You are on page 1of 6

💭"LAMBANA"

(Kwento ng buhay ni Sixto)


Fantasy (chapter #02 Finale!)
💭Tatak: M A R I A S O L O

❌PLAGIARISM is a CRIME❌

•ANG PAG DAAN NG BAGYO•

"Sixto taoo poooo! Tumama ang numero mo 18x26 taob ang bangka ni kabo... Ang laki
kasi ng taya mo kainaman ka, salamat agad sa balato ha, ayan ang pera mo walang
labis walang kulang tumbok isang daan..." Saad ng mag ju-jueteng.

"Diyos ko anak otsenta mil yan ah, halos matulala ang inay ko.."

"Talaga tumama nga ako salamat po heto po tatlong libo balato ko ka Urong."

At tuwang tuwa ang mga kapatid ko at halos mapaluha pa ang mga ito maging inay ko.

"Ibibili ko kayo ng selpon ha, pero baka sa lunes na may darating na bagyo bukas."
Sambit ko sa mga kapatid ko.

Halos mag yakapin ako sa tuwa ng mga kapatid ko at iyak na iyak naman ang inay ko.
Naisip ko ang ligayang iyon sa mga kapatid at inay ko. Paano ako tatanggi kay
Liara.

"Ang saya-saya nila Sixto sabi ko naman sa'yo mabait ako. Uh, pano ako ay patungo
muna sa aming daigdig, naalis kami sa kagubatan pag may darating na sama ng
panahon. At malakas bukas ang bagyo mag iingat kayo ha, nilagyan ko ng pangontra sa
kidlat at ipo-ipo ang bahay ninyo. Ligtas kayo sa loob ng dalawang araw Sixto
paalam kaibigan ko.." Bulong ni Liara na lagi pala itong nasa tabi ko.

MULI hindi ako makasagot kahit pabulong mag aalala ang inay ko at may nakita siyang
kakaiba sa kilos ko. At ngayon wala na akong takas pa, sa kaibigan kung Lambana.

•SIGNAL NO 3•

Alas onse ng gabi...

"Sixto nakakatakot baka magiba ang bahay natin.. At bakit andito ang baka ni pareng
Rudy baka mamaya mamat*y yan sa lamig baka ang silong natin putik na.." Tanong ng
inay.

"Ah, hayaan n'yu na po pinaalagaan na yan sa akin. At ligtas sila sa silong


natin.."

HINDI kami nakatulog ng inay magdamag at may ilang kapitbahay kaming nakisilong na,
bandang alas sais ng umaga.Dahil wasak na ang kubo nila at ang balkonahe naming
kawayan nagkasya sila doon, at pinakain ko sila at kay sarap sa pakiramdam ng
nakakatulong.

"Sixto bakit ganun parang mahina ang hangin dito sa inyo. At ang kidlat malayo
samantalang sa amin kagabi halos nasa bubong na namin ang kidlat kakatakot." Puna
ng kapitbahay namin.

"May ganun talaga ka Lina may lugar na tamain talaga ng kidlat, maganda lang po
talaga ang tayo ng bahay namin.." Sagot ko naman.

Hindi ko lang masabi na dahil sa kaibigan kung Lambana. Sino ba namang tang* ang
maniniwala sa akin. Dumaan ang dalawang araw wala pa ring sikat ang araw. Nawala na
ang hangin agad ako nag libot sa paligid namin, at tumambad sa akin ang mga puno na
halos nahati ang kanilang mga katawan at sanga. At may mga nakaangat pa ang ugat,
talagang malakas ang bagyo pero hindi namin naramdaman.

"Kumusta Sixto masaya ako hindi kayo napa-hamak...

Isa na namang tutubi ang nalipad sa ulunan ko..At si Liara na ito at agad niya ako
kinumusta..

"L-liara nahihiya ako sa'yo ang dami mo nang naitulong sa akin.."

"Hindi ba sabi ko nga sa'yo mabait naman kami, may mga tao lang na abusado.
Kaibigan na kita ha, aalagaan ko kayo ng pamilya mo, sana huwag kang mag babago
kagaya ng iba."

