You are on page 1of 17

Ikalabingtatlong Tagpo:

Setting: Sa Tahanan ni Macaraig. (Lights On: 3 Yellow 3 Red 3Blue).

Tagasalaysay: Dalawang palapag ang malaki at malawak na bahay ni Macaraig. Tahimik rito ngunit sa tuwing
sasapit ang alas-diyes ng umaga ay umaalingaw-ngaw sa buong kabahayan ang tawanan at sigawan ng mga
naninirahan rito at iba pang mga estudyanteng may kani-kaniyang pinagkakaabalahan. [LIGHTS OFF]

(Sa loob ng tahanan sa may hagdan. Dinig na dinig ang ingay ng mga estudyante. Mayroon isang pobreng
tsinong nagtitinda ng mga kakanin. Sa likod nya ay ang mga estudyanteng nag-eeskrima)

(Eksena mula sa nagtitindang tsino).

(Mayroong estudyanteng mang - uumit ng paninda).

Tsino: (Kukunot ang noo) ikaw balik iyan! (Ibabalik naman iyon ngunit tatawa.)

Tsino: Kayo bili aking paninda. Palaawa, masalap lahat ito. (Nakangiti)

Estudyante #1: (Kukunin ang kakanin at kakainin) Hindi naman ito masarap! (Ngunit patuloy na ngumunguya)

Tsino: (Magagalit) Ikaw bayad iyo kain! Ako lugi! (pasigaw)

Estudyante #1: (Lalayo ng kaunti) Salamat! (Sabay subo muli sa pagkain) (Mayroon hahablot ng buhok ng

tsino).

Tsino: (Lilingon) Huwak laro! Huwak laro! (Sabay balik ang tingin sa harap at mahahampas ang likod)

(Mangiyak-ngiyak ng parang batang tumatalon) Kase naman eh! Waah!! Sabi huwak laro, huwak laro!

(Mahahampas ang paninda ng tsino ng baston)

Tsino: (Sisigaw at galit na galit na dinuduro ang mga estudyante) Mal kosesia, mal kilestiano, homle limonio‘t
balbalo, tuso-tuso! (Di sya papansinin ng mga estudyante) waaahhh !!! (Saka palang sya papansinin nang
makitang umiiyak na ito)

(Magtatawanan ang mga estudyante).

Estudyante #2: O eto (Abot ng bayad) bayad sa aking kinain kanina! Hahaha!

Estudyante #1: Ito na rin ang bayad ko sa aking kinain. (Nakangise) (Marahas na kukunin ang mga bayad)

(Patuloy na nagtatawanan ang mga estudyante. Hahahaha) (Darating si Isagani at Sandoval)

Isagani: Tila masarap ang iyong mga tinitinda!

Tsino: (Pabulong habang umaalis) Kayo talaga mga diyablo! huaya, homia! (Sabay alis)

(Lalong matatawa ang mga estudyante at magtataka si isagani‘t Sandoval. Sinundan lamang nila ito ng tingin at
nang mapabaling na ang tingin nila isagani sa mga estudyante ay mapapahinto ang mga estudyante sa
pagtawa at magiging pormal)

Mga estudyante: magandang umaga isagani at Sandoval! (Magiliw na bati ng mga ito) (Tatango lamang sina

Isagani at Sandoval ng may ngiti sa mga labi)

(Lights Off)
(Lights Off)

(Lights On: 3 Yellow 3 Blue 3 Red)

(Sa lamesa kung saan may nagsusulat ay may dalawang taong naghahabulan at paikot-ikot sa lamesa na
nagiging dahilan ng pagkagulo ng mga nagsusulat. May roon ding isang pilay at isang estudyanteng
nagbabantang magsapakan)

(Papasok sina Isagani at Sandoval at mapapahinto ang lahat at madadatnan sa pwestong ginagawa nila)

(Isa-isang magsasalita ang mga estudyante at magiliw na babatiin sina Isagani


at Sandoval ng: magandang umaga! (nakahinto parin sa kanilang mga pwesto)

Isagani: Magandang umaga sa inyong lahat!

Sandoval: Magandang umaga sa inyo.

(Tatango sina Isagani, at Sandoval at saka palang magiging pormal ang mga estudyante. Ang dalawang
magsasapakan
‗sana‘ ang tanging di parin nag-pormal, mababalik lamang sa ulirat ang dalawa sapagkat mapapansin nilang
ang lahat ay nakatingin sa kanila ng may pagtataka. Saka palamang nila mapapagtanto na ang itsura nilang
dalawa ay tila nagmukang magkasintahan magkayakap sapagkat pareho silang nakangite. Itutulak nila ang
isa‘t-isa saka parang mahihiya)

Estudyante #5: Hindi nyo nasabing may pagtatangi pala kayo sa isa‘t-isa (Tukoy nito sa dalawa na sinasabi
habang nagpipigil sa pagtawa)

Estudyande #4: AYIIIEEE !!!

(Sabay magtatawanan ang lahat. HAHAHAHA)

(Mapapailing lamang si Isagani at Sandoval matapos tumawa. Tutungo ang dalwa sa lamesa at magtitipon
ang lahat)

Estudyante#1: Ano kaya ang nangyayari?

Estudyante #2: Ano kaya ang pinasya ng Kapitan Heneral?

Estudyante#3: Ipinagkait ba nila ang pahintulot? Nagtagumpay ba si Padre Irene?

Sandoval: Malaki ang tiwala ko na magandang balita ang ihahatid sa atin ni Macaraig.

Isagani: Gayun din ang aking inaasahan. (Tumatango)

Sandoval: Maaari rin kayong bigyan ng parangal at tayo‘y ikalulugod ng pamahalaan dahil sa pagnanais
nating payagan ang pagkakaroon ng AKADEMYA NG WIKANG KASTILA! (Buong loob na bigkas nito)

Juanito: Isang malaking karangalan para sa akin ito!

Pecson: (Nakakunot ang nuo) Wag kayong magpakakampante mga kaibigan! Aba‘t anong malay natin?
Mayroon paring salungat sa ating nilalayon tulad na lamang nila Obispo A, Pari B at Probinsyal C na tunay na
maimpluwensya sa Kapitan Heneral. nagrekomenda ba ang mga ito na ipakulong ang lahat ng myembro sa
samahan ng mga estudyante? (Mala-kontrabidang wika nito)
Juanito: Hindi.. Hindi.. Aba‘y wag nyo kong isali dyan. Hindi ako kasali dyan. (Takot na wika nito)

Sandoval: Isang masamang pakilala sa Heneral! Wala kang katibayan na nagpapasulsol ang Kapitan
Heneral!!

Pecson: Wala akong sinasabing ganyan, ikaw ang nagsabi nyan Sandoval at hindi ako. (Mapang-asar na
wika nito ng nakangise)

Sandoval: Iwasan natin ang mga walang kwentang pananalita at walang kabuluhang pagtatalo! Ayokong
matawag na pilibustero! (Pakumpas at pasigaw na wika nito)

Pecson: Ayan na namang pilibustero, pwede bang magtalo tayo nang walang bintangan? Hindi natin alam
ang iniisip ng iba, anong alam natin? Baka may opisyal sa pamahalaan na ayaw tayong magkaintindihan! At
ano nalang kaya ang mangayayri sa Pilipinas kung sakaling maunawaan ng mga estudyante ang batas?!
(Mangangamba ang mga estudyante)

Sandoval: Huwag natin agad husgahan ang pamahalaan, ang Pilipinas ay lalawigan na ng Espanya kaya‘t
kung ano ang ipinapatupad sa Espanya ay ipinapatupad din dito sa Maynila. Nararapat lamang na matamasa
ninyo ang karapatan at kasiglahan! (Lahat ay naging masigla)

Pecson: paano kung hindi nila ito payagan? (Sarkastong tanong nito)

Sandoval: Kapag ipinagdamot nila ito, matutuklasan nyo ang kanilang pagkukunwari. Ibig sabihin nun, kayo
ay kanilang hinahamon!

