You are on page 1of 6

Paghihiwalay ng Simbahan at Estado

Pagsasalaysay:
Sa isang tahanan may mag asawang Melanie at Henry Dela Cruz. Si Melanie ay isang clergywoman na
naglalaan ng higit na oras sa pagbibigay serbisyo sa simbahan at si Henry naman ay isang abogado na may
malaking paninindigan sa batas.Sila’y namumuhay ng masaya at walang problema ngunit.
Isang araw sa kanilang tahanan habang nanonood ng balita ay magkasamang nasaksihan ang anunsyong
balita patungkol sa extra judicial killing.

Balita: Nagdaos ng protesta noong Sabado ang mga kaanak ng mga umano'y napatay sa extrajudicial killings,
ilang araw bago muling ikasa ng pulisya ang mga operasyon kontra ilegal na droga. Nangangamba kasi silang
may mga mapatay muli ng mga hindi nakikilalang salarin o riding-in-tandem, na nangyari kasabay noong unang
pagpapatupad ng "Oplan Tokhang" ng Philippine National Police (PNP).

Melanie: Ano ba yan! Puro patayan at mga negatibong balita nalang naririnig at nalalaman naten honey. Hindi
solusyon 'yong ganitong mga pamamaraan ng pagparusa hinggil sa droga.

Henry: Maaaring tama ka honey na puro negatibo ang laging laman ng balita,ngunit sa palagay ko’y
nakakatulong ang oplan tokhang sa pagsugpo sa mga taong adik, pusher at user, ito lamang ang solusyon upang
mawala ang kontrobersyal ukol sa droga.

Melanie: Ngunit hindi pagpatay ang solusyon, marami pang paraan. Kung ang pagpatay ang solusyon ng
pamahalaan hindi magkakaintindihan ang mga tao at lalong lalala ang kriminalidad sa ating bansa. Kung ang
diyos nga ay nakakapagpatawad tayo pa kayang mga tao?

Henry: Oo nga honey kasalanan ang pumatay eh baka kasi yung mga sangkot sa droga ay lumaban sa alagad ng
batas.Hindi kasalanan ng pamahalaan ang pagpatay dahil ito sa mga taong lulong sa droga at nanlaban.sa mga
alagad ng gobyerno.

Melanie: Iyan naman lagi ang palusot ninyo na lagging nanlalaban ang mga tao !! Hindi ninyo binibigyan ng
pagkakataon upang mabuhay at magbago.

Henry: Honey, ako ay isang abogado na malakas ang paninindigan sa batas, mas papanigan ko ang gobyerno
dahil sila ang gumagawa at nagpapatupad ng mga batas .
Melanie: Malamang abogado ka! Diba? Ehh ang saken lang naman dapat nililitis muna ang nahuhuli sa oplan
tokhang hindi yung huli tapos biglang papatayin, ang gusto ko lang ipunto dapat maging maganda ang
pamamahala!

Henry: Alam mo honey, hindi mo ba napansin na bumababa ang kriminalidad sa ating bansa dahil sa
paghihigpit ng ating pamahalaan, napaka gandang balita ito sa ating bansa.

Melanie: HAA!!! Ano sabi mo? gumanda ang sistema ng pamahalaan sa pagsugpo sa droga? At bumababa ang
krimen? Hindi mo ba alam honey kung ilang buhay ang kinikitil dahil sa droga,umaabot ng libo hindi kaba
naaawa henry?

Henry: Dapat lang sa kanila yan!! mga nanlalaban sila at nagiging pabigat at pasanin lang yan!! ng ating bansa
wala na ngang mga trabaho nagagawang gumamit pa ng droga at gumawa pa ng iligal.

Melanie: Ehh paanong hindi yan gagawa ng masama, marami bang oportunidad o trabaho sa mga Pilipino
ibinibigay, sapat ba ito?

Henry: Maraming trabaho at mga oportunidad ang nandiyan, sadyang tinatamad lang ang mga yan at walang
pagsusumikap

Narator: Nagpatuloy ang mag-asawang magtalo at sa hangang matapos ang gabi.at sila’y natulog ng may galit
at tampo sa isa’t isa. Lumipas ang ilang araw ay napabalita naman ang tungkol sa pagsulong sa kongreso ng
Same-Sex Marriage.

Melanie: Hay nako! Grabe na ang pag-iisip ngayon sa panahon na ito magkaparehas ng kasarian, lalaki sa lalaki
at babae sa babae, nahihibang naba ang mga tao sa kongreso hindi dapat yan ipasa labag yan sa diyos at isang
kasalanan.

