You are on page 1of 5

A.

Isip (Intellect)

 ang nakakaalam ng mga bagay na abstract at universal way.


 may kapangyarihang mag-isip, humatol, makapagpaalala o
makapagpanatili, ang kapangyarihang makaalam at makaunawa ng
katotohanan.
 Nakikilala ng isip ang katotohanan na may pansariling katibayan. Ito
ang tinatawag na katalinuhan (intelligence).
 Nalalaman din ng isip bilang isang katuwiran (reason) ang moral na
implikasyon ng isang sitwasyon at ito ay tumatawag ng paghatol.
tinatawag itong konsiyensiya. Ang konsiyensiya ang kilos ng isip.

-Ang isip ay nakapagpapanatili ng karunungan. Tinatawag itong intellectual


memory.

B. Kilos-loob (Free will)

 May kaugnayan sa dalawang mahahalagang isyung pilosopikal (philosophical


issues) ang kilos-loob: kakayanan sa pagkilos (freesom of action) at
pananagutang moral (moral responsibility).
 Ayon kay David Hume, isa ring pilosopo, ang kilos-loob (kalayaan) ay ang
"kapangyarihang kumilos o hindi kumilos ayon sa determinasyon ng loob." Ito ay
nagpapahiwatig na ang kalayaan ng isang tao ay nasa kaniyang kakayahang
pumili ng mabuti at umiwas sa masama.

Pagiging Moral ng Kilos o Gawa


Ang ating kilos o gawa na bunga ng malaya at kusang pagpili ay matatasa kung
moral o hindi moral, mabuti o masama. Ayon sa CCC 1749-1756, ang pagiging
moral o hindi moral ng kilos o gawa ay depende sa tatlong salik:

1. Ang bagay o kilos na pinili

 Hindi natin mapagpapasyahan ang isang bagay o kilos hangga't hindi


natin nalalaman at nauunawaan ang sariling katangian (nature) nito.

1. Intensyon

 Intensyon ang nagpapakita ng layuning hangad matamo at isakilos ng


kalooban/loob (will).

1. Pangyayari o Kalagayan (circumstance)
 Ang pangyayari ay sekondaryang salik lamang ng gawain o kilos na
moral.
 A. Basahin ang sumusunod na kuwento at alamin kung tama ba o mali,
moral o hindi moral ang ginawa ng sumusunod:
1. Enchong
2. May-ari
3. Hukom
Ang Buhay Nga Naman
 Si Lorenzo o Enchong ay labindalawang taong gulang nang siya ay
maulila sa mga magulang. Walang sinuman sa kaniyang mga kamag-
anak o mga kapitbahay ang naawang siya'y kupkupin at arugain. Isang
araw, humantong siya sa loob ng kulungan dahil nagnakaw siya ng ilang
pirasong tinapay sa isang panaderya sa kabayanan.
Galit na galit ang mayamang may-ari ng panaderya. Pinamumunuan
niya ang krusada o kilusan laban sa mga lumalabag sa batas, mga mag
nanakaw, at gumagawa ng mga katiwalian.
Marami ang sumama sa kaniya. Ipinakulong niya si Enchong at
Isinakdal. Palibhasa isang maimpluwensiyang tao sa pamayanan,
nagawa niyang ang maliit na pagkakasala at pagkakakulong sa bata ay
maging
malaking balita. Punong-puno ng mga tao ang hukuman sa araw ng
paglilitis.
Matalino at may pusong mahabagin ang hukom na nakatakdang lumitis
sa kaso. Kinausap niya ang akusadong bata, “Binata, narito ka at nililitis
sa marangal na hukumang ito dahil sa salang pagnanakaw ng ilang
piraso ng tinapay sa panaderya sa bayan. Ano ang masasabi mo sa iyong
sarili?”
Nakayukong sumagot ang bata sa hukom. Inamin niya ang salang
ibinibintang sa kaniya. Pagkatapos, tuminging umiiyak sa hukom at
nagpatuloy sa pagsasalita, “Kagalang-galang na hukom, ninakaw ko po
ang ilang pirasong tinapay sa panaderya sapagkat ilang araw na po
akong nagugutom at kailangan ko pong makakain bago matapos ang isa
na namang araw.” "Kung gayon," ang wika ng hukom pagkatapos
magsalita ng akusado, "narito na ang aking hatol, yamang inaamin ng
ng nasasakdal ang kaniyang pagkakasala," tumigil sandali ang hukom.
Pagkaraan ng ilang saglit, hinarap ng hukom si Enchong at nagwika,
“Dahil sa pagnanakaw ng ilang pirasong tinapay, ikaw Lorenzo ay
minumultahan ko ng sampung piso.”
 Pagkatapos, nagpatuloy ng pagsasalita ang hukom na labis na
ikinamangha ng mga tao sa hukuman. “Bagama't pinagmulta ko ng
sampung piso ang batang nagkasala sa pagnanakaw ng ilang pirasong
tinapay, ngayon naman, pagmumultahin ko ang bawat taong naririto sa
loob ng hukumang ito ng tigdadalawampung piso sa pagpapahintulot
nating ang bawat isang tao ay mabuhay sa piling natin na magnakaw
upang makakain lamang.” Habang nagbubulungan ang mga tao sa
kanilang pagkagulat sa ipinahahayag ng hukom, kinuha nito ang
kaniyang pitaka sa lukbutan. Bumunot ng dalawampung piso mula rito
at inihulog ito sa isang kahon. Ang kahon ay ipinasa sa bawat taong
naroroon. Malaking halaga ang salaping nalikom sa kahon. Ang salapi
ay ibinigay niya kay Enchong.
Ang karanasang ito'y umakay sa mga tao na mamuhay na tunay na may
malasakit sa kapakanan ng sinuman sa pamayanan.
 Hinango sa Keywords in Christian Living