•MULA NOON•

"Sixto ang baka mo manganganak na hahahaha dadami na sila.." Bulong ni Liara.

"Talaga Liara paano ang gagawin ko.."

"Ilagay mo sa silong ng bahay ninyo tapos ako na bahala.."

Naging matalik na kaming magkaibigan at iniiwasan ko na lang may makakita sa akin


na nag sasalita mag isa. Mahirap na baka isipin nila baliw na ako.

•DUMAAN ANG MGA TAON•

Napatapos ko ng kolehiyo ang tatlo kung kapatid at hindi na nag tataka ang inay
kung saan ako nakuha ng pera. Buwan-buwan tumatama ako sa jueteng tumbok isang
daang piso.

Mabait ang lambana sa akin at masaya na siya na maging kaibigan daw ako at masaya
din ako dahil malaking tulong sa pamilya ko ang lahat ng kanyang ginagawa para sa
akin.

Namuhunan na rin ako ng maisan sa inaalagaan kung lupain at pumayag ang may ari ng
lupa. Kaya takang taka ang dati kung mga kasama sa maisan. Nagtataka sila saan ako
kumuha ng puhunan at nagtataka sila bakit lagi ako natama sa jueteng.

"Kami na rin ang kunin mong gagawa sa maisan mo Sixto para naman maambunan mo kami
ng biyaya.." Saad ng mga kasamahan ko sa kabilang maisan.

LUMAGO ang puhunan ko, sa loob ng isang taon, at tuwing ikatlong buwan umaani kami
ng mais at doble ang kinikita ko. Maraming nag tataka sa tinatamasa kung swerte at
hindi maiiwasan na may mga taong naiinggit sa akin.

"Sixto pakinggan mo.." Bulong ni Liara.

"Mangmang yang si Sixto hindi naman yan nag aral, ang pera n'yan nasa bahay lang
nila. Pag nasa bukid si Sixto pasukin natin ang bahay yung matanda lang ang
natitira sa bahay pag napasok ang tatlong anak nun, at magaganda ang kapatid ni
sixto ha, batang bata..."

"Jakpot tayo pag nagkataon pre' pag nagkataon mapera na yang si Sixto. Sa isang
araw gawin natin ang ating plano."

USAPAN ng nasa tatlong tauhan ko sa maisan, pinakinig sa akin ni Liara ang kanilang
usapan habang nakatambay sa tindahan na hindi kalayuan sa bahay ko.

"Mga demony* matapos kung bigyan ng pabor na halos pinalayas na sila sa kabilang
maisan dahil sa pagnanakaw ng mga makinarya ng gilingan. Tapos sa akin tumakbo at
bukas palad ko silang tinulungan, yan pa pala ang igaganti nila.." Saad ko.

"Sixto huwag mong ilalagay ang batas sa mga kamay mo. Batas ng mga engkanto ang
iganti mo ako na ang bahala may gagawin ako ngayong gabi.." Ani Liara.

"Pero pwede ba akong sumama ha, Liara para naman maipamukha ko sa kanila ang
kanilang maling gawain.." Pakiusap ko sa Lambana.

"Sige Sixto magkita tayo sa ilog alas syete ng gabi, may gagawin ako.."

NAG PAALAM ako sa inay at sinabing may pupuntahan lang akong tao. At hindi na ito
kumibo sanay naman ang inay na nababa ako ng bahay ng ganung oras. Pinakinig sa
akin ni Liara ang nagaganap.

"Pre' babae uh, sundan natin ang bango naman.."

"Saan kaya ang punta n'yan gabi na ah, tara sundan natin.."

Pinasunod ni Liara ang nasa tatlong lalaki na tauhan ko sa maisan at lumakad sila
ng lumakad at nakaabot sila sa may ilog at nag laho sa kawalan si Liara.

Lumakad nang lumakad ang tatlong lalaki at pagod na pagod na ang mga ito. Habang
kami ni Liara nasa ibabaw ng mataas na bahagi ng ilog at tanaw ang tatlo na paikot
ikot lang sa mabatong bahagi ng patay na ilog.