Henry: Nasanay lang kasi tayo at ibinibase naten sa natural na batas, dahil naniniwala lang kayo na ang babae ay
para lamang sa lalaki, ngunit kung iisipin bakit nagagawang ipatupad ang same sex marriage sa iba’t ibang bansa.

Melanie: Maling mali ka jan! dahil ito’y utos ng diyos na ang pinaguusapan,

Henry: Gender Equality, Melanie, sa panahon ngayon lahat may kalayaan at karapatan na, hindi na uso yang sinasabi
mo, Oo wala yan sa natural na batas ngunit kung iisipin mo ay kung masaya naman sila, namulat kasi tayo sa ating
relihiyon na katoliko na walang parehong kasarian ang nagpapakasal.

Melanie: Pero sa aking tingin hindi parin yan maipapasa dahil, mas marami ang naniniwala parin natural na batas
dahil ang halos lahat sa kongreso ay may asawa. “honey papasok na ako sa simbahan,bye!”
Henry: Sige bye honey sorry sa pag-aaway.

Narrator: umalis ang dalawang mag-asawa at pumasok si henry sa opisina at samantalang si Melanie ay muling
nagsilbi sa simbahan. Habang naglilinis ng mga kagamitan sa simbahan ang mga kasama ni Melanie na sila Joy,
Mars, Pinky at Sonya ay narinig ang balita sa radyo ng pagbabalik ng parusang kamatayan at nagkaroon sila ng
diskusyon patungkol sa balita ito.

Joy: Mga mare alam niyo bang balak ng pamahalaang ibalik ang parusang kamatayaan!!!

Mars: Oo nga maring joy tama ka jan lumalala na talaga ang mga parusa ngayon.

Pinky: Hala oo nga mga mare ako’y nababahala.

Sonya: Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon mga mare akoo’y tutol ditto GRABEEEE!!!

Melanie: Mag-aaway na naman kami ni mister mamamaya. Alam niyo dahil tayo’y alagad ng diyos hindi dapat ipasa
yan sapagkat ang buhay ay mahalaga hindi ba nila iniisip yon!

Sonya at Mars: Korek mare!!!

Pinky: Dapat lang mare na hindi yan maipasa mga lapastangan sila.

Joy: Dina sila naawa sa mga buhay ng may buhay.

Melanie: Oo maaring hindi tayo maging biktima paano na lang ang iba ang mga inosente.

Pinky: Paano nalang ang mga wala naming talagang kasalanan.

Mars: Haa! Oo nga mga mayayaman kayang bilhin ang batas kaya mga inosenteng tao na mahihirap mamamatay
nang walang kalaban-laban, Diyos na mahabagin sa langit.

Sonya: Hdndi na sana yan ibalik.

Joy:Bigyan ng mga pagkakataon ang mga taong mabuhay, hindi ba sapat na makita na lamnag ang mahal mong
nagdurusa sa bilangguan at pinagsisihan ang kasalanan yung Makita mo siyang buhay at nakaka-usap parin at nakita
mo siyang nagbabago, hindi ba mga Kumare.

Pink: Alam mo mare tama ka, parang may malaki kang hugot diyan kumareng joy.

Joy: wala naman yan lang na-obserbahan ko eh.

Narator: Natapos ang diskusyon ng mga magkukumare, at nagmemeryenda sila dahil pagod na sila sa paglilinis
sila’y nagpahinga lamang at maya-maya’y pauwi narin sila. Habang si henry ay nasa opisina narinig nilang
magkaka-ibigan ang patungkol dito sa pagbabalik ng sintensyang kamatayaan nagkaroon sila ng kaunting diskusyon
at sina Rod, Dan, Mak at Henry ay patuloy na nagusap-usap patungkol sa nasabing balita.

Henry: Pareng rod, sa tingin mo magandang ibalik ang parusang kamatayan?

Rod; Oo, ng mabawasan naman ang mga hawak kong kaso ditto puro tungkol kasi sa rape, drugs, at kidnaping.

Dan: Mabibigat na kaso yan ah sir rod.

Mak: Parehas tayo sir rod ng kaso sobrang dami rin puro kasuklam-suklam na kasalanan.Yung iba ni-rape sariling
pamangkin, yung iba chinop-chop pagkatapos kidnapin at kunin ang mga laman loob at yung iba mga drug lord na
walang habas na magpakalat ng iligal na droga.

Henry: Panahon na dapat ibalik ang parusang ito para hatulan ang mga taong walang awing gumagawa ng krimen,
laganap na naman ang mga krimen, dapat ng kitilan ang mga may mabibigat na kasalanan sila’y dapat hatulan ng
kamatayan.Tayo’y mga abogado nararapat lang na dapat tayong sumuporta sa pagbabalik ng batas na ito.

Dan: Tama ka dyan sir!!

