You are on page 1of 17

“Mortem”

by 12 – 2HUMSS
Production Staffs
Director / Writers: Alliah Atienza, Gabriel Bolinao &
Loury Jane Deita
Writers: Medwin Hermogenes, Minnie Joy Romero &
Emery Trinidad
Characters:
Emery Trinidad as Alaric
Val Pormento as Manuel
Gabriel Bolinao as Gabriel
Christine Pechay as Isabela
Jerome Raquin as Mayor Natividad
Jordan Nieva as Body guard of Mayor Natividad
Junel Barot as Rapist
Dancers:
Grace Rosales
Jay Marie Cabungcag
Joe Francisco
Clarence Jeciel
Lester Anghad
Prologue
(tinititigan ni Gabriel ang lalaking nasa harapan niya na parang hindi siya
makapaniwala sa taong nakaupo sa harapan niya. Nanginginig niyang idinaan
ang mga daliri sa kaniyang bibig.)

GABRIEL: Eto na, eto na ang pinaka hinihintay kong pag kakataon ang mag
kaharap tayo, ngipin sa ngipin.

(katahimikan lamang ang maririnig niyang sagot.)

GABRIEL: Mag kakasunod-sunod ang mga krimen sa ibat ibang barangay, sa


barrio dos, sa barrio tres, at pare parehas ang paraan ng pag kakapatay at ang
nakalap naming mga bala ay halos parehas sa mga nakumpiska namin galling
sayo ayon sa mga imbestigasyon.

(katahimikan parin ang maririnig niyang sagot.)

GABRIEL: Ikaw ba ang pumatay? Gusto ko maka rinig ng kumpirmasyon.


Sumagot ka!
(magsasalita na sa wakas ang lalaking kausap.)

Manuel : Sa tingin mo ako talaga ang may pakana ng mga pag patay na iyan?
Sa maling direksiyon mo tinututok ang baril mo! Bakit hindi ka tuminggin sa
paligid mo? (ngingisi at tatawa ng malakas at titingin kay Alaric)
Act 1:
Scene 1: SA BAHAY NI ALARIC

MANUEL: (kumakatok sa pintuan) Pwede ba kitang makausap?

Taong naka Maskara: (sumigaw) Di ba pwedeng bukas na lang?

MANUEL: (nagpapaliwanag siya) Alam kong nagseselos ka at ganoon din ang


nararamdaman ko, kaya pagbuksan mo ako ng pinto at dadamayan kita.

Taong Naka maskara: (nagsasalita nang lasing) Saglit lang ihahanda ko lang
ang alak para sa iyo.

(ilalatag niya ang mesa at ilalagay niya ang alak para anyayahan siya na
uminom kasa ang isa pang kaibigan at kababata niya, si Manuel, at pagkabukas
niya pinapasok na niya si Manuel at pinaupo na niya sa tabi niya)

Taong naka masakara: ( kinampayan niya si Manuel at nagsasalita nang lasing)


Alam mo, makapangyarihan pala ang pag-ibig, at sobrang nagseselos ako sa
kanya. At sa sobrang selos ko, parang gusto ko siyang patayin sa harapan ng
maraming madla kaya lang di ko ginagawa. At saka ang masakit gusto ko
siyang mahalin ngunit naunahan ako at doon ako nagselos at nainggit sa
kanila.

MANUEL: Bakit suot mo nanaman ang maskara naiyan? Ano ang gagawin
mo?

Taong naka masakara (lalapit siya sa kanya) Walang ibang nakakaalam kung
hindi ikaw lang at ako, mangako ka sa akin.

MANUEL: (tatawa) Itaga mo sa bato, di ko sasabihin iyon, ano nga ba


gagawin mo?
Taong naka masakara (mag-uumpisang magdilim ang paningin) Papatayin ko
sila. Gagawa ako ng paraan para mawala sila sa buhay ko.

MANUEL: (nagtaka) Parang lasing ka na ata.

Taong naka masakara: (nagalit) Di ako lasing!

MANUEL: (sumigaw) Kung di ka lasing, bakit ka ganyan kung mag-isip?

Taong naka masakara: (haharapin niya si Manuel) Gusto ko lang iparanas sa


kanila kung paano ako magalit, at nararamdaman ko na gusto ko na silang
unahin. Wag mo akong tatraydurin kundi isasama kita sakanila, naiintindihan
mo? Kaya naman kung ako sa iyo, aalis na ako at huwag nang babalik pa.

