You are on page 1of 8

Ang Babaeng Walang Pakiramdam

9:56 - 16:30
(Encoded by: Villanueva, Jamie Leane)

(Enter the scene na naka focus sa mukha ni Aaliah tas bigla syang tatawagin)

Tindera: Miss! Miss! Miss! Paabot nga ng mga bote ng softdrinks! Bilisan mo! Bilisan
mo! Bilisan mo! Naku parating na si Ngongo! Halika na, Mag sasara na ko! Bilisan mo!

Anastacia: Bakit po?

Tindera: Ay naku, Mahihirapan nanaman ako! Ay, yan na sya, yan na sya!

(Biglang lalabas si Ngongo)

Ngongo: Hello!

Tindera: Ayan na nga sinasabi ko eh. Mahihirapan nanaman ako dito kausapin.

Ngongo: OA naman nino. Ngalet angad, nag-ngelo lang ango eh! Mamili!

Tindera: Ano bibilhin mo?

Ngongo: Mork and mean

Tindera: Putang ina. Yan na nga sinasabi ko eh. Du-duguin nanaman ilong ko sayo eh.
Para maintindihan kita eh! Isa pa!

Ngongo: Mork and mean!

Tindera: Ano daw?

Ngongo: Mork and mean! Ngalawang mork and mean! Iaalmusal ko mungas yung mork
and mean!

Tindera: Ay nako! Kahit ulit-ulitin mo talaga di ko naintindihan! Alam ko na! Dating gawi
na lang tayo ha?

Ngongo: Ngrabe naman! Naning ngawi ang himne himne mork and mean! Naning ngawi!

Tindera: Ayaw mo? Ayaw mo?!

Anastacia: Ano po ba yung dating gawi?


Tindera: Dating gawi, kakanta sya ng alpabeto. Pag-katapos hihinto sya dun sa letra.
Hanggang ma i-spell ko anong gusto nya bilhin. Edi kung ayaw mo, edi wag! Lumayas
ka! Sa iba ka bumili! Simple naman ako kausap-

Ngongo: Hindi! Hindi! Hindi! Ngeym na, ngeym na! Mimiili na. Oh ngeym, ngyem, ngyem.
Naning gawi.

Tindera: (Titingin sya kay Anastacia) Sige, masaya to, masaya to. Sige na.
(Titingin naman sya kay Ngongo) Oh sige,sige bilisan mo. Game!

Ngongo: Ngeym! (dapat pa kanta ng abc to tas biglang may music na sa background)
A-B-C-D-E-F-G-H-I-J-K-L-M-N-O-P… (Dapat parang pa “Mii” Pagkasabi ni Kai kaysa na P)
(Parang sumasabay din yung tindera sa pagkanta nya kaya need ni Yejin parang
sumayaw-sayaw)

Ngongo: Mee…Mee…

TIndera: Mee… Mee… (Nakuha na ni Yejin dapat dito kaya sabay sila dapat mag sabi ng Mee)

Tindera: Mee.. Pero P yun. Pii, pii, pii, pii. P yun, p yun. Pero Mee sabi nya.Tingan mo.

Anastacia: P… (diinan dapat ni Aaliah yung P)

Tindera: Naintindihan mo ba? Diba hindi oh? (dapat nakatingin nanaman si Yejin kay Aaliah)

Ngongo: Mee nga! Mee, Mee oh (Dapat sabayan ni kai kapag nagsasalita si Yejin tas nag start
uli sya. Same as before, with music ulit.)

Ngongo: A-B-C-D-E-F-G-H-I-J-K-L-M-N-O… (Stop dapat sya bigla sa O)

Anastacia: Po! Po! Po! (sabay din dapat si yejin sa po)

Tindera: Po! Po! Po! (mag i-iisip si Yejin sandali lang) Potato chips!

Ngongo: Mat moneyno nyip? Mork and mean moneyno nyip? Ang layo naman nun eh.

Tindera: Wehehe (bali parang rubbish lang yung wehehe dapat pasigaw sya na naiinis)
Parehong-pareho lang ang pandinig ko sayo eh. Oh game!

Ngongo: (Mas mabilis yung sounds dito) A-B-C-D-E-F-G-H-I-J-K-L-M-N-O-P-Q-R… (Pause sa


R)

Tindera: R… R! (Mag re-react si Kai ng masaya dyan)


Anastacia at yung Tindera: Apat! Apat! Apat na potato chips! (sabay talaga sila)

Ngongo: Aman na moneyno nyip ngamay ma ngayo! Anong aman na moneyno nyip?
Ngalawang mork and mean nga minimili ngo! (Galit ulit ) Oh ngeym na! Ngeym na!

Ngongo: A-B-C-D-E-F-G-H-I-J-K… (stop sa K)

Anastacia at Tindera: K… Pork! Pork!

Anastacia: Baboy! Baboy! Baboy. (dapat sabay nanaman sya dun sa tindera)

Tindera: Porkchop! Porkchop! Sa palangke yun!