Mak: Oo ng mabawasan naman masasamang tao sa mundo.

Rod: Pero bilang abogado dapat litisin nating mabuti ang mga may kaso kasi mamaya inosente ang maparusahan
para narin tayong pumatay kaya dapat talagang tama ang desisyon at paglitis natin sa kanila.

Henry; Isang malaking tama yan pareng rod magiging responsable tayo bilang abogado.

Mak; Suportado kita diyan sir rod sa iyong adhikain.

Dan: Aba oo syempre doon tayo sa totoo at naayon sa tama.

Henry: Maaaring hindi Makita ng ibang tao ang kagandahan ng batas na ito, sapagkat ang mga katolikong simbahan
ay may malaking pagtutol sa parusang ito dahil pinapahalagahan nila ang buhay ng bawat tao sa mundong ito, kahit
gaano paman kasama ang ginawa mong kasalanan for sure naman ehh pagbibigyan yan ng simbahan at malaking
tutol sa batas na ito.

Rod: Tama ka rin pareng henry, sila’y hadlang sa pagpasa ng batas na ito.

Dan: Sana naiisip nilang mababawasan ang krimen dito sa ating bansa at matatakot gumawa ng krimen ang ibang tao
at magiging matiwasay ang pamumuhay nila ng walang pangamba, hindi ba?

Mak: Diba sir henry, nagtatrabaho ang asawa mo sa simbahan, lagi ba kayong nag-aaway at walang
pagkakaintindiahan? Dahil sa magkasalungat na paniniwala niyo.
Henry: Oo, lagi nga kaming nag-aaway at para kaming aso’t pusa dahil mag-kasalungat ang paniniwala namin. Sa
extra judicial killings at same sex marriage at sa palagay ko ang pinag usapan naten ngayon pag-aawayan na naman
namin.

Mak: Buti nalang kami ay mga dakilang single at walang kaaway sa bahay.

Narrator: Pa-uwi na galing opisina si Henry, at iniisip niya nanaman ang sitwasyon nila sa bahay nila. Naunang
umuwi sa Melanie at pagod na pagod galing simbahan. At nakita niyang parating na si henry at naghanda na nang
pagkain sa lamesa si Melanie.

Henry: andito na ako! Honey!

Melanie: Honey! Kain na! nakahanda na ako ng pagkain naten, masarap na ulam naten halika ka na!

Henry: Sorry honey baka mag-away nanaman tayo sa mapag-uusapan naten.

Melanie: Kumain muna tayo, bago tayo mag-usap sa ating mapagtatalunan ngayon for sure meron dahil alam mo
naman na aktibo tayo sa pakikinig ng balita.

Narrator: Masayang kumakain ang dalawang mag-asawa, naghugas ng pinggan si Melanie at naligo naman si henry
at pagkatapos ng kanilang ginagawa ay nanood sila ng telebisyon, habang naka-upo sa upuan ay saktong pagbalita
ng Pagbabalik ng parusang kamatayan sa pilipinas at nagkaroon sila ng maliit na diskusyon.

Melanie: Ayan nanaman kakarinig ko lang yan sa radio at nag chismisan kaming magkukumare, syempre bilang
miyembro ng simbahan ay hindi kami papayag sa death penalty malamang mahal namin ang buhay ng tao.

Henry: Alam mo honey pareho tayo nagusap-usap din kami patungkol dito at hati ang opinion namin ditto at may
mga pag-aalinlagan bilang abogado.

Melanie: Kayo! Nagalinlangan? ABA HIMALA YAN! Haahhaha, ehh alam naten na gusting gusto niyo ito ha.

Henry: Oo nga gusto namin.

Melanie: Tignan mo may galak pa ang iyong mga mata.

Henry: Hindi yon, kasi paano yung mga inosente baka madamay sila diba.

Melanie: Honey, alam mo ngayon lang tayo nagkaroon ng pagkakapareho sa ilang taon nating pagsasama ngayon ko
lang narinig na may paki-alam ka sa buhay ng ibang tao. Oo, tama ka! Na dapat malitis na mabuti ang mga may
taong may kasalanan kahit gaano pa yan kabigat dapat wasto at walang pagkiling sa iba kailangan totoo.

Henry: Oo tama ka, honey dapat malitis talagang mabuti upang walang pag-aalinlangan ang ibang tao sa batas na
ipinapatupad ng ating gobyerno.
Melanie: Kaya ikaw honey, galingan mong maglitis ng kliyente mo ha, dapat naayon sa tama ang mga bawat
desisyon yung walang nadadamay na inosente at suportado kita diyan bilang iyong asawa.

Henry: Kaya minahal kita eh! Dahil sa pag-cacare mo sa akin. Salamat sa lahat honey.

You might also like