(wala na siyang nagawa kundi ang umalis dahil nakaramdam sya ng takot sa
sinabi nito)

( pagkasara ng pinto ay nagwala siya nang labis, nagbasag siya ng bote,


sumigaw at nagmura nang malakas at pinagsusuntok niya ang mga salamin at
pinagkukuha ang litrato ng kanyang kinagagalitan.)

Taong naka masakara: (sinumpa sa sarili na may gigil) Oras na nakita ko


kayong masaya, talagang papatayin ko kayo at pipinuin ko ang katawan niyo.
Lalo kana (Turo sa litarto ) Di tayo magkaibigan at di mo ako magiging
kakampi.
Act 2: Pista

[sasayaw ng tinikling ang ibang tao kasama si Pechay habang nag-uusap si


Alaric at Gabriel sa mesa, at tatagal ang sayaw ng tatlong minuto,]

Alaric: Napakagaling pala niya sumayaw.


Gabriel: Oo nga ehh sa tuwing sumasayaw siya parang nawawala na ko sa
reyalidad
Alaric: Talagang baliw ka na
Gabriel: Grabe ka naman, di ba pwedeng namamangha sa taong iyong iniibig
Alaric: Totoo nga pa na ang pag-ibig ay makapangyarihan. O sya aalis pala
ako at makikipag-usap pa ako sa iba pa.
Gabriel: Sige, mag-ingat ka.

Act 3: Pag- Amin

Gabriel: Mahal, bibili ako sa labas ng makakain natin.


Isabela: Maaari ba akong sumama?
Gabriel: Masyadong malayo mula dito.
Isabela: Di naman kita mapipilit, dito lang ako pero bilisan mo naman.
Garielb: Oo pipilitin ko kaya maghintay ka lang dito, huwag kang aalis.

[Pagkaalis ni Gab, papasok si Emery para kausapin si Pechay]

Alaric: Alam mo, napakagaling mong sumayaw.


Isabela: Salamat naman, ngunit anong kailangan mo sa akin?
Alaric: Wala naman akong hiling kundi ang makausap ka.
Isabela Ano pa ba ginagawa natin? Nag-uusap na nga tayo.
Alaric: Oo nag-uusap tayo pero hindi sa ganitong sitwasyon.
Isabela: Ano ba ang gusto mong sabihin?
Alaric: Wala lang akong sasabihin kundi ang mahalin mo ako, piliin mo ako.
Isabela: Mahal naman kita, ngunit may napili na ako, at hindi ikaw.
Alaric: Sino? Gusto kong malaman, sino? ( Sabay hawak sa balikat ni Pechay
sabay sanggi niya)
Isabela: Basta hindi ikaw. (Sabay takbo palayo sa kanya)

[At doon mag-eemote si Emery at aalis din siya kalaunan]

Scene 4: Simbahan

[Nang tumatakbo siya papuntang simbahan di niya sinasadya na sinagi niya si


Kanor na nasa impluwensya ng alak at bigla siyang nagalit]

Kanor : Ano ba ang ginagawa mo.


Isabela: Pasensya na po di ko po sinasadya.
Kanor: Mukhang maganda ka ahh, sayawin mo naman ako. Sayaw na.
(Hahawakan ni Kanor ang kamay ni Pechay ngunit tatanggi siya)
Isabela: Ayoko nga!
Kanor: (Babasagin niya ang bote sabay tutok sa kanya) Ahh ganon ahh.
[Hihilain ni Kanor ang kamay ni Pechay; pagkahila niya, di niya sinasadyang
masaksak sa tiyan si Pechay at agad siyang namatay. At natatakot na siya
noong oras na iyon at natataranta na siya sa sobrang natauhan siya.]

[Pag talikod nya ay makikita nya ang isang nakamaskara at may hawak din
itong bote na basag at isasaksak sakanya. Umalis ang nakamaskara.]

(May babaeng nag lalakad mula sa pista, padaan sa simbahan ng Makita nya
ang dalawang bangkay na duguan.)

Babae: (Sisigaw) Tulong! May Patay!


(Mag dadatingan ang mga taong nakikiusisa sa pang yayari)
Gabriel: (Hinahanap si Isabela ) Nasaan naba ang aking irog?

(Mapapatingin Sya sa mga taong nag kakagulo sa harap ng simbahan, at


pupuntahan nya ito)

Gabriel: Anong nangyayari dito?( Hahawiin ang mga tao)


(Makikita niya ang kanyang irog ng duguan at wala ng malay)

Gabriel: I-isabela? Hindi, hindi maaari (pupulsuhan nya ang kaniyang irog at
malalaman nyang wala na itong buhay) Isabela!!! (tinatapik ang mukha ni
Isabela) Bakit? Bakit?.

