You are on page 1of 6

Si Lorenzo ang batang Tindero

Si Lorenzo ay isang batang hindi pinalad sa mga bagay na mayroon ang

ibang bata pero ganun pa man si Lorenzo ay isang masipag na bata na

kilala sa kanilang barangay. Palagi siyang tumutulong sa kanyang nanay

na si Jubina. Bilang pangatlo sa kanilang labindalawang magkakapatid nais

niya na bumawas sa iniisip ng kanyang Ina, kaya’t magmula nung iniwan

sila ng kanilang ama, sa murang Edad mas pinili ni Lorenzo na makatulong

at hindi na muna magpatuloy sa pag-aaral, ang kanilang panganay na

kapatid ay napalihis na ng landas uuwe na lamang at kakain pagkatapos

ay muling maglalakwatsa kasama ng kanyang mga barkada, sa tuwing

uuwi ito ay walang magawa si Lorenzo kundi ang ibigay ang perang

napagkakitaan niya. Hindi naman niya masisisi ang kanyang isa pang

nakakatandang kapatid na may malubhang karamdaman. “Ate! Kuya! Sa

isang sariwang matabang isda ay murang mura na! Isa sa

kahangahangang pagkatao ni Lorenzo ay ang galing sa pagtitinda at

napakahaba ng pasensiya, kahit anong uri ng pagtitinda ay pinapatos niya

makatulong lamang sa kanyang mga kapatid at Ina. “Pagbilan nga ng

dalawang isda Lorenzo” sambit ng isang babae na nasa kalahati na ng

kalendaryo ang idaran, “Uyy aling Regina, mabuti na lamang po ay


napadaan po ulit kayo sa pwesto ko. Ay walang anuman yon iho! hobatang

toh! Napakaliit na bagay lamang iyan, tulong ko na sa iyo yan”. Isa sa

suking mamimili ni Lorenzo si Aling Regina, hindi ito kayamanan pero

bumibili parin siya ng tinda ni Lorenzo para kahit papano ay makatulong

“Kelan nga pala magaaral ulit iho? Malapit na ang pasukan ahh! Kung

hindi ako nagkakamali sa darating na Hunyo na ang pasukan. Ahh ayun po

ba hindi ko po sigurado kung tutuloy pa po ako na magenroll, kilala niyo

naman po ako, kapag nag-aral po ako dagdag gastos pa po ito sa amin. Ay

bakit naman kasi ikaw lang ang nagkukumahog na magtrabaho sa inyo

Napakatalino mong bata maaari ka namang magapply ng iskolar sa mga

pampublikong paraalan.ahh pagiisipan ko po Aling Regina sa tingin ko po

kasi kapag ako ay nag-aral muli mababawasan ang oras ko sa pagtitinda

tinda pati na rin ang aking kikitain.O sya sya! Hindi naman kita masisisi iho

praktikal nga lamang! Sige na napakarami ko pang gagawin at nagugutom

narin ang aking mga aso!

Maraming Salamat po ulit! Ingat po kayo sa daan! Ngayong araw ay

napakatumal ng kanyang paninda kung kayat kakaonti lamang ang

kanyang kinita at sapat lamang na pambili ng bigas at ulam nilang

magkakapatid. Pagkauwe niya ay nagpahinga siya ng onti para

makapagluto na rin siya ng kakainin Lorenzo! Lorenzo! Lorenzo! Paulit ulit


na sambit ng kanyang kuya na lasing na namang umuwe! Binalibag nito

ang pinto Lorenzo ano ba! Kanina pa ko tawag ng tawag s a labas!

Boggshh! Isang malakas na sapak ang natamo ng batang si Lorenzo mula

sa kuya niya! Kuya! Lasing ka na naman! Kulang na kulang pa po ang

aking kinita ngayon! Sapat lamang po ito para ipangkain natin

Mangiyak iyak na pagkakasambit nito. Huwag mo Kong niloloko Lorenzo!

Sabihin mo naglakwatsa ka lang at nakipaglaro sa mga kaibigan mo kaya

wala kang naibenta!

Antonio! Tama na! Tumigil ka na! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo!

