You are on page 1of 21

GROUP 2 TVL SHELBOURNE

Genre: Mystery, Thriller


“Behind”

Script:

(lullaby)
Friend 1 (Shiela): Napanood nyo ba yung balita?
Friend 2 (Renz Ashley): Anong balita?
Friend 1 (Shiela): Yung pinatay daw. Buto nalang yung nandun.
Friend 3 (Czarina): Ay oo! Buto nalang daw natira. Grabe!
Friend 1 (Shiela): Grabe na talaga mga nangyayari ngayon.

(transition) (habang nagwawalis)


Chismosa 1 (Mamon): Ay mare! Nabalitaan mo na ba yung ipapatayong restaurant dun sa
kabilang baranggay?
Chismosa 2 (Zandy): Oo! Gumora tayo mare pagkabukas!

(next scene; time skip sa pag-open ng restaurant)


(phone call) Friend 1 (Rosechelle): Sis nakita mo na yung bagong bukas na restaurant?
Friend 2 (Jimuel): Oo sis. Puntahan natin?
Friend 1 (Rosechelle): Sige, g lang.
Friend 2 (Jimuel): Nice nice. Kelan ba?
Friend 1 (Rosechelle): Gusto mo ngayon na? Mukhang masasarap yung mga pagkain.
Friend 2 (Jimuel): Okay, sis, bihis lang ako.
Friend 1(Rosechelle): San magkita?
Friend 2 (Jimuel): Sa kanto nalang mismo ng restaurant.
Friend 1 (Rosechelle): Oks, kitakits.
(end call)

Nagkita na yung dalawang magkaibigan sa kanto


Friend 1 (Rosechelle): Naks hindi late ah.
Friend 2 (Jimuel): Syempre.
Naglakad na sila at nang makarating sila sa restaurant ay pumasok na sila. Umupo na sila at
binigyan ng menu.
Tinignan ng magkaibigan yung menu.
Friend 1 (Rosechelle): Eto nalang ba? (habang may tinuturo sa menu) (tumingin sya kay
Jimuel)
Friend 2 (Jimuel): Sige yan nalang.
Friend 1 (Rosechelle): tumingin kay waiter. Isang order po nito (tinuro yung menu).
Waiter (Cris Dale): Ano pong drinks, ma’am?
Friend 1 (Rosechelle): Coke nalang po.
Waiter (Cris Dale): Sinulat sa notepad then after isulat, inulit yung order. Yun lang po?
Friend 1 (Rosechelle): Yes po.
Umalis na ang waiter at binigay ang order sa mga chefs. Pagkaalis ng waiter, nag-usap yung
dalawa about sa restaurant.
Friend 2 (Jimuel): Ganda ng restaurant nila. Malinis tignan.
Friend 1 (Rosechelle): Affordable rin mga pagkain.
Friend 2 (Jimuel): Sulit na kapag masarap mga pagkain.

After ng mga ilang minuto, dumating na ang waiter dala-dala ang inorder nila.
Waiter (Cris Dale): Excuse me ma’am, ito na po ang order nyo.
Friend 1 and 2 (Jimuel and Rosechelle): Thank you po.
Tinikman na nila yung pagkain.
Friend 2 (Jimuel): Ay, bongga! Ang sarap.
Friend 1 (Rosechelle): Oms, solid!!!

Pagkatapos kumain ay nag-iwan pa sila ng tip para sa waiter. Pagkalabas sa restaurant ay


sabay sila naglakad pauwi.
Friend 1 (Rosechelle): Bagong tambayan na natin yun. Bukod sa masarap ang pagkain,
aesthetic pa. (tumawa)
Friend 2 (Jimuel): Bat kaya ngayon lang yun tinayo dito? Unang branch din ba nila yun?
Friend 1 (Rosechelle): Oo ata.
Pagdating sa kanto ni Jimuel.
Friend 2 (Jimuel): Uy salamat sis! Next time ulit.
Friend 1 (Rosechelle): Sige, dito na ako.
Friend 2 (Jimuel): Ingat!.

Pagpasok sa bahay ni Jimuel ay binuksan nya ang tv at nilagay sa balita.


News Reporter (Ryca): May mga buto na namang natagpuan dito sa Baranggay Looban.
Nangangamba na ang mga residente sa sunod-sunod na pangyayaring ito. Ang mga pulis at
Moana sa kaso na ito ay patuloy pa ring nag-iimbestiga sa kung sino ang salarin at ano ang
motibo nito. This is Ryca Ramos, nagbabalita.
Friend 2 (Jimuel): (nagulat) Tsk tsk. Kabilang baranggay lang namin ‘to ah. Ang lala naman.

(next scene) Nasa headquarter si Moana at mga pulis nang makatanggap sila ng anonymous
call sa telepono.
(telephone rings) Napatingin ang mga tao sa sa telepono.
Detective (Moana): Nilapitan ang telepono at sinagot ito. Hello, this is Moana Tanglao speaking.
Caller: May gusto po akong ireport. Nakita ko po yung killer dun sa case na hinahawakan nyo
ngayon. Pumunta po kayo sa address na ito (location).
Detective (Moana): May I ask who’s speaking? Habang sinusulat ang address na binigay nung
caller.
Caller: *ends call*
Detective (Moana): Napatingin sa telepono at tumingin sa mga kasamang pulis. Someone gave
a tip regarding dun sa killer ng kaso na hinahawakan natin. Eto yung location (pinakita sa mga
kasamahan yung papel).
Police 1 (Nissan): Nakuha mo ba pangalan nung nagreport?
Detective (Moana): Hindi e, binaba agad yung tawag. Pero puntahan natin yung location, di tayo
pwedeng magsayang ng oras.
Tumango yung dalawang pulis.

Arrival at the location


Tumingin sa paligid si Moana at yung dalawang pulis.
Police 2 (Andrei): Naglakad papalapit kay Moana. Ma’am, naloko ata tayo dun.
Detective (Moana): Tumingin pa sa paligid at nag-aya nang bumalik sa headquarters.

(next day; at the headquarters)


Detective (Moana): Sinusubukan ulit ni Moana na tawagan yung caller.
Pumasok si Nissan at si Andrei, tumingin ang Moana sa kanya.
Detective: Nakuha mo na yung pinapatrace ko?
Police 1 (Nissan): Wala, ma’am e. Burner phone kasi yung gamit. (dismayado tone)
Police 2 (Andrei): Aba’y loko pala ‘yun, e! Malabo na natin ma-trace to mga boss.
Police 1 (Nissan): Hindi kaya nagmamasid yun sa’tin? Baka nanggugulo sa imbestigasyon
natin.
Detective (Moana): Let’s just keep on investigating. Nacheck nyo na ba yung cctv footage?
Police 1 (Nissan): ‘Di pa lahat, ma’am.
Detective (Moana): Check natin yung mga footage within one week nung crime.

(one week after that conversation)


Detective (Moana): Nacheck ko na yung mga footage and tignan nyo ‘to.
Police 1 and Police 2 (Nissan and Andrei): Lumapit sa screen na ipinapakita ni Moana.
Detective (Moana): Look at this person, dumaan sya dun sa crime scene minutes after nangyari
yung krimen.
Police 1 (Nissan): (Tumatango)
Police 2 (Andrei): Kaso hindi naman makita kung sino, ma’am. Naka-all black ‘e.
Detective (Moana): Yeah. Puntahan ulit natin yung lugar and magtanong-tanong sa mga
residente dun kung may nakita ba nila itong tao na ‘to.

