You are on page 1of 36

MAGIC JUAN

MAGIC JUAN

Isinulat ni: Rey Ryan B. Apor


Ang mga tau-tauhan sa kwentong
ito ay ang mga sumusunod:

1. Mang Tonio Bagnot ang ama


ni Juan at asawa ni Aling Letty
2. Aling Letty ang ina ni Juan at
asawa ni Mang Tonio
3. Juan ang batang lalaki na may
natatanging katangian.
4. Mga tao sa Bayan ng Simangot
Karapatang Sipi

Ang aklat na ito ay nakalaan para


sa mga esudyante na nasa kinder.

Walang parte sa aklat na ito ang


maaring magparami ng kopya gamit
ang anumang uri ng teknolohiya
maliban kung ito ay pinapayagan ng
saligang batas.
MAGIC JUAN

Isinulat ni: Rey Ryan B. Apor


Noong unang panahon, sa Bayan
ng Simangot walang tao ang
marunong ngumiti. Ang paligid sa
bayan ay walang kulay.
Halos lahat ng tao ay sobrang
bugnotin. Sa bayan na ito ay nakatira
ang pamilyang Bugnot, lahat sila ay
nakasimangot.
“Ano ba naman ito lahat ng
pananim ko ay namamatay dahil sa
ulan na ito”, sabi ni Mang Tonio
Bugnot.
“Oo nga, palagi nalang tayong
binabaha, nakakainis na”, sabi
naman ni Aling Letty Bugnot na
kasalukuyang ipinagbubuntis ang
kanilang anak.
Makalipas ang isang linggo,
ipinanganak ni Aling Letty ang
batang lalaki na sobrang sigla at ito
ay pinangalanang Juan.
Lumipas ang ilang taon, lumaki si
Juan na ibang-iba sa mga bata sa
Bayan ng Simangot. Siya ay
masiyahin.
Isang araw, habang naglalaro si
Juan kasama ang kanyang mga
kaibigan ay tumawa ito ng sobrang
lakas at panay ngiti.
Ang kanyang buong katawan ay
lumiwanag na parang ginto. Nagulat
ang kanyang mga kalaro at ang mga
tao na nakakita.
Kinabukasan, naging usap-usapan
sa Bayan ng Simangot ang nangyari
kay Juan at halos lahat ng tao ay
nilalayuan na siya.
Tuloy, si Juan ay tumakbong
umiiyak patungo sa kanilang bahay
at makikita sa mukha ni Juan ang
sobrang lungkot.
Narinig ng kanyang ina ang
umiiyak na si Juan at nilapitan ito.
“Anak, bakit ka umiiyak? sabi ng
kanyang ina.
“Kasi po wala ng lumalapit sa
akin dahil ako po raw ay kakaiba sa
kanilang lahat” sabi naman ni Juan.
Lumapit ang kanyang ama.
“Anak, mahal ka namin at lagi mong
tatandaan na nandito lang kami
palagi para sa iyo”.
Nang marinig ang mga salita at
madama ang kanilang pagmamahal.
Si Juan ay napangiti at biglang
nagliwang na parang ginto.
Gulat na gulat ang kanyang mga
magulang nang makita ang
pagliwanag ni Juan at niyakap nila
ito ng sobrang higpit.
“Anak, para kang ginto” sabi ng
kanyang ina. Sa pagyakap ng mga
magulang ni Juan ay naramdaman
nila ang saya.
Lumiwag ang buong bahay nila at
nagkaroon ng kulay na ibang-iba sa
mga bahay sa Bayan ng Simangot.
Nagulat ang lahat sa bayang iyon
nang makita nila ang kulay ng bahay
ng pamilyang Bugnot.
Halos lahat ng tao ay hindi na
lumalapit sa pamilyang Bugnot dahil
sa ito ay naging kakaiba na sa kanila.
Sa araw na ‘yun, umulan ng
malakas, natakot ang mga tao sa
kidlat at nabalot ng kadiliman ang
Bayan ng Simangot.
Ngunit ng matanaw nila ang
bahay ng pamilyang Bugnot, ay
lumiwanag lang ito at hindi
naapektuhan ng malakas na ulan.
Dahil sa nangyari nagpunta ang
mga tao kina Juan at humingi ito ng
kapatawaran dahil sa paglayo nito sa
kanila.
Niyakap ng mga tao si Juan at
naramdaman nila ang pagmamahal at
naipinta na sa kanilang mukha ang
ngiti’t saya.
Lumiwanag ang buong bayan,
huminto ang ulan at ang kidlat. Lahat
ng paligid sa bayang iyon ay
nagkaroon ng kulay.
Simula noon, lahat ng tao ay
naging masaya at ang Bayan ng
Simangot ay tinawag na Bayan ng
Masayahin.
 Pagkilala ng Sarili at
papapahayag ng Sariling
emosyon
 Pag-unawa sa Emosyon ng iba
 Pagpapahalaga sa Pagkakaiba

Mga tanong:
1. Ano ang pangalan ng bayan sa
kwento?
2. Ano ang emosyon na meron sa
Bayan ng Simangot?
3. Bakit lumiwanag na parang
ginto si Juan?
Activities:
1. DramaRama
Competencies: Pagkilala ng
Sarili at pagpapahayag ng
sariling emosyon

Procedure:
1. Bumuo ng 4 na grupo.
2. Ang bawat grupo ay
magpapakita ng isang
pangunahing emosyon
( masayahin, bugnotin,
takot, galit)
3. Ito ay huhulaan ng ibang
grupo kung anong
emosyon ang ipinapakita
ng grupo ng nagperform.
2. Picture Picking

Materyales: yarn, mga iba’t


ibang litrato ng emosyon

Procedure:
1. Isabit ang mga iba’t ibang
litrato sa kawayan na
nakaporma na letrang X.
2. Magtawag ng bata at
hayaang mag.salita
tungkol sa nakuha niyang
litrato.
Ang mga tau-tauhan sa kwentong
ito ay ang mga sumusunod:

1. Mang Tonio Bagnot ang ama ni


Juan at asawa ni Aling Letty
2. Aling Letty ang ina ni Juan at
asawa ni Mang Tonio
3. Juan ang batang lalaki na may
natatanging katangian.
4. Mga tao sa Bayan ng Simangot
Ang aklat na ito ay isinulat ni
Rey Ryan B. Apor, 27 taong gulang
na ipinanganak sa Sulop, Davao del
Sur. Nagtuturo sa Antonio S.
Cabatingan Elementary School sa
Distrito ng Sulop bilang Kindergarten
teacher.
Ang kwentong ito ay tungkol sa
bata na nakatira sa isang bayan na
kung saan walang tao ang
ngumingiti. Ang batang ito ay
natatangi sa lahat dahil siya lang ang
nakakagawang tumawa at maging
masaya.

You might also like