You are on page 1of 20

Script:

(lullaby)
Friend 1: Napanood nyo ba yung balita?
Friend 2: Anong balita?
Friend 1: Yung pinatay daw. Buto nalang yung nandun.
Friend 3: Ay oo! Buto nalang daw natira. Grabe!
Friend 2: Grabe na talaga nangyayari ngayon.

(transition) (habang nagwawalis)


Chismosa 1: Ay mare! Nabalitaan mo na ba yung ipapatayong restaurant dun sa kabilang
baranggay?
Chismosa 2: Oo! Gumora tayo mare pagkabukas!

(next scene; time skip sa pag-ogpen n restaurant)


(phone call) Friend 1: Pre nakita mo na yung bagong bukas na restaurant?
Friend 2: Oo pre. Puntahan natin?
Friend 1: Sige, g lang.
Friend 2: Nice nice. Kelan ba?
Friend 1: Gusto mo ngayon na? Mukhang masasarap yung mga pagkain.
Friend 2: Oks pre, bihis lang ako.
Friend 1: San magkita?
Friend 2: Sa kanto nalang mismo ng restaurant.
Friend 1: Oks, kitakits.
(end call)

Nagkita na yung dalawang magkaibigan sa kanto


Friend 1: Naks hindi late ah.
Friend 2: Syempre.
Pumasok na yung dalawa sa restaurant. Umupo na sila at binigyan ng menu.
Tinignan ng magkaibigan yung menu.
Friend 1: Eto nalang ba (pagkain)? Tumingin sya kay friend 2.
Friend 2: Sige yan nalang.
Friend 1: tumingin kay waiter. Isang order po nito (pagkain).
Waiter: Ano pong drinks, sir?
Friend 1: Coke nalang po.
Waiter: Sinulat sa notepad then after isulat, inulit yung order. Yun lang po?
Friend 1: Yes po.
Umalis na ang waiter at binigay ang order sa mga chefs. Pagkaalis ng waiter, nag-usap yung
dalawa about sa restaurant.
Friend 2: Ganda ng restaurant nila. Malinis tignan.
Friend 1: Affordable rin mga pagkain.
Friend 2: Sulit na kapag masarap mga pagkain.
After ng mga ilang minuto, dumating na ang waiter dala-dala ang inorder nila.
Waiter: Excuse me sir, ito na po ang order nyo.
Friend 1 and 2: Thank you po.
Tinikman na nila yung pagkain.
Friend 2: Owshi ang sarap.
Friend 1: Oms, solid!!!

Pagkatapos kumain ay nag-iwan pa sila ng tip para sa waiter. Pagkalabas sa restaurant ay


sabay sila naglakad pauwi.
Friend 1: Bagong tambayan na natin yun. Bukod sa masarap ang pagkain, aesthetic pa.
(tumawa)
Friend 2: Bat kaya ngayon lang yun tinayo dito? Unang branch din ba nila yun?
Friend 1: Oo ata.
Pagdating sa kanto nung friend 2.
Friend 2: Uy lamat pre! Next time ulit.
Friend 1: Gege, dito na ako.
Friend 2: Ingat pre (nagkiss face nang pabiro).

Pagpasok sa bahay ni friend 2 ay binuksan nya ang tv at nilagay sa balita.


News Reporter: May mga buto na namang natagpuan dito sa (location). Nangangamba na ang
mga residente sa sunod-sunod na pangyayaring ito. Ang mga pulis at detective sa kaso na ito
ay patuloy pa ring nag-iimbestiga sa kung sino ang salarin at ano ang motibo nito. This is Ryca
Ramos, nagbabalita.
Friend 2: (nagulat owshi) Tsk tsk. Kabilang baranggay lang namin ‘to ah. Ang lala naman.

(next scene) Nasa headquarter?? yung detective at mga pulis nang makatanggap sila ng
anonymous call sa telepono.
(telephone rings) Napatingin ang mga tao sa sa telepono.
Detective: Nilapitan ang telepono at sinagot ito. Hello this is detective (name) speaking.
Caller: May gusto po akong ireport. Nakita ko po yung killer dun sa case na hinahawakan nyo
ngayon. Pumunta po kayo sa address na ito (location).
Detective: May I ask who’s speaking? Habang sinusulat ang address na binigay nung caller.
Caller: *ends call*
Detective: Napatingin sa telepono at tumingin sa mga kasamang pulis. Someone gave a tip
regarding dun sa killer ng kaso na hinahawakan natin. Eto yung location (pinakita sa mga
kasamahan yung papel).
Police 1: Nakuha mo ba pangalan nung nagreport?
Detective: Hindi e, binaba agad yung tawag. Pero puntahan natin yung location, di tayo
puwedeng magsayang ng oras.
Tumango yung dalawang pulis.

Arrival at the location


Tumingin sa paligid yung detective at dalawang pulis.
Police 2: Naglakad papalapit sa detective. Detective, naloko ata tayo dun.
Detective: Tumingin pa sa paligid at nag-aya nang bumalik sa headquarters.

(next day; at the headquarters)


Detective: Sinusubukan ulit nung detective na tawagan yung caller.
Pumasok si Police 1 at Police 2, tumingin ang detective sa kanya.
Detective: Nakuha mo na yung pinapatrace ko?
Police 1: Wala, ma’am e. Burner phone kasi yung gamit. (dismayado tone)
Police 2: Aba’y loko pala ‘yun, e! Malabo na natin ma-trace to mga boss.
Police 1: Hindi kaya nagmamasid yun sa’tin? Baka nanggugulo sa imbestigasyon natin.
Detective: Let’s just keep on investigating. Nacheck nyo na ba yung cctv footage?
Police 1: ‘Di pa lahat, ma’am.
Detective: Check natin yung mga footage within one week nung crime.

(one week after that conversation)


Detective: Nacheck ko na yung mga footage and tignan nyo ‘to.
Police 1 and Police 2: Lumapit sa screen na ipinapakita ni detective.
Detective: Look at this person, dumaan sya dun sa crime scene minutes after nangyari yung
krimen.
Police 1: (Tumatango)
Police 2: Kaso hindi naman makita kung sino, ma’am. Naka-all black ‘e.
Detective: Yeah. Puntahan ulit natin yung lugar and magtanong-tanong sa mga residente dun
kung may nakita ba nila itong tao na ‘to.

