You are on page 1of 8

ISANG DOSENA

Cast:

 Nena – Pat
 Nanay – Charina
 Tatay – James
 Richie – Agor
 Manny – Pors
 Bitoy – Orlando
 Kapatid (3rd scene) – Greso
 K1 – Maui
 K2 – Peachy
 K3 – Mark
 K4 – Jade
 Kapatid 2 – Kyle, Edjohn
 Others: Staff, Director, Sound system, Props – Rus, Cheska, Ashly, Aimee, Jess, Mycah

Props:

 Sampaguita
 Stuff toys/manika (2), Baby Blankets (2)
 Papel at lapis
 Eye drop
 Lamesa (1), upuan
 Tuyo, asukal, kape, tubig
 Baso, plato, platito, mangkok, kutsara
 Radio(speaker), newspaper
 Pera
 Black na tela (curtain)

Costume:

 Nena – daster, uniform


 Lahat – pambahay (short/sandong butas/damit na butas/etc)
 Staffs – all black (damit at pants)

~ CURTAIN OPENS ~
Introduction: Nena at buong pamilya sa background

(Nena Solo) – 27 Seconds

Si Nena na may hawak ng sampaguita panlako. Sa tabi si nanay may hawak na dalawang manika (babies
crying bg).

“Isang taon palang ako, nasundan na ni toto,

Si Nena nakasuot ng daster at may aabutan ng staff ng isang manika tapos sa likod ni nena mga kapatid
(baby crying bg).

“Grade two, walong taon palang, apat na bata ang inaalagaan,

Si Nena magsu-suot ng uniform at nagawa ng assignment sa lamesa, biglang kukunin ng tatay ang lapis at
papel.

“Grade six, labing dalawa na ako, kasing dami na ng pamilya ko,

Si Nena ay uupo sa gitna at aabutan ng pampatak ng staff para mapaiyak.

“Sabi mo pasensya na, walang pera kaya magdrop-out ka”.

(1st Scene) - 1 minute – Nena, Nanay, Tatay

Nanay: Nak tumigil ka muna sa pag-aaral kailangan natin mag doble kayod para makakain tayo.

Nena: Sige ho nay. Ay Nay, may naisip akong pwedeng trabaho!

Tatay: Anong trabaho ba yan anak?

Nena: Diba po marunong kayo mag basketball?

Tatay: Oo baket?

Nena: Eh, tutal isang dosena naman po ang anak nyo, tapos isama po si nanay, edi isang team na po
tayo. Tapos kayo po ang coach, edi sali po tayo sa basketball, isang team na po tayo! Oh, diba Nay galing
ko talaga. (crowd laughing bgs)

Nanay: Nena, anak, (hawak nito sa balikat) kung may pinagdadaanan ka, sabihin mo sa amin ng tatay
mo. Hindi yung katulad niyan, sinasarili mo! Kumakain ka naman, eh amoy nga lang ng tuyo ang ulam.

Tatay: Kahit pa mahirap tayo Nena, wag na wag kang sisinghot ng rugby ha anak!

Nena: Tay ginawa nyo naman ho akong adik, eh, muka ba akong nag-aadik (pasinghot-singhot)

(crowd laughing bgs)

~ CURTAIN CLOSES ~

~ CURTAIN OPENS~
(2nd Scene) – 2 minutes – Nena, Richie, Manny

Sa lamesa, kakain si Nena at ang mga kapatid.

Inamoy ni Nena ang tuyo na nakatali sa ibabaw ng lamesa, at isinawsaw ang amoy sa suka.

Richie: Ate, ate, anong ginagawa mo?

Nena: Sinasawsaw ko lang yung amoy ng tuyo sa suka.

Manny: Ate talaga oh! Amoy na lang isasawsaw pa, lupit talaga (kamot sa ulo). (crowd laughing bgs)

Nena: Hoy! Hindi natin aabutin to kung hindi dahil sa kasalanan nyo! Sampaguita na lang, pinanakaw nyo
pa! Kaya simula bukas maglalako kayo buong hapon! Kapag nanakaw pa yan, d kayo aamoy ng tuyo!
(crowd laughing bgs)

Manny: Ate naman oh!

Nena: May pera ka?

Manny: Wala po.

Nena: Ikaw? May pera ka?

Richie: Wala po.

Nena: Pinagtataguan mo yata ako eh!

Richie: Oho, eh d naman kasi namin alam na mananakaw yung sampaguita eh, edi sana di na lang
naming binili tong sweepstakes.

Nena: Inuna pa yung sweepstakes sa ulam? Pambihira ka naman! Wala na nga tayong makain! Pambihira
ka! (crowd laughing bgs)

Manny: Ate kung seswertehin kami, edi milyonaryo na tayo ngayun!

