You are on page 1of 9

Narrator (voice-over): Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may

nakatirang mag-asawa na kilala sa pangalang Don Juan at Namongan.

Namongan: Uhm... ano ba ‘yong umaamoy?

Don Juan: Alin? Ah, ‘yong niluluto ko. Mabango ba? (Sumandok ng sabaw at inilapit kay namongan)

Namongan: Don Juan!Ang baho! (Hindi sadyang natulak ‘yong sandok)


Don Juan: Ha?Anong mabaho, mahal?Ang bango nga oh.
Namongan: Don Juan, ang baho! Ilayo mo sa ‘kin ‘yan! Amoy panis!
Don Juan: Mahal alam mo, grabe ka na ha. Kanina ka pa. Gumising ako ng maaga para ipagluto ka
tapos... tapos sasabihan mo lang na mabaho at amoy panis?! Aray mahal.
Manang: Ano ka ba, Juan. Ganyan talaga ang mga buntis, kaya pagpasensyahan mo na.
Don Juan: Hay sabagay. Sige mahal ganito na lang, ano bang gusto mong kainin at ikukuha kita.
Namongan: (Nagliwanag ang mukha) Hilaw na sampalok, kamias, balimbing, hinog na bayabas,
dalanghita. Samahan mo na rin ng talaba, hipon, saka mga pagkain-kabibe.
Don Juan: Napakarami naman niyan.
Namongan: Iyon ang gusto ko eh. Ayaw mo ba? Kung ayaw mo, sige ako na lang ang hahanap.
Don Juan: Biro lang mahal, ikaw naman. Ito na’t hahanapin ko na lahat ng gusto mo, huwag ka na
magalit.
Namongan: Mag-iingat ka ha, bumalik ka rin agad.
Don Juan: Huwag ka mag-alala, babalik ako ng ligtas at buong-buo. (Hahalik sa noo/yayakap)

Narrator: At umalis nga si Don Juan para hanapin ang lahat ng pagkaing hiniling ng kanyang asawa na si
Namongan. Siya ay tumungo sa pinakamalapit na pamilihang bayan at doon ay natagpuan niya ang lahat
nang hinahanap ng kanyang asawa.

(Palengke)

Tindera 1: Ano po ang hanap nila?

Don Juan: Talaba ho, hipon saka mga pagkain-kabibe kung meron po kayo.

Tindera 1: Gaano po karami?

Don Juan: Kayo na ho ang bahala. Basta hindi kulang sa asawa kong buntis, nakakatakot ho kasi kapag
nagkulang, baka maging tigre. Dibale na hong madami.

Tindera 1: Ang swerte naman po ng asawa niyo.

Don Juan: Hindi ko naman po kayo masisisi na nasabi niyo ‘yan.

Tindera 1: (Tatawa) Ito na po, sa tingin ko naman eh sapat na ‘yan sa kanya.

Don Juan: Ito po ang bayad, salamat!


(Lumipat sa ibang pwesto)

Don Juan: Ewan ko ba sa asawa ko at puro maaasim ang gusto. (Lalapit sa tindera) Pabili nga hong hilaw
na sampalok, kamias, balimbing, hinog na bayabas, at dalanghita. Tindera 2: Para sa asawang buntis?

Don Juan: Paano niyo ho nalaman?

Tindera 2: Base kasi sa itsura mo ngayon at sa pagkakasabi mo, mukhang nautusan ka ng naglilihing
buntis.

Don Juan: Tama ka ate! Buntis kasi ang asawa ko, ayaw ng luto kong sinigang at sinabihan pang mabaho,
na amoy panis daw! Eh, paborito nga niyang inuulam ‘yon.

Tindera 2: Ganyan po talaga ang mag buntis, kaya masanay ka na.

Narrator: Nang mabili na ni Don Juan ang lahat ng kailangan niya ay agad din siyang bumalik sa kanilang
tahanan, bitbit ang pinamiling mga pagkain para sa kanyang asawa. Niluto na ni Manang ang mga ito at
itoy kinain na ni Namongan.