(pumunta sa lugar)
Police 1 (Nissan): Maganda araw ho, pwede po ba kami magtanong? May nakita ho ba kayong
kahina-hinalang tao na napadaan dito noong mga nakaraang araw? ‘Yung ganito po ang suot
(pinakita yung pic).
Chismosa 1 (Mamon): (tumingin kay chismosa 2) Mare, may nakita ka bang ganito?
Chismosa 2 (Zandy): Parang wala ata?
Chismosa 1 (Mamon): Hindi namin nakita. Hindi rin kasi makita yung mukha kaya mahirap
makilala.
Police 2 (Andrei): Sige ho, salamat ho.

(next day) Nagsusupervise pa rin ang mga may hawak ng kaso sa cctv, nagbabaka-sakaling
mahagip ulit iyong taong to.
Detective (Moana): Balita? Tumingin sa dalawang pulis
Police 1 & 2 (Nissan and Andrei): Negative, ma’am.

(next few days) Pinuntahan nila ulit yung lugar para mag-imbestiga at magmasid-masid.
Habang busy at focused sa kaso si Moana at dalawang pulis ay may nakabunggo kay Moana
ngunit hindi ito gaanong napansin. Nang tignan nya ang likod nya ay wala ng tao.

Next scene:

Setting: early in the morning


Namamalengke yung mga chismosa tapos habang papauwi nakasalubong nila si JM.
Chef 2 (JM): *nagmamadali tapos nabunggo yung isang chismosa*
Chismosa 1 (Mamon): *gumulong yung mga dalahin nya*
Chismosa 2 (Zandy): *tinulungan ni chismosa 1*
Chismosa 1 (Mamon): Ay naku! Ano ba yan, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! * habang
pinupulot yung mga nalaglag*
Chef 2 (JM): Sorry po.
Chismosa 1 and 2 (Mamon and Zandy): *natapos na pulutin yung mga nahulog tapos tumingin
na kay chef*
Chismosa 2 (Zandy): *napansin ni Zandy yung stain sa sleeves ni JM. Sinundan nya ng tingin si
JM habang papasok sa loob ng restaurant*

Next scene:
May dalawang couple na nag-aaway sa daan
Girl (Alyssa): Sino na naman yang kasama mo?!
Boy (Yuan): Kaibigan ko nga lang yun!
Girl (Alyssa): Kaibigan?! Pero mag hapon kayong magkasama?!
Boy (Yuan): Ayan ka naman sa ka-praningan mo!
Girl (Alyssa): Ka-praningan?! Ka-praningan ba tawag mo dun?!
Boy (Yuan): Lagi mo nalang ako pinagdududahan! Pwede ba kahit minsan pagkatiwalaan mo
naman ako?! Sakal na sakal na ako! Sawang-sawa na ako sa ugali mo.
Girl (Alyssa): (sinampal si Yuan) Ang kapal ng mukha mo! Maghiwalay nalang tayo!
Boy (Yuan): Yan ba ang gusto mo? Oh sige! Mas mabuti pa nga.
Girl (Alyssa): (nag walk-out)

Scenario: lasing si Yuan


Tumatawag yung nanay ni Alyssa kay Yuan ngunit hindi ito nakita dahil nakatulog na si Yuan.

Girl (Alyssa): habang naglalakad si Alyssa and may kausap sa phone, may sumusunod sa
kanya
Next day
Boy (Yuan) (pagkagising ay chineck ang cellphone)
*On screen*
5 missed calls
10+ text messages
Tita is calling…
Boy (Yuan): (sinagot)
Boy (Yuan): Tita, bakit po?
Chismosa 1 (Mamon): Sabihan mo si Alyssa na umuwi na.
Boy (Yuan): Po? Hindi pa po ba umuuwi? Nung hapon pa po kasi sya umalis.
Chismosa 1 (Mamon): Ano? Wala pa sya dito kaya akala ko’y dyan na sya sa inyo natulog.
Nako, saan kaya nagpunta ang batang iyon.
Boy (Yuan): Sige po, tita. Tatawagan ko nalang po, tanong ko na rin po sa mga kaibigan niya.
Tinatawagan ni Yuan si Alyssa kaso hindi sumasagot. After ng ilang tawag ay tinawagan niya
ang mga kaibigan nito.
Boy (Yuan): Pumunta ba dyan si Alyssa sa inyo?
Friend 1 (Czarina): Ay hindi e. Bakit?
Boy: Nagtalo kasi kami tapos umalis na sya. Akala ko umuwi na sya. Tapos tumawag si tita
ngayon lang, wala pa raw sa kanila.
Friend 1 (Czarina): Try mong tawagan si Shiela, baka nandoon.
Boy (Yuan): (tinawagan si Shiela)
Friend 2 (Shiela): Naka-usap ko pa sya kagabi e, sabi pauwi na raw.
Boy (Yuan): Ganun ba? Sige, salamat.
*end call*

At the headquarters
Nagbabasa ng files and naghahanap ng evidences si Moana and yung dalawang police.
Detective (Moana): May bago na bang information?
Police 2 (Andrei): Wala pa, chief.
Detective (Moana): Subaybayan pa rin yung cctv.

Boy (Yuan): pinupuntahan yung mga pwedeng puntahan ni Alyssa. Nung papauwi na sya,
umupo sya saglit. Tumingin-tingin pa muna sya sa paligid and then nakita niya yung cellphone
ni Alyssa. Pinulot nya yung dalawang gamit tapos tinitigan nya.
Boy (Yuan): (pumunta sya sa police station then nireport nya na nawawala si Alyssa) Sir,
magrereport po ako ng missing person. Nawawala po kasi yung girlfriend ko since yesterday.
Police 3 (Jasmine): Ano po ang name at last na suot nya? And anong oras po exactly nawala?
Boy (Yuan): Alyssa Katherine Mabalot po. (color ng damit). Hindi ko po alam exact pero bago
po magdilim.
Police 3 (Jasmine): Sige po, sir. Tatawagan po namin kayo. Paki-lagay na lang po contact
details nyo dito.
Boy (Yuan): Salamat po. Tawagan nyo po ako agad, please. (Paalis na dapat si Yuan tapos
naalala nya na nahanap nya cellphone ni Alyssa) Sir! (binigay yung phone) Nakita ko po yan sa
may gilid ng daan (nanginginig yung voice).
At the headquarters
Police 1 (Nissan): (pumasok sa room) Ma’am, may nagreport po dito na lalaki kanina.
Nawawala raw po yung girlfriend nya. (binigay yung phone) Nakita raw po nya ‘to sa gilid ng
daan.
Detective (Moana): (kinuha yung phone) Check nyo yung cctv kung saan nakita ‘to.
Police 1 (Nissan): Sige, ma’am.

Next scene
Boy (Yuan): (naghahand out ng missing fliers sa random people) Pakitawagan po ako agad
kapag nakita niyo sya.

Next scene: magkasama yung dalawang magkaibigan sa bahay, hang out ganern.
Friend 1 (Rosechelle): (nagsscroll sa social media/phone) Uy! Tignan mo may 10% off dun sa
restaurant na kinainan natin..
Friend 2 (Jimuel): Weh? Tingin nga.
Friend 1 (Rosechelle): (pinakita kay Jimuel yung phone) Oh, diba. Tara na.

