You are on page 1of 4

MGA TAUHAN:

Kirbien Jhonniel Polinga: Juan (bida)


Lutchie Briones: Aling Rosa (ina ni Juan)
Gerald John Septimo: Jose (ama ni Juan)
May Frelle Sevillano: Madam Lucia (may-ari ng inuupahan
ni Juan sa Maynila)
Dindo Tecson: Supremo (Drug lord)
Jayson Moreno: Lando (Drug Pusher/ Buyer)
Kent Magaipo: Mike (Drug pusher/ Buyer)
Edwin Abrogar: Joaquin (Drug Pusher/buyer)
Joshua Tapales: Domenador De Leon (Pulis inspector)
Shene Dimple Donghit: SPO3 Cruz (Pulis)
Jelie Mae Camodoc: SPO2 Dela Cruz (Pulis )
Anna Marie Avila: Maria ( kapitbahay ni Juan sa tinutuluyan
na Boarding house ni Juan)
Jayson Carl Malto at Sheena Amador: Narrator

Ang madilim na Sinapit ni Juan


Narrator:Minsan sa isang baryo, may isang batang lalaki na
nagngangalang Juan. Ang kaniyang mga magulang ay sina Aling
Rosa at si Mang Jose. Ang pamilya ay sobra ng napakahirap at halos
hindi na nila kayang pag-aralin ang kanilang anak na si Juan.
Juan: Nay!!! Gusto ko na pong magtrabaho para po makaipon ng
pera para sa pag-aaral ko.
Aling Rosa:Huwag lang anak, huwag kang mag-alala kami na
ang bahala sa pag-aaral mo.
Juan: Pero nay? Kahit nga baon ko sa pang-araw-araw wala.
Narrator: Nagtampo si Juan at kahit minsan plinano niya ang
pagluwas ng Maynila. Pero hindi pumayag ang mga magulang ni
Juan.
Juan: Nay, Tay, gusto ko pong lumuwas ng Maynila para
magtrabaho at para rin po sa aking pag-aaral.
Jose: Hindi kami papayag ng ina mo dito ka lang sa bahay at
pagsisikapan namin para makapag-aral ka.
Juan: Ayoko Tay, Nay kasi alam kong nahihirapan na kayo.
Aling Rosa: Hindi parin kami papayag.
Narrator: Kinabukasan, paggising ng mga magulang ni Juan ng
tiningnan nila ang kwarto ni Juan ay wala ito. Hinanap nila ito kahit
saan pero wala parin. At si Juan ay naglaho nalang ng parang bula.
At ngayon si Juan ay nasa Maynila na.
Juan: Tao po! Tao po! Pwede po bang magtanong?
Madam Lucia: Ano yon? Gusto mong mangopahan?
Juan: Opo, yon na po ang gusto kong sabihin.
Madam Lucia: Halika, tumuloy ka hito ang iyong kuwarto at
magiging kapitbahay kayo ni Maria.
Maria: Hi! Juan.
Juan: Hi.
Narrator: Maya-maya, matapos inayos ang mga ni Juan ay bigla
itong umalis at naghanap kaagad ng mapagtatrabahuan,habang
naglalakad si Juan ay may bumangga sa kanya na lalaki.
Joaquin: Opps.... pasensiya na ha? Nabangga kita.
Juan: Okay lang, pwede bang magtanong?
Joaquin: Ano yon?
Juan: May alam ka ba kung saan ako makakahanap nang trabaho
at makakakita ng malaking pera?
Joaquin: trabaho? May alam ako at alam ko malaki ang kikitain
mo sa isang minuto o sigundo malaking pera ang kikitain mo.
Juan: Ganun ba, sige pero ano yon? ano ang gagawin ko?
Joaquin: Ganito pero huwag kang maingay,magbebenta ka ng
ipinagbabawal na gamot at yon ay “drugs”.
Juan: Kung malaki ang kikitain ko diyan,sige ayag ako.
Narrator: At don nagkaroon sila ng kasunduan at pumayag si
