Professional Documents
Culture Documents
Part 1
Scene 1
Narrator: Isang mahirap na bata na nagngangalang Bruno ang nakatira sa isang barong-barong na bahay
dahil sa kahirapan at nakakakuha lamang sila ng pera dahil sa paglilimos ni Bruno. Minsan ay sinasaktan
sya nga kanyang mga magulang kapag kunti lang ang kanyang nalimos. Dumating siya sa bahay nila at
naabutan niya ang kaniyang ina na nagsusugal.
Elisha: Sa susunod, ramiramihan mo ang paghingi ng limos kundi hindi kita papakainin! Wala ka talagang
pakinabang! Walang kwenta!
Josh: Ano! Umiiyak ka nanaman, lumayo ka nga sa akin, ayoko sa mga bakla!
Narrator: Habang umiiyak si Bruno ay sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya paaapi kahit kanino.
Part 2
Scene 1
Narrator: Si Fery lou naman ay iniinsulto ng kanyang mga kaklase dahil sa kahirapan niya. Tinatago niya
ang kaniyang baon na isang piraso ng tinapay lamang dahil alam niya na kapag nakita ito ng kaniyang
mga kaklase ay mapapahiya nanaman siya.
Narrator: Si Nemo ay isang batang papel na ginawa lamang ng isang estudyante para sa isang proyekto
sa kanyang paaralan na gumawa ng isang gamit na galing sa isang bagay o mas tinatawag nating
Recycled Materials.
Danica: Aking mga kaklase dahil absent si Ma’am ay ako ang in-charge sa inyo bilang presidente. Meron
daw tayong bagong proyekto. Gagawa tayo ng isang recycled material.
Clemente: Yes! May bagong proyekto. Sana hindi makagawa ang isa dito ng proyekto sa pagkakataon
ngayon.
Scene 2
Narrator: Gumawa si Fery lou ng proyekto na isang batang papel at pinangalanan itong Nemo. Pinag-
isipan nya rin kung ano ang sasabihin nya sa kanyang mga magulang.
Frivaldo: Yehey! Tapos na rin ako. Alam ko na kong anong sasabihin ko sa aking mga kaklase.
Scene 3
Narrator: Hindi ipinakita ni Fery lou ang kanyang proyekto at baka tuksuhin nanaman siya.
Fery lou: Ipapasa ko ito agad kay Ma’am (Ipinasa ang proyekto ni Fery lou sa kanyang guro)
Narrator: Pagkatapos niyang ipasa ang kanyang proyekto ay pumunta sya sa kanyang mga kaklase.
Narrator: Sinabi ni Fery lou kung ano ang uri ng kanyang sandaang damit. Iginuhit nya ito at sinabi nya
kung anong uri ng tela ang ginamit para mabuo ang kanyang sandaang damit.
Scene 4
Narrator: Minahal siya ng kaniyang mga kaklase mula noon, Hangang sa may mahangin na araw.
Narrator: Sa parehong oras na mahangi ay nahanginan rin ang proyekto ni Fery lou na si Nemo at doon
nagsimula ang paglalakbay ni Nemo at Fer lou.
Part 3
Scene 1
Narrator: Dalawang bata na ininiwan ng kanilang mga magulang dahil sa matinding kahirapan nila na
bumuhay ng kahit isang tao at may utang pa sila sa isang mayaman na tumutulong sa kanila para
mabuhay ang anak nila at hindi pa nila nababayaran sila.
Audrey: Iwanan muna natin sila sa bahay ampunan para doon sila mabuhay ng maayos.
Audrey: Gumawa ako ng sulat sa mga madre doon, para walang umampon sa kanila maliban sa atin.
Nikko: Ito lang ang maiibigay ko sa kanila. (Iniabot ni Nikko ang kuwintas kay Audrey) Gumawa pa ako ng
isa para rin sa atin.
Audrey: Mga anak, Sana mapunta kayo sa mga mabubuting kamay. Heto na ang kuwintas ninyo. Huwag
sana mawala ito sa inyo.