Pecson: At pagkatapos? Paano kung walang tumanggap ng hamon?

Sandoval: Kapag walang tumanggap ng hamon. (Makikitang tila nag-iisip si Sandoval ang lahat ay nag-
aabang ng sagot na unti-unting lumalapit kay Sandoval) kung gayon ay! (Mapapabalikwas ang mga
estudyante) Ako! (hawak sa dibdib) si Sandoval! Sa ngalan ng espanya ako ay tatanggap ng hamon at
gagawa ako ng paraan upang matuklasan ang panaamantala ng mga pinuno na di karapat-dapat na
proteksyonan ng espanya! (Katahimikan, tunog ng kuliglig, sabay biglang yayakap si Isagani kay Sandoval at
tuwang-tuwa)

Isagani: Magaling! Magaling!! (Lahat ay yayakap kay Sandoval na tila naiiyak)

Musika:

(Naka-freeze ang mga estudyante matapos ang kanta)

Pecson: Ehem-ehem! (Babalik sa mga pwesto ang mga estudyante) sanda — (Mapuputol ang sasabihin)

Bagong dating na Estudyante: (Nagtatatalon kasunod nitong dumating ay si macaraig) magandang balita!
Tao‘y magsaya mga kaibigan (Eksaherado na wika nito) mabuhay ang wikang Espanyol!! hoooo!!!

(Magpapalakpakan ang lahat at nagyayakapan si pecson lang ang tila alanganin ang ngite)

Macaraig: Nakipagkita ako kay padre Irene kaninang umaga at sinabi nya sa akin na isang lingo na nilang
pinagbabatehan ang ating panukala .. kanyang ipinagtatanggol ang ating adhikain laban sa mga di-sang-ayon
dito!

Estudyante: Mabuhay si padre Irene!

Mga Estudyante: Mabuhay!

Macaraig: Mabuti at naroon si Don Custodio na nagrekomendang maging tagapasya kaya pumayag ang
kapitan heneral. Nangako din si Don Custodio na ipapaalam sa’tin ang pasya nito sa loob ng isang buwan!
Estudyante: Mabuhay si Don Custodio!

Mga Estudyante: Mabuhay !

Pecson: Eh paano nalang kung di rin payag si Don Custodio? (Mapahinto ang mga estudyante at
magbubulungan na may halong pag-aalala ―oo nga paano nga kung ganon? bulong ng iba)

Macaraig: Naitanong ko rin yan kay padre Irene at naipaglaban niya ito kung kaya’t tayo ngayon ang hihikayat
kay Don Custodio. Wala rin daw pinapanigan ang Kapitan Heneral. Nagbigay sa akin ng 2 payo si padre Irene,
isang malaking handog!

Pecson: (Biglang magiging masigla) Aha! Alam ko na! Ang mananayaw na si PEPAY! (Wika nito habang
gumugiling)

Mga estudyante: (Magtatawanan at sabay-sabay na wika) TAMA! Ang mananayaw na si PEPAY! (Lahat ay
sasayaw din) Pepay! Pepay! Pepay! Pepay! (Wika nila ng may tono)

Isagani: (Biglang papagitna) SANDALI! Hindi ko iyon maibigan, masyadong malaswa! Ano pa ang isang
payo? (Sabay lingon kay Macaraig)

Macaraig: Ang isa pa ay si ginoong pasta, ang kilalang abogado ng maynila at tagapayo ni Don Custodio ukol
sa mga batas.

Juanito: Kilala ko rin ang mambuburda ni G. Pasta na si matea!

Mga estudyante: Matea! Matea! Matea! Mate--- (Mapapahinto)

Isagani: Hindi mga ginoo, unahin natin ang marangal na paraan. Ako ang sasangguni kay G. pasta at kung
ako‘y magtagumpay. Saka ninyo gawin ang nais niyong iyan.(Tatango ang mga estudyante at biglang:)

Mga estudyante: (Nakakapit sa isa‘t-isa) pepay! Matea! Pepay! Matea! (mapapailing na lamang si isagani na
natatawa)

(Lights Off)

Ikalabing Apat na Tagpo Setting: Sa Opisina ni G. Pasta

(Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow)

(Papasok si Isagani. Di sya papansinin ni don custodio na patuloy sa pagsusulat. Pinagmasdan na lamang ni
Isagani ito hanggang makatulog)

G. Pasta: (Mag-iinat) Hay! Sa wakas! natapos din! (Saka lang mapapansin si Isagani at biglang sisigla) Iho!
(Magugulat si isagani at matatarantang tumayo at nagpunas ng laway)

Isagani: Magandang araw ho Ginoong pasta (masiglang kakamayan sya ni G. Pasta)

G. Pasta: (Ipupunas ang kamay ng pasimple sa damit sapagkat ang kamay ni isagani ay may laway na
pinunas nito kanina) He—he. Ipagpaumanhin mo kung di ko namalayan ang iyong pagdating. Kamusta na nga
pala ang tiyo mong si Padre Fernandez? At ano nga palang pakay mo sakin?

Isagani: Mabuti naman ho ang tiyo. (Naging masigla) ako‘y isang mag-aaral at tunay na ikabubuti ng
nakararami ang ninanais! Naglalayon ako, kaming mga estudyante ng puro mabuti lamang. Ang nais naming
mas matuto pa ng mga bagay-bagay na di lang para sa aming ikabubuti kundi para sa lahat! Ninanais ng mga
estudyante na matuto pa ng wikang kastila kaya kami ay bumuo ng samahan upang matupad ang aming
hangarin! Ngunit hindi lahat ay sang- ayon dito. Alam naming walang kinakampihan ang kapitan heneral dito
at hindi namin alam ang panig ng bise-rektor at mga prayle. (May pakumpas na wika nito sa bawat sinasabi)
G.Pasta: (Tila walang ganang nakikinig ito at biglang tataas ang kilay na tila alam na ang pakay nito) Maski
ako‘y ganun rin ngunit walang makakapantay sa aking pagiging makabayan, ngunit, kailangan kong mag-ingat
sa aking kilos. Nawa‘y intindihin nyo ako. Hindi ako mangangapangako.

Isagani: Ayaw naming mapahamak kayo, wala akong nalalaman sa batas na pinapairal sa ating bayan.
Pareho ho tayong may hangarin sa bayan ngunit magkaiba lamang tayo ng pamamaraan.

G.Pasta: mas mabuti kung tutulong tayo sa pagsunod sa batas. Dapat parusahan ang mga pagkilos na
salungat sa pamahalaan! Kahit na ipalagay na mas mahusay ito kaysa sa mga pagkilos ng mga namumuno
dahil magiging kasiraan iyon sa karangalan nito sa sandigan ng kolonya ng espanya.