"Pwede kang mag salita Sixto kausapin mo sila. Nasa ilalim na sila ng aking
mahika." Ani Liara.

"Asan na ang babae ng bango napaka-bango niya. Kailangan ko siyang maangkin..."

"Malayo na tayo ilog na ito ang dilim, mabuti na lang maliwanag ang buwan..Maabutan
lang kita babae ka ubos ang bango mo sa akin..Wahahahaha!"

"Tacio, Norbing, Dagul sayang ang buhay ninyo dahil sa ugali ninyong mala demony*
hindi na kayo makakalabas sa lugar na ito. Bakit kayo nagka ganyan may asawa at mga
anak na kayo.."

"Huh, boses ni Sixto yun ah.."

"Dahil sa inyong maling gawain pati ako na nakakatulong sa inyo gagawan n'yu ng
masama. Pati mga kapatid kung babae pinag nanasaan ninyo? May kabayaran ang lahat,
huwag kayong mag alala bibigyan ko ng tulong ang pamilya ninyo. Patawarin ninyo ako
pero kayo ng gumawa ng kapalaran ninyo."

"Tangn* ka Sixto mayabang ka, magpakita ka baka hindi ka makasuntok sa akin.."


Sigaw ni Dagul.

"Mangmang ka sinuwerte ka lang hay*p ka asan ka lumabas kaaaaaa... Babae mo siguro


yung sinundan namin. Lahat na lang kinuha mo na...Asan kaaaa! papatay*n kita
Sixto.." Wika ni Tacio.

Hinahanap nila ang pinang gagalingan ng boses ni Sixto pero batuhan at tubig ang
kanilang napupuntahan..

"Duwag ka pala Sixto bahag naman ang buntot mo..Labas magyabangan tayo at ilabas mo
ang mabangong babae. Paliligayahin namin yan.. Ahahahahaha.." Sigaw pa ng mga ito.

NAGALIT si Laira at isang nakakatakot na atungal ng isang halimaw ilog ang kanilang
narinig. At malakas na nag uumpugang bato ng kanilang kinagulat at hindi nila
malaman saan tutungo.

"Aaaaawoooo Haaaarrr"

Alulong at tahol ng mga asong gubat na halos mapaihi na sa takot ang tatlo. Tumakbo
sila ng tumakbo pero hindi sila naalis sa lugar.

"Masasama sila, Sixto ganyang ganyan ang kalalakihan noon, ang iba kung angkan
pinaibig nila at kinunan lang ng salapi at pinag tangkaan pa nila ng masama. Kaya
naman may mga kalalakihan noon na nawawala hindi naman kami masama Sixto kaya lang
may lahi kayo na ganyan ang ugali kagaya nila.." Ani Liara.

"Nauunawaan kita Liara bahala ka na sa tatlong yan, nasa yo' na ang pagpapasya."
Wika ko kay Liara.

Pagod na pagod na ang tatlo at para na silang mababaliw sa takot. Nag sisigaw sila
at tatakbo na hindi naman umaalis sa pwesto. Tinatawag nila ang pangalan ko pero
hindi ko sila mapapatawad, pinag tangkaan nila ang buhay ko at maging ang mga
kapatid kung babae.

"Patawarin ako ng Diyos Liara, bahala ka na, uuwi na ako at baka hinahanap na ako
ng inay..Kaibigan ko salamat ha, kung wala ka paano na kami.." Sambit ko.

MAGDAMAG na takbo, gapang ang ginawa ng tatlo pagod at gutom at pag iinom sila ng
tubig isinusuka ng mga ito dahil lasang lupa ang tubig. Hanggang manghina na ang
tatlo at halos wala na silang tinig. Nag hallucination na sila ang tingin nila sa
mga bato gumagalaw at may nakikita na silang kakaiba na mga uri ng halimaw.

HINDI inalis ni Laira ang kanyang mahika at sa pagod at uhaw nawalan na sila ng
buhay at ilang araw pa. Nakita ng mga taong barangay ang bangkay ng tatlo na
nakasiksik sa malalaking bato. At ang kinamat*y nila ay dehydration at walang
nakitang foul play ang mga pulis.