Nagpunta na sila sa restaurant (papakita yung guests and chef na nagluluto or naghihiwa).
Habang nagluluto yung chef biglang may sumigaw na guest. (bgm)
Guest (Angela): Ano ba yan! Bakit may bato dito?! (tinignan yung bead) Ano ba ‘to! (tinignan
yung waiter) Sino ba nagluto dito?! Tawagin niyo nga yung chef nyo!
Chef 2 (JM): (lumabas) Ano pong nangyayari dito?
Guest (Angela): Ikaw ba ang gumawa nito?! (pinakita yung bead) Tignan niyo naman kung ano
nilalagay niyo sa mga niluluto niyo!
Chef 1 (Jackylou): (sumunod din) Anong nangyari dito, Chef JM?
Chef 2 (JM): Ah chef, ano, may napasama pong bead sa niluto niyo.
Chef 1 (Jackylou):(nagulat) Pasensiya na po, ma’am. Papalitan na lang po namin. We will also
give you complimentary food. Sorry po talaga.
Guest (Angela): ‘Wag na! Nakakawalang gana. Sa inyo na ‘yang pagkain at complimentary niyo!
(nag walk out)
Chef 1 (Jackylou): (tumalikod with blank/poker face)
Friend 1 (Rosechelle): Grabe naman yung customer.
Friend 2 (Jimuel): Check mo rin yung iyo, tanga.

Next scene: outside


Detective (Moana): Tama ba ‘tong lugar na ‘to? Ito ba yung sinabi nung lalaki?
Police 1 (Nissan): Opo, ma’am. Dito niya raw po nakita yung cellphone.
Tumingin-tingin muna sila at naglakad-lakad sa paligid. Nang magsalita si Moana.
Detective (Moana): Magtanong kaya tayo sa mga residente dito kung may nakita sila nung araw
na ‘yun.
Police 2 (Andrei): (aligaga) Nako, chief! Mukhang wala tayong mapapala dito.
Paalis na dapat sila nang mag ring ang phone ni Nissan.
Police 1 (Nissan): *phone rings* Good afternoon po, sino po sila?
Anonymous: Pumunta kayo sa 143 Poblacion Santa Maria Bulacan. Nandoon ang hinahanap
niyo. *ends call*
Police 1 (Nissan): Hello? Sino po ito? Hello?
Police 2 (Andrei): (curious)
Detective (Moana): Sino ‘yun? Anong sabi?
Police 1 (Nissan): May sinabi pong address, e. Dun daw natin makikita hinahanap natin.
Detective (Moana): Anong address?
Police 1 (Nissan): 143 Poblacion Santa Maria Bulacan daw po.
Police 2 (Andrei): Ako na po ang pupunta.
Police 1 (Nissan): Ha? Samahan ka na namin.
Police 2 (Andrei): Hindi na. Kailangan nyo rin i-review yung cctv (tinuro yung cctv). Tawagan ko
kayo kapag may nakita ako.
Police 1 (Nissan): Sige. Balitaan mo kami. (tumingin kay Moana) Tara na po, ma’am.
Detective (Moana): Sige, tara na.

Back to the restaurant.


Chef 2 (JM): Chef, paano nagkaron ng ganon sa pagkain?
Chef 1 (Jackylou): Pasensiya na, baka naisama sa ingredients.
Chef 2 (JM): Naisama po?
Chef 1 (Jackylou): (natigilan) N-napasama.
Chef 2 (JM): Napasama? Parang imposible naman po ‘yun, chef (tumawa).
Vision: Hinaltak si Alyssa

At the headquarters: interrogating the boyfriend


Detective (Moana): Asan ka nung mga time na nawala si Alyssa?
Boy (Yuan): After po kasi namin maghiwalay, dumiretso po ako sa bahay para uminom.
Detective (Moana): Bakit kayo naghiwalay?
Boy (Yuan): Dahil po sa selos.
Detective (Moana): Hindi ba kayo nagkaroon ng alitan o sakitan nung naghiwalay kayo?
Boy (Yuan): Hindi naman po pero, nasampal nya po ako dahil sa galit. Pero hanggang doon
nalang po ‘yun at naghiwalay na po kami ng landas.
Detective (Moana): Hindi mo man lang ba sya tinawagan after a few hours?
Boy (Yuan): Hindi po dahil lasing ako that time.
Detective (Moana): Okay. But as of now, hold ka muna naman dahil ikaw ang main suspect sa
pagkawala ng iyong girlfriend dahil ikaw ang kasama nya bago sya nawala.
Boy (Yuan): Inaamin ko pong wala ako sa katinuan noong araw na ‘yun pero hindi ko po kayang
saktan ang girlfriend ko.
Detective (Moana): Kailangan muna natin mag-imbestiga. Sa ngayon, ikaw pa lang ang lead
suspect.
Boy (Yuan): (speechless)

Next scene: dun sa scene kung saan pinuntahan ni Andrei yung location.
Pagkarating sa location ni Andrei, nakita niya ang mga gamit ng biktima. Pagkakita niya sa mga
gamit ay agad niyang tinawagan si Jackylou.
Police 2 (Andrei): Hindi ka ba nag-iingat?! May tumawag kay Tina at sinabing pumunta kami dito
sa pinagtataguan mo ng mga gamit ng mga biktima mo. Hindi madaling mag linis ng kalat mo,
ano ba!
Chef 1 (Jackylou): Sino tumawag?
Police 2 (Andrei): Hindi nagpakilala. Ayusin mo ginagawa mo. Kung papalpak ka lang, ayoko
nang linisin mga kalat mo!
Chef 1 (Jackylou): Wala akong idea na may nagmamanman na sa akin. Hanapin mo kung sino
ang tumawag nang hindi na ulit bumuka ang bibig niya. *ends call*
Police 2 (Andrei): (tumingin sa cellphone) Ang kapal naman ng mukha nito. Ako pa pinatayan
ng tawag.

At the headquarters: bumalik na si Andrei


Police 1 (Nissan): Ano balita? May nakita ka ba?
Police 2 (Andrei): Negative, e. Mukhang napagtripan na naman tayo (nagbuntong-hininga).
Police 1 (Nissan): ‘Yang mga ‘yan e sumosobra na. Akala nila siguro e biro lang itong kaso.
Pumasok si Moana sa room
Detective (Moana): Anong nakita mo dun? (tumingin kay Andrei)
Police 2 (Andrei): Wala po, ma’am. Naloko na naman po tayo.
Police 1 (Nissan): Anong balita dun sa kaso nung missing a girlfriend?
Detective (Moana): Nainterrogate ko na yung lalaki. Ang sabi niya ay nag-away pa raw sila
bago sila maghiwalay ng landas. At naghiwalay sila nung babae. Sa ngayon, siya pa lang ang
lead suspect. Ang possible motive ay galit siya sa girlfriend niya dahil nakipaghiwalay ito sa
kanya.
Police 2 (Andrei): Baka siya talaga ang pumatay sa girlfriend niya, ma’am.
Police 1 (Nissan): Wala pa tayong ebidensya at mukhang malabo na siya ang suspect.
Police 2 (Andrei): Sus! Panigurado ‘yan ang pumatay.
Detective (Moana): Wala pang nanamatay.
(biglang nabalita sa tv na may natagpuang mga buto)
*on screen*
Reporter (Ryca): May mga butong natagpuan dito sa Bocaue. Ang ating forensic team ay
patuloy pang inaalam kung sino ang nagmamay-ari nito.
Police 2 (Andrei): Tsk tsk (umiling). Paniguradong malapit lang sa kanya ang gumawa nyan.
(may pumasok na tao mula sa forensic team)
Forensic Team (JM): Ma’am, eto po yung result sa nakitang buto.
Detective (Moana): (binuksan yung envelope at tinignan ang resulta at nagulat)
Police 1 & 2 (Nissan and Andrei): (tinignan si Moana at lumapit sa kanya and tinignan yung
papel)
Police 1 (Nissan): Siya yung hinahanap natin.
Police 2 (Andrei): Boyfriend niya may gawa niyan ma’am.
Detective (Moana): Mag request na kayo ng search warrant and warrant of arrest para kay
Alarcon.