(pumunta sa lugar)
Police 1: Maganda araw ho, pwede po ba kami magtanong? May nakita ho ba kayong
kahina-hinalang tao na napadaan dito noong mga nakaraang araw? ‘Yung ganito po ang suot
(pinakita yung pic).
Chismosa 1: (Tumingin kay chismosa 2) Mare, may nakita ka bang ganito?
Chismosa 2: Parang wala ata?
Chismosa 1: Hindi namin nakita. Hindi rin kasi makita yung mukha kaya mahirap makilala.
Police 2: Sige ho, salamat ho.

(next day) Nagsusupervise pa rin ang mga may hawak ng kaso sa cctv, nagbabaka-sakaling
mahagip ulit iyong taong to.
Detective: Balita? Tumingin sa dalawang pulis
Police 1 & 2: Negative, ma’am.

(next few days) Pinuntahan nila ulit yung lugar para mag-imbestiga at magmasid-masid.
Habang busy at focused sa kaso ang detective at dalawang pulis ay may nakabunggo sa
detective ngunit hindi ito gaanong napansin. Nang tignan nya ang likod nya ay wala ng tao.
Next scene:

Setting: early in the morning


Namamalengke yung mga chismosa tapos habang papauwi nakasalubong nila si chef 2.
Chef 2: *nagmamadali tapos nabunggo yung isang chismosa*
Chismosa 1: *gumulong yung mga dalahin nya*
Chismosa 2: *tinulungan ni chismosa 1*
Chismosa 1: Ay naku! Ano ba yan, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! * habang pinupulot
yung mga nalaglag*
Chef 2: Sorry po.
Chismosa 1 and 2: *natapos na pulutin yung mga nahulog tapos tumingin na kay chef*
Chismosa 2: *napansin ni chismosa 2 yung stain sa sleeves ni chef 2. Sinundan nya ng tingin si
chef 2 habang papasok sa loob ng restaurant*

Next scene:
May dalawang couple na nag-aaway sa daan
Girl: Sino na naman yang kasama mo?!
Boy: Kaibigan ko nga lang yun!
Girl: Kaibigan?! Pero mag hapon kayong magkasama?!
Boy: Ayan ka naman sa ka-praningan mo!
Girl: Ka-praningan?! Ka-praningan ba tawag mo dun?!
Boy: Lagi mo nalang ako pinagdududahan! Pwede ba kahit minsan pagkatiwalaan mo naman
ako?! Sakal na sakal na ako! Sawang-sawa na ako sa ugali mo.
Girl: (sinampal) ANg kapal ng mukha mo! Maghiwalay nalang tayo!
Boy: Yan ba ang gusto mo? Oh sige! Mas mabuti pa nga.
Girl: (nag walk-out)

Scenario: lasing si boy


Chismosa 1 (nanay ni girl): (tumawag kay boy)
Boy: (hindi nasagot kasi lasing)
Chismosa 1: (tinetext si boy)
Boy: (nakatulog na)

Girl: habang naglalakad si girl and may kausap sa phone, may sumusunod sa kanya

Next day
Boy: (pagkagising ay chineck ang cellphone)
*On screen*
5 missed calls
10+ text messages
Tita is calling…
Boy: (sinagot)
Boy: Tita, bakit po?
Chismosa 1: Sabihan mo si (girl) na umuwi na.
Boy: Po? Hindi pa po ba umuuwi? Nung hapon pa po kasi sya umalis.
Chismosa 1: Ano? Wala pa sya dito kaya akala ko’y dyan na sya sa inyo natulog. Nako, saan
kaya nagpunta ang batang iyon.
Boy: Sige po, tita. Tatawagan ko nalang po, tanong ko na rin po sa mga kaibigan niya.
Tinatawagan ni boy si girl kaso hindi sumasagot. After ng ilang tawag ay tinawagan niya ang
mga kaibigan nito.
Boy: Pumunta ba dyan si girl sa inyo?
Friend 1: Ay hindi e. Bakit?
Boy: Nagtalo kasi kami tapos umalis na sya. Akala ko umuwi na sya. Tapos tumawag si tita
ngayon lang, wala pa raw sa kanila.
Friend 1: Try mong tawagan si friend 2, baka nandoon.
Boy: (tinawagan si friend 2)
Friend 2: Naka-usap ko pa sya kagabi e, sabi pauwi na raw.
Boy: Ganun ba? Sige, salamat.
*end call*

At the headquarters
Nagbabasa ng files and naghahanap ng evidences yung detective and 2 police.
Detective: May bago na bang information?
Police 2: Wala pa, chief.
Detective: Subaybayan pa rin yung cctv.

Boy: pinupuntahan yung mga pwedeng puntahan ni girl. Nung papauwi na sya, umupo sya
saglit. Tumingin-tingin pa muna sya sa paligid and then nakita niya yung cellphone ni girl.
Pinulot nya yung dalawang gamit tapos tinitigan nya.
Boy: (pumunta sya sa police station then nireport nya na nawawala si girl) Sir, magrereport po
ako ng missing person. Nawawala po kasi yung girlfriend ko since yesterday.
Police: Ano po ang name at last na suot nya? And anong oras po exactly nawala?
Boy: Andy Batumbakal po. (color ng damit). Hindi ko po alam exact pero bago po magdilim.
Police: Sige po, sir. Tatawagan po namin kayo. Paki-lagay na lang po contact details nyo dito.
Boy: Salamat po. Tawagan nyo po ako agad, please. (Paalis na dapat si boy tapos naalala nya
na nahanap nya cellphone ni girl) Sir! (binigay yung phone) Nakita ko po yan sa may gilid ng
daan (nanginginig yung voice)

At the headquarters
Police 1: (pumasok sa room) Ma’am, may nagreport po dito na lalaki kanina. Nawawala raw po
yung girlfriend nya. (binigay yung phone) Nakita raw po nya ‘to sa gilid ng daan.
Detective: (kinuha yung phone) Check nyo yung cctv kung saan nakita ‘to.
Police 1: Sige, ma’am.

Next scene
Boy: (naghahand out ng missing fliers sa random people) Pakitawagan po ako agad kapag
nakita niyo sya.
Next scene: magkasama yung dalawang magkaibigan sa bahay, hang out ganern.
Friend 1: (nagsscroll sa social media/ phone) Uy! Tignan mo may 10% off dun sa restaurant
malapit satin.
Friend 2: Weh? Tingin nga.
Friend 1: (pinakita kay friend 2 yung phone) Oh, diba. Tara na.