Isagani: hindi karangalan kundi katarungan at katwiran ang higit na matatag na sandigan!
Upang magawa ng pamahalaan ang kabutihan sa mga tao, dapat nilang sundin ang kahilingan ng
mamamayan na mas nakakaalam ng kanilang pangangailangan!

G. Pasta: (Marahas na lilingon) Pili lamang ang bumubuo ng pamahalaan at natatanging mamamayan!

Isagani: (Kalmado paring nakangiti) Sila‘y tao rin atnagkakamali, dapat nilang dinggin ang mga palagay ng
iba.

G.Pasta: May iba pang dahilan ang pamahalaan kaya ipinagdadamot nya ang gusto ng mga tao. Mahirap
ipaliwanag ang mga iyon kung bakit di maibigay. Siguro nga ay mga di makatarungang mga pinuno ngunit
unawain nating nasa iba‘t-ibang kondisyon ang iba‘t-ibang pamahalaan.

Isagani: (Mapanglaw na ngiti) ang ibig nyo bang sabihin…mali ang pagkatatag ng pamahalaang kolonyal? at
nakasandig lang sa pala-palagay?

G.pasta: (Madidismaya) maling kaisipan at simulain! Kabataan nga lamang kayo! Kulang pa sa karanasan!
(tila napipikon na at biglang hinanap ang kanyang salamin sa mesa at iaabot iyon ni isagani) hayaan niyo na
ang pamahalaan ang magpasya sa sariling paraan nito. Wag na muna kayong makisali! Ganuon din ang
sasabihin ng iyong tiyo, nakakasiguro ako.

Isagani: Nagkakamali ho kayo, lagi nya hong sinasabi sa akin na isipin ang iba kaysa sarili. Kayo ho ako‘y
narito ngayon.

G. Pasta: (Tatayo at mapapakamot sa ilong pagkatapos ay hahawakan sa balikat si isagani at mapapatingin


si isagani sa balikat nya na nahawakan ng kamay na ginamit na pangkamot sa ilong) hindi ba‘t estudyante ka
ng medisina? Kapag may lisensya na kayo, mag-asawa kayo ng mayaman. (Ngingisi sabay ikukumpas ang
kamay) magsikap upang kumita ng pera mula sa panggagamot! (Mapapakalikot sa tenga) Umiwas sa mga
kilusang tungkol sa kalagayan ng bayan. (Tatapikin ang balikat ni isagani) balang araw, pag puti na ang buhok
mo, pasasalamatan nyo ko sa payo kong iyan! (Sabay ngiti at tatalikod kay Isagani)

Isagani: Kapag pumuti na ang buhok ko (mapapahinto sa paglakad) at maisip kong ang mga ginawa ko‘y
para sa sarili ko, ituturing ko itong tinik na ikahihiya ang bawat hibla ng puting buhok sa ulo ko. (Sabay ngiti at
yuyukod) Maraming salamat ho sa oras G. pasta! (Sabay aalis)

G. pasta: (Saka pa lamang lilingon pagkalisan ni isagani) kawawang bata! (mapapailing habang nakangiti)
dati‘y hinangad ko rin ang ganuon.. ngunit hindi nito mabubusog ang aking tyan.. tsk.. (mapapailing sabay may
kukuning tinapay at kakainin ito at habang ngumunguya ay sasabihing:) kaawa-awang bata.. [LIGHTS OFF]

Ikalabing Lima na Tagpo:

(LIGHTS ON: 3 Red 3 Yellow 3 Blue)


Tagasalaysay: Bumabati sa mga bisita si quiroga. Naghanda ng gabing iyon si Quiroga sa kanyang tindahan
sa Escolta. Nangangarap na maging isang konsulado ng tsina sa pilipinas. Maraming bisita ang dumalo.
kabilang na rito ang mga kakumpetensya nya sa negosyo.

(Mga dumalo: mga prayle, mga mayayaman, negosyante, suki ni quiroga at empleyado ng gobyerno)

(Mga maririnig na tunog: pagbukas ng alak. Kalansing ng mga baso, tawanan. (may mga naninigarilyo) >mga
bulungan na sinasabing: quiroga, Konsul, iqualidad, karapatan)

(Paikot-ikot lamang si quiroga habang nakangiti na tila nagmamasid upang masigurong walang mananakaw
na kagamitan. Makikita rin si don timoteo na tila nag-oobserba sa bahay na nakataas ang kilay at kumakamot-
kamot sa baba. At si G. Gonzales na nakikipag-usap)

(Darating si Simoun at makikipagdiskusyon kay don timoteo. Mapapansin ni simoun na parating si quiroga
kaya mapupukaw nito ang atensyon ni simoun at magpapaalam na kay don timoteo na may pilit na ngiti sa
labi. Lalapit sya kay Quiroga)

Quiroga: (Biglang sisimangot at yuyuko) Magandang gabi ! (Patuloy na yumuyuko)

Simoun: (Tatango lang) Naibigan ba niya ang mga purselas? (Nakangiting wika nito)

Quiroga: (Lalong malulungkot at mapapakamot sa ulo) Naku! Ginoong Simoun! Akieng lugi! Akieng hughog!

Simoun: (Tataas ang kilay habang nakangiti parin) ano? Ikaw ay lugi? Gayong marami ang handa at iyong
panauhin?

Quiroga: Hindi mo alam akieng hughog Ginoong Simoun (Nagmamaktol habang nagmamaktol at dinadala si
Simoun sa isang lugar)

(Lights Off)

Ikalabing Anim na Tagpo:

Setting: Sa Kwarto, Isang Pribadong Kwarto. (Lights On: 3 Red 3 Yellow 3 Blue)

Quiroga: (Hahawak sa kamay ni simoun) ganito iyon.

Simoun: (Babawiin ang kamay) Paumanhin quiroga, kung iniisip mo na tipo kita. Hindi tayo talo!

Quiroga: (Mapapakamot sa ulo) Ginoong Simoun ako dala ikaw dito para tayo usap hindi tulad isip mo.
Ganito iyon (Winiwika nya habang dinadrama ang nangyari) Kasi ako hingi tulong ganda-ganda babae! Ako
hingi tulong kanya kasi sya kaibigan makapangyarihan opisyal na kailangan ko impluwensya sa akin kalakal
na pagtutubuan ko anim libo. Kaya ako kuha tatlo purselas iyo kasi di ko alam gusto na babae na yon para
sya pili pero ako gulat na sabi nya lahat gusto nya! At ako lugi kasi tatlo libo halaga isa purselas. (Iiyak at
magmamaktol habang tumatalon) Akieng lugi! (Tatawa lang si Simoun) Lahat pa tao utang akin, hindi bayad!

Musika: Malungkot o Kapighatian.

Quiroga: Kita mo na!! waah!!

Simoun: Kung gayo‘y akin na ang mga resibo‘t ako ang bahalang sumingil sa mga may utang saiyo. At kung
wala kang resibo papuntahin mo na lamang sila sa akin kung silay mangungutang sayo!

Quiroga: Ako rami salamat sayo ginoo (Biglang ngangawang muli) Pero wala hiya talaga babae iyon!
Simoun: (Mapapahawak sa baba na tila nag-iisip) Paano ba ito? … nagkataon namang kailangan ko na ng
siyam na libo ngayon! (Mapapalingon si Quiroga ng may pag-aalala) ngunit… dahil ayoko namang bumagsak
ang iyong negosyo, pagbibigyan kita. Pitong libo nalamang ang ibayad mo.

