You are on page 1of 3

Narrator(Aavie); Sabado ng hapon nang magkayayaan ang magkaibigang Ara, Chamcey at

Archie na mamasyal sa Paseo.


Kriing… kriiinggg… kriiinggg…Tinawagan ni ara sina archie at chamcey sa telepono at
nagconference call sila.
Ara: Archie at Chamcey, pasyal tayo sa paseo. Wala naman tayong pasok ngayon.
Chamcey: Sige, mamasyal tayo at manood tayo ng paglubog ng araw dun.
Archie: Oo nga. Maganda raw iyon sabi n gaming kapitbahay. Kumain na rin tayo ng isaw at
knicker bocker dun.
Ara: Sige, magpaalam na tayo sa ating mag magulang. Magkita na lamang tayo doon
mamayang alas kwatro.
Narrator: Sila ay kaniya-kaniyang nagpaalam sa kanilang mga magulang. Magkalipas ang ilang
oras, sila ay nagkita kita sa paseo.
(Ara, chamcey at archie naglalakad at nagtagpo sa entrance ng paseo. Binati nila ang isa’t isa)
Chamcey: Hello ara. Ikaw pa lang ba?
Ara: hi chamcey. Oo wala pa si archie. Ito talaga archie oh. Palate late lagi.
(Ginulat sila ni archie)
Archie: Huy!! Andito nako noh! Tamang tama lang pagdating ko.
Ara: Tara na nga! Mamasyal na tayo.
Narrator: At nagsimula na ang magkaibigan mamasyal sa paseo. Sila ay masayang kumukuha
ng larawan sa paseo. Sa kabilang dako ng paseo, may magkapatid na samal na gumagawa ng
kanilang takdang
Danielle: (speaking in samal) Hindi ganyan yan. Mali yang ginagawa mo Fatima.
Fatima: tama na ito. Nagmamarunong ka pa sakin. Pareho lang tayo hindi marunong sa Filipino
subject eh.
Danielle: Hay naku, matigas talaga ang ulo mo. Alam k yan dahil yan na ang lesson naming sa
eskwelahan. Bahala k nga, mag-aantay na lang ako ng may magtatapon ng pera dito para
magkabaon ako.
Narrator: Nang may dalawang bata na lumapit sa kanila.
Eanne: pst pst. Ano yang ginagawa niyo mga bata?
Brylle: Anong mga pangalan niyo? Bakit dito kayo basa at bakit kayo dito nagaaral?
Narrator: Hindi makasagot ang magkaibigang Fatima at daniell dahil hindi nila naintindihan ang
mga ito.
Eanne whispering to brylle: Sa tingin k hnd nila tayo naiintindihan. Lokohin natin sila.
Brylle: sige sige, gusto ko yan. Tuksuhin natin. At magtapon tayo ng pera sa dagat kasi narinig
k na kumukuha yan sila ng pera pag magtapon tayo sa dagat.
Brylle to Fatima & Danielle: Oh, mga batang walang alam. Ito oh, kunin niyo! (sabay tapon ng
mga barya sa dagat) bilisan iniyo. Kunin niyo ung pera! (tawang tawa si brylle sa kanyang
ginagawa)
Narrator: Tumalon agad agad ang magkaibigang samal sa dagat upang kunin ang barya na
itinapon ni brylle.
Eanne: hahaha. Nakakatawa sila. Wala silang pera. Sa Bangka sila nag-aaral. Bobo at negra
pa. (Tawa ng malakas)
Narrator: Nakuha ng magkaibigan ang perang itinapon ni brylle. Umahon sila ngunit nung
nakaahon sila sa dagat, si eanne naman ang nagtapon ng mga barya kaya tumalon muli ang
magkaibigan. Nagpatuloy sina brylle at eanne sa kanilang ginagawa. Tinutukso nila ang
magkaibigang samal at nagsasabi ng mga salitang hindi maganda na hindi naman naiintindhan
ng dalawa.
Napansin ito ni ara. Kaya nagpasya siya na yayain sina archie at chamcey upang tingnan kung
ano nag nangyayari dun. Nakumpirma nila na sina brylle at eanne na kaklase nila ang
nanunukso at niloloko ang samal na magkaibigan.
Ara: Brylle at Eanne, kayo pala iyan. Anong ginagawa ninyo sa kanila?
Brylle: Niloloko namin sila. Dahil hindi nila kami naiintindihan. Nakakatuwa sila paglaruan.
Eanne: Oo nga, tingnan niyo oh. Masaya silang tingnan na tumatlaon sa dagat para sa barya.
Hahahahaha
Archie: Bakit niyo sila pinaglalaruan? Porke’t hindi sila nakakaintindi, paglalaruan niyo na sila?