Kinahapunan nun ay umalis si Andrei at may pinuntahan. Pagkarating nya sa lugar ay may
kausap siyang lalaki.
Police 2 (Andrei): Alam mo na gagawin mo? Kailangan malinis. Kailangan walang makakakita.
Gawin mo nang maayos yan at siguraduhin mong hindi ka mahuhuli.
Lalaki (Yuan): Opo, boss.
Police 2 (Andrei): binigay nya yung knife na may dugo ni Alyssa na nakalagay sa ziplock bag

Next scene: At the headquarters


Police 2 (Andrei): Ma’am, binigay na yung search warrant and warrant of arrest.
Detective (Moana): Halika na.
Pumunta na sila sa bahay ni Yuan at kumatok. Pagkabukas ng pinto ni Yuan ay nagsalita na si
Moana.
Detective (Moana): Halughugin niyo na.
Boy (Yuan): Ano pong nangyayari?
Detective (Moana): (pinakita ang papel kay Yuan) Pinahintulutan kaming halughugin nag bahay
mo, sir.
Police 2 (Andrei): Ma’am! Nakita po dito yung weapon.
Police 2 (Andrei): You are under arrest for murdering Alyssa Mabalot (shows warrant of arrest).
Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamiting pabor o laban sa iyo (habang pinoposasan
si Yuan).
Boy (Yuan): Po? Hindi po sa akin yan. Wala po akong kinalaman dyan (nagpupumiglas).
Detective (Moana): Sumama ka samin.

Iniinterrogate ni Moana si Yuan.


Detective (Moana): Bakit mo nagawa ito?
Boy (Yuan): Hindi nga po ako ang may gawa niyan. Bakit ba ayaw niyo akong paniwalaan?!
Detective (Moana): Bakit nakita ‘yung weapon sa iyo?
Boy (Yuan): Hindi ko po alam. Hindi ako ang may gawa niyan!
Detective (Moana): Nakita itong kutsilyo na may dugo ng girlfriend mo sa bahay niyo.
Boy (Yuan): Wala po talaga akong kinalaman dyan. Paniwalaan niyo po ako!

Next scene:
Detective (Moana): (pumasok sa room kung nasaan yung dalawang pulis)
Police 2 (Andrei): Anong sabi, boss?
Detective (Moana): Ayaw niyang magsalita. Pinipilit niyang hindi siya ang may gawa.
Police 1 (Nissan): (nakikinig lang sa kanila at may pagdududa na kung si Yuan ba talaga yung
kriminal) Paano kung nagsasabi siya ng totoo, ma’am?
Detective (Moana): Wala pang nagpapatunay na inosente siya, samantalang nakita ang kutsilyo
sa bahay niya.
Police 2 (Andrei): Nakita rin yung fingerprint niya sa knife. Lahat ng ebidensya ay siya ang
tinuturo.
Hindi naniniwala si Nissan na si Yuan ang killer kaya’t nag-imbestiga at naghanap siya ng mga
ebidensya na inosente si Yuan. Pinuntahan niya ang crime scene at naghanap-hanap ng mga
maaaring maging ebidensya. Kinaumagahan ay naglalakad sya sa headquarters papunta sa
room nila ng mga kasamahan niya sa kaso nang mapansing nakauwang ang pinto. Bubuksan
na sana niya ito nang tuluyan nang marinig niyang may kausap si Andrei sa telepono.
(will show the voice only)
Chef 1 (Jackylou): Ano? Nagawa mo ba nang malinis?
Police 2 (Andrei): *on the phone* Syempre naman. Ako pa ba? Siya na ang suspect ngayon at
lahat ng ebidensya ay siya ang tinuturo.
Chef 1 (Jackylou): Siguraduhin mo lang. Pag yan palpak.
Police 2 (Andrei): Ito naman si chef masyadong nerbyoso. Malinis gumawa ‘yung binayaran ko.
Kita mo nga pati fingerprint e kuhang-kuha.
Chef 1 (Jackylou): Siguraduhin mo rin hindi magsasalita ‘yang bata mo.
Police 2 (Andrei): Oo, boss. Akong bahala.
*ends call*
Pagkatapos ng pag-uusap nila Andrei ay pumasok na si Nissan sa room. Nagpapanggap na
walang narinig.
Police 2 (Andrei): (nagulat at kinabahan) Kanina ka pa dyan?
Police 1 (Nissan): Hindi, kakarating ko lang. Bakit, may kailangan ka ba?
Police 2 (Andrei): Wala naman. (kinakabahan)
Police 1 (Nissan): Ba’t pawis na pawis ka dyan? Para kang nakakita ng multo (tumawa).
Police 2 (Andrei): Mainit lang siguro (tumawa at lumabas ng room).
Police 1 (Nissan): (sinundan ng tingin si Andrei palabas ng room)

Next scene: nung papaalis na Andrei sa headquarters, sinundan sya ni Nissan. Habang
naglalakad si Andrei ay nakasunod sa kanya si Nissan. Nang makarating na sa kanyang
destinasyon si Andrei, nakita niya ang kanyang kausap.
Police 2 (Andrei): (lumingon-lingon nang makita niyang walang tao ay binigay niya yung sobre
na may naglalamang pera) Ayan, may pasobra ka kay bossing. Nagustuhan niya trabaho mo at
sobrang linis.
Police 1 (Nissan): (nilabas yung cellphone at vinideohan)
Lalaki (Yuan): (sinilip yung sobre) Salamat, boss.
Police 2 (Andrei): (lumapit sa lalaki) Pampatahimik din yan. Siguraduhin mong wala kang
pagsasabihan sa ginawa mo.
Lalaki (Yuan): Oo naman, boss!
Police 2 (Andrei): (tinapik) Sige na, umalis ka na. Baka may makakita pa satin.
Police 1 (Nissan): (nang makita niyang papaalis na si Andrei ay nagtago siya. Pagkaalis ni
Andrei ay sinundan na niya ang kausap.)
Lalaki (Yuan): (lumingon sya at nagulat na nasa likod na niya si Nissan.)
Police 1 (Nissan): Ano ang binigay sayo nung kausap mo kanina? Anong kinalaman mo sa
kaso?
Lalaki (Yuan): (kinabahan at hindi sumagot)
Police 1 (Nissan): Sumagot ka. Anong inutos sayo?!
Lalaki (Yuan): Wala akong alam dyan! (tumakbo)
Police 1 (Nissan): (hinabol si Yuan at sinapak)
Lalaki (Yuan): (napaupo at tumakbo)
Police 1 (Nissan): (hinabol yung Yuan ngunit hindi na naabutan)

Nang mabigo si Nissan habulin yung kausap ay bumalik nalang sya sa headquarters. At
hinanap si Moana. Nang makita niya si Moana ay kinausap nya ito.
Police 1 (Nissan): Ma’am, inosente po si Alarcon.
Detective (Moana): Ano bang sinasabi mo? May matibay ka bang ebidensya na inosente si
Alarcon?
Police 1 (Nissan): (nilabas yung cellphone at pinakita yung video)
Detective (Moana): (nagtataka syang pinanood yung video. Pagkatapos nyang panoorin yung
video ay nagulat siya) Si De Mesa ba ‘yan? Bakit? Sino ang kausap niya?
Police 1 (Nissan): Kasabwat po sya ng totoong suspect at binayaran niya po itong lalaking
(tinuro yung phone) ito para magtanim ng pekeng ebidensya kay Alarcon para palabasing sya
ang totoong suspect.