Nagpunta na sila sa restaurant (papakita yung guests and chef na nagluluto or naghihiwa).
Habang nagluluto yung chef biglang may sumigaw na guest. (bgm)
Guest: Ano ba yan! Bakit may bato dito?! (tinignan yung bead) Ano ba ‘to! (tinignan yung waiter)
Sino ba nagluto dito?! Tawagin niyo nga yung chef nyo!
Chef 2: (lumabas) Ano pong nangyayari dito?
Guest: Ikaw ba ang gumawa nito?! (pinakita yung bead) Tignan niyo naman kung ano nilalagay
niyo sa mga niluluto niyo!
Chef 1: (sumunod din) Anong nangyari dito, chef 2?
Chef 2: Ah chef, ano, may napasama pong bead sa niluto niyo.
Chef 1:(nagulat) Pasensiya na po, ma’am. Papalitan na lang po namin. We will also give you
complimentary food. Sorry po talaga.
Guest: ‘Wag na! Nakakawalang gana. Sa inyo na ‘yang pagkain at complimentary niyo! (nag
walk out)
Chef 1: (tumalikod with blank/poker face)
Friend 1: Grabe naman yung customer.
Friend 2: Check mo rin yung iyo, tanga.

Next scene: outside


Detective: Tama ba ‘tong lugar na ‘to? Ito ba yung sinabi nung lalaki?
Police 1: Opo, ma’am. Dito niya raw po nakita yung cellphone.
Tumingin-tingin muna sila at naglakad-lakad sa paligid. Nang magsalita ang detective.
Detective: Magtanong kaya tayo sa mga residente dito kung may nakita sila nung araw na ‘yun.
Police 2: (aligaga) Nako, chief! Mukhang wala tayong mapapala dito.
Paalis na dapat sila nang mag ring ang phone ni police 1.
Police 1: *phone rings* Good afternoon po, sino po sila?
Anonymous: Pumunta kayo sa 143 Poblacion Santa Maria Bulacan. Nandoon ang hinahanap
niyo. *ends call*
Police 1: Hello? Sino po ito? Hello?
Police 2: (curious)
Detective: Sino ‘yun? Anong sabi?
Police 1: May sinabi pong address, e. Dun daw natin makikita hinahanap natin.
Detective: Anong address?
Police 1: 143 Poblacion Santa Maria Bulacan daw po.
Police 2: Ako na po ang pupunta.
Police 1: Ha? Samahan ka na namin.
Police 2: Hindi na. Kailangan nyo rin i-review yung cctv (tinuro yung cctv). Tawagan ko kayo
kapag may nakita ako.
Police 1: Sige. Balitaan mo kami. (tumingin kay detective) Tara na po, ma’am.
Detective: Sige, tara na.

Back to the restaurant.


Chef 2: Anong nangyari, chef? Bakit may ganito sa pagkain?
Chef 1: Pasensiya na, baka naisama sa ingredients.
Chef 2: Naisama?
Chef 1: (natigilan) N-napasama.
Chef 2: Napasama? Parang imposible naman ‘yun.
Vision: Hinaltak yung girl

At the headquarters: interrogating the boyfriend


Detective: Asan ka nung mga time na nawala si Girl?
Boy: After po kasi namin maghiwalay, dumiretso po ako sa bahay para uminom.
Detective: Bakit kayo naghiwalay?
Boy: Dahil po sa selos.
Detective: Hindi ba kayo nagkaroon ng alitan o sakitan nung naghiwalay kayo?
Boy: Hindi naman po pero, nasampal nya po ako dahil sa galit. Pero hanggang doon nalang po
‘yun at naghiwalay na po kami ng landas.
Detective: Hindi mo man lang ba sya tinawagan after a few hours?
Boy: Hindi po dahil lasing ako that time.
Detective: Okay. But as of now, hold ka muna naman dahil ikaw ang main suspect sa
pagkawala ng iyong girlfriend dahil ikaw ang kasama nya bago sya nawala.
Boy: Inaamin ko pong wala ako sa katinuan noong araw na ‘yun pero hindi ko po kayang saktan
ang girlfriend ko.
Detective: Kailangan muna natin mag-imbestiga. Sa ngayon, ikaw pa lang ang lead suspect.
Boy: (speechless)

Next scene: dun sa scene kung saan pinuntahan ni Police 2 yung location.
Pagkarating sa location ni Police 2, nakita niya ang mga gamit ng biktima. Pagkakita niya sa
mga gamit ay agad niyang tinawagan si Chef 1.
Police 2: Hindi ka ba nag-iingat?! May tumawag kay Police 1 at sinabing pumunta kami dito sa
pinagtataguan mo ng mga gamit ng mga biktima mo. Hindi madaling mag linis ng kalat mo, ano
ba!
Chef 1: Sino tumawag?
Police 2: Hindi nagpakilala. Ayusin mo ginagawa mo. Kung papalpak ka lang, ayoko nang linisin
mga kalat mo!
Chef 1: Wala akong idea na may nagmamanman na sa akin. Hanapin mo kung sino ang
tumawag nang hindi na ulit bumuka ang bibig niya. *ends call*
Police 2: (tumingin sa cellphone) Ang kapal naman ng mukha nito. Ako pa pinatayan ng tawag.
At the headquarters: bumalik na si Police 2
Police 1: Ano balita? May nakita ka ba?
Police 2: Negative, e. Mukhang napagtripan na naman tayo (nagbuntong-hininga).
Police 1: ‘Yang mga ‘yan e sumosobra na. Akala nila siguro e biro lang itong kaso.
Pumasok si detetive sa room
Detective: Anong nakita mo dun? (tumingin kay police 2)
Police 2: Wala po, ma’am. Naloko na naman po tayo.
Police 1: Anong balita dun sa kaso nung missing a girlfriend?
Detective: Nainterrogate ko na yung lalaki. Ang sabi niya ay nag-away pa raw sila bago sila
maghiwalay ng landas. At naghiwalay sila nung babae. Sa ngayon, siya pa lang ang lead
suspect. Ang possible motive ay galit siya sa girlfriend niya dahil nakipaghiwalay ito sa kanya.
Police 2: Baka siya talaga ang pumatay sa girlfriend niya, ma’am.
Police 1: Wala pa tayong ebidensya at mukhang malabo na siya ang suspect.
Police 2: Sus! Panigurado ‘yan ang pumatay.
Detective: Wala pang nanamatay.
(biglang nabalita sa tv na may natagpuang mga buto)
*on screen*
Reporter: May mga butong natagpuan dito sa Bocaue. Ang ating forensic team ay patuloy pang
inaalam kung sino ang nagmamay-ari nito.
Police 2: Tsk tsk (umiling). Paniguradong malapit lang sa kanya ang gumawa nyan.
(may pumasok na tao mula sa forensic team)
Forensic Team: Ma’am, eto po yung result sa nakitang buto.
Detective: (binuksan yung envelope at tinignan ang resulta at nagulat)
Police 1 & 2: (tinignan si detective at lumapit sa kanya and tinignan yung papel)
Police 1: Siya yung hinahanap natin.
Police 2: Boyfriend niya may gawa niyan ma’am.
Detective: Mag request na kayo ng search warrant and warrant of arrest para kay boy.