Quiroga: (Mapapalingon at magliliwanag ang mukha) talaga?! Ako talaga laki utang loob iyo! (Maiiyak lalo at
yayakap kay Simoun sabay ipupunas ang sipon kay simoun nang di nito napapansin sabay ilalayo siya ni
Simoun)

Simoun: Hep! hep! sinabi ko na sayong hindi tayo talo! (Mapapasinghot nalang si Quiroga) pero may
kundisyon ako dyan, diba‘t napupuslit nyo ang anuman mula sa Custom?

Quiroga: Oo! Ako suhol marami tao! (Tumatango-tango)

Simoun: Kung gayon, nais kong ilabas sa pier ang mga kargamentong baril na dumating ngayong gabi. Itago
mo muna sa iyong bodega.

Quiroga: (Matatakot) naku! Ako ako ayaw gulo! Hindi, hindi (Wika nya kasabay ng pagkumpas ng kamay)

Simoun: Huwag kang mag-alala, hindi ka mapapahamak! Ilalagay isa-isa ang mga baril sa ilang bahay.. at sa
oras na halughugin ang mga iyon ., marami ang makukulong,at lalakarin ko ang paglaya nila kaya ako‘y kikita
ng malaki! (Tatawa na parang may naisip na masamang balak) (Palakad-lakad at nag-iisip si Quiroga) Ngunit
kung ayaw mo‘y a--- (Mapuputol ang sasabihin)

Quiroga: sige, sige ako payag na. Pero, ikaw utos malami tao likas agad ha? (Tatango-tango lang si Simoun
habang nakangisi nang nakakaloko)

(Lights Off)

(Lights On: 3 Red 3 Yellow 3Blue)

(Sa sala makikitang nag-uusap sina Ben zayb, Juanito, P. Irene, P. Camorra, P. Salvi, Don custodio)

Juanito: Maniwala kayo! Tunay na kahanga-hanga ang mahika na ipinapalabas sa perya sa quiapo! Ang
espingheng tinatawag sa ngalan na imuthis, isang pugot na ulong nagsasalita! Mula ito sa ehipto at
itinatanghal ng amerikanong si Mr. leeds!

Ben z: Isang espinghe? (Tatawa) pugot na ulong may espirito? Kalokohan! Marahil ay isang optiko!

P. Camorra: Isa iyang dyablo! Isang demonyo, nakasisiguro ako!

Ben z: maniwala kayo, optiko lamang ang lahat. Maaaring gumagamit sila ng salamin, iyon ay isang
eksperimento sa pisika!

(Darating si Simoun)

Simoun: narinig koang inyong pinagtatalunan. Bakit di nyo nalamng saksihan ang palabas upang malaman
ninyo ang katotohanan?

(Lahat ay tatango na nangangahulugang pagsang-ayon.

(Lights Off)

Ikalabing Pitong Tagpo:

Setting: Perya sa Quiapo.

(Lights On: 3 Red 3 Yellow 3 Blue)


Tagasalaysay: Mailaw at maraming dekorasyon (parol) sa paligid ng perya, at maliwanag din ang buwan.
Makikita rin ang iba‘t-ibang booth.

(nagalalakad sina Ben Zayb napakaraming tao sa perya, makikita rin ang mga batang tumutugtog ng tambol
at flute, awiting konsyerto)

(namamanyakis si P.Camorra sa mga nakikitang babae at patuloy nalumilinga-linga sa paligid)

P. Camorra: Naku! Kailan kaya ako magiging pari dito sa Quiapo?!

(May makikita syang magandang babae kaya itutulak nya si Ben Z. upang tumabi ito at mas Makita ang
babae. Mapapakamot na lamang si Ben Z. pasimplengtinitignan ni P. Salvi si P.Camorra na tila ito ang
nahihiya sa pinaggagawa ng pari)

P. Camorra: (Magkukunwaring natisod sa babae at pasimpleng manghihipo) Naku iha, ipagpaumanhin mo


na! (Tatango lang ang babae at aalis na)

(Gigil na gigil si P.Camorra sa mga babaeng nakikita nya kaya‘t si Ben Z. ang nagawa nitong panggigilan.
Kukurutin ni P.camorra ang pwet ni Ben Z)

Ben Z: (Mapapasigaw at mapapatalon sa gulat) Ay anak ng! (Pinipigilan nya ito sa ginagawa sa kanya)

(Darating si Paulita na inaalalayan ni isagani kasama rin si Donya Victorina)

P.Camorra: (Bubulong) Isang tunay na magandang binibini! (Kukurutin muli si Ben Z.) At ang mag-aaral pala
na iyon ay kanyang iniibig! Tsk. Maswerte sya at wala sya sa aking parokya!

Juanito: (Lalapit kina paulita) maganda ka. (Oo tila nahipnotismong bigkas nito) Este! Magandang gabi sa iyo
paulita at D. Victorina! (Iaabot ang kamay nito kay paulita ngunit hindi nito iyon papansinin)

D.victorina: (Aabutin ang kamay ni juanito at nagpapa-cute na nagsalita) magandang gabi din juanito.
(Ngingiti na parang kinikilig at di parin binibitiwan ang kamay ni Juanito)

Paulita: Tayo na ho tiya (Mahinhin na wika nito at nagpatwina na sa paglalakad kasama si Isagani)

D.victorina: Sige Juanito kami‘y mauuna na, sa muling pagkikita! (Tatango lang si Juanito) (Tinititigan ni

P.Camorra si Juanito at parang nahipnotismong sumusunod ito sa kanila ngunit pipigilan sya ni Ben Z)

Ben Z: Hephep! (Hawak-hawak nito ang noo ni P.Camorra) Tayo‘y may pupuntahan pa.

P.Camorra: Magandang dalaga, sayang … (Gigil nito. kukurutin sana nito si Ben Z)

Ben z: Oh! Itigil mo na ang pagkurot sa akin padre! Bakit di mo subukang Kurutin ang iyong sarili?! (Biglang
may makikitang maliit na estatwang paya‘t na pari at nagsusulat sa ilalim ng parol at nakakalumbaba) ayun si
P. Camorra! Hahaha! (Magtatawanan ang lahat)

Ben Z: (Ituturo ang mga maliliit na estatwa) Ito‘y mga wala sa sining! (iiling)

P.Irene: Maikli naman ang muka nito!

Don Custodio: May angking katalinuhan sa pag-iiskultor ang mga indiyo ngunit dapat na paggawa lang ng
santo ang kanilang harapin.

P.Irene: Asan na nga pala si Simoun?

P.Camorra: Baka naman natakot na pagbayarin natin sa pagbayarin natin sa palabas ni Mr. Leeds! Kuripot!
Ben Z: Hindi, marahil ay natatakot na makisali sapagkat nalaman nyang ipapahiya natin ang kababayan nya!
Sinasabi ko sainyo. Totoo ang aking sinasabi! (Tatawa nang bahagya)

(Lights Off)

Ikalabing Walong na Tagpo:

Setting: Isang kwarto na may mga itim na kurtina at antigong lampara ang tanging nagbibigay liwanag.
Amoy insenso. Nakakatakot na atmospera. Ang lamesa ay may itim na tela at sa magkabilang gilid ay
napapalimutian ng bungo ng tao.

(Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow)

Ben Z: Ngayon ginoo (Nagyayabang) wala namang indiyong makakarinig at madaling lokohin, pwede bang
ipakita mo sa amin ang kadayaan? (Kinakalabit ito ni P. Camorra na tila takot na maaaring totoo ang palabas
athindi dahil sa salamin)

Mr. leeds: Bakit hindi ginoo? Basta‘t wag nyong sisirain ang anuman!