"Baka mga lasing at bangag"

"Naku, mayayabang ang mga yan at magnanakaw pa buti nga.."

"Laging mag kakasama ang mga yan sa gabi humahanap ng mananakaw buti naman at wala
na kaming katatakutan, Rest in peace sa inyo kayo din ang gumawa ng ikakamat*y
n'yu.

BULUNGAN ng mga Miron, at matapos mailibing ang tatlo natakot naman ang iba nilang
kasamahan, at binulungan ko sila habang nasa sementeryo kami.

"Romy nakita mo ang nangyari sa tatlo mag bago na kayo. Nakakatakot ang kanilang
kamatayan. Hindi ba't pinag paplanuhan ninyo akong nakawan." Saad ko.

"Ah, eh, Sixto hindi ko alam yan, sila lang ang nag paplano hindi ako sumasang-ayon
sa kanila.."

"Kami man Sixto wala kaming alam..

TUMALIKOD ako at hindi na nag salita pa, alam ko natakot na sila. Inabutan ko ng
tulong ang pamilya ng tatlo at magaan ang loob ko dahil ligtas na kami sa
kapahamakan. Alam kung kasalanan yun sa Diyos pero wala akong magagawa tao lang ako
at may ina at kapatid na kailangang pangalagaan.

•NAMAT*Y ANG INA KO•

Matapos makapag tapos ng pag aaral ang tatlo kung kapatid. Bumigay na ang katawang
lupa ng inay ko matanda na ito sa idad na otsenta. Kahit si Liara ay nag sabi na
matanda na inay ko at kahit gamot nila hindi na uubra.

Masaya siyang lumisan dahil naranasan naman niya ang maginhawang buhay. At ngayon
magsosolo na ako dahil may mga kasintahan na ang tatlo kung kapatid at may trabaho
na sa Maynila.

Isinasama nila ako pero hindi ko iiwan ang bukirin ko at ang aking kaibigang
Lambana. Kaya masaya na ako na dinadalaw nila ako buwan-buwan na may dalang
napakaraming pasalubong at magaganda na ang buhay nila. May magagarang sasakyan at
may magaganda ng bahay sa lungsod.

Nagagawa ko na ang lahat may kalayaan na ako, nakakapamasyal na kami ni Liara sa


bayan at kaya niyang maging pangkaraniwang tao. Tawanan at masaya kami sa buhay
namin, hanggang umibig na ako kay Liara.

PINAKILALA na ako sa kanyang angkan at magulang at narating ko na ang kanilang


daigdig. Nakakatawa di ba, at may tataas ang kilay sa inyo. Pero mahirap paniwalaan
lalo't wala kayo sa kalagayan ko. Maliit na uri ng elemento ang ating tingin sa
kanila, pero kasing laki sila ng tao sa kanilang daigdig.

Maraming bulaklak at prutas ang kanilang lugar at parang paraiso. Hindi sila
kumakain ng laman ng hayup o' isda man. Ganyan ang daigdig nila, may mga tanim
silang gulay at mga halamang gamot at hindi sila namamatay kung hindi sila kukunin
ng kanilang bathala.

LIBONG taon na ang idad ni Liara at hindi siya tumatanda, napakabait nila, at
nakilala ko ang ibang taong kagaya ko na nasa mundo na nila. Kaya naman nahulog na
ang loob ko at ganap na kaming mag asawa ni Liara. Sesenta anyos na ako at maidad
narin, kailangan ko si Liara sa buhay ko para alagaan ako.

Ang alam ng mga kabarangay ko taga ibang lugar si Liara. At hindi nila kami
pinakikialaman at nakakatulong pa nga kami sa mga kabarangay namin.

Maging mga kapatid ko ay lagay ang loob kay Liara at masaya sila para sa akin. Wala
na akong mahihiling pa sa buhay mapera na ako at napaganda ko na ang buhay ng mga
taong hirap sa buhay na kakilala ko at maging ang malalayong kamag anak ko.

"Mahal hindi ako mabubuntis sa mundo ninyo kailangang tayo ay nasa daigdig namin.
Handa akong maghintay mahal ko.." Ani Liara.