Kinahapunan nun ay umalis si pulis 2 at may pinuntahan. Pagkarating nya sa lugar ay may
kausap siyang lalaki.
Police 2: Alam mo na gagawin mo? Kailangan malinis. Kailangan walang makakakita. Gawin
mo nang maayos yan at siguraduhin mong hindi ka mahuhuli.
Lalaki: Opo, boss.
Police 2: binigay nya yung knife na may dugo ni girl na nakalagay sa ziplock bag

Next scene: At the headquarters


Police 2: Ma’am, binigay na yung search warrant and warrant of arrest.
Detective: Halika na.
Pumunta na sila sa bahay ni boy at kumatok. Pagkabukas ng pinto ni boy ay nagsalita na si
detective.
Detective: Halughugin niyo na.
Boy: Ano pong nangyayari?
Detective: (pinakita ang papel kay boy) Pinahintulutan kaming halughugin nag bahay mo, sir.
Police 2: Ma’am! Nakita po dito yung weapon.
Police 2: You are under arrest for murdering (gf’s name) (shows warrant of arrest). Anuman ang
iyong sasabihin ay maaaring gamiting pabor o laban sa iyo (habang pinoposasan si boy).
Boy: Po? Hindi po sa akin yan. Wala po akong kinalaman dyan.
Detective: Sumama ka samin.

Iniinterrogate ni detective si boy.


Detective: Bakit mo nagawa ito?
Boy: Hindi nga po ako ang may gawa niyan. Bakit ba ayaw niyo akong paniwalaan?!
Detective: Bakit nakita ‘yung weapon sa iyo?
Boy: Hindi ko po alam. Hindi ako ang may gawa niyan!
Detective: Nakita itong kutsilyo na may dugo ng girlfriend mo sa bahay niyo.
Boy: Wala po talaga akong kinalaman dyan. Paniwalaan niyo po ako!

Next scene:
Detective: (pumasok sa room kung nasaan yung dalawang pulis)
Police 2: Anong sabi, boss?
Detective: Ayaw niyang magsalita. Pinipilit niyang hindi siyaa ang may gawa.
Police 1: (nakikinig lang sa kanila at may pagdududa na kung si boy ba talaga yung kriminal)
Paano kung nagsasabi siya ng totoo, ma’am?
Detective: Wala pang nagpapatunay na inosente siya, samantalang nakita ang kutsilyo sa
bahay niya.
Police 2: Nakita rin yung fingerprint niya sa knife. Lahat ng ebidensya ay siya ang tinuturo.

Hindi naniniwala si police 1 na si boy ang killer kaya’t nag-imbestiga at naghanap siya ng mga
ebidensya na inosente si boy 1. Pinuntahan niya ang crime scene at naghanap-hanap ng mga
maaaring maging ebidensya. Kinaumagahan ay naglalakad sya sa headquarters papunta sa
room nila ng mga kasamahan niya sa kaso nang mapansing nakauwang ang pinto. Bubuksan
na sana niya ito nang tuluyan nang marinig niyang may kausap si Police 2 sa telepono.
(will show the voice only) Chef 1: Ano? Nagawa mo ba nang malinis?
Police 2: *on the phone* Syempre naman. Ako pa ba? Siya na ang suspect ngayon at lahat ng
ebidensya ay siya ang tinuturo.
Chef 1: Siguraduhin mo lang. Pag yan palpak.
Police 2: Ito naman si chef masyadong nerbyoso. Malinis gumawa ‘yung binayaran ko. Kita mo
nga pati fingerprint e kuhang-kuha.
Chef 1: Siguraduhin mo rin hindi magsasalita ‘yang bata mo.
Police 2: Oo, boss. Akong bahala.
*ends call*
Pagkatapos ng pag-uusap nila Police 2 ay pumasok na si Police 1 sa room. Nagpapanggap na
walang narinig.
Police 2: (nagulat at kinabahan) Kanina ka pa dyan?
Police 1: Hindi, kakarating ko lang. Bakit, may kailangan ka ba?
Police 2: Wala naman. (kinakabahan)
Police 1: Ba’t pawis na pawis ka dyan? Para kang nakakita ng multo (tumawa).
Police 2: Mainit lang siguro (tumawa at lumabas ng room).
Police 1: (sinundan ng tingin si police 2 palabas ng room)

Next scene: nung papaalis na police 2 sa headquarters, sinundan sya ni police 1. Habang
naglalakad si police 2 ay nakasunod sa kanya si police 1. Nang makarating na sa kanyang
destinasyon si police 2, nakita niya ang kanyang kausap.
Police 2: (lumingon-lingon nang makita niyang walang tao ay binigay niya yung sobre na may
naglalamang pera) Ayan, may pasobra ka kay bossing. Nagustuhan niya trabaho mo at sobrang
linis.
Police 1: (nilabas yung cellphone at vinideohan)
Lalaki: (sinilip yung sobre) Salamat, boss.
Police 2: (lumapit sa lalaki) Pang tahimik din yan. Siguraduhin mong wala kang pagsasabihan
sa ginawa mo.
Lalaki: Oo naman, boss!
Police 2: (tinapik) Sige na, umalis ka na. Baka may makakita pa satin.
Police 1: (nang makita niyang papaalis na si police 2 ay nagtago siya. Pagkaalis ni police 2 ay
sinundan na niya ang kausap.)
Lalaki: (lumingon sya at nagulat na nasa likod na niya si police 1.)
Police 1: Ano ang binigay sayo nung kausap mo kanina? Anong kinalaman mo sa kaso?
Lalaki: (kinabahan at hindi sumagot)
Police 1: Sumagot ka. Anong inutos sayo?!
Lalaki: Wala akong alam dyan! (tumakbo)
Police 1: (hinabol si lalaki at sinapak)
Lalaki: (napaupo at tumakbo)
Police 1: (hinabol yung lalaki ngunit hindi na naabutan)

Nang mabigo si police 1 habulin yung kausap ay bumalik nalang sya sa headquarters. At
hinanap si detective. Nang makita niya si detective ay kinausap nya ito.
Police 1: Ma’am, inosente po si boy.
Detective: Ano bang sinasabi mo? May matibay ka bang ebidensya na inosente si boy?
Police 1: (nilabas yung cellphone at pinakita yung video)
Detective: (nagtataka syang pinanood yung video. Pagkatapos nyang panoorin yung video ay
nagulat siya) Si police 2 ba ‘yan? Bakit? Sino ang kausap niya?
Police 1: It turns out po na pwedeng kasabwat sya ng totoong suspect at binayaran niya po
itong lalaking (tinuro yung phone) ito para magtanim ng pekeng ebidensya kay boy at
palabasing sya ang totoong suspect.