Scene 2
Narrator: Hindi ang mga madre na nakatira sa bahay ampunan ang nakakuha sa bata. Isang matandang
babae na nag-iisa ang nakakita sa mga sanggol, naawa ito kaya kinuha nito ang mga bata.
Corinne: Kawawa naman ang mga batang ito, bata palang iniwan na. Halika papalakihin kita ng mabuti.
Narrator: Nakita ni Corinne ang sulat pero itinago ito dahil baka kong anong mangyaring masama pag-
iniwan nya rin ito.
Narrator: Pinalaki sila ng mabuting matanda at tinuruan ng mabubuting asal, tinapat nya rin sa bata na
ampun lang sila para hindi sila masaktan pagnalaman nila sa ibang tao ang totoo at ikinuwento ng
matanda kung ano ang nangyari sa mga magulang nila.
Corrine: Mga bata, buhay pa ang mga magulang ninyo. Hindi nila kayo kayang buhayin dahil sa
kahirapan, sana hindi kayo magalit sa kanila.
Corinne: Hindi para sa akin mga bata, para sa mga magulang ninyo.
Marian: Opo, lola.
Scene 3
Narrator: Isang araw ng malalaki na ang mga bata ay namatay ang kawawang matanda dahil nahimatay
sa init at pagkawalan ng pera.
Jericho: Lola, huwag ka munang mamatay kailangan pa namin ikaw, hahanapin namin kung sino ang mga
tunay naming magulang para sa kanila basta mabuhay ka Lola! Lola! Lola!
Narrator: Napakalungkot ng mga bata, tanging pag-alala ng mga salita ng kanilang lola ang pumukaw sa
kanila para mabuhay parin kahit wala na ang kanilang lola.
Jericho: Ano na ba ang gagawin natin, sana nandito si lola para gabayin tayo.
Scene 4
Narrator: Naging palaboy ang mga bata. Nakakakain lang sila dahil sa paglimos, minsan ay ayaw ng mga
tao na lumapit sa kanila.
Loren: Umalis ka nga kayo dito ang baho-baho ninyo at lalapit kayo sa akin ano kayo! Heto! Ang pera
saksak ninyo sa baga ninyo, mahiya naman kayo! Halika ka na nga Paola.
Narrator: Minsan rin ay kinukuha ni Bruno at ang kanyang mga kaibigan, ang nalimos nilang pera.
Gab: Hoy, bata sa amin na nga ang pera mo kung ayaw mong masaktan.
Jericho: Walang ano man, basta mag-ingat ka sa kanila, ha. Halika na.
Scene 5
Narrator: Isang araw hindi mapakali si Jericho at Marian dahil nagdadalawang isip sila kung hahanapin
parin nila ang kanilang mga magulang na umiwan sa kanila dahil sa galit na iniwan sila ng mga magulang
nila kahit sanggol pa lamang, pero napagisip-isip nila ang sinabi ng kanilang lola sa kanila kaya hinanap
nila ang kanilang mga magulang.
Jericho: Nagdadalawang isip ako kung hahanapin parin natin ang ating mga magulang o hindi.
Marian: Ako rin nagdadalawang isip sa paghahanap sa kanila. Pero kailangan rin natin silang hanapin
para sa ating pangako kay lola.
Jericho: Sa Bagay tama ka. Tanging ito lang kuwintas na ito ang ibinigay na alala nila.
Scene 6
Narrator: Nang hinahanap nila ang kanilang mga magulang, nakahanap rin sila ng mga bagong kaibigan
sa kalye.
Marian: Ako si Marian at siya naman ang aking kapatid si Jericho, at sino ka naman?
Frivaldo: Ako nga pala si Ferry lou, masaya sana ako noong nakuha ko ang loob ng aking mga kaklase at
hindi na nila ako sinasaktan dahil sa pagsabi na may sandaang damit ako, pero namatay ang aking mga
magulang.