Narrator: Makaraan ang ilang buwan, nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng
tribo ng mga Igorot ang nayon at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan.

Narrator: Bago ipanganak ni Namongan ang kanyang anak ay inutusan niya si Don Juan na manguha ng
mga kahoy para sa kanyang hinihiling na papag para sa kanyang pagbubuntis.

Narrator: Agad na umalis si Don Juan at tumungo sa kahuyan upang manguha ng mga kahoy. Ang hindi
alam ni Namongan na ito na Ang huling beses na makikita Niya ang Mahal niyang asawa.

[Narrator] (manganganak na si namongan)

Namongan: A-aray masakit, manganganak na yata ako!

Komadrona: (Aalayan si namongan para makahiga) Manganganak ka na nga! Hinga ka ng malalim,


bibilang ako ng tatlo, pagbilang ko ng tatlo ire ka ha.

Namongan: (Tatango)

Komadrona: Isa... dalawa... tatlo... ire!

(Tapos ulit uli)

Komadrona: Malapit na, kaunti na lang!

(Pagkalabas ng bata, buhat-buhat ni namongan)

Narrator: Kakaibang bata ang anak ni Namongan, hindi siya natutulad sa ibang bata. Sa gulang na siyam
na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at malaking lalaki na siya.
Namongan: Ano kayang pwede kong ipangalan sa’yo? Sana nandito ang ama mo para dalawa kaming
nag-aalaga sa’yo.

Lam-ang: Lam-ang! Lam-ang ang gusto kong pangalan.

Namongan: (Nagulat) Pambihira! Tama ba ang narinig at nakita ko? Nagsasalita ka?

Lam-ang: Tama po kayo.

Namongan: Jusko!Aatakihin yata ako sa’yo.

(Nasa loob ng bahay si namongan at lam-ang, may mga dumadaang mga tao sa harap ng bahay nila,
pinag-uusapan sila)

Extra 1: Grabe, iyan ba ‘yong batang bali-balita sa iba na kapapanganak pa lang daw pero malakas at
nakapagsasalita na.

Extra 2: Nasaan?

Extra 3: Iyon oh! ‘Yong anak ng mag-asawang Don Juan at Namongan.

Extra 2: Ah, oo nga! Hindi kaya may lahing kapre o naengkanto ‘yang bata na ‘yan?

Extra 1: O ‘di kaya anak ng demonyo!

Extra 3: Nakakakilabot! Wala pa akong nakitang ganyang bata sa buong buhay mo.

Extra 1: Sigurado nga ba tayong tao ‘yan?

Extra 2: Mukha naman siyang tao, ang hindi lang ako sigurado eh kung normal ba siyang klase ng tao.

Extra 3: Mukha naman siyang normal. Tingnan niyo ang kanyang katawan, makisig.

Extra 2: Iba na ‘yan ha!

Extra 1: Maharot! Pagnasaan ba naman ang bata.

Extra 3: Tse! Biro lang naman. Halika na nga’t umalis na tayo!

Pagkalipas ng ilang Araw

Narrator: Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama,sumumpa siyang
ipaghihiganti niya ito. Atmakalipas ang ilang araw...

Manang: O, lam-ang, saan ka pupunta? Mukhang bihis na bihis ka.


Lam-ang: Pupunta po sana ako sa lugar kung saan naroon ang tribo ng mag igorot na pumatay sa ama
ko.

Namongan: Ano ang sinabi mo? Tama ba ang rinig ko na pupuntahan mo ang tribong iyon?!

Lam-ang: Opo inay.

Namongan: Tigilan mo lam-ang ang binabalak mo! Ayaw kong matulad ka sa ama mo...

Lam-ang: Pero inay... hindi ako matatahimik hanggang hindi ako nakakapaghiganti. Nawalan ka ng
asawa, nawalan ako ng ama. Hindi makatarungan ‘yon!