Next scene: sinusundan nila detective and police 1 yung lalaking nakausap nila, nang mag-isa
na lang yung lalaki ay inikutan ito ni police 1 at pintuntahan sya ni detective. Kinalabit ni
detective yung lalaki at nang lumingon ito ay nagulat sya at akma na sanang tatakbo pero
pagtalikod nya ay nasa likod na nya si police 1.

At the headquarters: kasama ni detective si police 1 kaharap yung lalaki.


Lalaki: Anong bang kailangan niyo sakin? Wala akong alam sa kasong hinahawakan niyo.
Detective: Bakit nakipagkita sayo si Police 2? Anong sinabi niya sayo?
Lalaki: Wala akong alam sinabi.
Police 1: Imposible.
Detective: Mas bibigat lang ang sentensya mo kapag hindi ka pa umamin.
Lalaki: (nag-isip saglit) Wala kayong makukuha sakin dahil wala akong alam.
Detective: Sige. (tumayo) 20 years ang sentensya mo kapag hindi ka pa nagsalita. Ilagay niyo
na sa selda yan (sinabi kay police 1)
Police 1: (itatayo na sana niya yung lalaki nang magsalita ito)
Lalaki: S-sandali. Magsasalita na ako. Pero ipangako niyong poprotektahan niyo ang kaligtasan
ko.
Detective: (bumalik sa upuan at umupo, handa nang makinig)
Lalaki: Inutusan po ako ni police 2 na maglagay ng ebidensya dun sa lalaki. Ipinalagay niya po
sakin yung kutsilyo at nilagay ang fingerprint.
Detective: Kilala mo ba yung isa pang kasabwat niya?
Lalaki: Hindi po. Siya lang po ang nakikipagtransaksyon sakin.
Police 1: Ano yung binigay ni police 2 sayo?
Lalaki: Sobre po. ‘Yun po ang bayad nila sakin sa pag tanim ng ebidensya dun sa lalaki.
Detective: May iba pa bang nasabi? About sa kung sino ang kasabwat?
Lalaki: Sa cellphone lang po sila nag-uusap. Ang tawag po niya po sa kanya ay bossing.
Detective: Police 1 siguraduhin mong ligtas si lalaki.
Police 1: Opo, ma’am.

Next scene:
Chef 1: (naghihiwa siya ng human meat tapos magfflashback sa kanya yung mga krimen na
ginawa niya)
*flashback*
College setting: Nag-iimbento si chef 1 ng iba’t-ibang recipe gamit-gamit ang mga tipikal na
karne; baboy, manok, isda. Ngunit plain para sa kanya ang lasa kaya nag-isip siya kung anong
karne pa ang pwedeng gamitin. Triny nya rin ang karne ng rabbit, at ng exotic animals ngunit
wala pa rin itong epekto sa kanya. Kaya’t naisipan niya ang karne ng tao. Plinano na niya kung
pano makakuha ng karne ng tao. Nang planado na ang kaniyang pagpatay ay sinumulan niya
na ito.

May estudyanteng naglalakad papauwi galing school. Habang naglalakad ang babae ay
sinusundan niya ito hanggang sa takpan niya ang bibig at ilong ng babae. Nawalan agad ng
malay ang babae.

Hinihiwa na ni chef ang karne ng babae.


*end of flashback*
Chef 1: (naghihiwa ng karne at ngumiti)

Next scene:
At the headquarters
Mag-isa sa room si Police 2 nang pumasok si Detective at Police 1 sa room. Ipinakita ni Police 1
yung warrant of arrest kay Police 2.
Detective: You are under arrest. You have the right to remain silent. Anything you say can and
will be used against you in a court of law. You have a right to an attorney. If you cannot afford an
attorney, one will be appointed for you.
Police 2: (shocked and nagpupumiglas) Anong sinasabi niyo? May ebidensya ba kayo?!
Police 1: (pinakita yung video sa phone) You are out of this case, PO2 Tina. (sarcastic tone)

Interrogation room
Magkaharap si detective at Police 2
Detective: Sino ang kasabwat mo?
Police 2: Wala akong kasabwat.
Detective: Bakit mo pinalagay yung ebidensya sa bahay ni Boy?
Police 2: (hindi umimik)
Kinuha na ni Police 1 si Police 2 para ilagay sa selda. Pagkatayo ni Police 2 ay sinamaan niya
ng tingin si detective at police 1.

Next scene: palengke


Habang naghahanap si chef 1 ng ingredient para sa pagkain. Narinig niya sa radyo ang balita.
*on the radio*
Reporter: Dahil sa inflation ay patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilhin. Ang susunod
na balita, isang pulis ay di umano’y nagtanim ng ebidensya at kasabwat sa isang krimen. Ayon
sa ibang kapulisan, binayaran ng pulis ang isang lalaki upang magtanim ng ebidensya laban sa
inosenteng tao. Maaaring may gustong pagtakpan ang pulis na ito, ngunit sino?
Chef 1: (nahinto sya sa paglalakad at tinignan ang radyo)
Chef 1: (bigla syang umalis)

Dadalawin ni chef si pulis. Nang magkita na sila ay nagsalita si Police 2.


Police 2: Anong ginagawa mo dito? Baka may makakita sayo!
Chef 1: Pano nalaman yung ginawa mo?
Police 2: Ano?
Chef 1: Binalita kanina sa radyo. Sinabi ko naman sayo ayusin mo trabaho mo! Akala ko ba
hindi magsasalita ‘yang bata mo?!
Police 2: Ikaw ang may dahilan kung ba’t ako nahuli! Sariling kalat mo ‘yan, bakit ako ang
pinaglilinis mo?! Imbis na sisihin mo ako, humanap ka ng paraan kung paano ako makakaalis
dito!
Chef 1: Akong bahala. Hahanap ako ng paraan.