Marian: Pasensya na Fery lou, ayos lang yan, kami rin naranasan namin iyan pero hindi namin niloko ang
aming mga kaklase. Pero ganito kami, hinahanap namin ang aming mga magulang.
Frivaldo: Hali kayo, doon tayo sa lugar kung saan ako nagpapahinga para rin makapagpahinga kayo sa
paghiga sa mga masasakit na bato.
Frivaldo: Walang ano man tumutulong lang ako sa mga kagaya ko para makaiwas sa batang si Bruno.
Frivaldo: Si Bruno ay kumukuha ng pera ng mga batang katulad natin lalo na si Adong.
Scene 7
Narrator: Dinala ni Ferry Lou si Jericho at si Marian sa isang lugar kung saan siya nagpapahinga, pero
hindi kanais-nais ang nakita nila.
Gab: Adong! Tatakas ka pa. Ibigay mo na sa akin ang limos mo o masasaktan ka!
Jorge: Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!
Marian: Tama na nga yan, malapit tayo sa simbahan at nakikipag-away ka.Tatawag ako ng pulis kong
hindi ka titigil.
Jorge: Salamat ha, ako nga pala si Adong, sino naman kayo?
Jorge: Salamat uli ha. Halika kana Fery lou, Pumunta na tayo sa ating lugar para makakain na,
naghihintay na si Nemo doon.
Felix: Nasan na ba yung pagkain naghihintay na rin ang aking mga kaibigan.
Scene 8
Narrator: Nagsama-sama sila sa isang lugar na matutulugan nila. Isang araw nang naglilimos sila nakita
nila na ninanakaw ng mga kasama ni Bruno ang cellphone ng babae. Nakilala ni Fery lou yung mga
nanakawan kaya nagtago ito.
Narrator: Hinabol nila ito at nabawi ang cellphone ng babae at ibinigay pabalik ito.
Jericho: Sa akin na nga yan! (Kinuha ni Jericho ang celllphone nang babae sa magnanakaw)
Paola: Heto ang pera ninyo, mga palaboy, wag nakayong mahiya dahil wala naman kayong hiya.
Felix: Ang sama naman ng babaeng iyun. Kunin na nga natin ang pera kakailanganin pa natin ito.
Scene 9
Narrator: Isang gabi ng tumutulog na ang mga kasama ni Jericho at Marian ay hindi sila makatulog at
malungkot. Naisip nila ang kanilang mga magulang hawak-hawak ang kuwintas na ibinigay ng kanilang
mga magulang.
Jericho: Ang saya-saya nga dito sa kalsada kasama ang ating mga kaibigan ay wala naman ang ating mga
magulang.
Marian: Oo, nga hindi ko na kayang matiis na wala sila sa ating piling.
Jericho: Mabuti naman ay nandito ka, kahit papaano hindi ako nag-iisa sa pamilya.
Scene 10
Narrator: At sa mga magulang nila umuutang parin sila sa mayamang pinag-uutangan nila na patay na,
kaya ang pinag-uutangan na lang nila ay ang dalawang anak nito.
Paola: Ang mga magulang mo kasi anak ng anak kaya mahirap kayo.
Nikko: Tatanggapin namin kahit anong masasakit na salita, kailangan talaga namin ng pera.
Scene 11
Narrator: Dahil sa kalakihan ng halaga nito ay naisip nila na idiposito ang pera sa Banko hanggang sa
mataas na ang halaga nito dahil sa interest. Iginastos nila ito sa pagnenegosyo para makaahun sa hirap
at mampon ang kanilang dalawang anak.
Audrey: Salamat sa Diyos! Binigyan nya tayo ng pagkakataung mabuhay ng masagana at maaampun na
rin natin ang ating dalawang anak.
Narrator: Aampunin na sana nila ang dalawang anak nila, kaya lang napagtanto nila na hindi nakuha ng
madre doon, ang kanilang mga anak. Kaya hinanap nila ito sa kung saan-saang lupalop.