Namongan: Pero anak...parang awa mo na, ayoko na pati ikaw ay mawala sa akin.

Manang: Lam-ang, makinig ka sa inay mo.

Lam-ang: Alam ko pong nag-aalala kayo, pero inay patawarin mo ako... Kailangan kong gawin ‘to para sa
aking ama.

Namongan: Lam-ang!

Aso: Alam mo ba ang daan papunta doon?

Tandang: Oo nga, baka maligaw pa tayo kapag nagkataon.

Lam-ang: Malakas ang pananalig ko sa talisam na dala ko, madali na lang para sa ating na lakyabin ang
kabundukan at kaparangan sa tulong ng talisam na ‘to.

Tandang: Sigurado ka ba riyan?

Aso: Magtiwala na lang tayo sa kanya, baka si lam-ang ‘yarn.

(Naglalakbay)

Mananaginip si lam-ang)

(Napanaginipan niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsisipagsayaw habang inikot-
ikutan ang pugot na ulo ng kanyang ama.)

Narrator: Nagpatuloy si Lam-ang kasama ang mahiwagang tandang at aso sa paglalakbay.

5 – 10 seconds

Narrator: Hindi nagtagal ay narating nila ang pook ng mga Igorot.


Igorot 1: Anong ginagawa mo rito? Mali ka yata ng napuntahan, bata.

Igorot 2: Hindi nagsasalita, mukhang natatakot na yata. (Magtatawanan)

Lam-ang: Hinahamon ko kayong makipaglaban sa ‘kin!

Igorot 3: Sabihin mo lang na nagbibiro ka lamang, palalagpasin namin iyang sinabi mo.

Lam-ang: Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo. Hindi ako nagpunta rito para makipagbiruan sa inyo na
pumatay sa ama ko!

Aso: Tama!

Tandang: Tama!

Igorot 4: Ama? Oh, ama? Pwes, mas mabuti nga talagang umuwi ka na para hindi ka matulad sa sinapit
ng ama mo.

Igorot 5: Huwag mong ubusin ang aming pasensya, kung ayaw mong masaktan ka, kasama niyang mga
aso at tandang mo!

Igorot 6: Mukha silang mga laruan (Tumawa)

Aso: Laruan?! Mahiwaga kami! Hindi basta aso at tandang lang!

Tandang: Tama!

Aso: Wala ka na bang alam na ibang sabihin?

Tandang: Tama—wala!

Igorot 1: Mahiwaga? Mukha nga talagang nagbibiro lang kayong tatlo.

Lam-ang: (Sisigaw ng malakas)

(Sisigaw siya ng malakas tapos yayanig ang kabudukan)


(Magdadatingan ang iba pang igorot dahil maririnig ‘yong sigaw niya)
(Papaulanan siya ng mag sibat. Hindi man lang siya masusugatan)
(Kapag naubos na ‘yong mga sibat, si lam-ang naman ang kikilos)
(May itak siya tapos papatayin niya ‘yong mga igorot na para lang siyang tumatabas ng puno ng saging)
Narrator: Pagkatapos niyang patayin ang tribo ng Igurot Tatuan ay agad din siyang bumalik sa Nalbuan.
Ganoon na lamang ang gaan ng kanyang pakiramdam na noon ay ang bigat-bigat dahil sa pagpatay ng
tribo ng mga igurot sa kanyang ama.

Narrator: Nagtungo nga si Lam-ang sa Ilog Amburayan upang maligo at matanggal lahat ng dungis at
dugo na galing sa pakikipag-away sa tribo ng Igorot Tatuan. Naligo siya sa ilog sa tulong sa tulong ng mga
dalaga sa tribu.

(Nakaupo sa batuhan, sa tabing ilog)

Lam-ang: Pasensya na kayo at sobrang dungis ko.