Pagkaalis nya ay kinuha nya ang cellphone nya at tumawag sa number ng detective.
Chef 1: (nakalagay ang phone sa tenga) May alam po ako about kay Officer Tina. Willing po
akong maging witness. *ends call*
Pumunta si chef 1 sa office ni detective para maging witness. Nakaupo na silang dalawa at
magkaharap nang magsalita si detective.
Detective: Anong alam mo?
Chef 1: Si Officer Tina po ang totoong killer. Wala pong kasabwat.
Detective: Pano nangyari ‘yun? Ang sabi nung isang witness ay may kausap sa telepono si
Officer Tina at ‘yun ang mismong suspect.
Chef 1: Maaari pong nagsisinungaling ang taong ‘yun.
Detective: Anong ebidensya mo?
Chef 1: Noong September 13 po, Tuesday. Magdidilim na po yun nang makita ko si Officer Tina.
Parang sinusundan niya po yung babae. After po patayin nung babae ‘yung tawag ay tinakpan
niya po ng panyo yung bibig at ilong nung babae hanggang sa mawalan na po ito ng malay.
Nung nawalan na po ng malay yung babae ay binuhat nya po ito at umalis na sya.
Detective: Bakit ngayon ka lang nagsalita?
Chef 1: Baka po kasi ako po ang sumunod kaya natakot po ako.
Detective: Salamat sa impormasyon. Ano nga ulit ang pangalan mo?
Chef 1: Walang anuman po. Gusto ko lang din po makatulong. At (sinabi pangalan) po, ma’am.
(ngumiti kay detective)
Lumabas si chef 1 sa room at ngumiti.

At the headquarters
Nag-aasikaso ng files si detective nang pumasok si police 1.
Police 1: Ma’am! May naalala po ako.
Police 1: Nung nakaraan po kasi, narinig ko pong may kausap si Officer Tina sa room. Tapos
parang tinawag niya ‘yung kausap nya na ‘chef’ tapos tinawag din na ‘bossing’. Hindi po ba
yung sinabi nung isang witness ay ‘bossing’ ang tawag niya sa totoong culprit?
Detective: Bakit ngayon mo lang sinabi?
Police 1: Ngayon ko lang din po naalala.
Detective: May nagbigay ng information kanina tungkol kay Tina. Ang detalyado ng statement,
parang kabisado niya. Mag background check ka nga kay (name ni chef).
Police 1: Sige, ma’am.

At the restaurant
Chef 2: San ka galing, chef?
Chef 1: Ah, wala. Diyan-diyan lang (ngumiti).
Chef 2: Ah, sige. Tara na, chef. Dumadami na rin ‘yung mga customer.
Pumunta na sila sa kitchen at nagsimulang maghiwa. Habang naghihiwa ang dalawa ay ngumiti
si chef 1. Pagkatapos nila magluto ay lumabas si chef 1 upang pagmasdan ang kanyang mga
customer na masayang kumakain. Bigla syang ngumiti.
*flashback*
Habang naglalakad ang babae papauwi ay kausap niya ang kaibigan niya. Nang matapos ang
call ay may napansin niyang may sumusunod sa kaniya. Pagkatingin niya sa likod ay bigla
niyang hinablot yung babae ngunit nanlaban ito.
Girl: Ano ba! Bitawan mo ako! Sino ka ba!
Girl: Bitawan mo ako sabi!
Chef 1: (tinakpan ang bibig at ilong ni girl gamit ang panyo)
Girl: (nawalan ng malay)
Chef 1: (kinaladkad si girl)
*end of flashback
Chef 1: (nakangiting bumalik sa kusina)

After a few days nagpunta si detective and police 1 sa restaurant. Pagkapasok nila sa
restaurant ay kinausap nila yung waiter.
Detective: (lumapit kay waiter) Excuse me po, pwede po ba makausap si (name ni chef 1)?
Waiter: Ano pong meron?
Detective: May itatanong lang kami about sa case na hinahandle namin.
Waiter: Ah, sige po. Sandali lang po.
Pumunta sa kusina si waiter at kinausap si chef.
Waiter: Chef, may naghahanap po sa inyo.
Chef 1: Sino raw?
Waiter: Mukhang detective po, e.
Chef 1: (nagulat at kinabahan medyo pero hindi pinahalata at inayos ang sarili)
Chef 1: (lumabas sya sa kusina at pinuntahan sila detective)
Chef 1: Ano pong meron?
Detective: Good afternoon po, may mga additional questions lang po kami about dun sa kaso.
Chef 1: A-ah.. Ano po ‘yun?
Detective: Mas mabuti po kung in private tayo mag-uusap.
Chef 1: Sige po. Sa office ko nalang po tayo mag-usap.
Nagsimula nang maglakad si chef 1 at sinundan naman siya ni detective at police 1.

At the office:
Chef 1: Ano pong meron, ma’am?
Detective: Anong ginagawa mo dun sa lugar kung kailan nangyari yung insidente?
Chef 1: Bigyan muna kita ng maiinom, ma’am. Ano hong gusto niyo?
Detective: ‘Wag na po. Hindi iyan ang pinunta ko rito.
Chef 1: Upo po muna kayo.
Nang makaupo na si detective at police 1 ay umupo na rin si chef 1.
Detective: Balik tayo sa tanong, anong ginagawa mo sa lugar kung kailan at saan nangyari
yung insidente?
Chef 1: Pauwi na po ako nun nang bigla ko na lang po nakita si Officer Tina na may sinusundan
na babae.
Detective: Tapos? Ano ang mga sumunod na nangyari?
Chef 1: Nakita ko po sya na tinakpan yung bibig nung babae at nawalan na po ng malay. After
po nun ay kinaladkad na niya paalis yung babae.
Detective: Sige, salamat ho.
Chef 1: (nagtaka) Yun lang ho ba ang itatanong niyo?
Detective: Opo. Salamat po.
Chef 1: Salamat din po (nagtataka pa rin).
At the headquarters:
Pagbalik nila sa headquarters ay nilabas ni detective yung phone niya at plinay yung record ng
statement ni chef 1.
*flashback*
Nung tinanong ni chef 1 si detective kung ano ang gusto niyang maiinom ay tumalikod si chef 1,
doon nilabas nang palihim ni detective ang phone nya at pinindot ang record button.
*end of flashback*
Pagkatapos nilang mapakinggang ang statement ni chef 1 ay plinay naman ang naunang
statement na binigay ni chef 1. Pagkatapos nilang pakinggan ang recording ay tinanong nya si
police 1.
Detective: Ano ang napansin mo?
Police 1: (nagtataka) Wala naman pong kakaib– (natigilan) Ay! ‘Yung unang statement niya, ang
sabi niya ay binuhat ni Officer Tina yung babae. ‘Yung pangalawang statement naman niya ay
kinaladkad yung babae.
Detective: Naalala mo nung nag-iimbestiga tayo sa pagkawala ni (girl’s name)? May tumawag
sayo noon, ‘di ba?
Police 1: Opo. Sabi ni Tina ay siya na lang daw ang pupunta.
Detective: Puntahan natin ‘yun ngayon. Pwedeng nagsisinungaling lang si Tina nung araw na
‘yun. Naaalala mo pa ba yung address?
Police 1: Yes, ma’am.
Detective: Tara na.

