You are on page 1of 46

niyebe ng kilimanjaro

at iba pang kuwento


Mga Nilalaman

Mga Niyebe ng Kilimajaro 7

Mga Pusakal 35

Isang Napakaikling Kuwento 49

Sa Dakong Maliwanag, Dalisay 53

Ang Ilaw ng Sanlibutan 59

Mukhang Mapuputing Elepante ang mga Burol 69


Mga Niyebe ng Kilimanjaro

Ang Kilimanjiro ay bundok na nababalutan ng niyebe, na sinasabing pinakamatayog na bundok sa Africa sa sákat nitóng humigit-
kumulang 19, 710 talampakan. Tinaguriang Masai “Ngaje Ngai” o “Ang Tahanan ng Diyos” ang kanlurang ituktok nito. Sa kalapit
nito, matatagpuan ang tuyo’t eladong labí ng leopardo. Walang sinuman ang makapagpaliwanag kung ano ang hinahanap ng isang
malaki, mabangis, at kaanak ng pusa sa ganoong katarik na lugar.

“Nakakabilib. Hindi ga’nong makirot,” sabi ng lalaki. “Ganito ‘pag nagsisimula na.”

“Talaga?”

“Oo naman. Pagpasensiyahan mo na lang ang amoy. Nasusuka ka tuloy.”

“Tumigil ka. Pakiusap, tumigil ka.”

“Tingnan mo sila,” sabi ng lalaki. “Nagkakaganiyan ba ‘yang mga ‘yan dahil nakikita nila ako o naaamoy?”

Nása malawak na lilim ng punòng mimosa ang laláking nakaratay sa katre at hábang nakatanaw siya sa nakasisilaw na liwanag ng
kapatagan, nagnanasa sa kaniyang laman ang tatlong buwitre samantalang ang ibang kasamahang ibon ay pumapainlanlang at
gumuguhit ng mga anino sa himpapawid.

“Nand’yan na sila no’ng araw na nasira ‘yung trak,” sabi ng lalaki. “Ngayon lang sila bumabâ sa lupa. Pinagmasdan ko silang mabuti
sa kanilang paglipad dati kung sakali mang maisusulat ko sila sa kuwento. Nakakatawa nga, e.”

“’Wag mo nang subukin,” sabi ng babae.

niyebe ng kilimanjaro at iba pang kuwento

“Sinasabi ko lang,” sabi ng lalaki. “Mas madaling sabihin, e. Pero ayaw ko nang mag-aalala ka pa.”

“Hindi ko na iniisip ‘yun,” sabi ng babae. “Kaso, nababalisa ako kapag walang ginagawang kahit ano. Sa palagay ko, makakaya pa
natin ito hanggang sa dumating ang sundo nating eroplano.”
“O hanggang sa walang dumating na eroplano.”

“Sabihin mo sa akin kung ano ang káya kong gawin. Mayro’n naman siguro akong magagawa.”

“Puwede mong putulin ang hità ko para matigil na ito, kaso duda ako. O kayâ barilin mo ako. Asintado ka na ngayon. Tinuruan kitang
bumaril, ‘di ba?”

“’Wag ka ngang magsalita nang ganiyan. Ayaw mo bang basahan kita?”


“Ng ano?”

“Kahit ano sa librong hindi pa natin nababasa.”

“’Di ko kayang makinig,” sabi ng lalaki. “Pagsasalita ang pinakamadaling gawin. Nagtatalo tayo at iyon ang nakapagpapabilis ng
panahon.

“Hindi ako nakikipag-away. Simula’t sapol ayaw kong makipag-away. ‘Wag na táyong magtalo. Kahit gaano pa katindi ang kaba
natin. Siguro makakarating na sila ngayong araw dito gámit ang bagong trak. Siguro parating na ‘yung eroplano.”

“Ayaw kong kumibo,” sabi ng lalaki. “Wala nang kuwenta ang pagkilos ngayon kung hindi ito mas magiging madali para sa ’yo.”

“Duwag ka kamo.”
“Matitigok na nga, nilalait mo pa. Para saan ang sermon mo?” “Wala kang karapatang mamatay”

“’Wag ka ngang magpatawa. Oras ko na. Itanong mo sa kanilang mga hinayupak.” Tumingin ang lalaki sa dako ng mga dambuhala’t
salaulang buwitre hábang ang mga kalbo nilang ulo’y yukod sa kanilang pakpak. Lumapag ang isa pa’t kumaripas nang takbo sakâ
marahang naglakad-páto patúngo sa mga kasamahan nitó.

“Nagkalat sila sa bawat kampo. Hindi mo man lang napuna. Sa táong walang tákot, walang mataas na bakod.”

“Saan mo nabása ‘yan? Para kang tanga.” “Ibang tao na lang ang isipin mo.”

"Kainaman ka naman," sabi ng lalaki. "Nagawa ko na ‘yan." Natahimik siya sa kaniyang puwesto tanaw-tanaw ang singaw ng init ng
kapatagan pati ang gilid ng mga palumpong. May

nagpakitang ilang kamukha ng usa, makutitap ang mga mata, gayundin ang kawan ng zebra. Matino ang kanilang kampo sa ilalim ng
mga punò katapat ng gulod, na may malinis na tubig, at karatig nitó ang tuyong bukal na nililiparan ng mga ibong Ganga Namaqua
tuwing umaga.

“Ayaw mong basahan kita?” tanong ng babaeng nakaupo sa de-tiklop na silya sa tabi niya. “Sumisimoy na ang hangin.”

"Salamat na lang."

“Parating na siguro ang trak.”

“Wala akong pakialam.”

“Ibahin mo ‘ko.”

"Gusto mo ang mga bagay na ayaw ko.” “Hindi naman karamihan, Harry.” “E, ang pag-iinom?”

“Kung tutuusin, bawal sa ’yo ang alak. Iwasan daw ang alak. Hindi ka dapat tumagay.”

"Molo!" tinawag niya ang isa sa mga katulong.

“Po?"

"Dal’han mo ako ng whiskey-soda."

"Opo, Bwana."

“’Wag,” sabi ng babae. “Ito ang tinutukoy kong pagsuko. Sabi na ngang bawal sa ’yo, e. Alam kong bawal ito para sa ’yo.”
“Hindi,” sabi niya. “Mabuti ito para sa’kin.”

Ito ang hangganan ng lahat, sa isip-isip niya. Ngayon, wala na siyang pagkakataóng matapos ito. Nagwakas ito sa pamamagitan ng
bangayan tungkol sa pag-iinom. Noong kumalat ang impeksiyon sa kaniyang kanang hità, wala siyang naramdamang sakít
kaalinsabay ng naglahong tákot, sa halip ay higit na págod at gálit ang kaniyang nadarama sa hulíng yugtong ito. Para sa kasalukuyang
paparating, nais niya itong usisain.

Ilang taon din siyang napangibabawan ng isip at damdamin; ngunit wala na itong kahulugan. Nakapagtatakang nagagawa ito mismo
ng págod.

Kailanma’y hindi na niya kakathain ang mga bagay na kaniyang inipon para isulat hangga’t hindi niya alam kung paano magsatitik
nang matino. Kunsabagay, hindi na niya ipagkakamali pa’ng magsulat. Siguro’y wala ka nang pag-asang maisulat ang mga ito, kayâ’t
kinalimutan, ni hindi inumpisahan. Ngayon, walang-wala sa kanyang hinagap.

“Sana pala, hindi na lang tayo tumuloy,” sabi ng babae. Kanina’y kagat-labing nakatingin ang babae nang maagaw nitó ang tagayan.
“Malabòng mangyari ang ganito sa ’yo sa Paris. Bukambibig mo ang Paris. Dapat pala sa Paris na lang tayo o sa ibang lugar na lang.
Puwede ako kahit saan. Sinabi ko sa ’yong pupunta ako kahit saan mo gustuhin. Mangaso tayo sa Hungary at doo’y maging
komportable.”

“Puro ka pera.”
“Sobra ka naman,” sabi ng babae. “Ang sa ’kin ay sa ’yo rin naman, a. Iniwan ko’ng lahat para sumáma sa nais mong marating tapos
ginawa ko rin ang lahat ng gusto mo. Pero sana pala hindi na lang tayo pumunta dito.

“Ginusto mo ito.”

“Siyempre, no’ng ayos ka pa. Pero ngayon, ayoko na. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagkaganyan ‘yang hita mo. Ano
ba’ng kasalanan natin at nangyayari sa ’tin ang ganito?

“Sa palagay ko, nalimutan kong lagyan ng iodine noong magkamot ako. Pinabayaan ko dahil bihira akong maimpeksiyon. Pagkatapos,
lumalala nang gamitan ng mahinang pampaampat ng sugat, na ikinaubos ng panlaban sa pagkalat ng mikrobyo, kaya hindi madaluyan
ng dugo at ngayo’y nabubulok.” Tiningnan niya ang babae. “Ano pa?”

“Hindi ko sinasadya.”

“Kung umupa tayo ng maiging mekaniko kaysa sa tsuper nating Kikuyung hilaw, malamang nasuri ‘yung langis at naiwasang
masunog ‘yung bearing ng trak.”

“Hindi ko sinasadya.”

“Kung hindi mo iniwan ang mga kababayan mo, do’n sa lintik na Old Westbury Saratoga, ‘yung mga nasa Palm Beach, dadalhin nila
ako sa...”

“Minahal kita, ‘di ba? Kalabisan na nga, e. Mahal kita ngayon tapos lagi’t lagi pa kitang mamahalin. ‘Di mo ba ‘ko kayang suklian?”

“Hindi,” sabi ng lalaki. “Ewan. Wala sa’kin ‘yon.”

“Harry, ano’ng pinagsasasabi mo? Nawawala ka na sa sarili mo.”

“Hindi. Wala akong sariling iwawala.

“’Wag mong inumin ‘yan,” sabi ng babae. “Mahal, pakiusap, ‘wag mong inumin ‘yan. Gagawin natin ang lahat ng makakaya natin.”

“Mag-isa ka,” sabi ng lalaki. “Pagod na ‘ko.”

Sa isip niya ngayon, nakita niya ang istasyon ng tren sa Karagatch, tapos nakatayo siyang bitbit ang bag niya, tapos naroon ang
Simplon-Offent sa headlight nitong humiwa ng dilim, tapos umalis siya nang Thrace matapos ang seremonya. Isa iyon sa mga bagay
na tinandaan niya para isulat noong salu-salo para sa umagahan habang nakapamintanang pinagmamasdan ang mga niyebe sa
bulubundukin ng Bulgaffa, tapos nagtanong ang Kalihim ni Nansen sa isang matanda kung niyebe raw ba

iyon, tapos pagkatingin, umimik ang matanda ng, Hindi, hindi niyebe iyan. Masyadong maagap para sa niyebe, tapos inulit ng
Kalihim sa iba pang kababaihan, Hindi nga. Hindi ito niyebe, tapos inimik ng lahat, Napagkamalan nating niyebe.Ngunit puro niyebe
talaga, tapos sila’y pinapunta niya para sa malawakang migrasyon. Tapos, niyebe ang sinuong nila hanggang bawian sila ng buhay sa
panahon ng taglamig.

