You are on page 1of 23

Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan.

May nakita kang pitaka sa ibabaw ng mesa.


Nang tingnan mo ito, naglalaman ito ng
dalawang libong piso. Naroon din ang I.D.
ng may-ari na isa mong kaklase. May sakit
ang tatay mo at kinakapos kayo sa perang
pambili ng kaniyang gamot.
Sagutan:
Ano ang iyong gagawin?
Bakit mo nasabing ito ay tama?
Ano ang maling gagawin?
Bakit nasabing ito ay mali?
Paano mo nalaman ang tama sa
mali?


Modyul 6: Ang Kaugnayan ng
Konsiyensiya sa Likas na Batas
Moral

Ang Kaugnayan ng
Konsiyensiya sa
Likas na Batas Moral
“Malinis ang KONSIYENSIYA
ko.”
“Hindi maatim ng aking
konsiyensiya”
ANO NGA BA ANG
KONSIYENSIYA?
• Kakayahang kumilala ng MABUTI o
MASAMA.
• Ang salitang konsiyensiya ay nagmula sa
salitang Latin cum ibig sabihin “with” o
mayroon at scientia, na ibig sabihin ay
“knowledge” o kaalaman. – May kaalaman
PAGLAPAT NG
KAALAMAN AYON KAY
SANTO TOMAS DE
AQUINO
a. Sa tulong ng konsiyensiya, nakikilala ng
tao na may bagay siyang ginawa o hindi
ginawa.
Halimbawa: Inutusan kang bantayan ang iyong
nakababatang kapatid. Kasabay ng pagbabantay mo ay ang
panunuod ng telebisyon. Dahil dito, nahulog sa kama ang
iyong kapatid, nagkaroon ng gasgas ang kanyang braso at
bukol sa ulo. Nang dumating ang iyong ina hindi mo
sinabi ang totoo at ang iyong dahilan ay nauntog siya sa
pader. Hindi mo man sinabi ang katotohanan, napaniwala
mo man ang iyong ina, ngunit ang iyong konsiyensiya ay
alam kung ano ang iyong ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsiyensiya,
nahuhusgahan ng tao kung may bagay na
dapat sana’y isinagawa subalit hindi niya
ginawa.
Halimbawa:
Sa iyong pag-iisa hindi ka mapakali,
nararamdaman mong dapat mong sabihin sa
iyong ina ang tunay na nangyari sa iyong
kapatid. Ang konsiyensiya sa sitwasyong ito
ay pumupukaw sa tao upang magpaalala ng
dapat at hindi dapat gawin.
c. Gamit ang konsiyensiya, nahuhusgahan
kung ang bagay na ginawa ay nagawa ng
maayos at tama o mali.

Halimbawa:
binale-wala mo ang bulong ng konsiyensiya na
sabihin sa iyong ina ang tunay na nangyari, hindi
matahimik ang iyong kalooban at mas tumindi ito
nang nilagnat ang iyong kapatid. Kaya’t sinabi mo
ang totoo. Napagalitan ka ngunit nawala ang iyong
pag-alala at nakadama ka ng kapayapaan ng
kalooban.
Katangian ng Likas na
Batas-Moral
OBHEKTIBO
•Ang batas na namamahala sa tao ay
nakabatay sa katotohanan.
•Ito ay nagmula sa mismong
katotohanan – and Diyos.
PANGKALAHATAN
(UNIVERSAL)
•Sinasaklaw nito lahat ng tao.
•Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi,
kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat
ng pagkakataon.
WALANG HANGGANAN
(ETERNAL)
•Ito ay umiiral at mananatiling iiral.
•Ang batas na ito ay walang hangganan,
walang katapusan at walang kamatayan
– ito ay permanente
DI NAGBABAGO
(IMMUTABLE)
• Hindi nagbabago ang likas na batas-
moral dahil hindi nagbabago ang
pagkatao ng tao (nature of man)
• Sa kabila ng pagkaiba-iba ng kultura,
ang likas na batas-moral ang
nagbibigkis sa lahat ng tao.
URI NG KONSENSIYA
TAMA
•TAMA ang konsiyensiya
kung hinuhusgahan nito
ang tama bilang tama at
mali bilang ang mali.
MALI
•MALI ang konsiyensiya
kung hinuhusgahan nito
ang mali bilang tama at
tama bilang ang mali.

You might also like