Yan ka na naman Inang eh! Magdaddrama ka na naman Hindi ka ba

nagsasawa? Hindi to teleserye at Hindi ka rin Artista! Bahala na nga kayo!

Magtutuos pa tayo Lorenzo! Saan ka na namang pupunta sinusumpong

ang kapatid mo kanina! Pagmamakaawa ng ina! Anong sinusumpong haha

mamamatay na kasi yan! Lakas na naman ng saltik mo nay eh! Bitawaan

mo nga ko baka ikaw masaktan ko! Anak!

Kita sa mata ng kanilang Ina ang pagkabalisa. Iniisip nya na wala siyang

kwentang Ina at Hindi iniisip ang kapakanan ng mga anak. Pilit na

pinipigilan ng Ina ang pagtangis ngunit patuloy parin itong lumuluha. Inay!

Huwag mo po iisipin na wala kang kwenta Mahal kita nay! At isa ka pong
mabuting Ina gagawin ko po ang lahat para maialis ko po kayo sa lugar na

mabaho at napakaliit na lugar na ito magdodoble kayod po ako o kaya

triple pa! Magpahinga na po kayo nay! Ipagdasal na lang po natin ang kuya

pati na ang mga pagsubok na ito

Lalaban po tayo sa buhay! Lalaban po ako para sa inyo ng mga kapatid ko!

Kahit pagod na pagod na ang katawan kita mo parin sa kanya ang Hindi

pagsuko, patuloy parin siyang kumakayod at nagtitinda. Isang araw

naisipan niyang magtinda naman ng ng sigarilyo at kendi sa divisoria,

napakainit ng panahon ngunit tinitiis niya parin ito makabenta lamang Bata!

"Bigyan mo ko ng dalawang piraso ng Malboro black"

Kung titignan mo ang lalaki waring Hindi mapakali at ang lalim ng iniisip

Pagkaalis ng lalaki may ilang batang lumapit lay Lorenzo na Hindi

nagkakalayo ang kanilang mga edad

Hoy!!!!!! Sino ka bat andito ka! Teritoryo namin toh! Sabay tulak nito Kay

Lorenzo " Hindi ko naman kayo aagawan ng pwesto magtitinda lamang ako

kailangan ko lang talaga, Ahh kailangan mo? Amina ang lahat ng benta mo

akina!!! Sambit ng matabang bata na kita sa mata nyang galit na

Pe..Pero kanina pa ko nagtitinda dito at walang ipangkakain ang pamilya

ko. Sambit nito na takot na takot Wala akong pakialam nagugutom din
kami, Sabay sapak Kay Lorenzo at ng iba pang bata. Kawaawang naiwan

siya sa kalye at kinuha ang lahat ng mayroon siya. Tumutulo ang dugo nito

kasabay ng ilang patak ng luha

Tumingin siya sa itaas at kinausap ang Diyos " Diyos ka ba talaga? Anong

ginawa ko sayo bat ako napunta sa sitwasyon na toh ilang beses na Kong

nagdadasal sayo pero kailan mo ba ko pinakinggan? Aminado naman

akong makasalanan ako pero bat ganun yung ilang mayayaman sobra

sobrang kasalanan naman ang ginagawa nila ahh bat ako ganito?!!! Bakit

paulit ulit na langg?!! Bakit... sabihin mo?!!! Ginagawa ko naman lahat ahh

bakit ganito bakit patuloy parin akong tinatapakan ng ilang tao, ng kuya ko

ng ilang bata Hindi ko naranasan maglaro at magsaya dinaig ko pa ang

bigat ng responsibilidad sa ilang mga magulang.. lalo lang akong

nalulugmok... Sambit nya habang tumatangis hindi nya namalayan na unti

unting pumipikit ang kanyang mga mata, Maya Maya ay may tumambad na

sinag ng ilaw mula sa kotse sa kanyang mukha, Nasilaw siya dito ngunit

mas nanatili parin sa kanya ang sakit ng katawan na nararamdaman kaya’t

hindi na siya nakakilos pa.


Sino kayo????!! Ba.. Bakit ako nandito. Pagmulat niya Agad bumungad sa

kaniya ang ilang kalalakihan na naglalakihan ang katawan

You might also like