(pupuntahan nila Ben Z. ang tanghalan at itinaas ang telang itim at kinapa-kapa ang lahat ng lugar sa lamesa
ngunit wala itong makapa).

P. Camorra: Oh? Asan na ang mga salamin?

Ben Z: Putris!

Mr. Leeds: Ginoo, may nawawala ba sainyo? Kung salamin ang hinahanap nyo, mayroon ako sa aking hotel.
Nais nyo bang Makita ang inyong mga sarili, parang namumutla kayo? (Ngingiti si Mr.Leeds at magtatawanan
ang mga manunuod) nasiyahan kaba? Pwede naba tayong magpatuloy? (Sabay ibinalik ang telang takip sa
mesa) lahat ay umupo at ihanda ang mga tanong pagkatapos ng palabas. (Pumasok na ito sa isang pinto at
bumalik sa tanghalang may bitbit na isang lumang kahon na itim na may guhit ng ibon, bulaklak at mga ulo)
mga senyor at senyora! Minsan akong bumisita sa piramide ni khufu, ang faraon ng ikaapat na dinastiya ng
ehipto . Doon ay natagpuan ko ang kahong ito na maaari nyong suriin. (Iaabot sa unang hanay ng upuan)

(Lumayo si P.Camorra sa takot. Si P.Irene naman ay nakangiti, si P.Salvi ay tinititigang mabuti ang kahon. Si
Don Custodio naman ay parang nagyayabang samantalang si Ben z. ay hinahanap parin ang salamin.
(Bulalas ng isang babae: amoy patay! Ikalawang babae: amo‘y lumang simbahan)

Mr.Leeds: (Babalik ang kahon sa harap) ang kahong ito ay naglalaman ng isang abo at isang papel na may
sulat. Maaari nyong tignan ngunit wag nyong hingahan sapagkat ang kabawasan ng abo ay pagkasira ng ulo!
(Tinignan nila isa‘t isa at lahat ay pigil sa paghinga habang tinitignan ito)

Mr.Leeds: Hindi ko alam ang gagawin noon! (Wika nito habang dahan-dahang isinasara ang kahon) sinuri
kong mabuti ang dalawang salitang nakasulat sa papel ngunit di ko alam ang kahulugan. Nang bigkasin ko
ang unang salita ay biglang nahulog ang kahon sa sahig mula sa aking kamay. Nabigla ako at natakot nang
buksan ko ang kahon at nakita ko ang ulong nakatitig sa akin. Nataranta ako at hindi malaman ang gagawin.
Nang bigkasin ko ang ikalawang salita mula sa papel ay sumara ang kahon at nawala ang ulo at bumalik sa
pagiging abo. At nalaman ko ang dalawang salitang ito na ibig sabihin ay kalikasan ng buhay at
kamatayan.(Tumigil sandali, naningkit na sinuri nya ang mga reaksyon ng manunuod saka lamang lumapit sa
mesa at ipinatong ang kahon)

Mr. Leeds: (Tatanggalin ang tela at tatahimik ang lahat saka ibabalik ang tela) kapag nabuhay ang sandakot
na abong ito ay maaari nyong kausapin ang kaluluwang batid ang nakaraan, kasalukuyan at ang hinaharap!
(Himig ng pagbwelo) hmmmm… DEREMOF!!!!!!!!!!! (Magugulat si Ben zayb, nagliliparan ang mga kurtina sa
paligid, nagpapatay-sindi ang mga lampara at ang mesa ay umuuga. Makakarinig ng isang boses na may
paghihinagpis, may babaeng nakakapit kay P. Salvi sa takot. Biglang bumukas ang kahon at tumambad ang
ulong may makapal na itim na buhok at mukhang bangkay. Bigla itong dumilat at tumingin sa buong paligid
saka tumutok kay P.salvi na takot na takot) ESPINGHE! Magsalaysay ka kung sino ka!
Imuthis: (Isang malalim na boses) ako si Imuthis, isinilang sa panahon ni Amasis, at napatay noong
pamumuno ng mga persyano habang si Cambyses ay pabalik mula sa bigo nitong pagsakop sa Libya. Tapos
na ko sa pag-aaral at pauwi na ko sa bayan ng gresya, asirya at persya nang ako ay ipatawag sa hukuman ni
thot. Bunga iyon nang dumaan ako sa babilonya at matuklasan doon ang kagimbal-gimbal na sekreto ng
huwad na smerdis, ang impostor na tagapamahala na si gaumata. Sa takot na ipabatid ko kay Cambyses ang
lahat, ginamit ni gaumata ang mga paring ehipsyano para ipahamak ako. Makapangyarihan ang mga paring
ito sa aming bayan, may-ari ng ikatlong bahagi ng mga lupain doon at hawak ang kaalaman ng syensya.
Pinagdamutan ng karunungan, pinanatiling mangmang at itinuring na mga hayop ang mga mamamayang
palipat-lipat sa kanilang mga kamay. Nagpagamit sila kay gaumata dahil sa takot na ibunyag ko ang
panlilinlang sa bayan ng mga ito. Kinasangkapan nila ang isang kabataang pari ng Abydos na inakala ng lahat
na isang santo…!

Mr. Leeds: At ano ang mga pakana ng mga pari laban sa inyo? (Usisa ng amerikano)

Imuthis: (Nagpalahaw sa dalamhati ang ulo, dama ng mga naroon ang kasawiang-palad nito) ―ay!‖ Minahal
kong isang babaing anak pala ng pari. Pinagnasaan din pala ito ng kabataang pari ng Abydos. Para isangkot
ako, nagtanghal siya ng isang huwad na pag-aalsa na isinabay sa pagbalik ni Cambyses at dahil talunan ito
ay pinaghaharian ng poot sa kalooban. Binansagan akong rebelde, saka dinakip at ibinilanggo. Swerteng
nakatakas ako, ngunit hinabol at pinabaril ako sa lawa ng Moeris. Nalaman ko na lamang na nagtagumpay
ang sabwatan, pati ang araw at gabing pagtatangka ng kabataang pari ng Abydos sa birhen kong kasintahang
nagkubli sa templo ni isis sa isla ng philoe… nakikita ko siya ng kawalang-pag-asa hanggang sa tila isang
kaawang-awang kalapating binabantaan lagi na dagitin ng isang dambuhalang paniki! Ngayong nagbalik ako
mula sa kamatayan, pari ng Abydos.. ilalantad ko ang lahat ng mga kabuktutan mo, paninirang-puri‘t
kalapastanganan sa diyos. Isa kang mamamatay-tao! (evil laugh, makikitang nangnginig sa takot at pawis na
pawis si Padre salvi)

P. Salvi: Huwag! maawa ka….! (mabilis na pinuntahan ni p. irene si p. salvi na hinihimatay)

Imuthis: (Patuloy na wika ni Imuthis habang humahalakhak) Mapanirang-puri! Lapastanganan sa Diyos!


Mamamatay- tao!

P. Irene: (nagmamagaling) Binawalan ko siya, wag kumain ng sopas na iyon! Masama iyon sa kanya!

Don Custodio: Hindi iyon ang ikinahimatay niya! Titigan ba naman ang ulo? Aba‘y ewan ko lang kung sinong
di matatakot! Nahipnotismo sya…! Hindi na dapat payagang magpalabas ng ganito.