Nang makarating na sila sa lugar ay nakita nilang malinis na ‘yun. Naghanap-hanap pa sila ng
maaaring maiwan na gamit.
Police 1: Naku! Mukhang nalinis na nila, ma’am.
Detective: (nagtinging-tingin at naglakad-lakad pa sa paligid)
Habang naglalakad si detective sa paligid ay may natapakan itong bagay. Nang pulutin niya ito
ay tsaka niya lang nalaman kung ano ito.
Detective: (pinulot nya yung wallet at binuksan ito)

At the restaurant: few hours earlier, kinapa-kapa ni chef yung bulsa nya ang narealize nya na
nawawala wallet nya. Inisip nya kung saan nya nawala yung wallet nya. Nang marealize nya na
sa hide out nya nawala yung wallet nya dahil nilinis nya yung mga kalat nya doon ay dali-dali
syang pumunta dun.

Nang makapunta na sya sa lugar ay nakita nya sila detective na nag-iimbestiga sa lugar na
‘yun. Nakita nya rin si detective na hawak-hawak ang wallet nya. Papaalis na sana sya ng may
matapakan sya at nakalikha ito ng ingay. Napatingin sila detective sa gawi ni chef ngunit
nakapagtago na si chef 1 agad.

Nag-iimbestiga sila detective malapit sa restaurant. Nasaktuhan naman nilang lumabas si chef
2 at pinuntahan nila ito.
Detective: Excuse me po.
Chef 2: Ano po ‘yun?
Detective: Detective po ako (shows id). May ilang katanungan lang po kami about kay chef 1.
Chef 2: Kay (chef’s name) po? Ano po ‘yun?
Detective: May mga napansin po ba kayong kakaiba kay chef 1?
Chef 2: (nag-isip) Wala naman po siguro? Bukod sa maaga sya lagi pumapasok at late na lagi
umuuwi. Sya nga lagi ang nagsasara nitong restaurant e (tumawa).
Detective: Ano pa po?
Chef 2: Hmm. Ay! Magmula po noong dumalaw kayo sa restaurant, doon na po nagiba yung
kilos nya, naging aligaga at laging mag-isa.
Detective: Paanong aligaga? Simula nung dumalaw kami? (nagtatakang tanong)
Chef 2: Opo! Hindi na siya minsan nakakapag-focus sa trabaho niya. Madalas syang
masunugan ng mga niluluto nya.
Detective: Bukod sa kilos nya na yon, wala na ba kayong napansin na iba?
Chef 2: Ay! Umalis po sya agad nung paglabas nyo pa lang! Sinabi niya sakin na may naiwan
syang wallet sa pinuntahan nya kaya niya babalikan at hindi na siya bumalik dito.
Detective: Wallet? (nagulat na tanong)
Chef 2: Opo. Bakit, ano pong meron sa wallet?
Detective: (nagmamadaling umalis) Maraming salamat sa impormasyong ito!
Chef 2: Walang anuman? (nagtataka)
Detective: (umalis na nang tuluyan)
Pagkatapos umalis ni detective ay nagtanong pa sya sa ibang mga residente.

Next scene: Kinausap ni detective yung dalawang mag-kaibigan

Detective: May napansin ba kayong kakaiba dun sa restaurant or sa chef?


Friend 1: Wala naman po.
Detective: Kahit ano wala kayong napapansin.
Friend 1: Opo, wala po.
(papaalis na si detective)
Friend 2: Ay diba ano (tumingin kay friend 1)
(bumalik si detective)
Friend 2: Nung kumain po kasi kami nung mga nakaraang araw, may kasama pong bead dun
sa may pagkain ng isang customer.
Friend 1: Ay opo. Nagalit pa nga po yung customer.
Detective: Anong bead?
Friend 2: Hindi po namin nakita pero parang bead po ng bracelet.
Detective: (nagsusulat ng mga impormasyon) May iba pa po bang suspicious sa actions nung
chef?
Friend 2: Wala na po.

At the headquarters: pinagsasama-sama na nila yung mga ebidensya at nag-assign si detective


ng police para manmanan si chef 1.
Detective: Manmanan mo si chef 1. Siguraduhin mong hindi ka makikita.
Police 3: Yes, ma’am!
Detective: Everyday magbigay ka ng update sa akin. Kuhanan mo ng pictures para
ma-document natin.
Police 3: Copy that po.

Next scene: Sinusundan na ni police 3 si chef 1. At kinukuhanan ng litrato. After ng ilang araw
sa pagsunod kay chef 1, nagpunta si chef 1 sa bago nyang hide out. Kinuhanan yun ni police 3
ng picture.

At the headquarters
Nagring ang phone ni detective. Sinagot nya ito.
*on the phone*
Detective: Hello?
Witness: Alam ko po yung nangyari sa babae.
Detective: Sino po ito? At sinong babae?
Witness: ‘Yung nabalita po last last month. May ebidensya po ako. Hindi na po kasi kinakaya ng
konsensya ko.
Detective: Pumunta po kayo sa (address) dito.
Witness: May hiling po ako.
Detective: Ano po ‘yun?
Witness: Pwede po bang anonymous lang po ako kung sakaling ilalabas nyo ang statement ko?
Natatakot po kasi ako at baka akong ang sumunod (nanginginig boses). Kaya if pwede po, ako
nalang po pipili ng lugar kung saan tayo mag-uusap.
Detective: Masisigurado po ang safety nyo. And sure po.
Witness: Salamat po. Itetext ko nalang po yung lugar.
*ends call*