Next scene: sinusundan nila Moana and Nissan yung lalaking nakausap nila, nang mag-isa na
lang yung lalaki ay inikutan ito ni Nissan at pintuntahan sya ni Moana. Kinalabit ni Moana yung
lalaki at nang lumingon ito ay nagulat sya at akma na sanang tatakbo pero pagtalikod nya ay
nasa likod na nya si Nissan.

At the headquarters: kasama ni Moana si Nissan kaharap yung lalaki.


Lalaki (Yuan): Anong bang kailangan niyo sakin? Wala akong alam sa kasong hinahawakan
niyo.
Detective (Moana): Bakit nakipagkita sayo si De Mesa? Anong sinabi niya sayo?
Lalaki (Yuan): Wala akong alam sinabi.
Police 1 (Nissan): Imposible.
Detective (Moana): Mas bibigat lang ang sentensya mo kapag hindi ka pa umamin.
Lalaki: (nag-isip saglit) Wala kayong makukuha sakin dahil wala akong alam.
Detective (Moana): Sige. (tumayo) 20 years ang sentensya mo kapag hindi ka pa nagsalita.
Ilagay niyo na sa selda yan (sinabi kay Nissan)
Police 1 (Nissan): (itatayo na sana niya yung lalaki nang magsalita ito)
Lalaki (Yuan): S-sandali. Magsasalita na ako. Pero ipangako niyong poprotektahan niyo ang
kaligtasan ko.
Detective (Moana): (bumalik sa upuan at umupo, handa nang makinig)
Lalaki (Yuan): Inutusan po ako ni Andrei na maglagay ng ebidensya dun sa lalaki. Ipinalagay
niya po sakin yung kutsilyo at nilagay ang fingerprint.
Detective (Moana): Kilala mo ba yung isa pang kasabwat niya?
Lalaki (Yuan): Hindi po. Siya lang po ang nakikipagtransaksyon sakin.
Police 1 (Nissan): Ano yung binigay ni De Mesa sayo?
Lalaki (Yuan): Sobre po. ‘Yun po ang bayad nila sakin sa pag tanim ng ebidensya dun sa lalaki.
Detective (Moana): May iba pa bang nasabi? About sa kung sino ang kasabwat?
Lalaki (Yuan): Sa cellphone lang po sila nag-uusap. Ang tawag po niya po sa kanya ay bossing.
Detective (Moana): Tina, siguraduhin mong ligtas si lalaki.
Police 1 (Nissan): Opo, ma’am.

Next scene:
Chef 1 (Jackylou): (naghihiwa siya ng human meat tapos magfflashback sa kanya yung mga
krimen na ginawa niya)
*flashback*
College setting: Nag-iimbento si Jackylou ng iba’t-ibang recipe gamit-gamit ang mga tipikal na
karne; baboy, manok, isda. Ngunit plain para sa kanya ang lasa kaya nag-isip siya kung anong
karne pa ang pwedeng gamitin. Triny nya rin ang karne ng rabbit, at ng exotic animals ngunit
wala pa rin itong epekto sa kanya. Kaya’t naisipan niya ang karne ng tao. Plinano na niya kung
pano makakuha ng karne ng tao. Nang planado na ang kaniyang pagpatay ay sinumulan niya
na ito.

May estudyanteng naglalakad papauwi galing school. Habang naglalakad ang babae ay
sinusundan niya ito hanggang sa takpan niya ang bibig at ilong ng babae. Nawalan agad ng
malay ang babae.

Hinihiwa na ni Jackylou ang karne ng babae.


*end of flashback*
Chef 1 (Jackylou): (naghihiwa ng karne at ngumiti)

Next scene:
At the headquarters
Mag-isa sa room si Andrei nang pumasok si Moana at Nissan sa room. Ipinakita ni Nissan yung
warrant of arrest kay Andrei.
Detective (Moana): You are under arrest. You have the right to remain silent. Anything you say
can and will be used against you in a court of law. You have a right to an attorney. If you cannot
afford an attorney, one will be appointed for you.
Police 2 (Andrei): (shocked and nagpupumiglas) Anong sinasabi niyo? May ebidensya ba
kayo?!
Police 1 (Nissan): (pinakita yung video sa phone) You are out of this case, De Mesa. (sarcastic
tone)

Interrogation room
Magkaharap si Moana at si Andrei.
Detective (Moana): Sino ang kasabwat mo?
Police 2 (Andrei): Wala akong kasabwat.
Detective (Moana): Bakit mo pinalagay yung ebidensya sa bahay ni Alarcon?
Police 2 (Andrei): (hindi umimik)
Kinuha na ni Nissan si Andrei para ilagay sa selda. Pagkatayo ni Andrei ay sinamaan niya ng
tingin si Moana at Nissan.
Next scene: palengke
Habang naghahanap si Jackylou ng ingredient para sa pagkain. Narinig niya sa radyo ang
balita.
*on the radio*
Reporter (Ryca): Dahil sa inflation ay patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilhin. Ang
susunod na balita, isang pulis ay di umano’y nagtanim ng ebidensya at kasabwat sa isang
krimen. Ayon sa ibang kapulisan, binayaran ng pulis ang isang lalaki upang magtanim ng
ebidensya laban sa inosenteng tao. Maaaring may gustong pagtakpan ang pulis na ito, ngunit
sino?
Chef 1 (Jackylou): (nahinto sya sa paglalakad at tinignan ang radyo)
Chef 1 (Jackylou): (bigla syang umalis)

Dadalawin ni Jackylou si Andrei. Nang magkita na sila ay nagsalita si Andrei.


Police 2 (Andrei): Anong ginagawa mo dito? Baka may makakita sayo!
Chef 1 (Jackylou): Pano nalaman yung ginawa mo?
Police 2 (Andrei): Ano?
Chef 1 (Jackylou): Binalita kanina sa radyo. Sinabi ko naman sayo ayusin mo trabaho mo!
Akala ko ba hindi magsasalita ‘yang bata mo?!
Police 2 (Andrei): Ikaw ang may dahilan kung ba’t ako nahuli! Sariling kalat mo ‘yan, bakit ako
ang pinaglilinis mo?! Imbis na sisihin mo ako, humanap ka ng paraan kung paano ako
makakaalis dito!
Chef 1 (Jackylou): Akong bahala. Hahanap ako ng paraan.