(pupuntahan ang bangkay ng lalaki at makikita ang kutsilyo sa gitna ni Isabela


at nung lalaki)

--------End----------

Act 2:
Scene 1:

Alaric: Nakikiramay ako sayo Gabriel, ramdam ko ang iyog sakit. (tatapikin sa
balikat). Alam ko naman na bawal ka humawak ng kaso na iyon. Bilang
tulong, Ako nalang ang mag hahawak ng kaso ni Isabela para sayo.

Gabriel: Okay lang ba saiyo? Nais ko rin sana iyang hilingin sayo dahil gusto
ko sana na ang hahawak ng kaso ni Isabela ay ang taong malapit din sakin. At
kilala ko para matutukan talaga ang imbestigasyon nito.

Alaric: oo naman, kinagagalak ko na marinig iyan sapagkat nahihimigan kong


Malaki talaga ang tiwala mo sakin. Gagawin ko ang lahat upang mahuli ang
may gawa nito sa iyong kasintahan, sisisguraduhin kong pag babayaran nya
ang kanyang ginawa.
Scene 2: Mayor Natividad
Setting: Opisina ni Mayor

Mayor: (Sasaludo si Gabriel at Alaric)


Salamat at pinaunlakan nyo ang aking imbitasyon sainyo mga ginoo, Maari ba
kitang kausapin Gabriel ng pribado at tayo lang? (At tumingin si mayor kay
alaric)

Gabriel: Oo naman mayor.


Alaric: Maiwan ko na muna kayo.

(Sa loob ng opisina ni mayor, kinausap nya si Gabriel)


(ngunit hindi nila na pansin na may isang anino ang nakikinig sakanilang pag
uusap)

Mayor: Ako ay nalulugod na makausap at makilala ang imbestigador na


katulad mo. Ako ay namamangha saiyo dahil matapos ang nangyari sa iyong
kasintahan ay nagagawa mo pa rin ang iyong trabaho ng walang palya. Sana
lahat ng imbistigador at kapulisan ay katulad mong responsable sa gawain.

Gabriel : Nako po, maraming salamat po mayor, Ganoon po talaga,


kinakailangang maging propesyonal sa larangan ng aking trabaho. Ngunit
hindi ibig sabihin nun ay titigil nako sa pag hahanap sa walang hiyang
pumatay sa aking kasintahan.------

Mayor: Nakikiramay pala ako sa pagkamatay ng iyong kasintahan (habang


tinatapik ang balikat ni Gab)

Gabriel: Nagpapasalamat pala ako sa inyo, at saka aalis po muna ako sandali
para samahan siya.

Scene 3: Simbahan
(Gabi na at pasara na ang simbahan ng Naisipan ni mayor na dumaan dito
sandali upang mag dasal)
Body Guard 11: Mayor, Mahal na mahal ka po talaga ng ating mga taong
bayan ano? Kita mo, nakasanayan na ng mga tao sa simbahan na antayin ka
munang dumaan sa gabi upang makapag dasal bago nila isara ang simbahan.

Mayor: Oo nga e, kaya talagang nag papasalamat ako sa panginoong Diyos at


pinaalad akong mamahala sa bayan na ito. At teka nga muna, itago nyo na
muna ang inyong mga baril, nasa simbahan tayo respetuhin natin ang bahay ng
panginoon.

(tulad ng utos ng mayor, Itinago nila ang kanilang mga baril)

(Ngunit, Habang papasok ng simbahan, nagulatang ang mga Bodyguard ni


mayor ng bigla nalamang may sumalakay sakanilang lalaking nakamaskara,
nanlaban ang mga body guard ni mayor upang maprotektahan siya. Ngunit
kinagulat nila ang biglang pag labas nito ng baril at binaril ang mayor sa puso.)

Bodyguard 1: Mayor! (inilalayan nito si mayor Natividad na unti unti nang


nawwalan ng malay)

(habang ang isang body guard ay nabaril din ng taong naka maskara)

(Tumakbo paalis ang nakamaskara, balak pasana itong habulin ni body guard 1
ngunit nakatakbo na it0o ng mabilis)

(tumawag si body guard 1 ng tulong sa telepono)

Scene 4: Imbistegasyon

(Dumating ang mga kapulisan, kasama si Gabriel)

Gabriel: anong nang yare dito?


Body Guard: Inatake kami ng taong naka maskara! Bi-binaril nya si mayor at
ang kasamahan kong nanlaban sakanya, hindi ko sya nahabol sapagkat napaka
blis ng kanya mga galaw

Gabriel: taong naka maskara nanaman? Sino ba iyong hayop na iyon! Hindi na
matigil ang kanyang mga gawaing pang demonyo, Walang puso at walang awa
siyang pumapatay ng mga tao.

