You are on page 1of 3

Boy Negro : Ano ba, Tanda, di ka naba magpapatulog? Hating-gabi na y nagmamartsa ka pa ryan. Ano ba, Tanda, di ka ba titigil, HA?

Wala. Bwisit talaga, oo! Pag di lamok ang iistorbo sayo, mga buang naming gaya nito! Tata Selo : Lupa.. lupa.. inagaw nila ang aking lupa pinatay ko.. Pero pinatay ko ba? Oo napatay ko pero di ko sadya.. di ko alam.. initak ko ng initak binaston kasi ako.. binaston ng binaston napatay ko nga.. pero binaston kasi ako.. saka kinukuha kasi nila ag lupa ko, inagaw.. Akin ang lupang yon. Ba t nila kukunin? Kaya napatay ko Boy Negro : Sabi nila, dapat kong pagbayaran ang mga kasalanan ko.. Pero kasalanan ko ba yon? Kung di nila ako pinakialaman, di ko sila aanuhin.. Sila ang me kasalanan, di ako.. Pero ba t nila ako dinala rito? At bukas, e, iuupo na ako sa silya elektrika B-Bakit nila gagawin yon? Tata Selo : Bakit? Boy Negro : Ka-kasi kasi Tata Selo : Daig mo pang bata kung makahagikgik. Boy Negro : Kaw nga tong parang batang magtanong kanina. Biro mong tanong mo kung ba t ka iuupo sa silya elektrika.. Tata Selo : Bakit nga? Boy Negro : Ba syempre para litsunin ka! Ano bang kala mo? Tata Selo: Wala akong kasalanan.. Boy Negro : Owwwss? Tata Selo : Maniwala ka. Boy Negro : Ano yong binubulong-bulong mo kanina? Nakapatay ka kamo.. Tata Selo: Di ko kasalanan yun. Boy Negro : Lumang tugtugin nayan, Tanda. Tata Selo : Wala akong kasalanan. Tahinik akong nabubuhay sa aking bukid sa piling ng aking asawang si Sisa. Maligaya kaming nabubuhay ng aking asawa. Kakap raso lamang ang bukid na yon. Pero sa amin yaman na young lahat. Pero sang araw dumating ang katapatas ng isang mayaman. Sabi niya eh may papeles daw sila na ang amo niya ang nagmamay-ari ng lupa.

Sabi ko y alang kwenta sakin yan. Makailang araw, nagbalik muli ang kapatas. Pinagduldulan niya sakin ang mga papeles. Sinabi kong di ako aalis sa bukid. Tapos, binaston niya ako ng binasto. Nagdilim paningin ko t tinaga ko siya. Napatay ko siya.. Napatay ko.. pero di ko kasalanan.. Boy Negro : Tigilan mo nga yan! Para kang babae. Yokong me nakikitang umiiyak dito sa loob. Kelangan dito y matapang, yong matigas. Kanina ka pa riyan pasilip silip. Sino bang inaantay mo? Tata Selo : Si Vida Mga gantong oras daw siya sumisipot. Boy Negro : Niloloko mo naman ako eh. Panong makakadalaw sayo yon ng dalawang oras? Tata Selo : Alam kong di ka maniniwala pag sinabi ko sayo ang lahat. Naniniwala ka bas a multo? Boy Negro: Teka! Oo.. noong nasa 7C pa ako napaguusapan narin tong seldang to. Tata Selo : Karamihan daw kasi ng tumitigail sa seldang ito y nakaliligtas sa silya elektrika. Isa siyang multo. Nagpapakita raw siya roon sa mga di natutuloy mabitay. Boy Negro : At inaasahan mong makita siya? Nananaginip ka lang ng gising.. Ang silya elektrika y di kumikila kung me kasalanan ka o wala. Sino-sino naba ang nakakita ng sinasabi mong Vida? Tata Selo : Si Kapten Romy, yong badigard. Si Timmy, yong rumeyp don sa artista. Si Ping, yong high-jack sa eroplano. Boy Negro : Sino pa? Malalakas ang kapit ng mga yon eh. Kundi sa mga tao sa gobyerno sa mga mayayaman naman! Mukang pinipili ng Vidang yon ang pagpapakitaan ahh.. Bukas ng alas-tres ang upo mo sa silya diba? Mamamatay kana bukas, mabuti pang tanggapin mo na ang katotohanang iyon. Tata Selo : Di ako mamamatay! Kung buhay ka y makakaalala ka. Habang ako y humihinga, mamamalaging buhay ang sandaling ginugol ko sa aking bukid. Napakalaking bagay ba ang yong hihilingin sa kanila? Sa iyo, sa mga tao.. sa ating gobyerno.. Boy Negro: Sa akin e wala yon, Tanda. Sa panahon ngayon, ang palagayan eh aso sa aso. Tayong mga wala, kahit na rito sa loob talagang balewala.