Inulan ng niyebe ang kapaskuhan noon sa Gauertal, panahon ito nang manirahan sila sa bahay ng atserong may malaking parisukat na
porselanang kalan na halos sakupin ang kalahati ng espasyo ng silid, tapos natulog silang puno ng dahon ang inilatag nilang mga
matres na puno ng mga dahon, nang makakita sila ng puganteng nakatapak sa niyebe habang nagdurugo ang mga paa. Hinahabol daw
siya ng kapulisan, tapos binigyan nila ito ng medyas na yari sa lana, tapos hinayaang umimik nang umimik ang mga armadong pulis
hanggang maglaho ang mga bakas sa daan.

Sa Schrunz, Araw ng pasko, hapdi sa mga mata ang dulot ng kintab ng niyebe nang tumingin ka mula sa Weinstube at makita mong
pauwi ang mga sumimba. Nilakad nila ang kaydulas-na-daang-kulay-ihi kahanay ng ilog sa tabi ng matatarik na pine hills, kaybigat ng
skis sa balikat, tapos tumakbo sila pababa sa naipong masa ng yelo ng bundok sa ibabaw ng Madlenerhaus, na para bang nagyeyelong
mamon ang niyebe at kaygaan tulad ng pulbos, tapos naalala niya ang kaunting ingay nang pagbulusok kapag tumitilapon kang parang
ibon.

May minsang isang linggong dinarahas ng tuyong niyebe ang Madlenerhaus sa panahon ng pagbabaraha sa giya ng umuusok na
gasera, tapos mas tumataas ang pusta habang natatalo si Herr Lent. Katapus-tapusan, maipatatalo niya ang lahat. Kung anu-ano, maski
ang pera sa Skischule pati kasama ang tubo at puhunan. Makikita niya ito sa matangos nitong ilong habang dumarampot ng baraha
hanggang sa pagpipina, “Sans Voir”. May sugal na noon pa. Sugal kapag walang niyebe, sugal kapag tambak ng niyebe.

Inisip niyang lahat ng oras niya’y nailaan sa sugal.


Kaso, ni katiting na linya ay wala siyang naisulat tungkol dito, kahit man lang tungkol sa malamig, maliwanag na Araw ng Pasko sa
kabundukang tumatambad sa kapatagang tinawid ni Barker sa ere para pasabugin ang tren ng mga Austrian officers sabay rat-rat ng
machine gun habang may pumupulas at tumatakas. Natandaan niya si Barker matapos nitong magsumbong hinggil dito. Bigla itong
napatda nang may magsabing “Mamamatay-tao kang hinayupak ka.”

Sila ‘yung Austrianong kinitil nila na nakasama nila sa paglalaro ng ski. Hindi pala sila ‘yon. Si Hans, nakasama niya buong taon, ay
nanggaling sa Kaiser Jagers na noong pareho silang mangaso doon sa taas ng lagarian ay naghuntahan sila tungkol sa labanan sa
Pasubio at bakbakan sa Perticara at Asalone, na hindi niya nagawang itala. Pati sa Monte Corona, pati sa Sette Communi, pati sa
Arsiero.

Ilang panahon ng taglamig nga ba ang inilagi niya sa Vorarlberg at sa Arlberg? Apat, tapos tanda pa niya ‘yung mamang may
ibinebentang tumanggong nang maglakad sila patungong Bludenz, para bumili noon ng mga regalo, tapos ‘yung malinamnam na lasa
katas ng seresa, ‘yung matuling pagbulusok ng pulbos na yelo sa batuhan, ‘yung pagkanta nang “Hi! Ho! sabi ni Roli! habang
dumadausdos sa laylayan ng matarik na bagsak, diretsong-diretso, saka tataluntunin ang kakahuyan sa tatlong liko patungong
irigasyon at sa mayelong daan sa likod ng taberna. Pagkalaspag ng kandado ng boots, tatadyakan ang skis, tapos isasandal na lang sa
dinding ng taberna, mulat ang gasera mula sa bintana, sa loob, masisinghot nila ang amoy ng alak, sabay laro ng kurdiyon.

“Saan tayo tumuloy sa Paris?” tanong niya sa babaeng nakaupo sa di-tiklop na silya sa kanyang tabi, ngayon, sa Africa.
“Sa Crillon. Tanda mo ‘yun.”

“Ba’t alam ko?”

“Madalas tayo do’n.”

“Hindi. Bihira.”

“Do’n at sa Pavillion Henri-Quatre sa St. Germain. Sabi mo gusto mo do’n.”

“Ang pag-ibig ay ipot,” sabi ni Harry. “At iipot ako sa ulo ng uwak.”

“Kung lalayo ka,” sabi ng babae, “Kinakailangan pa ba talagang wasakin ang lahat ng lilisanin mo? Ibig kong sabihin, dapat bang
agawin lahat? Kailangan pa bang patayin ang kabayo mo, at asawa mo, pati ba naman panapin sa puwit at baluti ay pagdidiskitahan
mong sunugin?

“Oo,” sabi niya. “Naging pananggalang ko ang pera mo. Ang espada ko’t baluti.”

“’Walang ganyanan.”

“Sige. Titigil na ‘ko. Ayokong masaktan ka.” “Medyo huli na ang lahat.”

“’Yun naman pala, e. Patitikimin kita. Mas nakakalibang ‘to. Ang kaisa-isang bagay na gustung-gusto kong gawin pero hindi ko
magawa ngayon.”

Hindi, hindi totoo ‘yan. Ginawa ko’ng lahat ang ginusto’t kinailangan mong gawin.

“Kainnaman ka naman, tantanan mo nga ako sa panunumbat mo, pwede ba?”

Tiningnan niya ang babae, umiiyak.

“Makinig ka,” sabi niya. “Sa tingin mo, nakakatuwang gawin ito? Hindi ko alam kung ba’t ko ito nagagawa. Ipinagpapalagay kong
ito’y pagpatay para mabuhay ang sarili mo. Matino ako no’ng magsimula tayong mag-usap. Hindi ko sinasadyang umpisahan ito,
tapos baliw akong walang kamalay-malay at nagiging malupit sa’yo. ‘Wag mong pansinin ang mga sinasabi ko, Mahal. Mahal kita,
gano’n lang ‘yon. Alam mong mahal kita. Wala akong ibang minahal nang ganito.”

Muli, hawak niya ang alas.

“Ang sweet mo.”

“Malansa ka,” sabi niya. “Matapobre. ‘Yan ang tula. Nag-uumapaw ang aking talinghaga. Lansa at tula. Bilasang tula.”

“Tama na. Harry, ba’t humahaba ang sungay mo?”


“Wala akong guston iwan,” sabi ng lalaki. “Ayokong may maiwanan.”

Gabi na nang magising siya. Lumubog na araw sa likod ng burol at kumalat ang anino sa kapatagan at nanginginain ang maliliit na
hayop malapit sa kampo; nagsisipagyukuang ulo’t nagkukumpasang buntot, pinagmasdan niya ang mga itong nagmula pa sa
palumpong. Wala nang mga buwitreng nakaabang sa may lupa. Humapon na ang mga ito sa puno. Dumami pa. Nakaupo sa katre ang
kanyang alalay.

“Nangaso si Memsahib,” sabi ng binatilyo. “Ano’ng gusto mo, Bwana?”

“Wala.”

Umalis ang babae para dumilihensiya ng karne sa malayo upang hindi nito maistorbo ang tanawing kinatutuwaang tingnan niya lalo
na kapag mismong barilan. Napakamaalalahaning asawa, sa isip-isip niya. Sa kung anong natuklasan, nabasa, o narinig nito.

Walang kasalanan ang babae kung naririto siya ngayong naghihingalo na. Paano nalalaman ng isang babae na walang katuturan ang
sinasabi mo; na ang mga ipinutak mo ay gawi lang para umalwan ang pakiramdam? Kung kailan kasinungalingan ang kanyang mga
sinabi saka nagiging matagumpay ito sa kababaihan kaysa magsabi siya ng katotohanan.

Hindi naman siya puro kabulaanan lang. Nabuhay na siya at ngayo’y hanggang dito na lang at pagkatapos ay magpapatuloy kasama
ng ibang tao nang may pera, kaugnay ng matitinong nilalang sa parehong pook, gayundin ang mga bagong salta.

15

Patuloy kang nag-isip, at naging kamangha-mangha ang lahat. Lukob ka ng kapuri-puring katwiran upang maging buong-buo ka sa
iyong katuturan, tulad ng ikinilos ng iba, saka mo pinanindigang wala ka nang pakialam sa dati mong kinagawian, ngayong hindi mo
na ito kailanman man maisasabuhay. Ngunit, sa iyong sarili, minsan mo nang nasambit na isusulat mo sila; silang nakaririwasa;
sadyang namumukod-tangi sapagkat espiya ka ng kanilang bayan; na iiwan mo sila, pagkatapos ay magtatala, at sa kauna-unahang
pagkakataon, talos ng mangangatha ang kanyang nilikha. Ngunit pasusubalian niya ang sumpang ito, sapagkat ang panahon ng
plumang dahop, ng pagpapahingalay, ng pagiging manlilikhang kinamumuhian niya, ay nakapagpatamlay sa kanyang kakayahan at
nakapagnginig sa kanyang kusang pagsusulat, na sa kahuli-hulihan ay mauuwi lamang sa pagsasawalang-bahala. Naging mas
maalwan ang buhay ng mga kakilala niya nang tumigil na siyang magsulat. Sa Africa niya naranasan ang pinakamasayang yugto ng
angat niyang buhay kaya nagbalik siya rito para magbagong-buhay. May ilang pagsubok sa kanilang paglalakbay. Walang paghihirap;
ngunit walang luho at naisip pa niyang mauuwi ulit siya sa ganoong ensayo. Na sa ilang paraan, mapipiga niya ang sebo sa kanyang
kaluluwa tulad ng isang mandirigmang tumungo sa kabundukan upang mag-ensayo’t magpakaabala para tigisin ang namuong langis
sa kanyang katawan.

Nagustuhan ito ng babae. Sabi ng babae, naibigin nito ito. Naibigan nito ang kahit anong kapana-panabik, ‘yung may iba’t ibang
eksena, kung saan may mga bagong mukha at maayos ang lahat, At nakaramdam siya ng ilusyon ng panunumbalik ng lakas para
umiral. Kung ganito matatapos, at alam naman niyang ganito nga, hindi siya dapat maging isang ahas na kakagat sa sarili niyang
laman dahil bali ang buto niya sa likod. Hindi ito kasalanan ng babae. Kung hindi man ang asawa niya ngayon, malamang ay ibang
babae. Kung nabuhay siya sa kasinungalingan, nararapat

niyang subuking mamatay sa kasinungalingan. Maynarinig siyang putok ng baril.