(Dumating si Alaric na halatang pagod at hinihingal pa)

Gabriel: Sann ka galing alaric? Bakit pagod na pagod ka?

Alaric: galing ako sa may kabilang kanto pinuntahan ko si manuel! Nabalitaan


ko ang nangyari dito kaya naman nag mamadali akong pumunta dito.

Gabriel: Tignan mo ang sinapit ni mayor Natividad, kailangan na talaga nating


mahuli ang demonyong pakalat kalat sa barrio na ito.

Act 3:
Scene 1: Lihim na Taguan

(Habol hiningang kumakatok ng napakalakas si manuel sa harap ng Lihim na


bahay ng taong nakamaskara)

Manuel: Buksan mo ang pinto! Papasukin mo ako!

Taong naka maskara: (Pinag buksan ng pinto) Ano ba iyon? Hating gabi at
nandito ka? Nambubulabog.(May hawak na alak)
Oh ito alak! Pangpa kalma.

Manuel; (Tinanggap ang baso ng alak, at ininom)


Ikaw nanaman ba ang may sala ng pag patay kay mayor? Pati ba naman si
mayor ay hindi mo pinalampas? Anong ginawa nya sayo para gawin mo iyon?

Taong naka maskara: Wala e, Masyado nyang pinag mayabang ang Hayop na
Gabriel na iyon, nararapat lang iyon sa kanya.

Manuel: Lahat nalang ba ng taong babangga sayo o may kinalaman kay gabriel
ay papatayin mo?
(Nang hihina at unti unti nang nawawala sa wisyo)

Taong naka maskara: Oo, kung kinakailangan. Katulad mo manuel, akala mo


ba ay hindi ko malalamang nag balita ka kay Gabriel na nandito ako?,
(Ngumisi) Masarap ba ang alak na hinanda ko para saiyo aking kaibigan?

Manuel: Alaric hindi mo kailangang maging ganito habang buhay.


(tuluyan ng mawawalan ng malay)

Alaric: (Tatanggalin ang maskara at isusuot kay manuel) Pasensya na aking


kaibigan ngunit, nangako ka saking kalian man ay hindi moa ko tatraydorin
ngunit ito ka, at tinarantado moa ko!.
(Umalis sa lihim na bahay)

Scene 2: Tawag ng lihim na tao

(Nag hahanda na ang grupo nila Gabriel upang pumunta sa isang lihim na
bahay, dahil may tumawag sakanyang isang Hindi kilalang tao at sinabing
nandoon daw sa lugar na iyon ang lalaking naka maskara)

Gabriel: Tayo na at puntahan natin iyong hayop na iyon ng mahuli at makita


natin kung sino ba talaga siya. Nasaan ng apala si alaric?

Pulis: sir ang sabi nya po saamin ay uuwi sya sandali.

Gabriel: (Natigilan sandali) ah ganoon ba? Sige paki padalhan nalamng siya ng
mensahe na sumunod sa lugar na ating pupuntahan.
(Pumunta sila sa lugar na sinabi ng taong tumawag kay Gabriel )

Scene 3: Akala

(Nasa tapat ng bahay sila Gabriel at nag hahanda sap ag pasok, ng biglang
dumating si Alaric)

Gabriel: (Pabulong) Saan ka galling?

Alaric: Galing lang ako sa kabilang kanto, tara na pasukin na natin iyan ng
mahuli ang demonyo.

Gabriel: (Nag taka) Ngunit—Oh sya, tara na at pasukin iyan.

(Sinipa ni Gabriel ang pinto ng bahay at pinasok nila ito, nag hahanap kung
ano maaring Makita)

(Si Gabriel ay nagulat ng Makita nyang may naka higa sa upuan na nasa salas
ng bahay, nilapitan nya ito)

Gabriel; Gumising ka!(Habang tinatapik ang paa nito)

(Nang hindi magising ay nilapitan nya ang muka nito, at nagulat ng Makita
ang lalaking naka maskara)

Gabriel: Kumpirmado! Nandito ang taong naka maskara! Sino ka bang hayop
ka (Nang gagalaiti sag alit)

(Unti unti nyang tinaggal ang maskara ng taong naka maskara, at ng tuluyan
nyang Makita ito ay labis nalamng ang kanyang gulat ng mapag tanto kung
sino ito.)

Gabriel: Ma-manuel? Hindi ko lubos akalaing ikaw ang makikita ko sa likod


ng maskara na iyan.