Tata Selo : Nariyan naman ang mapagpalang Diyos Boy Negro: Walang Diyos ! At kung meron man siya y di mabuting Diyos. Dahil kung mabuti siya y wala siyang kakampihan, dapat e pantay- pantay ang tingin nya! Tata Selo : Susmarasantisima! Di ko akalaing may makakapagsalita pa ng ganyan. Di maaring maalis ang Diyos sa mundong ito! Boy Negro: Laos kana nga, Tanda. Kung meron mang Diyos matagal nas siyang patay. Maraming beses ko na siyang nakitang namatay sa bilibid na to! Di ka ililigtas ng Vida mo, o ng sinasabi mong Diyos sa silya elektrika bukas, Tanda. Tata Selo : Ililigtas nila ako! Bakit ka ba ganyan? Boy Negro : Laking iskwater ako, Tanda. Pag nasa iskwater ang tirahan mo y barung-barong. Mabaho, marumi sa iskwater , tanda. Sa lugar nayon ako pinanganak, Tanda, lumaki at nagkaisip. Lima kaming magkakapatid. Naglalabada ang nanay ko. Mahirap ang bhay sa iskwater kaya naman naisipan naming ni Ate Perla na magtinda ng sampaguita. Mabait si Ate Perla, maganda siya. Gaya ko, inis din siya sa buhay naming. Pangarap naming makalayo sa lugar nayon. Pero ang simpleng panagrap nayo y di nangyari, Tanda.. Di ko malilimutan ang pangyayaring iyon, sang magdamag na di umuwi ang ate, bumalik siya kinabukasan, madungis siya, parang luka-luka. Di ko na siya nakausap ng matino mula noon at sang umaga nakita nalang naming siyang palutang-lutang sa estero. Natuklasan ko sa buhay, na mas medali ag daan sa pagpapakasama. Pag gusto mong sumama, walang pipigil sayo. Pero kung gusto mong magpakabuti, maraming hahadlang sayo. Malapit sakin ang buhay kaya malupit din ako sa kanya. Tata Selo : Nakalimutan mong me Diyos na huhusga sating mga ginawa dito sa lupa. Boy Negro : Diyos! Alang Diyos! At kung meron man patay na! Maraming beses ko na siyang pinatay! Tata Selo : E kung walang diyos, ano ka sa kamatayan mo? Boy Negro: Magiging lupa rin ako. Mauuwi ako sa kawalan. Pag namatay tayo, tapos na satin ang lahat. Lahat- lahat!

Tata Selo : Sa tingin ko y wala ka na ngang kinatatakutan. Boy Negro : Ala, Tanda, at dahil dyan kaya ako malaya. Tata Selo : Basta t nananalig akong mabubuhay. Boy Negro : kaw tanda e iuupo na sa silya elektrika bukas. Mamamatay kana! Tata Selo : Di ako mamatay! Magpapakita sakin si Vida at ako y makakaligtas! Boy Negro : Mamamatay ka! Tata Selo : Mabubuhay! Mabubuhay! Mabubuhay! Gino : Ano ba yan? Nakakaistorbo na kayo! Boy Negro : Ano yan, Tanda? Akin na lang papakinabangan ko rin yan! Tata Selo : Mga gamit ko to sa pagsasaka. Ayoko! Akin ang baro t sapatos na ito. Boy Negro : Akin nalang sabi eh. Tutal bukas eh bibitayin kana.Aagawin ko yan sige.. Marc : Bwisit kayo pareho! Nasa kahimbingan ang tao y ginigising nyo. Bakit ano bang nangyari? Tata Selo : Sya po eh. Kinukuha nya gamit ko. Marc : Totoo bayun? Tinatanong kita! Bastos ka talaga ano? Sino kaba, Ha? Ahh. Parang kilala na kita.. Oo ikaw si Negro.. aber tignan natin kung hanggang saan ang tigas mo.. Boy Negro : Square nalang, o. Di ako natatakot sayo kahit malaki ka pa. Pag nagkaron ako ng pagkakataon kahit konti.. papatayin kita! Tata Selo : Siguro y ngaon madadala kana kahit konti. A-akin po yan sir.. Pero wala naman pong halaga yan ehh. Marc : Ano sakin kung iyo? Eh sa gusto kong kunin eh. Saka kursunado ko to eh. Tata Selo : Akin nalang po yan. Marc : Bakit, gusto mo rin ito, Tanda?

Boy Negro : Aa-ko ng bahala sa sarili ko. Kaya kong sarili ko. Hindo t kasi iyong gwardyang yon ehh, papatayin ko siya. Makikita nya! Tata Selo : Kinuha na nila ang lupa ko.. Kinuha pa nila ang baro t sapatos ko.

** IKALAWANG TAGPO Tata Selo : V-Vida? Darating si Vida Maguumaga na.. Di maaring di dumating si Vida Vida.. kaw naba yan? V-Vida.. Nasan ka? Vidaaaa. Parang awa mo na.. magpakita ka sakin!

You might also like