Pagkaalis nya ay kinuha nya ang cellphone nya at tumawag sa number ng Moana.
Chef 1 (Jackylou): (nakalagay ang phone sa tenga) May alam po ako about kay Officer De
Mesa. Willing po akong maging witness. *ends call*

Pumunta si Jackylou sa office ni Moana para maging witness. Nakaupo na silang dalawa at
magkaharap nang magsalita si Moana.
Detective: Anong alam mo?
Chef 1 (Jackylou): Si Officer De Mesa po ang totoong killer. Wala pong kasabwat.
Detective (Moana): Pano nangyari ‘yun? Ang sabi nung isang witness ay may kausap sa
telepono si De Mesa at ‘yun ang mismong suspect.
Chef 1 (Jackylou): Maaari pong nagsisinungaling ang taong ‘yun.
Detective (Moana): Anong ebidensya mo?
Chef 1 (Jackylou): Noong September 13 po, Tuesday. Magdidilim na po yun nang makita ko si
Officer De Mesa. Parang sinusundan niya po yung babae. After po patayin nung babae ‘yung
tawag ay tinakpan niya po ng panyo yung bibig at ilong nung babae hanggang sa mawalan na
po ito ng malay. Nung nawalan na po ng malay yung babae ay binuhat nya po ito at umalis na
sya.
Detective (Moana): Bakit ngayon ka lang nagsalita?
Chef 1 (Jackylou): Baka po kasi ako po ang sumunod kaya natakot po ako.
Detective (Moana): Salamat sa impormasyon. Ano nga ulit ang pangalan mo?
Chef 1 (Jackylou): Walang anuman po. Gusto ko lang din po makatulong. At Jackylou
Alejandro, chef po ako dyan sa bagong bukas na restaurant, ma’am. (ngumiti kay Moana)
Lumabas si Jackylou sa room at ngumiti.

At the headquarters
Nag-aasikaso ng files si Moana nang pumasok si Nissan.
Police 1 (Nissan): Ma’am! May naalala po ako.
Police 1 (Nissan): Nung nakaraan po kasi, narinig ko pong may kausap si De Mesa sa room.
Tapos parang tinawag niya ‘yung kausap nya na ‘chef’ tapos tinawag din na ‘bossing’. Hindi po
ba yung sinabi nung isang witness ay ‘bossing’ ang tawag niya sa totoong culprit?
Detective (Moana): Bakit ngayon mo lang sinabi?
Police 1 (Nissan): Ngayon ko lang din po naalala.
Detective (Moana): May nagbigay ng information kanina tungkol kay De Mesa. Ang detalyado
ng statement, parang kabisado niya. Mag background check ka nga kay Jackylou Alejandro.
Police 1 (Nissan): Sige, ma’am.

At the restaurant
Chef 2 (JM): San ka galing, chef?
Chef 1 (Jackylou): Ah, wala. Diyan-diyan lang (ngumiti).
Chef 2 (JM): Ah, sige. Tara na, chef. Dumadami na rin ‘yung mga customer.
Pumunta na sila sa kitchen at nagsimulang maghiwa. Habang naghihiwa ang dalawa ay ngumiti
si Jackylou. Pagkatapos nila magluto ay lumabas si Jackylou upang pagmasdan ang kanyang
mga customer na masayang kumakain. Bigla syang ngumiti.
*flashback*
Habang naglalakad si Alyssa papauwi ay kausap niya ang kaibigan niya. Nang matapos ang
call ay may napansin niyang may sumusunod sa kaniya. Pagkatingin niya sa likod ay bigla
niyang hinablot si Alyssa ngunit nanlaban ito.
Girl (Alyssa): Ano ba! Bitawan mo ako! Sino ka ba!
Girl (Alyssa): Bitawan mo ako sabi!
Chef 1 (Jackylou): (tinakpan ang bibig at ilong ni Alyssa gamit ang panyo)
Girl (Alyssa): (nawalan ng malay)
Chef 1 (Jackylou): (kinaladkad si Alyssa)
*end of flashback
Chef 1 (Jackylou): (nakangiting bumalik sa kusina)

After a few days nagpunta si Moana and Nissan sa restaurant. Pagkapasok nila sa restaurant
ay kinausap nila yung waiter.
Detective (Moana): (lumapit kay waiter) Excuse me po, pwede po ba makausap si Jackylou
Alejando?
Waiter (Cris Dale): Ano pong meron?
Detective (Moana): May itatanong lang kami about sa case na hinahandle namin.
Waiter (Cris Dale): Ah, sige po. Sandali lang po.
Pumunta sa kusina si waiter at kinausap si Jackylou.
Waiter (Cris Dale): Chef, may naghahanap po sa inyo.
Chef 1 (Jackylou): Sino raw?
Waiter (Cris Dale): Mukhang detective po, e.
Chef 1 (Jackylou): (nagulat at kinabahan medyo pero hindi pinahalata at inayos ang sarili)
Chef 1 (Jackylou): (lumabas sya sa kusina at pinuntahan sila Moana)
Chef 1 (Jackylou): Ano pong meron?
Detective (Moana): Good afternoon po, may mga additional questions lang po kami about dun
sa kaso.
Chef 1 (Jackylou): A-ah.. Ano po ‘yun?
Detective (Moana): Mas mabuti po kung in private tayo mag-uusap.
Chef 1 (Jackylou): Sige po. Sa office ko nalang po tayo mag-usap.
Nagsimula nang maglakad si Jackylou at sinundan naman siya ni Moana at Nissan.

At the office:
Chef 1 (Jackylou): Ano pong meron, ma’am?
Detective (Moana): Anong ginagawa mo dun sa lugar kung kailan nangyari yung insidente?
Chef 1 (Jackylou): Bigyan muna kita ng maiinom, ma’am. Ano hong gusto niyo?
Detective (Moana): ‘Wag na po. Hindi iyan ang pinunta ko rito.
Chef 1 (Jackylou): Upo po muna kayo.
Nang makaupo na si Moana at Nissan ay umupo na rin si Jackylou.
Detective (Moana): Balik tayo sa tanong, anong ginagawa mo sa lugar kung kailan at saan
nangyari yung insidente?
Chef 1 (Jackylou): Pauwi na po ako nun nang bigla ko na lang po nakita si Officer De Mesa na
may sinusundan na babae.
Detective (Moana): Tapos? Ano ang mga sumunod na nangyari?
Chef 1 (Jackylou): Nakita ko po sya na tinakpan yung bibig nung babae at nawalan na po ng
malay. After po nun ay kinaladkad na niya paalis yung babae.
Detective (Moana): Sige, salamat ho.
Chef 1 (Jackylou): (nagtaka) Yun lang ho ba ang itatanong niyo?
Detective (Moana): Opo. Salamat po.
Chef 1 (Jackylou): Salamat din po (nagtataka pa rin).

At the headquarters:
Pagbalik nila sa headquarters ay nilabas ni Moana yung phone niya at plinay yung record ng
statement ni Jackylou.
*flashback*
Nung tinanong ni Jackylou si Moana kung ano ang gusto niyang maiinom ay tumalikod si
Jackylou, doon nilabas nang palihim ni Moana ang phone nya at pinindot ang record button.
*end of flashback*
Pagkatapos nilang mapakinggan ang statement ni Jackylou ay plinay naman ang naunang
statement na binigay ni Jackylou. Pagkatapos nilang pakinggan ang recording ay tinanong nya
si Nissan.
Detective (Moana): Ano ang napansin mo?
Police 1 (Nissan): (nagtataka) Wala naman pong kakaib– (natigilan) Ay! ‘Yung unang statement
niya, ang sabi niya ay binuhat ni Officer De Mesa yung babae. ‘Yung pangalawang statement
naman niya ay kinaladkad yung babae.
Detective: Naalala mo nung nag-iimbestiga tayo sa pagkawala ni Alyssa Mabalot? May
tumawag sayo noon, ‘di ba?
Police 1 (Nissan): Opo. Sabi ni De Mesa ay siya na lang daw ang pupunta.
Detective: Puntahan natin ‘yun ngayon. Pwedeng nagsisinungaling lang si De Mesa nung araw
na ‘yun. Naaalala mo pa ba yung address?
Police 1 (Nissan): Yes, ma’am.
Detective (Moana): Tara na.