Nena: Anong swerte, wag kayo maniwala sa swerte! Alam nyo ba pangarap ng nanay sa inyo? Yumaman
kayo! Kaya pangalan sa inyo ay Richie at Manny! Hindi dahil sa swerte! Magsumikap kayo! Kumain na
kayo. (crowd laughing bgs)

Richie: Kain na daw.

(sabay sabay nila hahablutin yung tuyo na nakasabit) (crowd laughing bgs)

Nena: (hahampasin yung mga kamay) Wag nyong kamayin! Wag nyong kamayin! Mapapanis! Kutsarain
nyo. (crowd laughing bgs)

(hahablot ng kutsara yung magkakapatid)

Nena: Oh, amuyin nyo.

(suminghot si Manny)

Nena: Wag mong amuyin lahat! Tirhan mo kami! Sinisinghot mo lahat eh! Ikaw naman (Richie) konti
lang. (crowd laughing bgs)
(dinilaan ni Richie)

Nena: (sasakalin si Richie) Dinilaan mo eh! Manlalamang ka dinilaan mo eh! (crowd laughing bgs)

(inamoy naman ni Manny)

Nena: Isa ka pa! Amoy lang! Wala na tayo para bukas! (crowd laughing bgs)

~ CURTAIN CLOSES~

~ CURTAIN OPENS ~

(3rd Scene) – 4 minutes – Nena at Greso

Si Nena galing sa labas, may dalang sampaguita, napagod magbenta kaya umuwi muna.

Nena: Pagod ako! Whoo! (kinuha ang radio) Makapakinig nga muna dito.

(background sound for radio)

Tinignan nya mga nakatakip na plato sa lamesa, may nilagang itlog syang nakita. Kumuha sya ng asin at
dinala sa lamesa. Masaya/nakangiti si Nena habang binabalatan yung itlog (crowd laughing bgs).
Dumating yung isa sa kapatid, pero nagtago lang sa gilid (crowd laughing bgs). Kinagatan nya yung itlog,
tapos nagsway-sway sa tuwa (crowd laughing bgs).

Habang ninanamnam ni Nena yung itlog, unti-unti lumapit ang kapatid nya, at ng makakuha ng chance,
nilagyan nya ng asin yung itlog at kinain habang hawak ni Nena (crowd laughing bgs), tapos bumalik sya
sa pinagtataguan nya sa gilid. Si Nena naman ay kakagat ulit sa itlog, ngunit pagkakita nya, wala na yung
itlog (crowd laughing bgs). Hinanap nya sa ilalim ng lamesa, wala. Pinatay nya yung radio at nagbalat ulit
ng isa pang itlog. Kumagat ng kalahati at kumuha naman ng dyaryo.

Habang busy magbasa si Nena, unti-unti ulit lumapit ang kapatid at kinain ulit ang itlog at naglagay ng
asin sa bibig at bumalik ulit sa pinagtataguan nya (crowd laughing bgs).

Nena: Nagbrownout ba? Wala nga pala kaming kuryente (shrug) (crowd laughing bgs).

Kakagat ulit sya sa itlog pero pagkakita nya nawala ulit (crowd laughing bgs).

Nena: Aba! (crowd laughing bgs).

Kinuha nya yung hilaw na itlog at kunwaring binasag sa lamesa. Kunwari nagbabasa si Nena ng dyaryo
ulit. Unti-unti namang lumapit ulit ang kapatid para kagatin yung itlog na hawak ni Nena (crowd
laughing bgs). Hanggang sa tumayo silang dalawa at binasag sa mukha yung hilaw na itlog. (crowd
laughing bgs).

Nena: (hinampas yung dyaryo) Patay-gutom ka! (crowd laughing bgs).

Yung kapatid natatawa na naiiyak na lang. (crowd laughing bgs).

~ CURTAIN CLOSES ~
~ CURTAIN OPENS ~

(4th Scene) – 1 minute – Nena, Nanay, Bitoy, at mga kapatid nakain

Naghain si Nanay ng pagkain, tuyo ang ulam.

Nanay: Mga anak kain na kayo! Tanghalian na!

Bitoy: Nay, magkakape po ako.

Nanay: Bahala ka kung ano gusto mo. Oh iwan ko na kayo ha, maglalako pa ako ng tuyo, Nena bantayan
mo mga kapatid mo kumain, tapos maglako na ulit ng sampaguita ha.

Nena: Opo Nay!

Kumain na sila Nena at mga kapatid. Kumuha naman si bitoy ng stick na kape at hinalo sa tubig. Kinuha
din nya ang asukal.

Bitoy: (naglagay ng tatlong punong kutsara ng asukal sa kape) Ihh! Tabang! (crowd laughing bgs)
(tinignan ni Nena).