"Hayaan mo mahal ko dadating tayo d'yan ang mahalaga magkasama na tayo at hindi na
maghihiwalay pa." Wika ko.

"Mahal na mahal kita Sixto mahiwaga man ang mahalaga wala tayong sinasaktang tao.
At may takot tayo sa lumalang sa atin. Aalagaan kita mahal ko hanggang sa huling
sandali ng buhay mo." Lambing ni Liara.

•IDAD SETENTA•

"Mga kapatid ko mag paaalam na ang kuya ha, wika ko."

"A-ano kuya saan ka pupunta."


"K-kuya nag bibiro ka ba?"

At sinabi ko na ang lihim ko sa mga kapatid ko kaharap si Liara. At nag pakita ng


kakaibang bagay si Liara at halos matulala ang tatlo kung kapatid. Binigyan sila ng
tatlong kwintas na ginto.

"Ang kwintas na yan ay sapat para mailigtas kayo sa masasamang elemento. May taglay
yang mahika at swerte sa numero pwede kayong tumama sa lotto oh, kahit saang sugal
pero mawawala ang bisa pag ginamit ninyo sa masama ang pera. Mahal na mahal ko ang
kuya ninyo hindi siya mawawala sa lugar na ito dahil andito ang aming tahanan sa
barangay ninyo.." Ani Liara.

"K-kuya matagal na pala huhuhuhu salamat ate Liara kaya pala guminhawa ang buhay
namin.."

"Kuya paano mawawala ka na lang ba...Mag tataka ang ating mga kabarangay."

"Kaya nga tulungan ninyo ako, ang sabihin ninyo pag nawala ako lumipat lang kami ng
lugar ha, at tandaan ninyo mahal na mahal ko kayo. At kahit sa Maynila kaya ko
kayong maabot at pag kailangan ninyo ng tulong ko darating kami ni ate Liara n'yu
anumang oras ."

"Itago ninyo ang lihim hanggang sa huling buhay ninyo, para hindi lumayo ang mahika
ng swerte sa buhay n'yu. Hindi na kayo makakaranas ng kahirapan sampu ng kadugo ni
Sixto. Ang kwintas ipamana hanggang kaapo-apuhan at oras matapos ang sampung salin
magiging ordinaryong kwintas na lang yan, sana'y ako'y naunawaan mahirap man pero
hangad ko ang ingyong pang unawa kung talagang mahal n'yu ang kuya ninyo."
Paliwanag ni Liara.

NALILITO man alam kung naunawaan ng tatlo kung kapatid ang lahat, pinalaki kasi
sila ng inay na may takot sa Diyos at simpleng tao lamang. At mahal na mahal nila
ako at matatalino sila hindi kagaya ko na hindi nakapag aral. Yumakap sila sa akin
na may pakalito ramdam ko sa luha nila na hirapan nilang tanggapin ang lahat.

NANGYARI na nga ang nangyari ibinigay ng mga kapatid ko ang pangangalaga ng lupain
namin sa iba naming kamag anak at hindi na sila bumalik sa barangay namin upang
maiwasan ang tanong ng mga tao. Ang alam ng aming mga kamag anak at kabarangay
lumipat na kami ng bahay kasama ang asawa ko sa malayong lugar.

•HINDI NILA ALAM NASA BARANGAY NAMIN PA RIN AKO HINDI NA NGA LANG NILA AKO
NAKIKITA•

•MAY ANAK NA AKO DALAWANG LALAKI AT ISA SILANG LAMBANA•

•NANATILI KONG BUHAY AT HINDI KO ALAM KELAN AKO MAMATAY HINDI NA AKO TUMANDA
TUMIGIL ANG IDAD KO SA MUNDO NILA•

AKO si SIXTO at ito ang kwento ng buhay ko! Sa ayaw man at sa gusto ninyo
nangyayari sa iba't ibang panig ng mundo ang kagaya ng KARANASAN ko.

•PAALAM PO!

-WAKAS-
(Photo not mine...Cttro po!?)

You might also like