Nang makarating na sila sa lugar ay nakita nilang malinis na ‘yun. Naghanap-hanap pa sila ng
maaaring maiwan na gamit.
Police 1 (Nissan): Naku! Mukhang nalinis na nila, ma’am.
Detective (Moana): (nagtinging-tingin at naglakad-lakad pa sa paligid)
Habang naglalakad si Moana sa paligid ay may natapakan itong bagay. Nang pulutin niya ito ay
tsaka niya lang nalaman kung ano ito.
Detective (Moana): (pinulot nya yung wallet at binuksan ito)

At the restaurant: few hours earlier, kinapa-kapa ni Jackylou yung bulsa nya ang narealize nya
na nawawala wallet nya. Inisip nya kung saan nya nawala yung wallet nya. Nang marealize nya
na sa hide out nya nawala yung wallet nya dahil nilinis nya yung mga kalat nya doon ay dali-dali
syang pumunta dun.

Nang makapunta na sya sa lugar ay nakita nya sila Moana na nag-iimbestiga sa lugar na ‘yun.
Nakita nya rin si Moana na hawak-hawak ang wallet nya. Papaalis na sana sya ng may
matapakan sya at nakalikha ito ng ingay. Napatingin sila Moana sa gawi ni chef ngunit
nakapagtago na si Jackylou agad.

Nag-iimbestiga sila Moana malapit sa restaurant. Nasaktuhan naman nilang lumabas si JM at


pinuntahan nila ito.
Detective (Moana): Excuse me po.
Chef 2 (JM): Ano po ‘yun?
Detective (Moana): I’m Detective Moana (shows id). May ilang katanungan lang po kami about
kay Jackylou.
Chef 2 (JM): Kay Chef Jackylou po? Ano po ‘yun?
Detective (Moana): May mga napansin po ba kayong kakaiba kay Jackylou?
Chef 2 (JM): (nag-isip) Wala naman po siguro? Bukod sa maaga sya lagi pumapasok at late na
lagi umuuwi. Sya nga lagi ang nagsasara nitong restaurant e (tumawa).
Detective (Moana): Ano pa po?
Chef 2 (JM): Hmm. Ay! Magmula po noong dumalaw kayo sa restaurant, doon na po nagiba
yung kilos nya, naging aligaga at laging mag-isa.
Detective (Moana): Paanong aligaga? Simula nung dumalaw kami? (nagtatakang tanong)
Chef 2 (JM): Opo! Hindi na siya minsan nakakapag-focus sa trabaho niya. Madalas syang
masunugan ng mga niluluto nya.
Detective (Moana): Bukod sa kilos nya na yon, wala na ba kayong napansin na iba?
Chef 2 (JM): Ay! Umalis po sya agad nung paglabas nyo pa lang! Sinabi niya sakin na may
naiwan syang wallet sa pinuntahan nya kaya niya babalikan at hindi na siya bumalik dito.
Detective (Moana): Wallet? (nagulat na tanong)
Chef 2 (JM): Opo. Bakit, ano pong meron sa wallet?
Detective (Moana): (nagmamadaling umalis) Maraming salamat sa impormasyong ito!
Chef 2 (JM): Walang anuman? (nagtataka)
Detective (Moana): (umalis na nang tuluyan)
Pagkatapos umalis ni Moana ay nagtanong pa sya sa ibang mga residente.

Next scene: Kinausap ni Moana yung dalawang mag-kaibigan

Detective (Moana): May napansin ba kayong kakaiba dun sa restaurant or sa chef?


Friend 1 (Rosechelle): Wala naman po.
Detective: Kahit ano wala kayong napapansin.
Friend 1 (Rosechelle): Opo, wala po.
Detective (Moana): Ah, sige salamat (papaalis na si Moana).
Friend 2 (Jimuel): Ay diba ano (tumingin kay Rosechelle)
(bumalik si Moana)
Friend 2 (Jimuel): Nung kumain po kasi kami nung mga nakaraang araw, may nasama pong
bead dun sa may pagkain ng isang customer.
Friend 1 (Rosechelle): Ay opo. Nagalit pa nga po yung customer.
Detective (Moana): Anong bead?
Friend 2 (Jimuel): Hindi po namin nakita pero parang bead po ng bracelet.
Detective (Moana): (nagsusulat ng mga impormasyon) May iba pa po bang suspicious sa
actions nung chef?
Friend 2 (Jimuel): Wala na po.

At the headquarters: pinagsasama-sama na nila yung mga ebidensya at nag-assign si Moana


ng police para manmanan si Jackylou.
Detective (Moana): Manmanan mo si Jackylou Alejandro. Siguraduhin mong hindi ka makikita.
Police 3 (Jasmine): Yes, ma’am!
Detective (Moana): Everyday magbigay ka ng update sa akin. Kuhanan mo ng pictures para
ma-document natin.
Police 3 (Jasmine): Copy that po.

Next scene: Sinusundan na ni Jasmine si Jackylou. At kinukuhanan ng litrato. After ng ilang


araw sa pagsunod kay Jackylou, nagpunta si Jackylou sa bago nyang hide out. Kinuhanan yun
ni Jasmine ng picture.

At the headquarters
Nagring ang phone ni Moana. Sinagot nya ito.
*on the phone*
Detective (Moana): Hello?
Witness (Alyssa): Alam ko po yung nangyari sa babae.
Detective (Moana): Sino po ito? At sinong babae?
Witness (Alyssa): ‘Yung nabalita po last last month. May ebidensya po ako. Hindi na po kasi
kinakaya ng konsensya ko.
Detective (Moana): Pumunta po kayo sa (address) dito.
Witness (Alyssa): May hiling po ako.
Detective (Moana): Ano po ‘yun?
Witness (Alyssa): Pwede po bang anonymous lang po ako kung sakaling ilalabas nyo ang
statement ko? Natatakot po kasi ako at baka akong ang sumunod (nanginginig boses). Kaya if
pwede po, ako nalang po pipili ng lugar kung saan tayo mag-uusap.
Detective (Moana): Masisigurado po ang safety nyo. And sure po.
Witness (Alyssa): Salamat po. Itetext ko nalang po yung lugar.
*ends call*

