You are on page 1of 2

Group 2: Pulis

TW: droga !!

Raven: narrator
John Patrick: adik
Lance: kaibigan ni John
Leslie: guro
Trisha: kapatid ni John
Angelica: nanay ni John
Renellie: pulis
Rhon: pulis
Miguel: pulis

Narrator: Noong nakaraang buwan, may isang studyante si Gurong Leslie. Isang
mabait, masipag, at matalinong bata na nangangalang John.
Leslie: Nasaan si John? Bakit madalang ko nalang siyang makita?
*sumagot ang mga bata*
Renellie: Npanasin nga po namin, kapag pumapasok siya ay ay para bang wala siya sa
sarili na laging nakatulala at madilim ang mata.
Narrator: Matapos ang araw na iyon, napag-isipan ng guro na puntahan ang bahay ni
John dahil kahit tawagan niya ang ina nito ay hindi rin sumasagot.
Leslie: Tao po! Nariyan po ba si John?
Trisha: Sino po sila?
Leslie: Ako po ang guro ni John.
Trisha: Ano pong maitutulong ko sa inyo?
Leslie: Nais ko lamang pong malaman kung nariyan si John?
Trisha: Wala po, umalis po kasama ang kaniyang kaibigan.
Angelica: Nak! Sinong nariyan sa pinto?
Trisha: Ang guro po ni kuya.
Angelica: Ay, magandang hapon po! Pasok po kayo.
Trisha: Narito po ako upang magtanong tungkol kay John. May napansin po ba kayong
kakaiba sa kanyang mga kilos?
Angelica: Madalang nalang namin siyang makasama rito sa bahay, madalas ay ginagabi
na rin siya ng uwi.
Leslie: Ay, naparito nga rin po pala ako para kausapin kayo tungkol sa pagpasok ni
John. Ilang linggo na rin po siyang hindi pumapasok sa paaralan.
Napansin din po ng kaniyang mga kaklase na lagi lamang siyang nakatingin sa kawalan
na para bang lumilipad ang isip.
Angelica: Hay, ano kayang balak niya sa buhay niya?
Leslie: Alam niyo po ba kung saan nakatira 'yong kaibigan niya?
Angelica: Sa pagkakaalam ko ay sa barangay 383, Quiapo siya nakatira.
Narrator: Matapos silang mag-usap ay nakakuha ng ideya ang guro na maaaring nagbi-
bisyo ang bata.
John: Uy pare, nasaan na 'yong binebenta mong ice sa akin?
Lance: Eto, gusto mo bang bilhin?
John: Magkano nga ulit? Maganda ba yan?
Lance: Oo ah, 1,500 analng para sayo.
John: Sige, eto bayad oh.
Lance: Ano, ayos ba?
John: Kakaiba 'to pare, saan mo 'to galing?
Lance: Do'n sa kaibigan ko, gusto mo bilhan pa kita?
Narrator: Ang hindi alam ng dalawa ay may nakakarinig pala sa kanila.
Leslie: Magandang araw po sir/ma'am. Meron po sana akong gustong i-ulat. Meron po
akong nakitang gumagamit ng ilegal na droga rito sa barangay 383, Quiapo, yung sa
harap ng tindahan at may garahe.
Miguel: Bitawan niyo yan at ilagay ang kamay sa likod ng ulo!
Narrator: Matapos mahuli ng dalawa ay dinala sila sa presinto upang magpaliwanag.
Renellie: Bago tayo magsimula, saan ka nakatira? Ipapatawag namin ang nanay mo.
John: Sa Barangay 746, Quiapo. 'Yong nagiisang dilaw ang gate.
Renellie: Simulan na natin, saan mo galing ang ilegal na droga?
John: Do'n sa kaibigan ni Lance.
Renellie: Bakit ka gumamit nito? Alam mong masama 'yan diba?
John: Oo, naimpluwensyahan lang. Alam kong hindi rin wastong rason ang pagkakaroon
ng problema kaya gumamit ako nito.
Narrator: Matapos tanungin ang binata ay sumunod ang kaibigan nito.
Rhon: Magandang umaga, saan galing ang mga drogang ito?
Lance: Dun sa kaibigan ko, maraming koneksyon yun, pero sino ba naman ako para
sabihin kung sino siya, hindi ba?
Rhon: Uulitin ko! Saan galing ang mga ito, kanino ka humihingi ng mga droga?!
Lance: *sinuntok ang pulis*
Renellie: Dadagdag ito sa kaso mo, Ginoong Carreon.
Narrator: Nakarating ang nanay at kapatid ni John at nagtanong ang mga pulis
tungkol sa kanilang kapamilya.
Miguel: Magandang umaga po. Magtatanong lang po kami kung ano ang mga kinikilos ni
John kapag nakakasama niyo siya sa bahay.
Angelica: Siya ay natataranta kapag may naririnig na malakas na ingay.
Trisha: Sa totoo lang po ay kinukuha niya ang baon ko. Tinatakot niya rin po ako na
huwag itong sabihin kay mama.
Narrator: Matapos kausapin ng mga pulis ang pamilya ni John ay nagpasya ang mga ito
na ikulong sila o magbayad ng malaking halaga.
Rhon: Kayo ay makukulong ng labing-limang taon o magbabayad ng 350,000 pesos.
Angelica: Saan tayo kukuha ng ganon kalaking pera, nak?
Narrator: Sa bandang huli ay walang nagawa kung hindi ikulong ang dalawang binata.
Habang nasa bilangguan ay pakonti konti rin nilang pinagsisihan ang kanilang
ginawa.

Aral ng kwento: Walang positibong dulot ang ilegal na droga sa tao kung hindi sakit
at

You might also like