You are on page 1of 1

Declamation pieace- Murderess (Mamamatay-tao)

Alas dose na. Gutom na gutom na ako, uhaw na uhaw na ako, pagod na pagod na ako, kailangan kong magpahinga, kailangan
kong magpahinga pagod na pagod na ako. Ngunit hindi, hindi pala ako maaaring magpahinga, kailangan kong magtago,
kailangan kong magtago. Hinahanap nila ako, kapag nahanap ako, ipapakulong ako. Ayokong makulong, ayokong makulong
parang awa nyo na. Makapangyarihan at maimpluwensya ang Ama ni Leo, siya ang gobernador ng aming probinsya at napatay
ko ang anak nya.
Wag, wag nyo kong husgahan agad, hindi ako mamamatay-tao, hindi, hindi!, hindi, hindi ako mamamatay-tao.
Pakinggan nyo ko, magpapaliwanag ako, pakinggan nyo ako.
Pakinggan nyo ang aking kwento.
Ganito iyon, pumunta ako sa silid-aralan ng aming paaralan upang maghanap ng aklat at nakita ko. Naenganyo ako sa aking
binabasa, nang hindi ko na namalayan , dis oras na pala ng gabi. Ang buong ang akala ko ako lang ang estudyante sa loobng
aming paaralan. Pero nun paglabas ko, paglabas ko sa aming paaralan. Nakita ko si Leo. Gustong kong tumakbo, gustong
magtago. Pero huli na, nasa harap ko na si Leo.
Hi Brenda, ihahatid ba kita sa inyo hindi ko sya pinansin. Alam nyo ba kung bakit? Kasi ayoko sa kanya, nakakairita sya,
nakakairita si Leo. Alam nyo bang parati nya akong pinapadalhan ng mga sulat, na minsay hindi ko naman binabasa. Pinapalhan
nya rin ako ng paboritong kong rosas at mga tsokolate. Pero sayang, tinatapon ko lang, alam mo kung bakit? Alam mo? Kasi
ayoko sa kanya, nakakairita sya alam mo ba yun, alam mo ba yun, Ha?
Pero sumagot ako. Hoy Leo saglit, kung gusto mo talaga akong ihatid sa amin, maraming salamat nlng ha. Pero tignan mo nga,
kumpleto ang dalawa kong paa, may mga paa ako. Marunong akong maglakad, marunong din tumakbo, marunong ako.
Marunong akong umuwi sa amin ng mag-isa at sanay na ako doon. Kaya tantanan mo ako, nakakairita ka kasi, alam mo ba yun?
Hindi kita gusto, kaya pwde tigilan mo na ako. Para kanga so buntot ng buntot sa akin nakakairita.
Pero, Brenda mahal kita, mahal na mahal kita Brenda. Alam mo ba Brenda kaya kong ibigay ang lahat ng gusto mo. Kaya kong
ipatikim sayo ang langit at lupa. Alam mo kaya ko yun eh. Tandaan mo Brenda, nakukuha ko ang lahat ng gusto ko, kaya
Hahahahahahahahahahahaha!
Humalakhak sya na parang sinapian na demonyo, nakakatakot. Makapangyarihan at maimpluwensya sila, ang pamilya nila. Pero
nagmatigas pa rin ako. Leo, bakit ang tanga tanga mo?, hindi mo parin ba nakukuha? Ayoko sayo. Hindi kita mahal at hinding
hindi kitang kayang mahalin. Pwede ba tigilan mo na ako, lumayo ka. Nababaliw na ako sayo, pakiusap lang Umalis ka na!
Ngunit, imbes na iwan nya ako, alam mo ba kung ano ang kanyang ginawa? Alam mo? Tinulak nya ako, hinalik-halikan.
Saklolo, saklolo! Tulungan nyo ako! Saklolo! Tulungan nyo ako! Parang awa nyo na! saklolo
Pagkatapos, sinuntok nya ako sa tyan. Aray! Diyos ko ang sakit!
Pero bago nya pa ako hawakan muli. Nakakita ako ng matulis na bagay at kinuha ito.
Ngayon, Mr. Leo Monteverde subukan mong hawakan at muli akong halikan. Hinding hindi kita mapapatawad. Mapunta ka sa
impyerno! Um..UmUmmmmm!
Hindi ko alam kung ilang beses ko syang sinaksak. At may napansin ako. Dugo dugo, mayroon dugo sa aking mga kamay.
Leo, Leo! Gumising ka gumising ka. Oh diyos napatay ko si Leo. Hindi ako mamamatay-tao! Pinagsamantalahan nya ako kaya
ako ay dumepensa. Hindi ako mamamatay-tao! Hahahaha hindi ako mamamatay-tao..hahahahaha pero napatay ko si Leo,
napatay ko sya. Mamamatay-tao ako Hahahaha mamamatay-tao ako hahahaha

You might also like