Mr. Leeds: (Hindi ipinakita na bumalik sa pagiging abo ang ulo, basta na lamang nyang isinara ang kahon at
tuwang- tuwa na nagpaalam) At dyan nagtatapos ang palabas! Magandang gabi sa lahat! (Aalis)

(Lights Off)

Ikalabing Siyam na Tagpo:

Setting: Makikita si placido na naglalakad sa lansangan (Tulay) na makikitaan ng galit at ngitngit na


ekspresyon ng mukha habang nakakuyom ang kamay. Binabangga ang lahat ng makasalubong na tila
naghahanap ng basag ulo. Makikita nya si P. Sibyla at Don Custodiio na lulan ng isang karwahe at
tititigan nya ito ng masama habang lumilisan, gigil na gigil sya dito.

(Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow)

Placido: Sabi nila di ako marunong maghiganti! Tignan nalang natin kung ano ang kanilang sasabihin kapag
sila‘y tinamaan ng kidlat! (wika nito habang papasok sa kanyang tinutuluyan)

Palcido: Makikita lang nila! (Na wari‘y may kinakausap habang kumukumpas) ma— (May sasabihin pa
sanang muli ngunit may nabangga sya) ma—(Makikita ang ina) magandang araw ina. (Malungkot na bati nito)

Kabesang Andang: magandang araw din aking anak (mapapansin ang kalungkutan ng anak) Tila ika‘y may
dinaramdam? Magkwento ka sa akin. (Wika nito nang may pag-aalala habang nakangiti)
Placido: Nakakainis ina ang mga tao sa aming eskwelahan, napapagod na ako sa lahat! (Aaluin lang ito ng
ina ngunit nakangiti parin) At iyan! Si Kapitana Simona! porket nakapasok sa seminaryo ang kanyang anak ay
akala mo kung sino ng Obispo na naglalakad sa sariling bayan! (Galit parin si Placido)

Kabesang Andang: (Tatawa sa pag-aakalang nagbibiro ang anak ngunit mapapansin ding totoo ang
ipinapakita nito) Nangako ako sa iyong ama na palalakihin kita‘t paaralin hanggang sa maging abugado ka.
Nagsakripisyo ako, kaya kahit minsan ay di ako nangahas na maglaro ng baraha na ang halaga ay kalahati sa
piso. Hindi ako bumili ng bagong damit at ang pera ko‘y ibinabayad ko sa misa at inireregalo kay San
Sebastian kahit bago siyang santo‘t wala pang naipapakitang milagro at yari lang sa mababang uri ng kahoy.
Ay! Ano na lang ang sasabihin ng ama mo kapag nagkita kami sa langit? (Umiiiyak na wika nito) Tiisin mo ang
hirap, ibabalik kita sa unibersidad ng Sto.Tomas sa tulong ng mga abugadong Agustino! (Pasigaw at paiyak
na wika nito)

Placido: At ano po ang mapapala ko kung ako‘y abugado na? Tatalon muna ako sa dagat o magiging tulisan
pag ibinalik ninyo ako sa unibersidad! Ibig kong maging Malaya… mabuhay na Malaya! (Wika nito na may
kasaamang drama at umalis na iwan ang inang umiiyak)

(Lights Off)

Setting: Sa Perya. Aalis na sana si Placido ng makita si Simoun.

(Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow)

Placido: (Naningkit na inusisa nya kung si Simoun nga ito at paalis na sana si Simoun) mang simoun, mang
simoun!.. (Lilingon si Simoun) Ibig ko pong kayo’y makausap nang sandali. (Dadalhin nya ito sa konting tao)
Nais kong umalis dito, pumunta ng Hongkong at doon magpayaman! Nais kong maging Malaya!

(Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow)

Simoun: Magaling! Sumama kayo sa akin sa kalye Iris.

(Lights Off)

Setting: Sa isang liblib na kagubatan na may kubong may malaking bakuran. Maraming nakakalat na
putol putol na kawayan. May isang lalaking baba mula sa kubo.

(Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow)

Simoun: Nariyan na ba ang pulbura? At ang mga bomba?

Lalaki: Nasa sako na… hinihintay ko na lang ang mga lalagyan. At handa na ho ang lahat.

Simoun: Kung gayon, lumakad ka na ngayon gabi at sabihan mo ang tenyente at corporal. Pumunta ka sa
lamayan at makikita mo ang isang lalaki sa bangka. Sisigaw ka ng ‘kabesa‘ at sasagot iyon ng ‘tales‘.
Kailangan ko na siya rito bukas. Hindi tayo dapat mag-aksaya ng panahon. (Bibigyan ni simoun ang lalaki ng
gintong salapi) At isasagawa ito sa darating na linggo!

Lalaki: (Matataranta) ngunit, Hindi pa po handa ang mga nasa karatig.

Simoun: Hindi na natin sila kailangan. Sapat na sina kabesang tales, mga dating karabinero at isang
rehimento. Pag natagalan pa, baka mamatay na si Maria Clara. Lumakad na kayo ngayon. (aalis na ang lalaki
at lilingon si simoun kay palcido na tila sindak sa narinig at nasaksihan. Lulunok sa kaba si palcido)

Simoun: (Habang naglalakad at sinusundan ni Placido) Siguro‘y, nagtataka ka na ang Indyong umalis ay
mahusay magsalita ng kastila? Dati siyang maestro, nagpilit siyang turuan ng wikang kastila ang mga bata
hanggang sa alisin siya sa pwesto. Ipinatapon siya sa bintang na naggugulo sa bayan dahil naging kaibigan
nya ang sawinpalad na si Crisostomo Ibarra. Hinango ko siya bilang tagaputol ng mga punong niyog sa
lugar na pinagtapunan sa kanya at ginawa ko siyang
tagapaghanda ng mga paputok. (Sasakay sa karwahe)

(Lights Off)

Setting: Sa silid ni Simoun, sa bintana ay tanaw ang Ilog Pasig, nakatanaw si Simoun sa bintana at
malalim ang iniisip.

(Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow)

Simoun: Ilang araw pa, kapag ang isinumpang lungsod na ito na punong-puno ng mapagmataas at
mapagsamantala sa mahihirap at mangmang ay magliliyab na (Matabang na ngingiti), kapag nagkagulo na sa
mga karatig at rumagasa na sa mga lansangan ang bunga ng aking paghihiganti, likha ng kasakiman at mga
kasinungalingan, wawasakin ko ang mga pader ng iyong bilangguan, aagawin kita mula sa mga panatiko sa
pananampalataya at kalapating puti, isang fenix na isisilang ng mga nagbabagang abo…! Inagaw ako sa piling
mo nang himagsikang inihanda ng mga taong nagkukubli sa kadiliman at ngayon, isa na namang himagsikan
ang maghahatid sa akin ng mga yakap mo, bubuhayin kita! Bago bumilog ang buwan, tatanglawan nito ang
pilipinas, mahuhugasan na ang nakadidiring karumihan nito!

Musika: Kasabikan sa minamahal, paghihinagpis habang umiiyak at poot matapos magbalik ang mga
ala-ala ay biglang parang nahirapan huminga. At hahawak sa ulo.

Simoun: Malayo na ang aking narating at hindi na ako maaaring umurong pa. (Mapapaupo habang sapo ang
ulo)

(Lights Off) Ikadalawampu na Tagpo:

Setting: Sa opisina ni Don Custodio. Makikita sya nagbabasa ng mga papeles at humihikab,
nagkakamot at naninigarilyo.

(Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow)

Don Custodio: Pumayag ang kapitan heneral na ako ang maging tagapaghatol sa panukala ng mga
estudyante ukol sa pagkakaroon ng akademya ng wikang kastila sapagkat isa akong Buena tinta! Isang
mapagkakatiwalaan. Tsk. Papaano ba ito? (Mapapakamot sa ulo) kumunsulta na ako kay ginoong
pasta..ngunit hindi ko rin naintindihan ang mga iyon sapagkat paiba-iba ito at ang hirap isagawa! Tsk. Hmm
(Mapapakalumbaba at hihikab) kung may alam lang sana ukol dito si pe….pay..hay ---

Musika: Mangangarap na tila nananaginip. Lalabas mula sa lamesa si pepay na sumasayaw


ngpakendengkendeng. umiikot sa kanyang harapan at upuan nya. Tila mawawala ang pagod nito.
Magigising ito sa mulat na panaginip ng kamuntikan na syang mahulog sa upuan.

Don Custodio: Haysss…. (Mapapakamot sa ulo at babalik sa pagbabasa at hihikab at makakatulog)

(Lights Off)

Ikadalawangput Isa na Tagpo:

Setting: Ika pito’t kalahati ng gabi sa Les Cloches De Corneville (Isang malaking entrada ay may
mahabang pila) ay may palabas na gaganapin ngunit siksikan ang mga pumapasok dahil sa dami ng
gustong makapanuod at ubos na ang tiket. May naglalakad na isang payat at matangkad na mabagal
ang usad. (WARTHROBE) ang isang paa nito na di maibaluktot (Camaroncocido) at kutis-pula,
maruming amerikano at manipis na pantalon sapagkat isa itong pulubi, nakasumbrero rin ito na may
puting kulot na buhok. Lalapit ang isang pandak, kayumanggi, may mahabang balbas, maputing
manipis na bigoteng pahaba, may Sumbrerong De Kopa, pantalong putol hanggang tuhod at patpatin
na mas matanda sa kanya (Tiyo Quico).
(Lights On: 3 Blue 3 Red 3 Yellow)

Bulungan: Tunay na magaling daw ang artistang babae!

Tiyo Quico: (Di sadyang mababatukan ang kaibigan) Kaibigan! Alam mo bang binayaran ako ng mga pranses
na tinulungan kong mag-anunsyo ng kanyang palabas! (Galak na galak na wika)

Camaroncocido: Kung binayaran ka nila ng anim na piso, magkano kaya ang ibinayad nila sa mga prayle?
Tsk (Iiling, samatalang si Tiyo Quico ay nagdidikit ng paskil sa pader) Alam mo Quico, kalahati ng tao ay
tinatangkilik ang palabas dahil ipinagbawal iyon ng mga prayle. Yung kalahati naman ay iniisip na mabuti at
maraming matututuhan duon kung ipinagbabawal ng mga prayle ang palabas. At hindi iyan binabasa ng mga
manunuod, at iyong tinutukoy ko saiyo ang ginagawa nilang basehan. (Aalis si Tiyo Quico na may binubulong
na di maintindihan, lilibot nalang muli si Comaroncocido nang may nakita syang maraming bagong dating.
Kikindat ang isang lalaki sa kanya kaya kukunot ang noo nya ngunit paglingon nya ay ang dalaga pala na
nasa likod nito ang kinikindatan nitokaya‘t mapapangiti nalang sya at mapapailing.nagpatuloy lang sya sa
paglalakad ng makakita ng apat na military na nagpupulong, aalis na sana sya nang makitang may isang
lalaking bumaba sa karwahe na nakilala nyang si simoun na nilapitan ng militar kaya‘t nakinig sya sa pinag-
uusapan ng mga ito)

Simoun: Ang hudyat ay isang putok! (Tumango ang militar at umalis na rin si simoun)

Camaroncocido: Kaawa-awang bayan! (Iiling na lamang-alis na sa scene)

(Panay parin ang dating ng mga manunuod. Makikita si Tadeo na kasama ang isang baguhan na si Descartes
na isang indyong mangmang sapagkat gaing itosa isang lalawigan.

Tadeo: (Nagyayabang) Ah, (Ngunguso) iyon si Pepay isang mananayaw. Pinagbawal na sumayaw ng isang
may mataas na pwesto sa lipunan ngunit pinipilit parin na magsayaw ng lalaking si Z. ayun naman ay si Ben
Zayb isang manunulat na matalinong kaibigan ko. (Nakangisi, kapag may bumabati sa kanya) isa iyang hepe
sa isang opisina, oo ayan din! (pag- hindi naman sya pinapansin) ah… isa lamang yang hamak na kawani,
isang walang kwentang tao. (At kung sino-sino pang tinuturo) ah ayan si ano - oo sya – oo sya rin (Parang
walang ganang bigkas nito at mapapanganga si Descartes sa paghanga titigan ni Tadeo si Paulita kasama
nito si juanito at D. victorina na daraan sa harap nila kasunod nito ay sina macaraig,Sandoval, Isagani at
Pecson. Uunahan nyang lapitan ito) magandang gabi! (Nakangiting bati nito)

Macaraig: Manonood ba kayo?

Tadeo: Naubusan na ko ng tiket (Nailing na wika nito)

Macaraig: Halika na‘t sumama sa amin, hindi makakasama si basilio kaya saiyo na lang ang kanyang tiket.
Tara! Ikaw ginoo hindi ka ba sasama, halika na‘t sumama sa amin.

Descartes: Ah! Hindi na,bigla kasing sumakit ang aking tyan.

Macaraig: Kung gayo‘y di kana mapilit, kami‘y magpapatwina na! a Diyos! (Aalis na)

(Lights Off)

Ikadalawangput Dalawa na Tagpo:

Setting: Sa loob ng Teatro. Nahahati ang lugar sa dalawang pwesto.ang entablado at ang mga lugar
kung nasaan ang mga upuan. Maingay sa loob dahil sa kainipan ng mga manunuod, maramiing
nagsisitayuan. May dalawang upuan na nakareserba ang tanging hindi nauukupahan. Ang mga
estudyante ay nasa tapat ng upuan ni pepay na binigay ni macaraig para kay pepay. Mapapahinto ang
lahat matatahimik, mapapalitan ng Marcha Real ang pagtugtog ng balse dahil sa pagdating ng kapitan
heneral, titingin ito sa paligid at lahat ay tatango. Sa kabilang banda. Darating si Sandoval at lalapit
kina Macaraig. Tutugtog muli ng isang Orchestra matapos umupo ng Kapitan Heneral at bilang
pabungad na tugtugin.
(Lights on: 3 Red 3 Yellow 3 Blue)
Sandoval: Ano nang balita?

Macaraig: Nagkasundo na kami ni Pepay, at tutulungan nya tayo. Nagpadala na sya ng liham kay don
custodio at kaya nagpunta si don custodio dito kahit na tutol sya sa palabas, ay para sabihin kay pepay ang
sagot. (Nakangiting wika nito habang nagtititigan sila ni pepay ng makahulugan)

Sandoval: Mapapagtibay na rin ang ating petisyon!