(Lumapit si alaric kay Gabriel)

Alaric: Gabriel, Isantabi mo muna ang iyong galit! Kung ako rin ay nagulat
dahil hindi ko akalaing magagawa ya ito, matalik ko siyang kaibigan kaya
naman hindi ko lubos isipin na magagawa niya ito, ngunit sa ngayon ay
kailangan na muna nating siyang dakpin at dalhin sa presinto, mukang labis
ang kalasingan nito.

(Dinala nila ito sa presinto at wala padding malay si manuel)

Scene 4: Interogation

(Bubuhusan nila ng tubig si manuel upang magising ito)

Gabriel: Sa wakas at gising kanang hayop ka!

(Nag pupumiglas ito at nag sisigaw)

Manuel: (Nagulat sa mga pang yayari) Pakawalan mo ako! Mali ka ng taong


tinatali rito!

Gabriel: Hindi padin ako makapaniwala na ikaw ang may gawa ng lahat
krimen dito sa bayan natin, ngunit ang katotohanan ay hindi mababago!
Umamin kana!

Manuel: Hindi nga ako!!!

(Pumasok si alaric sa loob ng interrogation room)

(tinititigan ni Gabriel ang lalaking nasa harapan niya na parang hindi siya
makapaniwala sa taong nakaupo sa harapan niya. Nanginginig niyang idinaan
ang mga daliri sa kaniyang bibig.)
GABRIEL: Eto na, eto na ang pinaka hinihintay kong pag kakataon ang mag
kaharap tayo, ngipin sa ngipin.

(katahimikan lamang ang maririnig niyang sagot.)

GABRIEL: Mag kakasunod-sunod ang mga krimen sa tapat ng simbahan, at


pare parehas ang paraan ng pag kakapatay at ang nakalap naming mga bala ay
halos parehas sa mga nakumpiska namin galing sayo ayon sa mimbestigasyon.

(katahimikan parin ang maririnig niyang sagot.)

GABRIEL: Ikaw ba ang pumatay? Gusto ko maka rinig ng kumpirmasyon.


Sumagot ka!
(magsasalita na sa wakas ang lalaking kausap.)

Manuel : Sa tingin mo ako talaga ang may pakana ng mga pag patay na iyan?
Sa maling direksiyon mo tinututok ang baril mo! Bakit hindi ka tuminggin sa
paligid mo? (ngingisi at tatawa ng malakas at titingin kay Alaric)

Gabriel: Anong ibig mong sabihin?

Manuel: Ako ang tumawag saiyo at sinabing nandoon ang taong naka maskara,
satingin mo kung ako yun ay isusuo ko sainyo ang aking sarili? Syempre
hindi!
Si alaric! Si alaric ang totoong taong naka maskara!

Alaric: (tumatawa) Tutal at nandito na din naman kayong dalawa, Bakit ko pa


papataggalin?
OO! Ako ang taong nakamaskara! At kasama kayo sa papatayin ko. (nilabas
nya ang kanyang baril at pinutok sa ulo ni Manuel kasunod nito ang ag baril
nya sa tiyan ni Gabriel)

Gabriel: (Nang hihina) pa-pano? Ba-bakit? Bakit mo to ginagawa?


Alaric: alam mo kung bakit? Dahil isa kang surot sa buhay ko! (at pinaputukan
pa ulit ito ng isa pang bala sa puso)

(pag tapos nito ay sinaktan ni alaric ang kanyang sarili at pinunasan ang baril
na hawak, nilagay ito sa kamay ni manuel bago sya lumabas ng interrogation
room)

Scene 5: Katapusan

(Pag labas ni alaric sa interrogation room)

Alaric: tulong! Tulungan nyo kami! Si Gabriel, ay may tama ng baril!

(aakayin sya ng mga pulis at agaran ding tumawag ng tulong ang mga ito para
sa ambulansya)

Pulis: Alaric, anong nang yare sa loob?

Alaric: Nanlaban kami ni Gabriel kay manuel dahil inagaw nya ang baril na
hawak ko, kaya naman napilitan kaming manlaban ni Gabriel ng simulan
nyang paputukan si Gabriel at natamaan ito sa tiyan, ako ang lumaban kay
manuel ngunit kami ay nag agawan ng baril at pinutok nya ang bala kay
Gabriel ng naagaw ko ang baril pinutok ko ito sakanya!.
Si Gabriel! Tulungan ninyo si Gabriel!

(agad na kumilos ang mga pulis para pumasok sa interrogation room)

Naiwan si Alaric , at tumawa ito ng malakas.

Alaric: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA, ikaw na ang susunod.

You might also like