Dalaga 1: Ayos lang, lam-ang. Pero... saan nga ba galing ang mga ito?

Dalaga 2: Oo nga, lalo na ang mga dugo na nasa katawan mo?

Lam-ang: Ah iyan ba? Wala! Nagkatay lang kami ng baboy sa bahay, pinagluto ko kasi si inay ng
paboriting niyang sinigang.

Dalaga 3: Ah kaya. Nakapabait mo namang anak.

Lam-ang: Sakto lang, natutunan ko lang din iyon sa kanila.

Narrator: Nabalitaan ni Lam-ang ng kagandahan ni Donya ines Kanoyan ng Kalinutian.nagbihis siya ng


magara at nagpasiyang umakyat ng ligaw

Lam- ang: Ina ako muna ay aalis muli.

Narrator: At gumayak nga si Lam-ang patungo sa Kalanutian para manligaw sa dalagang si Ines
Kannayon. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang aso at tandang.

Narrator: Patuloy silang naglakbay patungo sa tahanan nila Ines. Pagdating nila roon ay naabutan nilang
madaming tao.

Tandang: Ang daming tao, ano kayang meron dito? Hindi kaya may handaan? Sakto gutom na ako.

Aso: Pag-akyat ng ligaw ang pinunta natin dito, hindi para makikain. Hay nako tandang.

Lam-ang: Hindi yata nila napapansin na nandito tayo.

Narrator: Tumahol ang mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang
tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang.

Nanay ni Ines: Maupo kayo, pasensya at naabutan niyong madaming tao rito sa aming bahay.
Lam-ang: Okay lang po iyon.

Nanay: Gusto ko lang malaman kung bakit kayo naparito?

Aso: Nandito po kami para sa inyong anak na si Ines.

Tandang: Aakyat po sana ng ligaw ang aming kaibigan na si Lam-ang.

Tatay ni Ines: Totoo ba iyon? Lam-ang?

Lam-ang: Opo, totoo pa ang sinabi nila. Gusto ko po sanang umakyat ng ligaw sa anak niyo.

Nanay: (Titingin kay ines) Papayag ka ba?

Ines: (Nakangiting lumingon kay lam-ang)

Tatay: Mukhang hindi mo na kailangang hintayin ang sagot ng ating anak.


Nanay: Hindi namin tututulan ang kagustuhan mong manligaw sa anak ko, iyon ay kung makapagbibigay
ka ng kahit anong panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan namin.

Lam-ang: Handa po akong ibigay ang lahat ng makakaya ko, para lamang kay Ines. (Nakatingin kay Ines)
Tatay: Mabuti naman kung ganoon

Ines: Buti at naparito ka sa bahay namin?


Lam-ang: Inaasahan mo bang magpupunta ako rito?
Ines: Nakakahiya mang sabihin pero oo. Mula noong nakita kita sa pista doon sa lugar ninyo, hindi ka na
nawala sa isipan ko.
Aso: Hala, kasalan na lang pala talaga ang kulang eh.
Tandang: Kasalan na ‘to!
Lam-ang: Talaga ba? Kung gano’n pala eh, hindi lang ako ang umaasang makausap at malapitan ka.
Ines: Tama ka. Iyon din siguro ang dahilan na kahit ang daming nanliligaw sa akin ay wala akong
magustuhan, kahit isa.
Lam-ang: Buti na lang talaga ay naparito na ako.
Ines: Ang tagal kong hinintay ang araw na ‘to.

Narrator: Sa mga sumunod na araw ay nagpabalik-balik si Lam-ang sa bahay nila Ines upang manligaw.
Kung ano-ano ang dinadala at ginagawa nito para lamang mapasagot ang dalaga.

Pinagdadala ng iba’t ibang bulaklak sa magkakaibang araw. Hinaharana. Pinag-iigib ng tubig.


Pinagtatabas ng mga kahoy. At kung ano-ano pa.