Scene 12
Narrator: Nang palakad si Jericho at Marian papunta sa kanyang mga kaibigan nila ay nakasalubong nila
ang mga batang masasama na hinabol nila. May dala itong baril dahil nais nilang bumawi sa kanila sa
ginawang pagbawi ng cellphone at nasis rin nitong makuha ang itinatagong pera nila na bigay ng babae
na tinulungan nila. Dumating ang mga kaibigan nila at nakita nila ang dala ng mga masasamang bata,
natakot sila pero hindi sila makatakas. Binigyang pagkakataong mabuhay ang bata kung ibibigay sa
kanila ang lahat ng pera nito o tumakas sa sampung sekundo lamang.
Gab: Bibigyan kita ng pagkakataong mabuhay bata, kung ibibigay mo ang lahat ng perang tago ninyo o
tumakas sa loob lamang ng sampung sekundo.
Jericho: Ano ba ang desisyon natin tumakas o ibigay natin ang pera.
Scene 13
Narrator: Tumakas nga sila pero natamaan ng bala si Jericho. Kinalaban ng mga kaibigan ni Jericho ang
mga masasamang bata, dahil wala nang ipuputok pa ang baril nila dahil isa lang ang bala nito. Natalo ang
mga masasamang bata at humingi sila ng tulong na ikarga si Jericho papuntang ospital.
Scene 14
Narrator: Naging papel muli si Nemo kasama ang kanyang mga kaibigan sa kalye ng humiling sila.
Felix at ang iba pa: Bituin, bituin, tuparin ngayon din lahat kami ay gawing batang masayahin.
Narrator: Nakita ni Audrey at Nikko si Jericho papuntang sa ospital. Naawa sila kay Jericho kaya
tinulungan nila ito dahil sa pag-alala ng kanilang iniwang anak.
Nikko: Kawawa naman ang batang iyon.
Audrey: Halika tulungan natin meron pa naman tayong pera para sa anak natin.
Scene 15
Narrator: Tinulungan nga ni Audrey at Nikko na manumbalik ang lakas ni Jericho at may naramdaman
sila na kakaiba kay Jericho at Marian sa pagtingin palang ng kuwintas na suot nila.
Audrey: Halika Nikko, pumunta tayo sa isa sa mga kuwarto dito para mag-usap tungkol sa ating anak.
Audrey: Naroon sa kanila ang kuwintas na ibinigay nila at tama ang edad nila.
Scene 16
Narrator: Narinig at nakita ito ng bata dahil sa nakalimutang isarado ng mabuti ang pintuan. Nagalit nito
ang bata, pero sumama parin ito sa magulang nya hindi dahil mahal nya sila kundi ay naaawa sya sa
kanila.
Jericho: Bakit ninyo kami iniwan kahit sanggol pa lamang kami?! Mga walang puso!
Audrey: Patawarin mo ako anak, Patawarin mo ako anak!. Hindi ko kaya ang kahirapan kaya ko to
nagawa may plano rin naman kami ng ama mo na kunin ka kapag nakaahun kami sa hirap.
Jericho: Sige, sasama kami hindi dahil pinapatawad kita kundi dahil naaawa kami sayo!
Scene 17
Narrator: Ginawa ng mga magulang ang lahat para mapamahal ang anak nila sa kanila.
Narrator:Isang araw napag-alaman ng bata na ginawa ng mga magulang nya ang mga ito dahil sa
kahirapan pero hindi nila kinalimutan sya maliban lang ng naaksidente sila.
Jericho: Alam na namin po ang lahat ng nangyari, mahal nyo rin pala kami.
Narrator: Tinulungan ni Jericho ang kanyang mga kaibigan na makaahun rin sa kahirapan sa
pamamagitan ng pag-ampun sa kanila at pinalago pa nila ang negosyo nila.
Narrator: Nakaahon na rin sina Ferry lou at Adong sa kahirapan at nakatakas na rin si Adong sa mabangis
na lungsod at naging batang masayahin narin si Nemo. At dito nagtatapos ang storya ng mga uri ng
kahirapan. Salamat po!