Ngongo: (disappointed face) Hindi! Mork and mean!

Tindera: Pork Luncheon Meat!

Ngongo: Hindi! Mork and mean!

Anastacia: Baboy!

Tindera: Ah! Pork sausage!

Ngongo: Hindi! Wait lang!

Anastacia: Bacon!

Ngongo: Hindi! Nek na! Nek! (hand gestures) Mork, A! Letter A, Madali yan!

Tindera: Porka, porka…

Ngongo: Okay, okay… (mas mabilis na yung sound tsaka yung pag sabi nya)
A-B-C-D-E-F-G-H-I-J-K-L-M-N… N!

Tindera: Porkan, Porkan!

Anastacia: Yung prutas!

Tindera: Porkan! Porkan! (sabay ulit sila ni Aaliah kaya ang gulo pakinggan)

Anastacia: Yung prutas! Yung prutas! Porkan!

Tindera: Meron ako nyan! Ponkan! Dalawang ponkan!


Ngongo: Hindi monan! Di ngo naman maaalmunal yung monan eh! (inis na talaga)

Tindera: Malay ko kung gusto mo talaga ng prutas! Pang-almusal!

Ngongo: Hindi, HIndi!

Tindera: Maganda yun sa katawan!

Ngongo: Hindi ma. May nek ma. Oh si mork an-. Hindi ma. May nek ma.
A, mi, ngi, ni. Ni!

Tindera: D! Porkand!

Ngongo: (random noises lang) Porkand!

Tindera: Porkand! Lumang Ponkan! (Disappointed nanaman si ngongo) Meron akong bulok
sandali lang.

Ngongo: Hindi yon! Ayonga nga ng mongan! (Nagdabog) Ayoko ng mongan!

Tindera: Pork and! (Nabuhayan si ngongo)

Tindera: Pork and spoon!

Ngongo: Hin–

Tindera: Pork and spoon! (pasigaw na excited na nag e-enjoy dapat si Yejin dito)

Ngongo: Hindi! Ima yun! Maano nga ngangainin yung mork and smoon?! (Frustated na
sya) Okay, nek!

Tindera: Akala ko kubyertos kailangan mo eh.

Ngongo: A, mi! Mi!

(Nakatingin lang yung dalawa sakanya na parang nag i-iisip)

Anastacia: Pork and B.

Tindera: Pork and Be. Pork and Be.

(Stress parin si Ngongo pero sumasaya na at na e-excite na kasi malapit na sila)

Tindera: Pork and be.


Ngongo: Nek, nek, nek!

Tindera: Pork and beef!

Ngongo: Hindi!

Tindera: Pork and beef! Pork and beef! (Pasigaw na masaya nanaman parang nasa
gameshow lang sya sabay nanaman sila ni ngongo)

Ngongo: (Kitang kita na talaga sa mukha nya yung inis ah) Hindi! Hindi! Mork and mean!
Mork and mean!

Tindera: (painis na sumigaw) Mork and mean, hindi ko nga alam!

Ngongo: Eto na nga. Manapit na! Inang netna na lang! A!

Tindera: Pork and be-

Anastacia: Pork and bea!

Ngongo: Hindi!

Tindera: Ay babae? Gusto mo ng babae?

Ngongo: Hindi!

Tindera: Wala akong mabibigay sa’yo.

Ngongo: Hindi, hindi yun!

Tindera: Naghahanap ng babae. Diyos ko naku ayoko ng ganyan! (Judgemental dapat yung
tone ni Yejin dito)

Ngongo: Nek, nek, nek, nek! Lat two.

Tindera: Naku Nakakatakot! (Sabay nanman sila ni Ngongo)

Ngongo: Lat two. (Nag start nanaman yung music sa bg) A, mi, ngi, ni, hi, f, nyi, ngeych,
hay, niyey, ngey, I, m, n– N! (Diininan nya dapat yung N) N!

Tindera: Pork and bean. (na realize na pork and bean pala gusto si ngongo) Pork and bean!
Pork and bean! Pork and bean! (masayang masaya na si Ngongo pero sasabay nanaman
sila)
Ngongo: Yun! Mork and mean! Yes!

Tindera: Pork and bean! (sobrang saya nila parehos pasigaw na sila tas si Anastacia parang
tulala lang. Sa sobrang saya nila napa hawak si Ngongo sa tindera tas sabay shake) Pork and
bean!

Ngongo: Mork and mean! Dalawa! (nag two sign sya gamit kamay nya sa tindera tas biglang
titingin din sya kay Anastacia)

Tindera: Oo! Oo!

Ngongo: Mork and mean! Dalawa, oo!

Tindera: Gusto mo ng pork and beans! Dalawa! (napa clap na si Yejin at Kai sa saya)

Ngongo: Oo, yehey! (while clapping) Yeah! Yeah! (Biglang nag stop yung music)

Tindera: Wala kami nun.