Bitoy: (Naglagay ulit ng tatlong punong kutsara ng asukal) TABANGGG! (crowd laughing bgs) (maglalagay
ulit ng asukal).

Nena: Sandali nga! (kinuha ang asukal na hawak ni Bitoy) Paanong di tatabang eh ayaw mo haluin,
andami mo nilagay! (crowd laughing bgs).

Bitoy: Ate talaga ang hina ng kukote! Pag hinalo ko to, tatamis! Magkakaroon pa ko ng diabetes! (crowd
laughing bgs) (iinumin yung kape).

Nena: (binatukan si bitoy) Diabetesen mo yang mukha mo! (matatapon yung kape) (crowd laughing
bgs).

~ CURTAIN CLOSES ~

~ CURTAIN OPENS ~

(Cutted scene) – Nanay at Tatay – 30 seconds

Nanay and Tatay mag-uusap about sa paggawa ng bata (WAHAHHAHAHAHHA)

(crowd laughing bgs) (romantic music bgs)

~ CURTAIN CLOSES ~

~ CURTAIN OPENS~

(5th Scene) – 1 minute – Nena, Nanay, Tatay, Mga kapatid


Kakagaling lang ni Nena sa labas dahil naglako sya ng sampaguita kasama iba pa nyang mga kapatid. Si
Nanay at Tatay ay nakaupo sa may mesa kasama iba pang mga kapatid.

Nanay: Oh, anak nakauwi na pala kayo.

Nena: Opo Nay. Eto nga po pala yung pera.

Nanay: Salamat anak ha. Ah upo kayo ng mga kapatid nyo. May sasabihin kami ng Tatay nyo (ngiti).

Tatay: Mga anak, may balita kami ng nanay nyo.

Nanay: Hulaan nyo kung ano yon.

K1: Pagkain?

K2: Gatas?

K3: Tuyo! (crowd laughing bgs).

Nanay: Hindi mga anak, ang balita naming sa inyo ay…. magkakaroon na kayo ng bagong kapatid!

Nena: Nay! Bakit! (galit)

K4: Sinong kapatid?

Nanay: Nasa tiyan ko palang mga anak, ibig sabihin, buntis ang nanay (sabay ngiti).

Si Nena napatulala na lang, napaisip sya, “sosobra na ba ang team namin sa basketball?” (crowd laughing
bgs) sad nena huuhu

Song: Sama-Sama by Ex Battalion – 3 minutes

Dito sa part na to, kakantahan ng mga kapatid si Nena kasi malungkot sya. Tapos si Nanay at Tatay
maglalandian pa rin HUHUHUHU

(First chorus: Greso, tatayo tapos sya mangunguna sa pagkanta)

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan


Kung may problema tayo-tayo lang
Din naman ang magtutulungan
'Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama, 'pag may kasiyahan
Kaya't sama-sama tayo na parang
Parang magkabarkada lang

(Verse 1: Jade, pupunta sa gitna kasama mga kapatid)


Simula pa nung una, 'pag ako may problema
Alam kong may matatakbuhan, sasandalan, walang iwanan
Kahit anong sabihin niyo, mga kapatid ko 'to
Kasama ko 'to sa hirap o ginhawa, magunaw man ang mundo
Tsaka iba talaga saya na 'yong dala, 'pag tayo ay sama-sama na
'Yung tipo nakakalimutan mo ang lahat ng
Problema mong dala, basta gano'n na nga
'Pag tayo'y kumpleto na mas masaya, 'di ba? Yeah

(Verse 2: Orlando)

Gusto ko kasama kayo sa kulitan, sarap, walang iwanan


At kahit na minsan nagkakaro'n man tayo
Ng hindi pagkakaunawaan, tampuhan at galit, awayan
Pag-usapan na lang sa tagayan, 'di makatiis
'Pag nakitang nakangiti, apiran, wala na 'yan
Sabay halakhakan at palakpakan kahit na walang nakakatawa
Ganyan kabaliw, 'pag magkakasama
Mapatingin lamang sa bawat isa
At bukod pa sa samahan natin na sa
Kabila ng mga pagsubok kasama kita
Nararanasan mas masaya lagi basta, tara na

(Chorus: Greso)

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan


Kung may problema tayo-tayo lang
Din naman ang magtutulungan
'Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama, 'pag may kasiyahan
Kaya't sama-sama tayo na parang
Parang magkabarkada lang

(Last Chorus: Lahat, pati si nanay at tatay sasali, lalabas mga staff tapos yayayain si Nena kumanta)

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan


Kung may problema tayo-tayo lang
Din naman ang magtutulungan
'Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama, 'pag may kasiyahan
Kaya't sama-sama tayo na parang
Parang magkabarkada lang

~ CURTAIN CLOSES ~
The End!

You might also like