Mahusay bumaril ang babae, itong mabuti, itong maperang hitad, itong butihing katiwala at mangwawasak ng kanyang talento.
Sagimuymoy. Siya ang sumira sa sarili niyang talento. Bakit niya sisisihan ang babaeng kumupkop nang matino sa kanya? Sinira niya
ang talentong hindi niya ginamit, sa pamamagitan ng mga panlilinlang sa sarili at sa kanyang paniniwala’y dahil pag-iinom nang sobra
na nakapagpalabo ng kanyang pag-iisip, katamaran, kabagalan, kasupladuhan, kayabangan, prehuwisyo, by hook and by crook. Ano
na ito? Katalogo ng lumang mga libro? Ano nga ba ang kanyang talento? Talento nga ito pero sa halip na gamitin, ipinagpalit niya.
Hindi ito usapin ng kanyang nagawa, kundi ano pa ang kaya niyang patunayan. At pinili niyang mabuhay liban sa paggamit ng lapis at
papel. Totoong nakapagtataka, talaga bang kapag nagmamahal siya ng ibang babae, mas mapera kaysa sa sinundan? Ngunit kapag
hindi na niya mahal, kapag nagsisinungaling na lang siya, gaya sa babaeng kasama niya ngayon, na may maraming pera kaysa sa iba,
na nagtataglay ng lahat ng pera, na nagkaroon ng asawa at mga anak, na gumamit ng mga mangingibig ngunit hindi nasiyahan, na
siyang nagmamahal nang higit sa kanya bilang manunulat, bilang lalaki, bilang kasama, bilang maipagyayabang na pag-aari,
nakakapanibagong hindi niya ito minahal at nagsinungaling siya, na ginawa niya ito para sa pera ng babae kaysa naghandog ng pag-
ibig.

Dapat tayong matigil sa pinagkakabalahan natin, naisip niya. Nga lang, kung saan ka nabubuhay, naroon ang talento mo. Ibinenta niya
ang kanyang lakas, sa iba’t ibang anyo, ang buong buhay niya, na kapag nawala ang sarili mong pagkalinga ay mas matimbang ang
pagpapahalaga mo sa pera. Natuklasan niya ito ngunit hindi niya isusulat, kahit ngayon. Hindi, hindi ito isusulat, kahit pa dapat itong
maitala.

Biglang bumungad ang babae, palapit nang kampo. Suot niya’y jodphurs dala ang riple. Sa likuran niya, kinakaladkad ng dalawang
kasamahan niya ang hayop na mukhang usa. May hitsura ang babaeng ito, naisip ng lalaki, at may kurba ang katawan. Magaling ito sa
kama, hindi kagandahan, pero gusto niya ang mukha nito, palabasa pa, mahilig mangabayo at mangaso, at isa ring manginginom.
Maaga siyang nabyuda kaya’t ang oras nito’y laan para sa lumalaki nitong dalawang anak, na walang amor at nasusuklam pang naging
nanay siya ng mga ito, na mahilig sa kabayo, sa mga libro, sa mga bote. Mahilig siyang magbasa bago maghapunan at panay ang
tungga ng scotch at soda sa tuwing magbabasa. May tama na siya ng alak bago pa maghapunan, at matutulog na siyang lasing matapos
patumbahin ang isang bote ng wine habang kumakain.

Nagkaganyan ang babae bago pa siya magkaroon ng iba’t ibang karelasyon. Hindi na niya kinailangang magpakalango noong
magkaroon na siya ng mga mangingibig. Kaso, nabagot siya sa mga relasyong ito. Napakasal siya sa isang lalaking hindi niya
kailanman kinabagutan, ngunit tila lagi siyang naiinip sa mga taong nakapalibot sa kanya.

Namatay sa pagbagsak ng eroplano ang isang anak niya, at nang mangyari ang aksidente’y nawalan siya ng gana sa mga karelasyon
niya, at ang pagpapakalango’y hindi lunas kaya’t pinilit niyang magbagong-buhay. Bigla siyang nakaramdam nang kurot ng pag-iisa.
Ngunit kailangan niya ng taong rerespetuhin ang pagkatao niya.

Payak ang simula. Gusto ng babae ang isinulat niya, pati ang buhay na mayroon siya’y kinainggitan nito. Sa isip-isip ng babae’y
nagawa ng lalaki kung ano ang naisin nito. Ang mga hakbang para mapapunta sa babae ang lalaki at mapamahal ito dito’y bahagi ng
patuloy na pagsulong ng pagbibihis ng pagkatao ng babae at pagwawaksi ng dating pag-iral ng lalaki.

Ipinagpalit ng lalaki ang kanyang buhay para sa seguridad, pagiging maalwan, walang dapat itanggi, at para saan pa nga ba? Hindi
niya alam. Ibibili siya ng babae kung anuman ang kulang pa. Alam niya ito. Babaeng kaylakas ng dating. Magsisiping sila tulad ng
nangyari sa mga karelasyon ng lalaki; ganundin sa kaso ng babae, dahil ito’y mas mayaman, dahil ito’y kaiga-igaya, maunawain, at
walang sariling eksena. At ang buhay na muli niyang buuin ay magwawakas matapos ang dalawang linggo nang makaligtaan niyang
lagyan ng iodine ang sugat sa tuhod noong masalubsob siya sa pagpupumilit na malitratuhan ang kawan ng mga waterbucks,
nakatingala ang mga ulo nito, nagsasama-sama habang ang mga butas ng ilong nila’y umaapuhap ng hanin sa ere, lumalapad ang mga
tenga nito para pakinggan ang unang timbre para sumuong sa palumpong. Nagwawala ang mga ito bago niya makuhanan ng retrato.
Dumating na ang babae. Bumaling siya para makita niya.

“Hello,” sabi niya.

“Tinamaan ko ‘yung mukhang usa,” sabi ng babae. “Mainam ding kaldong may lahok na patatas at Klim. Kumusta ka?”
“Medyo, okay na.”

“Ang galing ‘no? Baka lang trip mo. Tulog ka pa no’ng umalis ako.”

“ Ang sarap ng tulog ko. Malayo ang narating mo?”

“Hindi naman. Do’n lang sa paanan ng burol. Nasapol ko ‘yung puntirya ko.”

“Alam mo, asintado ka talaga.”

“Ang sarap nga, e. Mahal ko na ang Africa. Totoo. Kung hindi ka nagkaganyan, mas masaya siguro. Iba kasi kapag kasama kang
mamaril. Mahal ko na ang bansang ito.”

“Mahal ko na rin.”

“Nakakabilib ang makita kang gumagaling, Mahal. Hindi ko kayang nagkakaganyan ka. ‘Wag mo na ‘kong pagsasalitaan nang
gano’n, ha? Promise?”

“Hindi,” sabi niya. “’Di ko maalala kung ano’ng sinabi ko.” “’Di mo ‘ko kailangang tibagin. ‘Di ba? May edad na ‘ko.

Ginagaya ko ang gusto mong gawin. Dal’wa o tatlong beses na ‘kong nawasak. Gusto mo bang magkapira-piraso ulit ako?

“Gusto kong paulit-ulit kang pasabugin sa kama,” sabi niya. “Sige. ‘Yan ang kapuri-puring digmaan. D’yan tayo dapat

mabuwal. Nandito na bukas ang eroplano.” “Pa’no mo nalaman?”


“Sigurado ako. Parating na ‘yon. Kumuha ‘yung dalawa ng mga panggatong at damo. Tiningnan ko ulit kanina. Malawak ‘yung
pwedeng paglapagan ng eroplano, isa pa, nakahanda na ang pampausok natin sa tigkabilang dulo.

“Sa tingin mo, darating ‘yun bukas?

“Syempre. Lampas na sa panahon ng kasunduan, e. Tapos, gagamutin sa bayan ‘yang hita mo, tsaka mo ako pasabugin. Walang
gulatan, ha.”

“Tagay tayo? Dilim na, e.”

“Pwede ka ba?”

“Isang tagay lang.”

“Sige, tig-isa tayo. Molo, letti dui whiskey-soda!” tawag niya. “Isuot mo na ‘yung mosquito boots mo,” pahayag niya. “Mamaya na
pagkaligo...”

Nag-inom sila habang dumidilim at nang gumabi na’t hirap nang bumaril, may dumating na hyena.

“Pauli-uli dito ‘yang mukhang asong ‘yan tuwing gabi,” sabi ng lalaki. “Kada-gabi sa loob ng dalawang linggo.”

“’Yan ‘yung umuungol sa gabi. ‘Di ko pinapansin. Nakakadiri na ngang tingnan sa laki ng mga ngipin nito, mas malaki pa ‘yung mga
binti niya sa likuran kaysa harapan.”

Magkakasama silang nagbabarik, walang sakit bukod sa ngalay ng pagkakaratay, nagsisiga ang mga alalay, lumulundag ang anino nito
sa kanilang mga tent, dama niya ang pakikisama ng pagsuko sa kanyang buhay. Napakabuti sa kanya ng babae. Mapanlamang

20

h e m i ng way

siya’t malupit kanina. Matino siyang babae, nakakabilib. At doon niya napagtantong, papanaw na siya.

Nagmamadali ang kanyang tagasundo; iba sa bilis ng agos ng tubig o hampas ng hangin; kundi isang pagsalakay, amoy ng kawalan at
ang kagimbal-gimbal pa’y katabi ito ng hyena.

“Pinal’tan ba ni Molo ang gasa?” “Kanina. Ginamitan ko ng boric.” “Ano’ng pakiramdam mo?” “’Di ako mapakali.”

“Liligo ako,” sabi ng babae. “Mabilis lang. Sabay tayong kakain, ta’s dito na tayo mamaya sa loob.”

Buti’t tumigil na tayo sa pagbababag, sabi niya sa sarili. Bihira siyang makipatalo sa babaeng ito, samantalang madalas siyang
makipag-away sa ibang babae, na sa kalaunan ng bangayan ay mauuwi sa hiwalayan ang lahat. Nagmahal at nag-asam siya nang todo,
kaya’t napagod siya nang husto.