Juan. Kinabukasan, nagsimula ng magbenta si Juan doon sa lugar
kung saan maraming nagdudruga at doon ito sa bar.
Juan: Pssst... Bili ka ng drugs. (Mahinhin nitong sabi)
Mike: Ano yan drugs yan? Sige ba ma sampu sakin.
Supremo: Sakin lahat na yan kukunin ko.
Lando: Ako rin labing lima yong sakin. (Mahinhin nitong sabi)
Juan: Sige hito (Patago itong binigay) sayo rin supremo.
Narrator: Marami ang naibenta ni Juan, dalawang pulis ang
sumalubong sa kanila.
SPO3 Cruz: Hay naku, marami talaga ritong mga taong pagala-
gala.
SPO2 Dela Cruz: Oo nga at di natin alam kung ano ang
pinaggagawa nito.
Juan: Naku (Mahinhin nitong sinabi) Kailangan hindi ako
mahalata ng dalawang babaeng pulis na nagbebenta ako ng druga.
Narrator: Nong nalampasan ni Juan ang dalawang pulis at agad
itong umuwi sa inuupahan na Boarding House.
Juan: Oh! Madam Lucia hito ang pangbayad na naupahan ko.
Madam Lucia: O ang advance mo ha, saan ka ba galing ng mga
pera mo, ha?
Maria: Edi saan pa,edi sa mga rocket na dinidiskarte niya.
Juan: Tama ka Maria, sige tuloy na ako at matutulog na ako.
Narrator: At yon araw-araw ng nagbebenta si Juan. Hanggang
sa nabili niya ang kaniyang gusto. At hindi alam ng mga magulang ni
Juan kung ano na ang nangyayari sa kaniya at kung saan na siya
ngayon. Hanggang sa isang araw.
Juan: Joaquin,alam mo bang marami na akong naibena na drugs
at marami rin akong naibili na gusto ko at marami pa akong pera.
Joaquin: Ayos yan pare, so ano balak mo?
Juan: Balak ko, gusto kung umuwi na at ipagpatuloy ang pag-
aaral ko.
Joaquin: Hahaha..mag-aaral ka? Hahaha... nakakatawa ka
pare.Kung ako sayo ipagpatuloy mo na lang ang pagbebenta at
gusto mo tikman to kung ano talaga ang lasa nito.
Narrator: Napilitan si Juan at nagawa niya ito hanggang sa
nakalimutan na niya ang kanyang gustong gawin.At napagpatuloy
niya itong gawin. Nagbenta siya at nagdruga narin.
Narrator: Kinabukasan,dito mangyayari ang hindi inaasahan na
mangyayari kay Juan.
Domenador De Leon: Pssst...bili ako ng drugs.(Mahinhin
nitong sinabi)
Juan: Ilan gusto mo?
Domenador De Leon: Kunin ko na yan lahat.
Narrator: Napangiti si Juan, pagbigay ni Juan kay Domenador ay
hinawakan ng mahigpit ang mga ni Juan. At kinuha ang baril nito.
Pero lumaban si Juan sinuntok niya ng malakas ang pulis at
tumakbo agad ngunit huli na ang lahat may pumutok na baril
(BANG) at nabaril si Juan.
Narrator: Huli na ang lahat nang malaman ng kaniyang mga
magulang na patay na ang kaisa-isa nilang anak.
Maria: Hello, ako po ang kapitbahay ng iyong anak na si
Juan,meron po kayong dapat malaman.
Aling Rosa at Jose: Ganon ba sabik na kaming makita ang
aming anak,nasan ba siya?
Maria: Naku, pasensiya na po wala na ang anak niyo...pasensiya
na po.
Narrator: Pumunta agad ang mga magulang ni Juan sa Maynila
a iyak na iyak sila sa kanilang anak sapagkat napakabait nito pero
huli na ang lahat. At dito nagtatapos ang aming kuwento.

You might also like