Sana nga. Sana nga. Danica: Arianne.. Narrator: Biglang papasok si George. George: Arianne, si Rommel nag-aagaw!

Scene 15: ICU Room Narrator: Dali-daling pumunta sa emergency room si Arianne at hinawakan ang kamay ni Rommel. Arianne: Rommel, gumising ka! Mahal na mahal kita anak ko! Rommel magbabago na ako, gumising ka lang. Rommel! Narrator: At parang milagrong bumalik sa normal ang tibok ng puso ni Rommel. Scene 16: Chapel ng Ospital Arianne: (nakaluhod sa harap ng imahen ni Hesus.)Maraming Salamat, Panginoon, dahil pinakinggan mo ang hiling ng aking puso. Pinapangako kong tutuparin ko ang pangako ko sa iyo na magbabago na ako. (tatayo at mag-aantanda ng krus) Ate Danica, patawarin mo ako. Patawarin mo ako sa mga naging kasalanan ko sa iyo. Danica: Ok lang yun, Arianne. Patawad din at nagkulang din ako sa inyo ni Grace sa pagiging tunay na ate. Grace: Ok lang yun, Ate Danica. Narrator: Nagyakapan ang Tatlong Maria, at tuwang tuwa ang mag-anak. Sa hindi kalayuan, ay nakamasid sa kanila si Lola Elisa, na nakitang nagkatotoo rin ang kanyang hiling. Elisa: Naku po, Diyos ko. Maraming maraming salamat po sa inyo. Maraming salamat po, at tinupad niyo ang hiling ko. Salamat po at ipinakita nyo po, sa aking mga anak, ang tunay na tanging yaman.

Wakas

You might also like