Time skip: day ng magkikita na sila. Inaantay ni detective yung witness sa lugar na
napag-usapan nila. Maya-maya lang ay dumating na si witness.
Detective: Upo po muna kayo.
Witness: (umupo)
Detective: Ano pong nalalaman nyo?
Witness: Nung time po kasi nung incident, nakita ko pong naglalakad yung babae may kausap
sa phone. Tapos may nakasunod po na tao sa kanya. Nung una po hindi ko maaninag kung
lalaki po ba o babae yung sumusunod. Tapos pagkababa po ng phone, tinakpan po yung bibig
at ilong nung babae tapos bigla nalang po sya nawalan ng malay. Nanlaban pa po yung babae
nun! Vinideohan ko po yung nangyari, eto po (pinakita yung video).
Makikita na sa video yung nangyari. Sa part na nanlalaban si girl ay natanggal yung cap ni chef
at lumaglag yung buhok nya. Habang pinapakita yung part na ‘yun ay nagsalita si witness.
Witness: Eto po sa part na ito, natanggal po yung cap niya at lumadlad yung buhok nya.
Detective: Pwede ko po ba mahingi yung copy ng footage?
Witness: Sure po. Basta ipangako nyo po sa akin yung kaligtasan ko. At sana mahuli nyo na rin
po yung susect.
Detective: Salamat po.
Witness: (ngumiti) Una na po ako. (tumayo na sya at umalis sa lugar)
At the headquarters
Tinitignan nila detective yung board with their evidences

Pumunta si detective sa presinto at dinalaw si pulis 2


Police 2: Wala nga akong sasabihin.
Detective: (nilabas ang phone at binuksan ang recording)
Police 2: (nagtataka) Ano ‘yan?
Detective: (plinay yung recording)
Police 2: (naguguluhan) A-ano ‘to…?
Detective: As you can see, nilaglag ka na ng kasabwat mo.
Police 2: Hindi totoo ‘yan! Hindi ako ang may gawa nyan! Taga-linis lang ako ng mga kalat nyan!
Detective: Magsasalita ka na ba?
Police 2: (nagdadalawang-isip)
Paalis na sana si detective nang magsalota si Police 2
Police 2: Inutusan nya ako. Linisin ko raw ang krimen na ginagawa nya kapalit ng pera. Nung
una ay nag-aalinlangan ako dahil pulis ako. Kaso nagkasakit ang nanay ko at hindi sapat ang
sahod ko para ipagamot ko sya kaya tinanggap ko.
Detective: Ano pa ang ginawa mo?
Police 2: Ganun ang usual. Uutusan nya ako at may babayaran naman ako para magfabricate
ng ebidensya.
Police 2: Pinagsisisihan ko na ang mga ginawa ko. Hindi ko dapat ginawa ‘yun.
Detective: (umalis)
Police 2: Maawa ka sakin, (name ni detective).

Next scene:
Nag-iimpake na si chef 1, handa nang tumakas.

Next scene: Nakakuha na ng warrant of arrest sila detective para kay chef at pumunta na sila sa
restaurant para hulihin na si chef. Pumasok na sila sa restaurant.
Police 1: Walang gagalaw!
Detective: (pinakita ang arrest warrant kay waiter) Nandito kami para kay (name ni chef).
Chef 2: (lumabas) Ano nangyayari dito?
Chef 2: (nakita sila detective) Anong nangyayari dito, ma’am?
Detective: Inaaresto namin si (name ni chef). Ilabas nyo sya.
Chef 2: Matagal na pong hindi pumapasok si chef 1. Simula noong tinanong niyo ako.
Detective: Halughugin niyo ang buong restaurant.
Hinalughog na ni police 1 and 3 yung restaurant,
Police 1: Negative, ma’am.
Police 3: Wala sya, ma’am.
Detective: (tumingin kay chef 2) Kapag nakita nyo po sya, pakitawagan po kami. Salamat po.
Umalis na sila sa restaurant.

Pumunta sa bahay ni chef 1 sila detective at yung dalawang pulis.


Detective: PO1 and SPO3 paki-stand by sa pinto sa likod, BILIS!
PO1 & SPO3: Yes, ma’am!
Detective: (kumatok sa pinto) Tao po
Chef 1: (napatingin sa pinto at nagmadali magimpake)
Detective: (mas lalo pang kumatok) TAO PO! *(sinipa yung pinto at bumukas na ito)
Chef 1: *(papalabas nang pinto ngunit na-corner na)
PO1: HANDS UP!
Detective: (pinakita yung warrant of arrest kay Chef 1) I’m placing you under arrest for murder,
conspiracy to commit murder. Say you wish to remain silent and ask for a lawyer immediately.
Don’t give any explanations or excuses. Don’t say anything, sign anything, or make any
decisions without a lawyer. If you have been arrested by police, you have the right to make a
local phone call.

Chef 1: (arrested)

Next scene:
Reporter: Nagbabagang balita! Isang chef arestado sa kasong pagpatay sa di umanong lagpas
pa sa dalawangput-limang biktima! Ang di umano’y restaurant nya ay ipagsasara na. Alamin pa
ang buong detalye sa mga susunod na balita. Ito po si Ryca Ramos, nagbabalita!

Next scene: interrogation


Detective: Anong ginagawa mo sa mga biktima?
Chef 1: Niluluto.
Detective: Bakit? (naduduwal) Bakit mo naisipang gawin ‘yun?
Chef 1: Dahil puro tipikal na karne lang ang kinakain ng tao. Hindi ba nakakasawa? Parating
‘yun at ‘yun na lang ang karne (tumawa).
Pati ang dalawang pulis sa likod ni detective ay naduduwal na.

Next scene: nagrarally yung mga tao sa labas ng korte at naghihingi ng hustisya.
Boy: Hustisya para sa girlfriend ko!
Mama ni girl: Hustisya para sa anak ko!
Random person: Hustisya para sa kaibigan ko!
Habang nagrarally ay itataas nila ang mga hawak nilang signboard at sisigaw ng hustisya.

Next scene: timeskips


Reporter: Nagbabagang balita! Tuluyan nang nakulong ang suspect ng krimen sa pagpatay sa
dalawamput-limang katao. Ang naturang suspect ay isang chef sa kilalang restaurant. (ipapakita
ang mga nagrarally) Kasama ko rito ang mga mamamayang nanghihingi ng hustisya. At ngayon
ay nakamit na nila ito.
Reporter: (ininterview ang isang nagrarally) Misis, pwede ho ba namin kayong interviewin? Ano
pong nararamdaman nyo’t ngayong nakamit nyo na ang hustisyang matagal nyo nang inaasam.
Nanay ni girl: Para pong nawalan ako ng tinik sa dibdib. Matagal naming inintay ang hustisya at
ngayon lang namin ito nakamtam.
Reporter: Maraming salamat po. Ito si Ryca Ramos, nagbabalita!

You might also like