Naalala niya ang pag-iisa noong nasa Constantinople siya matapos makipag-away sa Paris bago siya umalis. Nagkipagtalik siya nang
nakipagtalik, at nang mabigo siyang kitilin ang kalungkutan, na lalo pang lumalala, nagsulat siya, tungkol sa kanyang unang inibig,
ang umiwan sa kanya, ng liham kung paano siya nabigong kitilin ang kanyang pakiramdam... tanda pa niyang halos himatayin siya’t
magkasakit nang minsang mamamataan niya ang babae sa labas ng Regence at kung papaano niya sinundan ang babaeng kamukha
nito, sa kahabaang ng abenida, takot malamang hindi nga ito ang hangad niyang makita, takot maglaho ang pakiramdam. Na sa bawat
kasiping niya’y hinahanap pa rin niya ang babaeng iyon. Na ang ginawa sa kanya ng babaeng ito’y hindi malulunasan ng sarili niyang
magmamahal ng iba. Isinulat niya ang liham na ito sa Club, humihikbi, saka niya ito ipinadala sa New York, kasama ang pakiusap na
sulatin din siya pabalik sa opisina ng Paris. Mas ligtas. At noong gabing iyon, ang pagkabigo niyang makita ang babaeng

21

iyon ay malalang sakit na nanirahan sa kanyang katawan, naglibot siya sa Maxim’s, saka kumuha ng puta para isamang maghapunan.
Pagkatapos, isinayaw ang babaeng parehong may kaliwang paa, at iniwan niya rin matapos makatagpo ng putang Armenian, na
sumasagi ang bilbil sa kanyang tiyan na halos magmantika sa kiskisan. Inagaw niya ito mula sa isang British na may suksok na baril.
Niyaya siya nito sa labas at doo’y nagpanuntok. Nakatama siya nang dalawa, malakas, sa panga at nang hindi ito tumigil, tuluyan na
siyang napalaban. Nabira siya sa katawan, tapos sa gilid ng mata. Kinaliwa niya ang kalaban, kagyat siyang natumbahan nito saka
hinablot ang kanyang suot na nagkapunit-punit, tapos hinambalos niya nang dalawang beses sa likod ng tenga sabay hambalos gamit
ang kanang kamay habang itinutulak ito. Nang mapayuko ang kalaban, tumakbo na siya kasama ang babae nang marinig nilang
paparating na ang M.P. Sumakay sila ng taxi patungong Rimmily Hissa sa kahabaang ng Bosphorus, at sa paligid, sa likod, sa lamig
ng gabi at sa kama, sobra-sa-hinog ngunit kaylambot, kutis-rosas, katas-gatas, dagat-puson, susong-papaya, na kailangan pang
kalangan ng unan ang puwitan, at iniwan niya ito bago pa magising sa unang dantay ng silahis ng araw, tumungo siya sa Pera Palace
nang may black eye, bitbit ang kanyang coat na kulang ang manggas.

Noong gabing iyon, lumuwas siya patungong Anatolia, at kanyang naalala, nang tumagal ang biyahe, sakay buong maghapon patungo
sa kaparangan ng halamang poppies na itinatanim para gawing opyo at may kakaibang pakiramdam, sa wakas, at parang mali ang mga
distansya, sa kanilang pag-atake kasama ang mga bagong dating na mga opisyales ng Constantine, na hindi malaman kung alin ang
alin, at bumuga ang kanyon sa mga tropa at napaiyak na parang bata ang British observer.

Noon lang siya nakakita ng mga patay na tao, na may suot na mga ballet skirts at tikwasang mga sapatos na may mga pompon.
Nakapirmi’t hitsurang-pangkal ang mga Turks, tapos nakita
22
niya iyong mga nagpupulasang naka-skirt habang binabaril sila ng mga opisyales na tumatakbo rin, tapos siya at ang observer ay
nakitakbo na rin hanggang sa sumakit ang kanyang baga’t maglasang barya ang kanyang bunganga at saka sila tumigil sa may batuhan
at naroon ang mga pangkal na Turks. Pagkatapos, nasaksihan niya ang tanawing walang-wala sa kanyang hinagap at kalauna’y mas
malala pala ang tatambad sa kanya.At noong umuwi siya sa Paris, hindi siya makausap ni mabanggit magbanggit ng kahit ano tungkol
sa nangyari. At nang mapadaan siya sa cafe, may napansing siyang Amerikanong makata, na may patung-patong na saucer sa harap
nito, na mukhang ulagang umimik tungkol sa kilusang Dada, kahuntahan ang Roumaniang ang pangalan ay Tristan Tzara, na masakit
ang ulo at laging may salaming pang-isang mata, at muli siyang bumalik sa bahay-paupahan kasama ang kanyang bagong asawa, wala
na’ng giyera, wala na’ang kabaliwan, maligaya siya’t nakauwi, ipinadala ng opisina ang liham sa kanyang tirahan. Nakabandeha ang
dumating na liham bilang sagot ng kanyang sinulatan at nang makilala niya ang sulat-kamay sa liham ay bigla siyang nanlamig at
sinubok niyang ipailalim ito sa isa pang sobre. Sabi ng kanyang asawa, “Kanino galing ito?” at iyon ang katapusan ng simula.

Naalala niya ang masasayang sandali kasama sila, at hindi mawawala ang mga tampuhan. Pumipili sila ng magarang lugar para sa
pag-aaway. Bakit kung kailan siya masaya, tsaka sila nakikipag-away? Noong una, ayaw niyang isulat ang mga ganito para walang
masaktan dahil parang makasusulat pa siya ng iba bukod sa mga ito. Pero inakala niyang maisusulat na niya ito. Maraming sulatin.
Nasaksihan niya ang pagbabago ng mundo; bukod pa sa mga pangyayari; kahit nakita na niya ang karamihan nito pati ang mga tao;
napansin niya ang mabagal na pagbabago na halos matandaan niya ang pagkakaiba ng ugali ng tao sa iba’t ibang panahon. Naroon
siya at nakita niya ito at trabaho niya ang itala ito; nga lang, hindi na niya ito magagawa.
23

“Kumusta’ng pakiramdam mo?” sabi niya. Lumabas siya mula sa tent matapos maligo.

“Buhay pa.”

“Kakain ka na?” Napansin niya si Molo at ang kasamahan nitong kumakain, sa likuran ng babae, sa may lamesa.

“Magsusulat ako,” sabi niya.

“Kailangang mo ng protina mula sa kaldo para lumakas ka.” “Mamamatay na ako ngayong gabi,” sabi niya. “Hindi ko na
kailangang lumakas.”

“Pakiusap, ’wag ka ngang magdrama, Harry,” sabi nito. “’Di mo ba amoy? Nabubulok na ‘yung kalahati ng hita

ko. Para sa’n pa ‘yang kaldong ‘yan? Molo, dal’han mo ako ng whiskey-soda.”

“Magdala ka ng kaldo,” mahinahong sabi ng babae.

"Hala, sige."

Umuusok ang kaldo. Kinailangan niyang hawakan ito sa tasa hanggang lumamig para mahigop at naubos niya ito nang hindi
nagsusuka.

“Okay ka talaga,” sabi niya. “’Wag mo ‘kong pansinin.” Nakatambad sa kanya ang kilala’t kaibig-ibig na mukha ng

babaeng itong nagmula pa sa Spur and Town & Country, para sa inuman, para sa parausan, pero hindi kailanman naipakita ng Town
& Country ang masasaganang dibdib na iyon, ang kapaki-pakinabang na mga hita, at ang mapagkalingang mga kamay, at habang
nakatingin siya sa matamis na ngiti ng asawa niya, muli niyang naramdaman ang pagdating ng kamatayan.
Walang pagmamadali ang pagdating na iyon. Ito’y usok, parang dantay ng hanging nakapagpapasiklab sa kandila para umalab.

Ilalabas nila ‘yung net ko, tapos ipapalambitin sa puno, magsisiga mamaya. Dito lang ako sa labas. Tinatamad akong magkikilos.
Napakaaliwalas ng gabi. Hindi uulan.”

24

Pumanaw ka nang ganito, sa mga bulong ng hindi mo nakikita. Wala nang away pa. Ipapangako niya ito. Isa itong karanasang ayaw
niyang mapurnada. Pwede niyang gawin. Sinira mo ang lahat. Hindi naman niya siguro gagawin iyon.

“Ayaw mo nang dinidiktahan ka, tama ba?” “’Di ko natutuhan,” pahayag ng babae. “Okay lang ‘yan.”

Sabihin pa, wala nang panahon, kahit pa ipagsiksikan mo sa talata, kung magkakaigi man.

Yari sa kahoy at mortar ang bahay sa burol sa gawing itaas na bahagi ng lawa. May kampanilya sa baras sa may pinto kapag tatawag
ng mga tao kapag kakain na. May palayan sa likod ng bahay, at sa likod ng palayan ay may trosohan. Gumagapang sa kabahayan ang
mga lombardy poplars patungong daungan. Ang iba’y nagkalat sa daan. Pinamumutihan niya ng mga blackberries ang daan sa tabi ng
trosohan paakyat ng burol.

At masusunog ang bahay, kasama ang mga baril sa ibabaw ng dapugan, gayundin ang mga bariles, mga magasing tinunaw ng tingga,
mga patas ng dayami, mga bunton ng abo na ginagamit panlinis ng mga takore, tapos tatanungin mo ang iyong lolo kung maaari mong
paglaruan ang mga ito, at sasagot ito, bawal. Makikita mo roon ang dati niyang mga baril, na hindi na nasundan pa. Hindi na siya
nangaso kailanman. Muling naitayo ang bahay sa parehong lugar gamit ang mga troso, nahihibuan ng puti, at doon sa balkonahe’y
makikita mo ang mga poplars pati ang lawa sa malayo; pero wala na’ng mga baril. Wala nang kumikibo sa mga baril, na dating
nakasabit sa paa ng usa sa dinding, na nakatambak na lang sa bunton ng abo.

Pagkatapos ng giyera, inupahan namin ang isang palaisdaan sa Black forest na mararating mo maalin sa dalawang ruta. Maaaring
daaanan ang gawing ibaba ng lambak mula sa Tiberg paikot sa daan sa lilim ng mga puno sa white road, o kaya’y sa bandang itaas
paakyat ng burol sa may sakahan, na may naglalakihang

25

bahay ng Schwarzwald, hanggang matumbok ang palaisdaan.

Iyon ang naging simula ng aming pamimingwit.

Maaari rin namang umakyat sa tagiliran ng kakahuyan hanggang makarating sa tuktok ng burol paloob sa gubat ng mga pino, palabas
ng laylayan ng mababang bahagi ng kalupaan na may tubig at pababa ng kalupaang dire-diretso sa tulay. May mga punongkahoy na
matitigas sa kahabaan ng batis, hindi kalakihan, makipot pa nga, malinaw at maagos, na may sanaw na humahaplit sa mga ugat ng
mga punongkahoy. Kumikita ang negosyo ng may-ari ng hotel sa Triberg. Kaaya-aya sa pakiramdam na maging mabuti kaming
magkakaibigan. Noong sumunod taon, labis ang pagpapalabas ng salapi ng bansa, kaya’t nagkulang ang pera ng negosyante sa mataas
na presyo ng suplay para buksan ang hotel, kaya’t siya’y nagbigti na lang. Maaari kang magdikta, pero hindi mo magagawa ito sa
Place Contrescarpe kung saan tinitinaan ng tindera ang kanilang mga bulaklak sa kalye habang kumakalat ang tina sa sementong
pinasasadahan ng bus at ng mga lolo’t lolang lasing at may sapi; ng mga uhuging bata; ng amoy ng marurungis na pawis at karukhaan
at kalanguan sa Cafe’ des Amateurs at ng mga puta sa Bal Musette kung saan sila naglalagi. Naroon ang katiwala sa kanyang kwadro
para aliwin ang mga kawal ng Garde Republicaine, gamit ang balahibong ipinangingiliti sa tigkabilang tenga. Naroon ang masayang-
masayang locataire, asawa ng siklista, isang umaga sa may bulwagan, nang buksan niya ang L’Auto at nang magwagi ang asawa nito
sa ikatatlong pwesto ng kauna-unahan nitong karera sa Paris-Tours. Namula’t napatawa ang babae, saka biglang umiyak paakyat ng
hagdan, hawak-hawak ang dilaw na sporting paper. Bago sumakay ng eroplano si Harry, nakainuman muna niya sa bar ang may-ari ng
Bal Musette, asawa ng babae na gumising sa kanya para sa biyahe. Kilala ni Harry ang lahat ng kanyang kapitbahay sa kuwartel na
iyon dahil lahat sila’y mahihirap.