Ngongo: Munang ina mo! (parang halos nawala lahat ng saya nya) Ang langit.
Grabeh ang tagal naman nun eh!

Tindera: Wow, wow, wow, attitude? Attitude? (pasigaw na naiinis)

Ngongo: Wow, wow, wow, ang tagal tagal naman!

Tindera: Ay putangina! Ako pa may kasalanan, ako ba matagal? Ako pa yung chappy?!
Ako ba yung may biyak yung nguso?! Gago ka pala eh! (galit na galit na dapat)

Ngongo: Bwiset! (Aalis na sa scene si Kai na maglalakad palayo)

Tindera: Wow, bastos na to!

Tindera: Pasalamat ka namatay tatay mo! (titingin sya kay Anastacia) Kakamatay lang tatay
nito eh! Eh tsaka may sakit kasi yung kapatid. Kung hindi ako pa nag dagdag ng biyak
dyan sa nguso mo! (Sigaw to ng tindera kay ngongo habang papalakad palayo) Ugali!

Anastacia: Namatay po tatay nya?

Tindera: (Biglang nag change yung tone ng boses nya) Ay, oo…

Anastacia: Ano po kinamatay?

Tindera: (judgemental nanaman tingin nya) Ay. Ano ako chismosa?


Anastacia: Ay hindi po. Baka lang po kasi alam nyo (Nagliligpit na si yejin dapat ng mga
bote ng softdrinks habang sinasabi ni Aaliah yung line na to)

Tindera: (in disbelief) Mukha ba akong gani-gatera ha? Mukha ba akong chismosa? Yung
chimis palapit palang, lumalayo na ako. Kung talaga kilala mo ako, ayoko ng chimis,
takot ako sa chimis. Naku, masama ang chismis. Kasalanan ang chimis, salot sa lipunan
ang chismis. Hay naku!

Anastacia: Ay sige po, kala ko lang po kasi may alam po kayo.

Tindera: Ano gusto mo sabihin na wala akong alam? Ha? Na wala akong alam?

Anastacia: Hindi po, sinasabi ko lang po-

Tindera: Parang gusto mo sabihin bobo ako.

Anastacia: Wala po akong sinasabi-

Tindera: Bobo ako. Ay naku, namatay sa cancer ang tatay nya. 67 years old namatay
nung namatay. 7:07 ng umaga, dineclareng patay bila sa cancer nito sa baga. Yung
kapatid nya naman may cancer din. Balita balita pero hindi naman ako masyadong
detalye. Alam mo naman sinabi ko na sayo, pero sabi ng bali-balita bone cancer stage
two. A week before natanggal to sa trabaho si Ngongo. Ay oo, kasi to si Ngongo dati may
trabaho. Ngayon wala na, natanggal nga eh ayun narinig ko. Hindi naman kasi taga dito
yan eh. Taga ano yan, ah! Taga Bohol yan eh! Taga dun nga, pero yung kapatid nya
andun nakatira. Nasa Bohol nga parin. Kasi inaalagaan nito yung dalawa nyang tsahen
na matandang dalaga. Si Mary ann tsaka si Emy. Ay alam mo yang si Mary Ann at si Emy,
mabait yung dalawang yun. Nakasama ko narin yun, kasi nung medyo matanda na to si
Igme. Si Igme. Si Igme, tatay ni Ngongo. Ay pumunta dito si Mary Ann tsaka si Emy.

Si Mary Ann, naku malaki suso nun. Ang laki! Dito, (hinawakan ni Yejin yung chest nya
parang hindi hawak mukhang hawak lang) Pero mas malaki yung sa kanan. (Tumawa yung
tindera dahil sa fact na yun)

Anastacia: Ah, Hindi po pantay.

Tindera: (Natuwa) Hindi pantayyy! Hindi pantayy. Pero si Emy, ay mabait. Tahimik,
malambing, ngiti ng ngiti ganun, hindi nag-sasalita. Pipe kasi. Pero mabait, mabait. Pero
alam mo kung ano yun? Kambal.

Anastacia: Kambal po yung dalawa?

Tindera: Ay oo! Kambal! Pero napaka bait nila. Nakakatuwa.


Anastacia: May sakit din po yung kapatid nya?

Tindera: Ay, hindi mo ba narinig? Hindi ka nakikinig? May sakit. Pero andun parin sya sa
Bohol. Hindi pa nga makapunta dito, at hindi naman mabisita nitong si Ngongo kasi
natanggal nga sa trabaho. Hula mo kung bakit natanggal sa trabaho? Eh sino naman kasi
yung gagong bobo na tatanggap sakanya sa call center? Syempre! Nung unang linggo,
narinig na, narinig na. “Hello?”, “Hello?” Oh edi syempre, tanggal! Oh! Hayyyy-

(Lalakad palayo na si Anastacia sa tindahan habang nag hayy yung tindera)

You might also like