Pecson: (Mapapangiti) Mabuti (Matutuwa ang lahat ngestudyante magkakamayan ang lahat)

(Makikita si Isagani na hindi nakikisalisa kasiyahan sapagkat makikita nya sina paulita at Juanito na masayang
nag-uusap. nakangiti si paulita kay Juanito kaya lalong nag-ngingitngit sa selos, galit, kahihiyan at hinanakit ito
Si Paulita naman ay tinignan si Isagani ng nangangahulugan ng ‘patawad‘ at ‘magpapaliwanag ako‘. Malapit
nang maluha si Isagani. Itutuon nya nalang sa iba ang pansin (Sa entablado) at hindi na muling titignan ang
dalaga. Patuloy parin sa paglingon ang dalaga sa kanya)

(SA ENTABLADO)

Musika: Nagbukas na ang telon. Mga anim o pitong dalaga na may matitingkad na labing kulay pula at pisngi.
Ito‘y sina Grenicheux, Gertude, Germaine, Serpolette. Nakasuot sila ng gorang bulak at bakya na makukulay
at may itim na mascara (Itim na bilog sa gilid ng mata, nakikita ang kanilang mapuputing braso, mga bilog at
makinis na hita at mga daliring maraming brilyante. Umaawit ang mga ito ng maypang-akit na ngiti. Makikita na
nababagot na si Tadeo sapagkat inaantay nya ang malaswang parte ng sayaw, ganundin si Sandoval.
Pasimpleng tinitignan ni Don Custodio si Pepay.

Tadeo: makakakita tayo ng kaakit-akit na sayaw! Magsasayaw sila ng can-can! Macaraig! (tila sabik na sabik
at pinagkikiskis ang dalawang kamay. Ngingiti ang mga estudyante samantalang si isagani ay iniiwasan ang
manuod at baka Makita sya ni paulita ngunit masminabuti nya na manood nalang upang hindi Makita ang
dalaga dahil nasasaktan sya)

Tadeo: Ang tagal naman ipalabas ang pagsayaw nila ng cancan!

Sepolette: Hein! Qui parle de Serpolette? (Naghahamong tanong nito)

(Papalakpak si Padre Irene na nakabalat-kayo, may huwad na bigote‘t may mahabang ilong. At lahat ay
susunod sa pagpalakpak)

Tadeo: (Titignan ang nginingitian ni Serpolette) Diyos ko po! Si Padre Irene yun ah!

(Hininto ni Serpolette ang pag-arte at pag-awit, pupuntahan ni Serpolette si Padre Irene at yayakapin si Padre
Irene sa braso.pilit na niyuyugyog si Padre Irene upang tanggalin ang balat kayo at tarantangtaranta si Padre
Irene na binulong)

P. Irene: Sshhh!! Ssshh!! Igalang mo ko Lily! Ako ang santo papa rito! (Bibitawan sya ni Serpolette at
magpapalakpakan ang mga tao)

(Nadismaya ang mga estudyante ng bumalik si sepolette at huminto na ang tugtogin. Sabay sabay na
babagsak ang balikat ng mga estudyante si isagani lang ang tila malalim ang iniisip)

Mga estudyante:Haaaay!!!!! Tila wala namang Can-can!

(Sa pwesto nila paulita: pasimpleng tinititigan lamang ni paulita si isagani. Samantala, si Donya Victorina ay
nagpapa- cute kay Juanito na pumapalakpakat tumatangona wari‘y nauunawaan ang napapanuod.

Juanito: (Lilingon kay Paulita) alam mo paulita..

Paulita: (Ngingiti ng pilit) wala ka pang sinasabi kaya‘t paano ko malalaman? Ano iyon? (Walang ganang wika
nito)
Juanito: Kasi alam mo.Paulita di ko na kelangang tumingin o manuod ng palabas na ito upang makakita ng
maganda.
Paulita: Bakit? (Tataas ang kilay)

Juanito: Kasi aanhin ko pa ang mga kagandahan nila na sinusulyapan mula sa kalayuan kung meron
namang mas malapit at mas magandang nasa tabi ko. (Ngingiti ng kay tamis si juanito at mamumula si
paulita at tatakpan ang mukha sabay sulyap kay isagani na biglang kanyang kinainisan sapagkat tutok na
tutok ito sa pinapanuod)

Donya Victorina: Ika‘y tunay na maginoo Juanito. (Malanding bigkas nito sabay hahampasin si Juanito,
matutumba si Juanito paharap)

(May darating na dalawang mag-asawa)

Senyora: (Tila matapobreng tinignan ang paligid ng teatro) huli akong dumating sa inyong lahat! Mga
hampas lupa‘t probinsyano! (Mataray na wika nito sabay uupo kasama ang asawa nito)

(Magiging tila isang palengke ang entablado na may lalabas na tatlong banderitas na may nakasulat na
servants, cochers at domestiques. Makikita si Juanito na tila nagpapaliwanag kay D. Victorina at Paulita.

D. Victorina: Ang galling mo talaga Juanito (kinikilig) ang husay mo mag-pranses, buti ka pa, pero aking
asawang si tiburcio ay di man lamang marunong.

(Nang matapos ang unang pagtatanghal ay nagdumugan ang iba sa may sild-bihisan ng mga artista at ang
iba naman ay mananatili)

Ben Z: Pweh! Wala ni isa man sa kanila na tawaging artista!

(Kumuha ng pagkakataon rito si Macaraig upang kausapin si Pepay.Maiiwan si Sandoval, Pecson at Isagani
sapagkat umalis din si Tadeo upang kausapin si Don Custodio. Lalapitan ni Macaraig si pepay at may
iaabot itong sulat. Matapos makipag-usap ni Macaraig kay Pepay ay nag-uusap ang mga estudyante.
Hawak-hawak nito ang isang papel na inabot at binasa ni Sandoval.

Sandoval: Wala naman akong makitang masama sa sulat, kabaliktaran pa nga!

Macaraig: Pinagtibay ang ating kahilingan; pero nagkita kami ni Padre Irene. (Malungkot na sabi nito)

Pecson: Oh? Anong sabi nya?

Macaraig: Sinunod ng komisyon ang pasya ng taga-pamagitan! Pero nang-iinis yata nang batiin tayo sa
ating pagkamakabayan at kagustuhang matuto! (Tagis bagang na wika nito) pero alam nyo ang sabi nila?
Para hindi daw masayang ang ating ideya, minabuti nilang ordeng relihiyoso ang mamahala at magpatupad
ng proyekto! At tayo raw ang mangongolekta ng mga ambag at butaw. Tungkulin rin natin ang pagbibigay
nyon sa mapipiling mamahala, reresibuhan naman daw tayo!!!!

Pecson: Sandoval (Inis na iwinika nito sabay haggis sa mukha nito ang isang medyas na sinalo naman di
sandoval) ayan na ang guwantes! Ang hamon.

Macaraig: At ang nakakatawa pa, tayo raw ay magdiwang sa pamamagitan ng isang salo salo o isang
parada ng mga sulo. Magpasalamat daw tayo sa mga taong tumulong sa ating tagumpay!

Pecson: Sige tayo ay magdiwang! (Tatawa ng pillit) Tayo‘y magdaos ng isang salo salo sa pansiterya,isang
pagdiriwang na walang katulad! Na ang mga maglilingkod ay mga intsik na walang pang-itaas na damit!

(Pumalakpak si Sandoval at nagsitango ang lahat bilang pagsang-ayon. Nang tumunog na ang Orchestra
bilang hudyat ng ikalawang palabas ay nagsi-alisan na ang mga mag-aaral.

You might also like