26

May dalawang uri ng mga nilalang sa Place: manginginom at manlalaro. Pinapatay ng mga manginginom ang kahirapan gamit ang
alak; nag-eehersisyo naman ang mahihilig sa paligsahan. Nagmula sila mga ninunong Communards at walang kahirap-hirap intindihin
ang kanilang politika, Kilala nila kung sino ang pumatay sa kanilang mga ama, kamag-anak, mga kapatid, at mga kaibigan nang
sumugod ang mga Versailles at sakupin ang baryo pagkatapos ng Commune at saka kikitil ng mahuhuling kalyuhing mga kamay, o
kung sinong may suot na sombrero, o may pagkakakilanlan na ito’y may hanapbuhay.
Sa karukhaang iyon sa may kuwartel sa kalye kahanay ng Boucherie Chevaline at kooperatiba ng alak, nagsulat siya ng dapat sulatin.
Wala nang iba pang bahagi ng Paris ang minahal niya nang ganoon: ang hanay ng mga puno, ang mga bahay na pinturang puti ang
ibabaw at kayumanggi ang ibaba, ang mahaba’t berdeng bus sa liwasan, ang moradong bulaklak sa kalye, ang pagguho ng Cardinal
Lemoine, at ang eskinita ng makipot at mapighating mundo ng Mouffetard. Naalala rin niya ang kalye patungong Pantheon at ang
ibang mga rutang binibisikleta niya, ito ang tanging aspaltadong kalye sa lahat ng kuwartel, walang lubak, kinatitirikan ng mga
makikipot na bahay kahanay ng isang matayog at murang hotel kung saan namatay si Paul Verlaine. Dadalawa ang silid ng bahay-
paupahan na pinagsusulatan niya’t tinirahan sa pinakamataas na palapag ng hotel na nagkakahalaga ng animnapong francs kada
buwan, tanaw ang bubungan at mga tsimineya at mga burol ng Paris.

Mula sa paupahan, makikita mo ang ulingan. Nagbenta rin siya ng matatabang na alak. Sa labas ng Boucherie Chevaline, na may
nakalagay na gintong ulo ng kabayo, makikita ang mga patay na hayop na nagkukulay pula’t dilaw sa labas ng bintana at ang luntiang
kooperatibang pinagbibilhan nila ng alak; mura pero masarap na alak. Ang dinding at bintana ng mga kapitbahay ay yari sa plaster.
Bubuksan ng kanyang mga kapitbahay ang

27

kanilang bintana para magtsismisan kapag may mga umuungol at umaatungal na lasing sa ordinaryong ivresse na aakalain mong wala
sa totoong buhay.

“Nasa’n ang pulis? Kapag hindi mo siya kailangan, saka naman may loko-lokong pupunta dito. Sumisiping ‘yon sa katiwala. Tawagin
mo ‘yung ahente.” Biglang titigil ang atungal pagbagsak ng tubig mula sa isang bintana. “Ano ‘yun? Tubig. Ah, mautak.” At agad
sasara ang bintana. Walong oras putak nang putak ang tomboy na si Marie sa kasasabing “Kapag ang lalaki’y nagtrabaho hanggang
alas sais, lasing lang siya pag-uwi sa bahay. Kapag naman hanggang alas singko, lasing na nga ubos pa ang pera araw-araw. Oras ng
babaeng may asawang nagtratrabaho ang nangungunsumi sa ganitong pag-ikli ng panahon.”

“Ikukuha pa ba kita ng sabaw?” tanong sa kanya ng babae. “Salamat na lang. Okay na ‘to.” “Konting subo pa.”

“Gusto ko ng whiskey-soda."

"It's not good for you."

“Hind mabuti ‘yon sa’yo.”

“Hindi. Masama ‘to para sa ‘kin. Si Cole Porter ang gumawa ng mga berso at ng tunog. Ito ang kaalamang ikaiinis mo sa akin.

“Alam mo namang gusto kitang painumin, e.” “Oo naman. Nga lang, masama ‘to para sa’kin.”

Nang makaalis ang babae, sabi niya sa sarili: Makukuha ko ang anumang gustuhin ko. Hindi lahat ng kailangan ko, kundi lahat ng
mayroon dito. Nakahiga siya at wala pa ang kamatayan. Baka naligaw sa ibang kalsada. Nagbisikleta at tahimik na gumala sa mga
bangketa.

“Hindi, hindi siya kailanman nagsulat tungkol sa Paris. Hindi ang Paris na kinalinga niya. Pero paano pa kaya ang ibang hindi niya
nagawang itala?

Paano pa kaya ang rantso, ang pinilakang halaman ng sagebrush, ang mabilis at malinaw na daloy ng patubig, at ang

28

luntiang alfalfa. Bakas ang daan paitaas ng mga burol at wari’y usa ang ilap ng mga baka. Kumakapal ang gabok kapag ang mga
bakang umuunga’t nag-iingay ay pinapunta mo sa talon. Sa likuran ng bulubundukin, kita mula sa lambak ang kintab ng taluktok
kapag maliwanag ang gabi. Tanda pa niya, ang pagbaba niya sa dilim sa trosohan habang nakakapit sa buntot ng kabayo, ang lahat ng
mga kuwentong nais niyang sulatin.

Lutang ang isip ng batang naiwan sa rantso noon, na napagbilinang huwag hahayaan ang sinumang kukuha ng dayami, kaya’t
napagbugbog siya ng gagong mama mula sa Forks nang pumigil ito sa pagkuha ng pagkain ng hayop. Nagmamatigas ang bata habang
nananakot ang mama na manggugulpi ulit ito. Pagkakuha ng baril mula sa kusina, binaril ng bata ang gago nang subukin nitong
tumungo sa kamalig. At nang magsibalikan na sila sa rantso, natagpuan ang bangkay ng mamang isang linggo nang balot ng yelo sa
kural, at ang ibang bahagi ng katawan nito’y napagngasab ng mga aso. Ibinilot sa kumot ang natirang parte ng katawan saka tinalian
ng lubid bago nila dalhin sa kabayanan gamit ang skis. Walang kamalay-malay ang bata na siya’y maaaresto. Na ginawa lang naman
daw niya ang tungkulin niya dahil kaibigan mo siya, na dapat pa ngang abutan ng pabuya. Tumulong daw ang bata para iligpit ang
mama para ipabatid sa lahat na ito’y masamang taong nagtangkang manguha ng pagkain ng hayop na hindi naman nito pag-aari, na
nagtataka pa kung bakit siya pinosasan ng pulis. Saka pa lang ito umiyak. Isa ito sa mga kuwentong itinabi niya sa alala para isulat.
Hindi bababa sa dalawampo ang magagandang kuwento mula sa pook na iyon at ni isa’y wala siyang naisulat. Bakit?
“Tanungin mo kung bakit,” sabi niya.

“Bakit ang ano?”

“Bakit wala.”

Simula noong nagsama sila, hindi na masyadong nag-iinom ang babae. Kapag nabuhay siya, hindi siya kailanman magsusulat

29
tungkol sa asawa niyang ito. O ng tungkol sa kanilang dalawa. Mapupurol ang mayayaman, mga manginginom, o kaya’y sugarol ng
backgammon. Mapupurol na’y mabababaw pa. Naalala niya ang kulitan nila ni Julian at kung paano niya isinulat ang kuwentong
sinimulan sa pahayag na “Malayo sa ating dalwa ang pagiging mayaman.” At sinabihan pa ng kung sino si Julian nang Oo, mas
mapera sila. Para kay Julian, walang nakakatawa doon. Akala niya’y parang may gayuma ang lahi nila, at nang malaman niyang hindi
pala, nanlumo siya tulad panghihina niya sa ibang bagay.

Nililibak niya ang mapanira. Hindi mo ito kailangang magustuhan dahil naunawaan mo ito. Kaya niyang manakit, sa isip-isip niya,
dahil walang makakaganti sa kanya kung wala siyang pakialam.

Hala, sige. Wala na siyang pakialam sa kamatayan. Kirot ang lagi niyang kinatatakutan. Gaya ng ibang lalaki, kaya niyang tumiis ng
kirot hanggang tumagal at pagurin siya nito, kaso nakakatakot ang sakit niyang nararamdaman at kapag nadarama niyang matitibag na
siya, biglang nawawala ang kirot.

Naalala niya ang bombing officer na si Williamson nang tamaan ito ng naihagis na stick bomb mula sa German Patrol habang
papalapit siya sa alambre nang gabing ito’y sumisigaw at nagmamakawaang patayin na. Matabang tao si Williamson, matapang at
mabuting opisyal, kahit pa ito’y adik manood ng mga kagila-gilalas na mga palabas. Pero nang gabing iyon, nabihag siyang nagliliyab
habang nagtatalsikan ang kanyang mga bituka sa alambre, kaya’t kinailangan nilang putulin ang mga bitukang ito nang siya’y makuha
nilang buhay. Barilin mo ako, Harry. Parang awa mo na, barilin mo ako. Minsan nagtalo sila. Wala raw ibinibigay na pagsubok ang
Diyos na hindi kayang lampasan, at sabi nga ng kung sino, sa tamang panahon ay otomatikong mawawala ang sakit na nararamdaman.
Pero lagi niyang maaalala si Williamson nang gabing iyon. Walang makatinag kay

30
Williamson hanggang ibigay niya lahat ng kanyang mga tabletas ng morphine na ginagamit niya para isalba ang sarili niya, kaso, hindi
agad tumalab ang mga ito.

Hanggang ngayon, kaya pa niya; na kung hindi ito lalala, walang dapat ipag-alala. Maliban na lang kung may susundo sa kanya.

Medyo napaisip siya sa gusto niyang samahan.

Naisip niya, Hindi, kapag gumawa ka ng bagay sa mahaba at naantalang panahon, hindi maaabutang naroon pa rin ang mga tao. Wala
na silang lahat. Tapos na ang saya, kasama mo ngayon ang iyong asawa.

Naiinip na akong mamatay, naisip niya. “Nakakainip,” pasigaw niyang sabi. “Mahal, ano kamo?” “Ang bagal-bagal mo.”

Tiningnan niya ito sa mukha sa pagitan niya at ng apoy. Nakasandal ang asawa niya sa upuan habang pinaliliwanag ng laglablab ng
apoy ang mga guhit sa mukha ng babae. Napansin niyang inaantok na ito. Narinig niyang nag-iingay na naman ang hyena di-kalayuan
sa apoy.

“Nagsusulat ako kanina,” sabi niya. “Kaso napagod ako.” “Sa palagay mo, makakatulog ka pa n’yan?” “Syempre. Mauna ka nang
pumasok sa loob.” “Gusto kitang tabihan dito, e.”