Chamcey: Oo nga. Hind maganda yang ginagawa niyo. Masama yan.
Ara: Imbes na kutyain ninyo sila at paglaruan, tumulong na lang kayo sakanila. Turuan niyo sila
ng Filipino para sag anon maintindihan nila kayo.
Brylle: eh pano namin sila turuan? Eh hindi naming sila naiintindihan?
Archie: Kaya nga, hindi ninyo sila naiintindihan kaya wag niyo sila paglaruan.
Chamcey (speaking in samal) to Fatima & daniella: ano ang mga pangalan niyo? Bakit kayo
kumukuha ng tinatapon na barya sa dagat?
Danielle: ako si Danielle at siya si Fatima. Magkaibigan kami. Tuwing sabado, kami ay
nagaabang ng mga tao na magtatapon ng barya sa dagat para kunin namin upang magkaroon
kami ng pangbaon sa eskwelahan. Buti na lang marunong kayo magsamal.
Ara(speaking in samal): oo marunong kami kahit konti. Ano naman ang mga librong iyan?
Fatima(speaking in samal): takdang aralin k yan. Nagtatalo kami kung tama na ang sagot ko
dahil pareho kami hind marunong sa Filipino. Pero kahit ganon, gusto naming matuto. Kaya
gusting gusto naming mag-aral.
Ara: Sige tuturuan naming kayo. Pero sandal lang. kakausapin k muna mga kaklase namin.
Ipapaintindin namin sa kanila na mali ang ginawa nila sa inyo.
Chamcey to brylle & eanne: Wag niyo na uulitin ang ginawa ninyo. Hindi nila kayo naiintidnihan
dahil mga samal sila. Hindi sila marunong sa Filipino.
Archie: pero kahit ganon pa man, sinusubukan nila matuto. Kaya nga sila ay nagaaral at
gustung gusto pumasok sa paaralan.
Ara: oo nga. Naghahanap sila ng pangbaon nila dito sa dagat kaya sila nagaabang ng mga tao
na nagtatapon ng barya. Humingi kayo ng paumanhin sa ginawa ninyo. At bumawi kayo sa
kanila. Samahan niyo kami sa pagturo sa kanila ng kanilang takdang aralin.,
Narrator: Lumapit si brylle at eanne sa magkaibigang samal at humingi sila ng paumanhin
dito.sa tulong ni ara at chamcey humingi sila ng tawad sa salitang samal.
Brylle: Patawad sa aming nagawa. Hindi na naming uulitin yun sa inyo o sa kahit na sinong
hinding nakakaintindi ng salita naming.
Eanne: Sana makabawi kami sa nagawa naming sa inyo. At sana maging magkaibigan tayo.
Fatima: oh marunong naman pala kayo magsamal. Wala iyon. Wag niyo na lang gawin sa iba
iyon.
Danielle: oo nga. Sige para makabawi kayo turuan niyo na lang kami sa takdang aralin namin.
Narrator: Masayang tinulungan ng limang magkakaibigan na sina ara, chamcey, archie, brylle at
eanne sina Fatima at Danielle.
Danielle to 5 kids: Maraming salamat sa inyo. Sana makabalik kayo ulit dito nang matuto pa
kami ng ibang salita sa Filipino.
Fatima: Oo nga. Maraming maraming salamat sa inyo at may bago kaming kaibigan. Mag-ingat
kayo sa paguwi.
All to 2: walang anuman yun. Kayo din mag-ingat kayo at ipagpatuloy niyo ang pagaaral.
Narrator: at masayang naglakad ang magkaibigan pauwi.
Brylle to ara, chamcey at archie: salamat sa inyong tatlo ha. Kung hindi dahil sa inyo, hindi kami
nakabawi sa ginawa naming hindi maganda kina Danielle at Fatima. Salamat din sa inyo.
Natuto kami mgsamal.
Eanne: oo nga, pero ang pinakamaganda dun natulungan natin sila hindi lang sa takdang aralin
nila kundi natutudo din sila ng Filipino.
Ara, chamcey n archie: walang anuman yun. Lagi natin tandaan ang turo sa atin n gating mga
magulang at mga guro, tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan.
Ara: Kaya dapat tumulong tayo sa kapwa natin bata; hindi tayo dapat nang-aaway at lalong
hindi natin dapat sila kinukutya o pinagtatawan.
Chamcey: tama ka tlga jan ara; cge na umuwi na tayo dahil baka hinahanap na tayo sa bahay.
Ingat kayong lahat.
All: ingat dn kayo!

You might also like