Para sa wastong paggamit ng Likas na Batas Moral, kinakailangan ang:


1. Determinasyon - ito ay isang virtue kung saan ang tao ay kumikilos ayon sa
itinakdang layunin, may matibay na hangad na gawin ang nararapat.

1. Maingat na pagpapasya - isinasaalang-alang sa bawat gagawing


pagpapasyaang hinihingi ng Likas na Batas Moral.
2. Katatagan - mula sa salitang "tatag" na ang ibig sabihin ay tibay, may
angking tibay na hindi madaling masira. Ito ay nakatuon sa kalooban ng
tao na kayang harapin ang kahihinatnan ng gagawing pagpapasya.
3. Ayon sa Batas Moral, likas sa tao na alamin ang mabuting dapat na
gawin at ang masama na dapat iwasan ayon sa ugnayan sa sarili, kapwa,
pamayanan o lipunan, at Diyos.
4. Saan man at kailanman, hindi tama ang pagnanakaw, ang pananakit o
pagpatay sa kapwa, at pagsasabi ng hindi totoong nangyari. Hindi rin
katanggap-tanggap ang mga gawaing mali kahit na ang minimithi ay
para sa mabuti.
5. Halimbawa, isang malaking kamalian ang pagnanakaw ng salapi ng
bayan ng isang mataas na pinuno at gamitin ito para maging masarap
ang kaniyang buhayat ng kaniyang mga anak at apo. Ang maghangad ng
masarap na buhay para sa pamilya ay mabuti at lahat ay naghahangad
nito. Ngunit malaking kamalian ang kakamtin ito sa pamamagitan ng
masamang paraan. Ang pinuno ay hindi inihalal ng mga tao upang
gamitin ang kanyang talino sa ganitong bagay. Likas sa tao ang
magtrabaho at magsilbing may karangalan at kabutihan at iyon ang
kaniyang gamitin para rin sa mabuti ang marangal niyang mga
hangarin.
6. May mga kaugalian at batas na nahubog ang mga tao mula pa noong
araw bilang pagkilala sa Likas na Batas Moral.
7. Kinikilala ng mga dakilang relihiyon sa mundo ang Likas na Batas Moral
at may mga pamantayan at kautusan na itinuturo bilang gabay sa
pagkilos ng mga mananampalataya. Sa mga Kristiyano, at gayon din sa
iba pang mga relihiyon na na-uugat sa Judaismo, ay mayroong
Sampung Utos na ibinigay ng Diyos kay Moses. Mayroon ding mga
banal na kautusan ang Budismo, Hinduismo at iba pa. Lahat ng mga ito
ay nagkakaisa at nagpapatibay ng Likas na Batas Moral na nagbibigay
ng liwanag sa isip ng tao na piliin ang mabuti at iwasan ang masama.
8. Lahat ng relihiyon ay sumusunod sa Likas na Batas Moral at ito
kadalasan ang tinatawag na "Ang Ginintuang Batas" o The Golden Rule:
Iba't iba ang bersiyon ng mga ito tulad ng sumusunod:
9. "Gawin mo sa iyong kapwa ang nais mong gawin sa iyo."
10."Huwag mong gawin sa kapwa ang hindi mo nais gawin sa iyo."
11. "Hindi ka dapat maging dahilan ng pagkapinsala ng may buhay."
12."Tulungan ang mga nangangailangan."
13."Mahalin mo ang kapwa gaya ng pagmamahal sa sarili."
14.A. Basahin ang kuwento sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong.
*Si Pura at si Sister Flor *
Lumaki si Pura sa lansangan. Malapit ito sa malaking hotel at sa
liwasan, kasama ang kaniyang limang kapatid. “Taong grasa” ang tawag
sa kanila. Kung minsan nagpupunta sila sa bahay ng kanilang lolo, ang
ama ng kaniyang ina, na nakatira sa probinsiya isang oras na biyahe ng
bus mula sa Maynila. Makalipas ang isang linggo, balik na naman silang
