You are on page 1of 4

Bata, Bata, Paano?

Ming - (Juliet)
Strikto sa mga kapatid, may tinatagong malalim na lihim, maangas kung gumalaw, malambot
kung sumayaw

Duday - (Althea)
di masyadong nag sasalita, honor student, boyish, sinisikreto ang pagiging buntis

Chang - (Allen)
Maalagain sa mga magkakapatid at hindi strikto, may pangarap sa buhay pero malandi sa kanto,
mataas ang pangarap

E-lay - (Rose Ann)


Bunso. Inosente at masunurin lang sa mga nakakatandang mga kapatid. Masyadong masunurin
kung tutuusin. Paborito ng ama. Masyadong paborito ng ama.

Tatay - (Kuya Melle)


tatay ng magkakapatid. Lasingerro, babaero, at tila ginagalaw nya ang kanyang mga anak

SCENE 1

Chang: (kakatapos lang maligo at excited na excited buksan ang tv)


E-lay! Ang probinsyano na! Dalian mo! (Mapapatili pa sa excitement)
E-lay: (manggagaling sa kwarto at gumagawa ng assignment. Dala dala pa ang notebook papunta kay
Chang)
Eto na po! Wait lang!
Chang: Go girl eto na si Papi Cardo oh
(kakanta kantapa gamit ang suklay habang hinihintay si E-lay)
E-lay: Okay lang po ba? Baka dumating na si Ate Ming eh
Chang: Sus! Hayaan mo yung malditang iyon. Okay lang yan!
E-lay: Okay. Nuod na tayo dali!

SCENE 2
(Biglang uuwi na si Duday galing school)

(may kakatok sa pinto)


(magkakatinginan sina Chang at E-lay. Papatayin na sana nila ang t.v ngunit si Duday lang pala ang
nakauwi na may dala dalang manga at naka maluwag na tshirt)

Chang & E-lay: Whoo!


Chang: Ikaw lang pala ate Duday! Kala ko kung sino na
Duday: Kala mo si Ming na? Nako bahala kayo dyan
Chang: Sus taray naman neto. May pa-manga ka pa. Buntis ka ba?
E-lay: (tatawa ng malakas) Si ate Duday mabubuntis? Eh mukang ikaw nga po ang malapit na mabuntis
eh
Duday: Wala ako dyan ah
Chang: Psht! Dont say bad words! Nuod na lang tayo. Epal naman kasi ‘tong isa hmp!
Ming: At sinong may sabing pwede kayong manuod ng tv?!
Chang & E-lay: Ate?!
Duday: Hoy wala ako dyan ah
Ming: Panong wala ka dito?!
Duday: kakarating ko lang!
Chang: tsaka ate, ang probinsyano na kasi eh
Ming: anong pake ko? diba ang sabi ko gumawa kayo ng assignment? Lalo ka na E-lay!
E-lay: gumagawa po ako ng assignment ah
Chang: wag mo nga takutin yung bata
Ming: O baket? Sige susubong ko kayo kay daddy
E-lay: Ikaw isusumbong namin! bleh
Ming: Ay talagang sumasagot ka na ah. Akin na yung remote!

SCENE 3

(nag habulan ang tatlo para sa remote habang si Duday ay nakaupo lang at tila problemado habang busy
sa pag seselpon)

Ming: akin na yan!


E-lay: Bawal! ang probinsyano pa
chang: wag kang kj ate! malapit naman na matapos eh
Ming: wala nga akong pake!

(habang nag aagawan sila sa remote ay nasagi nila ang bag ni ming at natumba ito. tumambad sa kanila
ang t-back)

E-lay: (gulat na gulat na pinulot yung t-back) Hala ate! ano to! Bat ang nipis ng panty mo?!
Ming: Akin na nga yan! (sabay hablot ng tback) at akin na rin yan! (akmang aagawin niya kay Chang
ngunit ayaw ibigay ni Chang)
Chang: Ayaw! Di ako kumakausap sa mga nag t-tback!
Ming: susumbong kita kay daddy, lumalandi ka nanaman dun sa kanto
chang: edi isumbong mo! isusumbong din kita nag t-t back ka!
E-lay: Go kuya Chang!

(napatigil si Chang sa pakiki pag agawan ng remote at napatingin kay E-lay)

Chang: Grabe ka naman ma kuya be? Akala ko ba kakampi tayo dito?