“May naramdaman ka bang kakaiba?” tinanong niya ang babae.

“Wala naman. Medyo inaantok.” “Ako, meron.”

Muli niyang naramdaman ang kamatayan.


“Pagiging mausisa ang kaisa-isang katangian na hindi nawawala sa’kin,” sabi niya sa babae.

“Wala namang nawala sa’yo. Ikaw ang nakilala kong buong-buo ang pagkakalalaki.”
31

“D’yos ko,” sabi niya. “Ang kitid ng utak ng babae. Ano ‘yun? Kutob mo?” Dahil, noong tagpong iyon, dumating ang kamatayan
saka idinantay ang ulo nito sa paanan ng kanyang higaan at pati hininga nito’y amoy niya.

“’Wag ka ngang magpapaniwala tungkol sa bungo at sa karit na ‘yan,” sabi ng asawa niya. “Pwede namang dalawang pulis na lang, o
kaya’y ibon. O kaya’y may ngusong gaya nu’ng sa hyena.” Mas lalo pa itong lumapit sa kanya, ngunit walang korte.
Basta ito’y sumasakop ng espasyo.

“Bugawin mo nga.”

Hindi ito nagpatinag, lalo pang lumapit.

“Ang baho ng hininga mo,” sabi niya. “Hayop ka.”

Mas dumikit pa ito sa kanya at ni katiting ay wala siyang maimik. Nang mapansin nitong wala siyang masabi, mas lumapit pa ito.
Sinubok niyang itaboy itong nang tahimik, ngunit dumagan ito sa kanyang dibdib. At nang yumukod ito, ni kumilos o umimik ay
hindi na niya magawa. Sabi ng asawa niya, “Tulog na ang Bwana. Pakibuhat na lang ng higaan papasok ng tent.”

Pipi na siya para ipakisuyo sa kanyang paalisin na ito dahil lalo itong yumukod, mas mabigat, at lalo siyang hindi makahinga.
Pagkatapos nilang iangat ang higaan, biglang natapos ang lahat at sa kanyang dibdib napunta ang lahat ng bigat.

Umaga na, tulad ng ibang madaling araw, nang marinig niya ang eroplano. Sumulpot itong maliit, tapos naging pabilog ang lipad,
saka nagtakbuhan ang mga alalay niya para magsindi gamit ang gaas at bunton ng damo. Nagkaroong ng dalawang malaking siga sa
tigkabilang bahagi ng lugar habang umiihip ang malamig na simoy ng hangin patungong kampo. Umikot nang dalawang beses ang
eroplano, mas mababa ngayon, saka umalimpayaw, tumantiya, at lumapag nang marahan sa lupa. Papalapit sa kanya ang isang
matandang Compton sa suot nitong slacks, naka-lanang jacket, at may kayumangging sombrero.
“Ano’ng problema dito, boss?” sabi ng Compton.

32

h e m i ng way

“Napuruhan ang hita ko,” sabi niya. “Nag-umagahan ka na?” “Salamat. Tsaa ang gusto ko. Alam mo na, Puss Moth. ‘Di ko
maisasama ang Memsahib mo. Isa lang ang kasya, e. Parating na
‘yung bapor.”

Kinausap muna ni Helen si Compton. Bumalik si Compton nang higit na masaya.

“Isasakay ka na namin,” sabi nito sa kanya. “Babalikan ko na lang si Mem. Mukhang kailangan ko munang magpa-gas sa Arusha.
Tara na.”

“Pa’no ‘yung tsaa?”

“Wala na ‘kong pakialam do’n.”

Binuhat ng mga alalay ang higaan saka dinala dumaan sa luntiang mga tolda, pababa nang batuhan, palabas ng kapatagan, lampas sa
mga sigang naglalagablab, ubos na ang mga damo, at wari’y pinapaypayan ng hangin ang apoy, hanggang sa eroplano. Nahirapan
silang ipasok siya, pero nang makasandal na siya sa upuan, at nakabalandra na nang tuwid ang kanyang hita sa kabilang banda ng
upuan ni Compton, binuhay na ni Compton ang motor, at saka sumakay. Kumaway siya kina Helen, at nang umalingawngaw na ang
pamilyar na garalgal, umugoy sila ni Comping umiiwas sa mga butas, tumatalbog, dire-diretso sa daan sa pagitan ng mga apoy, at sa
huling alog, kita niya lahat ng naiwan sa lupa, kumakaway, nagiging lapat ang palumpong, dumadaloy sa mga tuyong bukal ang tubig,
at naroroon ang tubig na hindi niya man lang nakilala. Maliliit na pabilog ang hugis ng mga zebra pati ang mga wildebeeste,
malalaking tuldok na parang umaakyat habang papunta sila sa kapatagan, kumakalat sa pagkumot ng anino sa kanila. Lumiit na sila
ngayon, walang patid ang pag-andar. At sa abot ng iyong tanaw, kulay-abong-dilawan ang kapatagan. Sa unahan, batid niya ang
sombrero at lana sa likod ni Compie. Sila’y nasa ibabaw na ng mga burol, at umaangat ang wildebeeste. Nasa ibabaw na sila ng
kabundukan na may matatarik na bangin ng luntiang kagubatan at kawayanan,
33
tapos kagubatan ulit, umanggulo sa tuktok at kawalan, paibaba sa mga burol at isa pang parang na mukhang mainit sa mata, moradong
kayumanggi. Palingun-lingon si Compie para makita kung paano siya nagpapandar. Sa dako pa roon, may iba pang madidilim na
bulubundukin.

Sa halip na tumungong Arusha, kumaliwa sila, napagtanto niyang may gasolina pa ang kanilang sasakyan, at nang dumungaw siya sa
ibaba, napansin niyang mamumula-mulang lila ang ulap, gumagalaw papaitaas, sa ere, tulad ng unang niyebe sa ii blizzard, mula sa
kung saan, at nalaman niya may paparating na mga lokus, mula sa timog. Pumailanlang sila pa-Silangan, tapos dumilim, nagka-bagyo,
napakakapal ng patak ng ulan na para bang buhos mula sa talon, nakalusot sila. Bumaling si Compie sa kanya, saka tumawa, at may
itinuro siyang dakila, dambuhala’t ‘di kapani-paniwalang puti sa araw - ang ituktok ng Kilimanjiro. Napagtanto niyang doon siya
tutungo.

Tumigil ang pag-ungol ng hyena sa dilim at nag-umpisa itong gumawa ng kakaibang tunog na parang iyak ng tao. Narinig ito ng
babae, at saka nanginig, ngunit hindi nagising. Sa panaginip ng babae, siya’y nasa bahay sa Long Island, at ang gabing iyon ay laan
para sa debut ng kanyang anak na babae. Samantala, napakasungit ng tatay niyang naroon. Biglang lumakas ang ingay ng hyena
kaya’t napabangon siya at sandali siyang nakaramdam ng pagkaligaw. Natakot siya. Kinapa niya ang flashlight at pinaiilaw ito sa
karatig niyang katre na tinulugan ni Harry. Nakalabas na ang hita ni Harry, nakalawit sa tagiliran ng higaan. Nakaladlad ang mga gasa
nito, ni hindi niya ito matingnan.
“Molo,” sigaw niya, “Molo! Molo!

Napasigaw siya, “Harry, Harry!” Umaalingawngaw ang tinig niya, “Harry! Pakiusap. Naku, Harry!” Wala siyang narinig na tugon, at
wala na rin siyang marinig na paghinga mula sa kanyang asawa.

34

Mga Pusakal

Pagkabukas ng pinto ng kantina ni Henry, pumasok ang dalawang mama. Umupo sila sa may counter.

“Ano’ng sa inyo?” tanong ni Geroge sa kanila.

“Malay ko,” sabi ng isa. “Al, ano’ng kakainin mo?”

“Ewan ko,” sabi ni Al. “Hindi ko alam kung ano’ng gusto

kong kainin.”

Dumidilim na sa labas. Lumiwanag ang ilaw-poste sa labas ng bintana. Tiningnan ng dalawang mama ang menu. Nakamasid si Niek
Adams mula sa kabilang dulo ng counter. Nakikipag-usap siya kay George nang sumulpot ang dalawa.

“Ang sa’kin ay roast pork tenderloin with apple sauce and mashed potato,” sabi ng isang mama.

“’Di pa pwede ‘yan.”

“E, ba’t nilagay mo pa dito sa pamimilian?” “Pang-hapunan‘yon,” paliwanag ni George. “Pwede ‘yon

mamayang alas sais.”

Sinulyapan ni George ang relo sa dingding ng counter. “Alas singko na.”

“Five twenty na sa relo,” sabi ng isa pang mama.

“Una ‘yan ng twenty minutes.”

“Wala akong pakialam sa relong ‘yan,” sabi ng isang mama. “Ano’ng makakain d’yan?”
35

niyebe ng kilimanjaro at iba pang kuwento

“Meron kaming iba’t ibang uri ng sandwich,” sabi ni George. “May ham and eggs, bacon and eggs, liver and bacon, o kaya’y steak.”

“Bigyan mo ‘ko ng chicken croquettes ta’s may green peas, cream sauce, at mashed potatoes.”

“Pang-hapunan ‘yon.”

“Lahat ng order namin pang-hapunan? Ganyan kayo mang-utak.”

“Pwede ko kayong ikuha ng ham and eggs, bacon and eggs, liver ——”

“Sa ham and eggs ako,” sabi ng mamang ang pangalan ay Al. Ito’y naka-derby hat at itim na overcoat na nakabutones hanggang
dibdib. Maliit na maputi ang kanyang mukha at may maninipis na labi. Bukod sa gloves, sutla ang suot niyang bandana.

“Bigyan mo ‘ko ng bacon and eggs,” sabi ng isa pang mama. Kasing-kawatan ito ni Al. Magkaiba ang kanilang mga hilatsa ng mukha,
pero parehas manamit na parang kambal. Parehong nakasuot ng masikip na overcoat. Paumang ang upo nila habang nakapatong ang
mga siko sa counter.

“May maiinom kayo d’yan?” tanong ni Al. “Silver beer, bevo, ginger ale,” tugon ni George. “Ibig kong sabihin kung meron kayong
maiinom?” “’Yon ngang mga nabanggit ko.” “Ang init ng bayang ito,” sabi ng isa pa.

“Ano’ng tawag nila?”

“Summit.”

“Pamilyar?” tanong ni Al sa kaibigan niya.

“Hindi, e.” tugon ng kaibigan.

“Ano’ng meron dito tuwing gabi?” tanong ni Al.

“Naghahapunan,” sagot ng kaibigan.

“Pumupunta silang lahat dito tuwing hapunan, tapos kakain nang sangkaterba.”

“Tama ka,” sabi ni George.

36

h e m i ng way

“Sa palagay mo, tama ‘yon?” tanong ni Al kay George.

“Oo naman.”

“Bibo ka, a,”

“Syempre,” sabi ni George.