Time skip: day ng magkikita na sila. Inaantay ni Moana yung witness sa lugar na napag-usapan
nila. Maya-maya lang ay dumating na si witness.
Detective (Moana): Upo po muna kayo.
Witness (Alyssa): (umupo)
Detective (Moana): Ano pong nalalaman nyo?
Witness (Alyssa): Nung time po kasi nung incident, nakita ko pong naglalakad yung babae may
kausap sa phone. Tapos may nakasunod po na tao sa kanya. Nung una po hindi ko maaninag
kung lalaki po ba o babae yung sumusunod. Tapos pagkababa po ng phone, tinakpan po yung
bibig at ilong nung babae tapos bigla nalang po sya nawalan ng malay. Nanlaban pa po yung
babae nun! Vinideohan ko po yung nangyari, eto po (pinakita yung video).
Makikita na sa video yung nangyari. Sa part na nanlalaban si Alyssa ay natanggal yung cap ni
chef at lumaglag yung buhok nya. Habang pinapakita yung part na ‘yun ay nagsalita si witness.
Witness (Alyssa): Eto po sa part na ito, natanggal po yung cap niya at lumadlad yung buhok
nya.
Detective (Moana): Pwede ko po ba mahingi yung copy ng footage?
Witness (Alyssa): Sure po. Basta ipangako nyo po sa akin yung kaligtasan ko. At sana mahuli
nyo na rin po yung suspect.
Detective (Moana): Salamat po.
Witness: (ngumiti) Una na po ako. (tumayo na sya at umalis sa lugar)

At the headquarters
Tinitignan nila Moana yung board with their evidences

Pumunta si Moana sa presinto at dinalaw si pulis 2


Police 2 (Andrei): Wala nga akong sasabihin.
Detective (Moana): (nilabas ang phone at binuksan ang recording)
Police 2 (Andrei): (nagtataka) Ano ‘yan?
Detective (Moana): (plinay yung recording)
Police 2 (Andrei): (naguguluhan) A-ano ‘to…?
Detective (Moana): As you can see, nilaglag ka na ng kasabwat mo.
Police 2 (Andrei): Hindi totoo ‘yan! Hindi ako ang may gawa nyan! Taga-linis lang ako ng mga
kalat nyan!
Detective (Moana): Magsasalita ka na ba?
Police 2 (Andrei): (nagdadalawang-isip)
Paalis na sana si Moana nang magsalita si Andrei
Police 2 (Andrei): Inutusan nya ako. Linisin ko raw ang krimen na ginagawa nya kapalit ng pera.
Nung una ay nag-aalinlangan ako dahil pulis ako. Kaso nagkasakit ang nanay ko at hindi sapat
ang sahod ko para ipagamot ko sya kaya tinanggap ko.
Detective (Moana): Ano pa ang ginawa mo?
Police 2 (Andrei): Ganun ang usual. Uutusan nya ako at may babayaran naman ako para
magfabricate ng ebidensya.
Police 2 (Andrei): Pinagsisisihan ko na ang mga ginawa ko. Hindi ko dapat ginawa ‘yun.
Detective (Moana): (umalis)
Police 2 (Andrei): Maawa ka sakin, Moana.

Next scene:
Nag-iimpake na si Jackylou, handa nang tumakas.

Next scene: Nakakuha na ng warrant of arrest sila Moana para kay Jackylou at pumunta na sila
sa restaurant para hulihin na si Jackylou. Pumasok na sila sa restaurant.
Police 1 (Nissan): Walang gagalaw!
Detective (Moana): (pinakita ang arrest warrant kay waiter) Nandito kami para kay (name ni
chef).
Chef 2 (JM): (lumabas) Ano nangyayari dito?
Chef 2 (JM): (nakita sila Moana) Anong nangyayari dito, ma’am?
Detective (Moana): Inaaresto namin si (name ni chef). Ilabas nyo sya.
Chef 2 (JM): Matagal na pong hindi pumapasok si Chef Jackylou. Simula noong tinanong niyo
ako.
Detective (Moana): Halughugin niyo ang buong restaurant.
Hinalughog na ni Nissan and Jasmine yung restaurant,
Police 1 (Nissan): Negative, ma’am.
Police 3 (Jasmine): Wala sya, ma’am.
Detective (Moana): (tumingin kay JM) Kapag nakita nyo po sya, pakitawagan po kami. Salamat
po.
Umalis na sila sa restaurant.

Pumunta sa bahay ni Jackylou sila Moana at yung dalawang pulis.

Detective (Moana): Tina at Reyes, paki-stand by sa pinto sa likod, BILIS!


Police 1 & 3 (Nissan and Jasmine): Yes, ma’am!
Detective (Moana): (kumatok sa pinto) Tao po
Chef 1: (napatingin sa pinto at nagmadali magimpake)
Detective (Moana): (mas lalo pang kumatok) TAO PO! *(sinipa yung pinto at bumukas na ito)
Chef 1 (Jackylou): *(papalabas nang pinto ngunit na-corner na)
Police 1 (Nissan): HANDS UP!
Detective (Moana): (pinakita yung warrant of arrest kay Jackylou) I’m placing you under arrest
for murder, conspiracy to commit murder. Ikaw ay may karapatang kumuha ng abogado..
(inaudible)
Chef 1 (Jackylou): (arrested)

Next scene:
Reporter (Ryca): Nagbabagang balita! Isang chef arestado sa kasong pagpatay sa di umanong
lagpas pa sa dalawangput-limang biktima! Ang di umano’y restaurant nya ay ipagsasara na.
Alamin pa ang buong detalye sa mga susunod na balita. Ito po si Ryca Ramos, nagbabalita!

Next scene: interrogation


Detective (Moana): Anong ginagawa mo sa mga biktima?
Chef 1 (Jackylou): Niluluto.
Detective (Moana): Bakit? (naduduwal) Bakit mo naisipang gawin ‘yun?
Chef 1 (Jackylou): Dahil puro tipikal na karne lang ang kinakain ng tao. Hindi ba nakakasawa?
Parating ‘yun at ‘yun na lang ang karne (tumawa).
Pati ang dalawang pulis sa likod ni Moana ay naduduwal na.

Next scene: nagrarally yung mga tao sa labas ng korte at naghihingi ng hustisya.
Boy (Yuan): Hustisya para sa girlfriend ko!
Mama ni Alyssa: Hustisya para sa anak ko!
Random person: Hustisya para sa kaibigan ko!
Habang nagrarally ay itataas nila ang mga hawak nilang signboard at sisigaw ng hustisya.

Next scene: timeskips


Reporter (Ryca): Nagbabagang balita! Tuluyan nang nakulong ang suspect ng krimen sa
pagpatay sa dalawamput-limang katao. Ang naturang suspect ay isang chef sa kilalang
restaurant. (ipapakita ang mga nagrarally) Kasama ko rito ang mga mamamayang nanghihingi
ng hustisya. At ngayon ay nakamit na nila ito.
Reporter (Ryca): (ininterview ang isang nagrarally) Misis, pwede ho ba namin kayong
interviewin? Ano pong nararamdaman nyo’t ngayong nakamit nyo na ang hustisyang matagal
nyo nang inaasam.
Nanay ni Alyssa: Para pong nawalan ako ng tinik sa dibdib. Matagal naming inintay ang
hustisya at ngayon lang namin ito nakamtam.

Reporter (Ryca): Maraming salamat po. Ito si Ryca Ramos, nagbabalita!

A few months later..


Ipinapakita na ang maayos na pamumuhay ng mga pamilya ng mga biktima. Ipinapakita rin na
isinara na ang restaurant.

Sa headquarters, ipinapakita si Moana at si Nissan and Jasmine na may hinahawakang


panibagong kaso. Abala sila sa pag-asikaso ng mga files nang may maibalita sa tv.
*on screen*
Reporter (Ryca): Nagbabagang balita! May mga buto ng taong natagpuan sa baranggay
Malihim. Ayon sa mga Moana, kaparehong-kapareho ito ng natapos na kaso noong mga
nakaraang buwan. Ang susunod na balita.. (inaudible)
Nagkatinginan si Moana, Nissan, at Jasmine.

The End.

You might also like