lahat sa lansangang malapit sa malaking hotel. Hindi niya alam kung
saan kumukuha at kung paano nagkakaroon ng pera ang kaniyang ina
bukod sa pagtambay nilang lahat sa kalye at paghihintay ng ano mang
bagay na maililimos sa kanila ng mga tao o mga pagkaing hinahalungkat
nila sa basura. Hindi rin niya alam kung sino o kung buhay pa ang
kanilang ama. Nasanay na sila sa ganitong situwasyon. Masaya lamang
siya kung naka pamamasyal sa kaniyang lolo paminsan-minsan. Hindi
rin sila pumapasok sa paaralan. Natutuhan nilang bumasa at sumulat
kahit paano mula sa kanilang ina at mga kaibigan na taong grasa rin.
Dumating si Sister Flor sa buhay ni Pura isang araw nang makita niyang
may kausap na isang madre at isa pang babae ang kaniyang ina. Labing-
isang taong gulang na siya noon, sa unang tingin ay mas bata siya sa
kaniyang edad dahil sa kaliitan niya. Tinawag siya ng kaniyang ina at
tinanong siya, “Gusto mo bang sumama kay Sister Flor? Doon ka na
titira sa kanilang bahay ampunan. Ano ang gusto mo, sa kaniya o sa
akin?" Hindi siya agad makasagot.
Nakangiti siyang tinanong ni Sister Flor, "Ano ba ang pangarap buhay?
Gusto mo bang makapag-aral balang araw?"
"Gusto ko po sanang mag-aral at hindi na maging taong grasa. Hi ko po
gusto ang ganitong nakatira sa daan," sagot ni Pura. "Pero kung sasama
ako sa inyo, mahihiwalay naman po ako sa aking ina at kapatid," dagdag
niya.
"Kaya nga ikaw ang magdesisyon. May mga papeles na pipirmahan ang
iyong ina kung papayag kang sumama sa Bulacan, sa bahay ampunan
namin doon," paliwanag ni Sister Flor.
"Sige po, sasama ako sa inyo," sagot ng bata matapos ang ilan sandaling
pag-iisip.
Apat na taon ang mabilis na lumipas. Naiisip pa rin ni Pura ang kanyang
ina at mga kapatid. Alam iyon ni Sister Flor. Isang araw, bago ang
Bagong Taon, dala ang pagkain at damit na pasalubong, bumalik sina
Pura at Sister Flor sa lansangang malapit sa malaking hotel. Malayo ay
tanaw na ni Pura ang mga taong grasa sa tabing daan.
Naluluha si Sister Flor nang masaksihan niya ang hiyawan sa galak at
sabay yakap nang mahigpit na nagbatian ang mga magkakapatid na
hindi nagkita sa loob ng apat na taon! Hindi alintana ni Pura ang dumi
at amoy ng kaniyang mga kapatid at ina. Kilala at mahal pa rin niya sila
sa kabila ng matagal na hindi pagkikita.
Sister Flor
"O. ano Pura. Uuwi ba tavo o dito ka sa kanila?" tanong ni Sister Flor
makalipas ang kanilang batian at munting salu-salo sa tabing daan.
"Sasama po ako sa inyo, Sister. Balang araw, baka po matulungan ko
silang bumalik nang tuluyan sa bahay ni Lolo kapag nakatapos na ako
kahit hayskul. Sisikapin ko pong makatapos ng pag-aaral sa tulong
ninyo at ng Diyos. Payag po si Inay na umuwi na doon kung gusto kong
pumirme na kay Lolo. Nakita po niya ang pagbabago sa aking buhay-
hindi na ako taong grasa,” madamdaming tugon ni Pura.
"Isang taon na lang at tapos ka na ng hayskul. Tutulungan ka namin
kahit magtayo ka ng tindahan o ano pa mang mapagkakakitaan doon at
matulungan mo ang iyong pamilya,” pagbibigay pag-asa at masayang
tugon ni Sister Flor.
15. Sariling karanasan ng isang madre na may bahay ampunan sa
Bulacan

You might also like