“Aba’y hindi,” sabi ng mas maliit na mama. “Al, pogi ba s’ya?” “Tanga ‘yan,” sabi ni Al. Bumaling siya kay Nick. “Ano’ng
pangalan mo?”

"Adams."

“Isa pa ‘tong bibo,” sabi ni Al. “‘Di ba, Max?" “Bibo ang kalalakihan sa bayang ito,” sabi ni Max.
Naghain ng dalawang bandeha sa counter si George para sa order ng ham and eggs at bacon and eggs. Inilapag niya dalawang side-
dishes ng pritong patatas saka isinara ang pinto sa may kusina.

“Alin ang sa’yo?”tanong ni Al.

“Limot mo na?”

“Ham and eggs.”

"Bibo rin," sabi ni Max. Umisod siya paunahan at dinampot ang ham and eggs. Parehong naka-gloves ang dalawang mama.
Nakamasid si George habang kumakain ang mga ito.

“Ano’ng tinitingin-tingin mo d’yan? Tumingin si Max kay George.

“Wala.”

“Sari-sari ka. Nakatingin ka sa’kin, e.

“Biro n’ya ‘yon, Max.”

Tumawa si George.

“’Di mo kailangang tumawa,” sabi ni Max sa kanya. “Sinabi ko bang tumawa ka?”

"Sige," sabi ni George.

“Sa tingin n’ya, ayos lang ‘yon.” Bumaling si Max kay Al. “Sa kanya, wala ‘yon. Ayos ‘yan.”

“Mautak pala,” sabi ni Al. Nagpatuloy sa pagkain ang dalawang mama.

37

niyebe ng kilimanjaro at iba pang kuwento

“Ano’ng pangalan no’ng bibong nasa may counter?” tanong ni Al kay Max.

“Hoy, totoy bibo,” tawag ni Max kay Nick. “Samahan mo ‘yung boyfriend mong nasa kabila ng counter.”

“Para sa’n?” tanong ni Nick.

“Wala lang.”

“Sinabi nang puntahan mo na lang, totoy bibo,” giit ni Al.

Tumungo sa counter si Nick.

“Ano’ng meron?”

“Wala ka na ‘ron,” sabi ni Al. “

“Sino’ng nasa kusina?”

“’Yung negro.”

“Nigger bang?”

“’Yung kusinero."

“Papuntahin mo dito.”

“Ano’ng meron?”
“Papuntahin mo dito.”

“Alam mo ba kung nasa’n ka?”

“Aba’y alam namin kung nasa’n kami,” sabi ng mamang ang pangalan ay Max. “Mukha ba kaming tanga?”

“Parang tanga kayong magsalita,” sabi ni Al dito. “Ano ba’ng ipinaglalaban mo para sa totoy na ‘to? Makinig ka,” sabi niya “sabihin
mo do’n sa negro, lumabas siya dito.”

“Ano’ng gagawin mo sa kanya?”

“Wala. Gamitin mo nga ‘yang kokote mo, totoy bibo. Ano namang gagawin namin sa isang negro?”

Binuksan ni George ang guwang patungo sa kusina. “Sam,” tawag niya. “Sumaglit ka nga rito.”

Bumukas ang pinto ng kusina at lumabas ang negro. “Ano ‘yon?” tanong nito. Sinino siya ng dalawang mama sa counter.

“Sige, negro. Tayo ka lang d’yan,” sabi ni Al.

38

Tiningnan ng negrong si Sam ang dalawang mama sa may counter suot-suot ang apron. “Yes, sir,” sabi niya. Bumaba si Al mula sa
kanyang bangko.

“Babalik kaming tatlo nitong negro at totoy bibo sa kusina,” sabi nito. “Hayo, balik sa kusina, negro. Samahan mo siya totoy bibo.”
Sumunod ang maliit na mama kina Nick at sa kusinerong si Sam pabalik sa kusina. Sumarado ang pinto pagkapasok nila. Nakaupo
ang Max sa may counter katapatan ni George. Hindi siya tumingin kay George, pero tumingin sa salaming nasa bandang likuran ng
counter. Dating inuman ang Henry,na naging kainan.

“O, totoy bibo,” sabi ni Max, habang nakatingin sa saamin, “ba’t di ka umimik?”

“Para sa’n ba’ng lahat ng ito?”

“Hoy, Al,” tawag ni Max, “gusto raw malaman ni totoy bibo kung para sa’n daw ba ang lahat ng ito.”

“Ba’t di mo sabihin sa kanya?” tinig ni Al mula sa kusina. “Sa palagay mo, para sa’n ang mga ‘to?” “Malay ko.”

“Ano sa tingin mo?”

Nakatingin lang si Max sa salamin habang nagsasalita. “’Di ko sasabihin.”

“Hoy, Al, ‘di raw sasabihin ni totoy bibo kung ano’ng palagay n’ya sa lahat ng ito.”

“Dinig na dinig ko kayo,” sabi ni Al mula sa kusina. Binuksan niya ang pinto patungong kusina gamit ang bote ng catsup. “Makinig
ka, totoy bibo,” sabi nito kay George mula sa kusina. “Layo-layo ka pa papunta sa may poste. Umisod ka nang kaunti pakaliwa, Max.”
Para siyang photographer na nag-aayos ng group picture.

“Ano’ng dahilan mo para patayin si Ole Andreson? Ano ba’ng kasalanan niya sa’yo?”

39

“Kahit kailan wala siyang ginawa sa’min. Hinding-hindi niya kami nakita.”

“Isang beses lang pati niya kami makikita,” sabi ni Al mula sa kusina.

E, para sa’n nga’t papatayin mo s’ya?”

“Kausapin mo ‘ko, totoy bibo,” sabi ni Max. “Sa palagay mo, ano’ng mangyayari?” Walang tugon si George.
“Gan’to ‘yan,” sabi ni Max. “Papatay kami ng Swede. May kilala ka bang damulag na nagngangalang Ole Andreson?”
“Oo.”

“Naghahapunan s’ya rito?”

“Minsan, pumupunta s’ya rito.”

“Bandang alas sais, ano?”

“Kung pupunta s’ya.”

“Alam namin ‘yan totoy bibo,” sabib ni Max. Imik nang kahit ano. Nagsisine ka?”

“Paminsan-minsan.”

“Dalasan mo ang panonood ng mga palabas. Mainam sa katulad mong totoy bibo ang mga pelikula.”

“Papatay kami para sa isang kaibigan. Para pagbigyan ang kaibigan namin, totoy bibo.”

“Tumahimik ka nga,” sabi ni Al mula sa kusina. “Puro ka satsat.”

" Well, I got to keep bright boy amused. Don't I, bright boy?" “Syempre, kailangan kong libangin si totoy bibo. ‘Di, ba
totoy bibo?”

“Masyado kang madada,” sabi ni Al. “Nagkakamabutihan na sa isa’t isa ‘tong negro at totoy bibo. Parehas ko na silang iginapos na
parang magkasintahan sa loob ng kumbento.

“Galing ka na siguro sa kumbento.” “Wala kang piho.”

“Mula ka sa kumbentong pang-kosher. Do’n ka galing.” Muling tumingin si George sa orasan.

40

“Pag may pumasok, sabihin mo’y walang tagaluto, kapag nangulit, pauwiiin mo na lang at paglutuin nang sariling pagkain. Kuha mo,
totoy bibo?”

“Sige,” sabi ni George. “Pagkatapos, ano’ng gagawin mo sa amin?”

“Depende,” sabi ni Max. “’Yan ang isa sa mga bagay na ‘di mo alam ngayon.”

Tiningala ni George ang relo. Alas sais kinse. Bumukas ang gate ng garahe. May motoristang dumating.

“Uy, George,” sabi nito. “Ipagluto n’yo naman ako.” “Umalis si Sam, e.” sabi ni George. Babalik din pagkatapos
ng kalahating oras.”

“I'd better go up the street," the motorman said. George looked at the clock. It was twenty minutes past six.

“Ay, punta na lang ako sa kabila,” sabi ng motorista.Tumingin si George sa relo. Alas sais bente.

“Galing no’n, totoy bibo,” sabi ni Max. “Isa kang karaniwang maginoo.”

“Alam n’ya kasing pasasabugin ko ang ulo n’ya,” sabi ni Al mula sa kusina.

“Hindi,” sabi ni Max. “Hindi gano’n. Mabait si totoy bibo. Mabait siyang bata. Gusto ko s’ya.”

Nang mag-menos singko bago mag alas siyete, sabi ni George:

“Hindi na s’ya darating.”

May dalawang customer sa kantina kanina. Tumungo sa kusina si George at ipinagluto ang customer ng ham-and-egg sandwich.
Nakita nito si Al sa kusina, nakatikwas ang derby hat habang nakaupo sa bangkito katabi ng maliit na pinto hawak ang nguso ng
shotgun. Magkatalikuran si Nick at ang kusinero, nakabusal ang tuwalya sa kanilang mga bibig. Niluto ni George ang sandwich,
ibinalot ito sa oiled paper, inilagay sa bag, dinala, at binayaran ito ng lalaki at umalis.

41

“Kayang gawin lahat ni totoy bibo,” sabi ni Max. “Nakakapagluto siya at kung anu-ano pa. Maswerte ang babaen mapapangasawa
mo, totoy bibo.”

“Talaga?” sabi ni George. “Hindi na darating ang kaibigan mong si Ole Andreson.”

“Bibigyan namin siya nang sampong minuto,” sabi ni Max. Pinagmasdan ni Max ang salamin at ang relo. Tumapat na sa alas siyete
ang mga kamay ng orasan, tapos naging alas siyete
singko na.

“Sige na, Al,” sabi ni Max. “Tara na. ‘Di na darating ‘yon.” “Pagbigyan pa natin siya nang limang minuto,” sabi ni Al
mula sa kusina.

Pagkaraan ng limang minuto, may dumating na tao, tapos ipinaliwanag niyang may sakit ang tagaluto.

“D’yos ko, e ba’t hindi pa kayo kumuha ng bagong kusinero?” tanong ng lalaki. “Talaga bang nagnenegosyo kayo ng kainan?” Umalis
ang lalaki.

“Sige na, Max,” sabi ni Max.

“Pa’no na ‘tong dalawang totoy bibo atsaka ‘yong negro?”

“Ayos’yang mga ‘yan.”

“Talaga?”

“Syempre. Tapos na tayo dito.”

“Hindi ko ‘to gusto,” sabi ni Al. “Marumi. Ang daldal mo.” “Tarantado ka pala, e,” sabi ni Max. “Dapat patuloy mabilib,
‘di ba?”

“Ang daldal mo, gano’n din,” sabi ni Al. Lumabas siya ng kusina. Umumbok ang puluhan ng shotgun sa ilalim ng kanyang bewang na
masyadong sikip na overcoat. Naplantsa niya ang kanyang coat gamit ang naka-glove niyang mga kamay.

“Hanggang sa mulil, totoy bibo,”sabi niya kay George. “Napakasuwerte mo.”

42

h e m i ng way

“’Yan ang totoo,” sabi ni Max. “Kailangan mong makipagpabilisan, totoy bibo.” o Kailangan mong laruin ang mga lahi, totoy bibo.