Ming: Sus! Rereklamo ka pa, ang lalim lalim ng boses mo
Chang: oh ano meron sa boses ko? Atleast malalim! Eh sayo naririnig namin yung matinis mong boses
pag may dinadala kang lalak—

SCENE 4

(Di natapos ni Chang ang sinasabi niya dahil bigla nilang nabitawan ang remote at tumama ito sa tyan
ni Duday na talagang ikinagalit nya)

Duday: Aray! (Halos mangiyak ngiyak na tugon ni Duday) Ano ba kaseng kababawan yang ginagawa
nyo?!
Ming: Ang oa mo naman remote lang yan te.
Duday: Anong remote lang?! Ang sakit kaya! Pano kung maapektuhan ang baby ko?!

(Natahimik ang lahat sa sinabi ni Duday)


E-lay: Buntis ka talaga ate?
Chang: Duday, totoo ba?
Tatay: Sinong buntis?!
(Magugulat silang lahat sa pagpasok ng kanilang Tatay na may kasamang dalawang babae niya)
Girl 1: Oh my gosh
Girl 2: Ang aga naman lumandi
(Masama agad ang tingin ni Ming sa dalawang babae)
Tatay: Inuulit ko sinong buntis?!
(Ni walang makapag salita sa kanilang apat)

SCENE 5

Tatay: Ikaw ba?! Ha! Ang landi mo talagang pokpok ka! (Sasampalin na sana niya si Ming ngunit
biglang nagsalita na si Duday)
Duday: Ako! Ako yung buntis!
(natahimik ang kanilang ama sa narinig nya)
Tatay: Ah talagang malandi ka rin—
Duday: Oo malandi! Pokpok, puta! Lahat na! Pero mas mabuti namang sila ang makabuntis sakin kesa
sayo!
(Napatagil ang lahat nang marinig nila ang sampal ng ama kay Duday. Doon na hindi nakapag pigil si
Ming)
Ming: Ang kapal ng muka mo! Wala kang kwenta! Akala ko ba may usapan tayo na hinding hind mo
gagalawin mga kapatid ko?!
(Mas lalong lumakas ang mga chismis ng dalawang babae na kasama ng kanilang Tatay)
Chang: Lumayas nga kayong leche kayo! Layas
Girl 1: Excuse me?
Girl 2: Romeo?!
Tatay: Tara. Dun tayo sa kwarto
Ming: At talagang uunahin mo yang mga babae mo?!
Tatay: Wag ngayon ah. Wag ngayon
Chang: Napakawala mong kwenta!
Tatay: Sabing wag ngayon!
(Nahagis nya ang dala dala niyang bote at muntik na itong tumama kay E-lay kaya umiyak siya ng
malakas)

(Nagpatuloy pa rin papuntang kwarto ang kanilang Tatay at kasama niyang mga babae)

SCENE 6

Chang: E-lay. Okay ka lang? Natamaan ka ba?


(Iyak lang ng iyak si e-lay)
Chang: E-lay ano to? Sino may gawa sayo nito? (Nakita nya ang mga pasa sa braso ni E-lay) si Tatay
ba?! Sabihin mo sakin!
E-lay: Mga kaklase ko po
(Nakakaawang tingin lamang ang maiganti ni Chang at niyakap niya sa E-lay)
Ming: Magbabayad siya sa lahat ng kasalanan nya.
Duday: Kailangan na nating magtulungan. Di na siya makakatakas pa sa kasalanan niya

(Lights off)
SCENE 7
(red lights)

(Naupo ang kanilang Tatay sa gitna at nakapalibot ang apat nyang anak kasama ang dalawang babae
niya kanina)

(Sesenyasan ni Ming ang dalawang babae para itali ang Ama)

Tatay: Ming! Ano to pakawalan nyo ko!

(sigaw lang ng sigaw ang kanilang Ama ngunit parang wala silang naririnig.)

(nang matapos nang itali ang Ama ay lumapit si E-lay na may dala dalang kahoy at pinukpok ng
maraming beses sa ulo ang ama habang tumatawa)

(Nagkatinginan ang apat na magkakapatid kasama na ang dalawang babae ng may tagumpay na ngiti sa
kanilang mga labi. Napatay na nila sa wakas ang demonyong lumalason sa kanila.)

Ming: Namatay na ang demonyo


chang: sa sarili niyang impyerno
E-lay: eh kayo? (tingin sa audience)

You might also like