Narrator: Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan


Pari: Ngayon Lam-ang, bilang pagtupad sa kaugalian ng mag tao rito sa Kalanutian

pagkatapos ng kasalan... kailangan mong manghuli ng mag isdang rarang.

Lam-ang: Masusunod po.


Nanay: Maaari ka nang manghuli ng isdang rarang, Lam-ang.
Tatay: Mag-iingat ka.
Lam-ang: Masusunod po.
Lam-ang: (Hawak ang kamay ni Ines) Mahal, mali mang isipin pero kung may mangyari man sa akin na
hindi maganda ay ihahabilin ko sana sa’yo ang buto ko.
Ines: Ano bang sinasabi mo? Katatapos lang natin ikasal oh.
Lam-ang: Alam ko, pero kasi mabuti na ‘yong sigurado.
Ines: Lam-ang, tigilan mo ako, Hindi nakakatuwa ‘yang sinasabi mo.
Lam-ang: Hindi ako mangangako, pero susubukan kong makabalik ng ligtas.
Ines: Mangako ka!
Lam-ang: Mahal...(Yayakap)

Narrator: Ang lahat ay nagpunta ng dagat. Panunuorin si Lam-ang na manghuli ng mga isdang rarang.

Narrator: Ang kaninang masayang Ines ay nabalot ng kalungkutan ng masaksihan ang kanyang asawa na
kainin ng berkahan. Wala sa sarili siyang yakap-yakap ng kanyang ina.

(Babalik ang tatay ni ines kasama si matandang marcos sa kung saan nanghuli ng isdang rarang si lam-
ang)

(Sisisirin at hahanapin ni Marcos ‘yong buto ni lam-ang habang nanunuod ‘yong mga tao, si ines naman
ay yakap-yakap pa rin ng ina at wala sa sarili)

(Nang makita na ang buto ni lam-ang ay agad itong dinala ni Marcos, na tinulungan ng tatay ni ines, na
dalhin sa tabing dagat)

(Papalibutan ito ng mga tao)

Ines: Ang asawa ko!Ang asawa ko! (Tatakbo papalapit sa buto ni lam-ang)(Tatakbo rin papalapit ang
mahiwagang aso at tandang)
Aso: Kailangang may gawin tayo para mabuhay muli si Lam-ang.
Tandang: Hindi siya pwedeng basta-basta na lang mawala.

(Inikutan ng mahiwagang aso at tandang ang buto ni lam-ang. Titilaok ang tandang at tatahol ang aso.)
(Nagulat ang mga tao sa paligid, nagsigawan sa pagkamangha at saya)

Narrator: Walang anu-ano’y kumilos ang mga butong may takip na saya. Bumangon si Lam-ang na
parang bagong gising lamang mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Ines: (Napayakap sa asawa) Bumalik ka Lam-ang!


Lam-ang: Hindi ko naisip na makakabalik ako. Akala ko ay hindi na kita makikita pang muli. Hindi ko
kakayanin.
Ines: Mas hindi ko kakayanin! Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan ng sobra nang makita kang
kinain ng pating na berkahan.
Lam-ang: Akala ko talaga ay hanggang doon na lamang.
Ines: (Lilingon kay aso at tandang) Salamat sa tulong niyo, aso at tandang. Kung hindi dahil sa inyo ay
hindi mababalik ang buhay ni Lam-ang, ng asawa ko.
Lam-ang: Utang ko sa inyo ang buhay ko, salamat. Salamat at palagi kayong nandiyan sa tuwing may
kailangan ako at nasa panganib ang buhay ko.
Aso: Maliit na bagay lang ‘yon! Kaibigan ka na rin namin kaya hindi rin kami papayag na basta ka na lang
mawala.
Tandang: Wala iyon, lam-ang. Mahalaga ka sa amin. Mahalaga sa lahat ng taong nandito. (Magyayakap
silang apat) (Magsasaya ang mga tao)

You might also like