Lumabas ng pinto ang dalawang mama. Pinagmasdan niya sa bintana ang dalawang tumawid sa arc-light saka tumawid ng kalye. Sa
suot nilang masisikip na overcoat at derby hat para silang tambalang magtatanghal nang may patawa, kantahan, at akrobatiko.
Pumasok sa pinto ng kusina at kinalagan sa pagkakatalo sina Nick at ang kusinero.

“Ayoko nang masundan ‘to,” sabi ni Sam, ang kusinero. “Ayoko nang masundan ‘to.”

Tumayo si Nick. Kailanma’y hindi pa nabubusalan ng tuwalya ang kanyang bibig.

“Imik,” sabi niya. “Ano ba naman ‘to?” Tinangka niyang palisin ito.

“Papatayin nila si Ole Andreson,” sabi ni George. “Babarilin nila kapag kumain si Ole dito.”
“Ole Andreson?”

“Oo.

Kinapa niya ang mga sulok ng kanyang bibig gamit ang kanyang mga hinlalaki.

“Wala na sila?” tanong niya.

“Oo,” sabi ni George. “Umalis na sila.”

“Hindi ko ‘to gusto,” sabi ng kusinero. “Wala akong anumang nagustuhan.”

“Makinig ka,” sabi ni George kay Nick. “Mas mabuti pa, puntahan mo si Ole Andreson.”

“Sige.”

“Mas mainam kung ‘wag ka nang makialam d’yan,” sabi ng kusinerong si Sam. “Tantanan mo ‘yan.”

“’Wag ka nang tumuloy kung ayaw mo,” sabi ni George. “Wala kang mapapala ‘pag nakialam ka d’yan,” sabi ng

kusinero. “Umiwas ka.”


43

“Pupuntahan ko s’ya, sabi ni Nick kay George. “Sa’n ba s’ya nakatira?”

Pumaling ang kusinero.

“Laging alam ng mga totoy kung ano’ng kailangan nilang gawin,” sabi nito.

“Kina Hirsch siya nakatira,” sabi ni George kay Nick. “Pupunta ako ro’n.”

Sa labas, lumalagos sa pungos na mga sanga ng puno ang arc-light. Umahon si Nick sa may kalye katabi ng ruta ng mga kotse saka
lumiko sa kasunod na arc-light pababa sa may gilid ng kalsada. Tatlong bahayan sa itaas ng kalye ang tinatawag na Hirsch’s rooming-
house. Humakbang pataas si Nick saka pinindot ang bell. May babaeng lumapit sa pinto.

“Nandito ba si Ole Andreson?”

“Gusto mo ba s’yang makita?”

“Oo, kung nandito s’ya.”

Sinundan ni Nick ang babae pataas ng hagdan hanggang sa dulo ng pasilyo. Kumatok sa pinto ang babae.

“Sino ‘yan?”

“May gustong makita ka, Ginoong Andreson,” sabi ng babae.

“Ako si Nick Adams.”

“Pasok.”

Binuksan ni Nick ang pinto at pumasok sa silid. Nakaratay si Ole Andresong balot na balot ng damit. Dati siyang heavyweight
prizefighter at ngayo’y matagal na ring nasa higaan. Dalawang unan ang nasa ilalim ng kanyang ulo. Hindi siya tumingin kay Nick.

“Ano ‘yon?” tanong ni Ole.

“Nasa Henry ako,” sabi ni Nick, “tapos may dalawang mamang dumating at iginapos ako at ang kusinero, papatayin ka raw nila.

44
Mukha siyang tanga nang banggitin ito. Walang tugon mula kay Ole Andreson.
“Dinala kami sa kusina,” nagpatuloy si Nick sa pagsasalita.

“Babarilin ka nila kapag kumain ka ro’n.

Tumingin sa dingding si Ole Andreson at hindi umimik. “Naisip ni George na papuntahin ako rito para sabihin ang

ungkol do’n.”

“Wala akong magagawa sa bagay na ‘yon,” sabi Ole Andreson.

“Sasabihin ko sa’yo kung ano’ng hitsura nila.”

“Ayokong malaman kung ano’ng hitsura nila,” sabi ni Ole

Andreson. Tumingin ito sa dingding.

“Salamat sa pagpunta para sabihin ang tungkol sa bagay na ‘yon.”

“Ayos lang ‘yon.”

Tiningnan ni Nick ang malaking mamang nakahiga. “Gusto mo bang itawag kita ng pulis?”

“’Wag,” sabi ni Ole Andreson. “Walang ‘yang magandang maidudulot.”

“Wala ba akong magagawa?” “Wala. Walang kailangang gawin.” “Baka naman panloloko lang ‘yon.” “Hindi. Hindi ‘yon panloloko.”
Pumaling sa dingding si Ole Andreson.

“Ang kaisa-isang bagay ay,” sabi niya, umiimik sa harap ng dingding, “’di ko maisip kung lalabas ako. Nandito lang ako buong araw.”

“Hindi ka ba makaalis ng bayan?”

“Hindi,” sabi ni Ole Andreson. “Tapos na ako sa lahat ng pagtakas-takas na ‘yan.”

Tumingin siya sa dingding.

“Wala nang kailangang gawin ngayon.” “Hindi mo na ba kayang gawan ng paraan?”

45

“Hindi. Nagkamali ako.” Umimik siya sa parehong mababa sa normal na tono ng boses. “Wala nang kailangang gawin. Kaunting
panahon pa, mabubuo ko rin ang isip ko para lumabas.” “Mas maigi pang umuwi na ako at puntahan si George,” sabi
ni Nick.

“Hanggang sa muli,” sabi ni Ole Andreson. Hindi siya tumingin kay Nick. “Salamat sa pagbisita.”

Lumabas si Nick. Habang isinasara niya ang pinto, nakita niyang nakahiga si Ole Andreson sa balot na balot nitong damit, nakaharap
sa dingding.

“Nasa kwarto lang siya buong araw,” sabi ng landlady sa ibaba ng hagdan. “Masama yata ang pakiramdam niya. Sabi ko sa kanya:
‘Ginoong Andreson, kailangang mong lumabas at maglakad-lakad sa magandang araw na ito ng taglagas, pero parag hindi niya
nagustuhan.”

“Ayaw n’yang lumabas.”

“Nahahabag ako’t masama ang pakiramdam n’ya,” sabi ng babae. “Napakabuti niyang tao. Alam mo, nagboboksing s’ya dati.”

“Alam ko.”

“Hindi mo nga mahahalata kung hindi pa dahil sa kanyang mukha,” sabi ng babae. Nakatayo sila malapit sa pinto habang nag-uusap.
“Napakahinahon niya.”
“Sige, magandang gabi, Ginang Hirsch,” sabi ni Nick. “Hindi ako si Ginang Hirsch,” sabi ng babae. “S’ya ang

nagmamay-ari ng lugar. Ako lang ang namamahala para sa kanya. Ako si Ginang Bell.”

“Ay, sige, magandang gabi, Ginang Bell,” sabi ni Nick.

“Magandang gabi,” sabi ng babae.

Binagtas ni Nick ang madilim na kalye patungong kanto sa ilali ng arc-light, dire-diretso sa kahabaan ng ruta ng mga kotse hanggang
sa Henry’s eatinghouse. Nasa labas si George, sa likod ng counter.

46

“Nakita mo si Ole?”

“Oo,” sabi ni Nick. “Nasa kanyang kuwarto lang siya at ayaw niyang lumabas.”

Binuksan ng kusinero ang pinto mula sa kusina nang marinig ang boses ni Nick.

“Ayoko pating pakinggan,” sabi nito, saka isinara ang pinto. “Sinabi mo sa kanya ‘yong nangyari kanina?” tanong ni
George.

“Syempre. Sinabi ko sa kanya kaso alam na n’ya pala ‘yung tungkol do’n.”

“Anong plano n’ya?”

“Wala.”

“Papatayin s’ya ng mga mamang ‘yon.” “Siguro nga.”

“Baka napadamay s’ya sa gulo sa Chicago.”

“Baka,” sabi ni Nick.

“Mahirap ‘yon.”

“Magulo ‘yon,” sabi ni Nick.

Hindi sila nag-imikan. Yumukod si George para kumuha ng tuwalya at pinunasan ang counter.

“Nagtataka ako kung anong atraso n’ya?” sabi ni Nick. “Nanloko ng iba. Gano’n ang mga pinapatay nila.” “Aalis ako sa bayang ito,”
sabi ni Nick.

“Tama,” sabi ni George. “’Yan ang mainam gawin.”

“’Di ko lubos maisip na naghihintay s’ya sa kanyang silid gayong alam n’yang sasapit na ang kamatayan. Napakagulo.”

“Gano’n talaga,” sabi ni George, “’wag mo na lang isipin ‘yon.”

47

Isang Napakaikling Kuwento

Maalinsangan ang gabi sa Padua nang maiakyat ang binata sa bubungang tanaw ang ibabaw ng bayan. Naglipana ang mga ibong
laman ng paasuhan. Maya-maya pa’y nagsipagbukas ng lente ang mga naroroon nang sumapit ang gabi. Bumaba ang iba bitbit ang
mga bote. Dinig nilang dalawa ni Luz ang kanilang mga kasámang bumabâ sa may balkon. Umupo sa kama si Luz na presko’t tahimik
sa maalinsangang gabi.
Tatlong buwang toka sa gabi si Luz. Hinayaan ng mga naro-roon ang dalaga. Nang tistisin ang katawan ng binata, ang dala-gang ito
ang naghanda ng operating table; ay may biro pa nga kung kaibigan ba o pampurga. Pinamanhid ng binata ang sarili upang maiwasan
ang pagdaldal sa kulitan. Nang magkasaklay na, nagsasarili na itong tumingin sa bawat temperatura para mana-tiling nakahiga si Luz.
Kakaunti ang mga pasyente, at alam nila ang tungkol sa bagay na ito. Gusto nilang lahat si Luz. Nang maglakad ang binata sa
bulwagan, naisip niya ang dalagang katabi dati sa higaan.

Bago bumalik ang binata sa harapan pumunta muna sila sa Duomo at nagdasal. Madilim at tahimik ang lugar na may ilang
nananalangin. Balak nilang magpakasal, ngunit walang anunsiyo ang simbahan, ni wala silang hawak na katunayan ng kanilang
kapanganakan. Pakiramdam nila’y kasal na sila, ngunit gusto pa

49
rin nilang maláman ito ng iba nang hindi na makawala pa ang natagpuan nila sa isa’t isa.

Tigil-putukan na nang matanggap ng binata ang maram-ing liham na ipinadala ni Luz. Bungkos ng labinlimang liham sa harapan ang
tinilad nito ayon sa petsa, sakâ sunud-sunod na binasa. Tungkol ang lahat sa ospital, kung gaano siya kamahal ng dalaga, kakambal ng
pangungulila sa bawat gabi ng kawalan ng pag-asang magpatuloy nang wala siya.

Pagkatapos ng bakbakan, nagkasundo silang dalawang uuwi ang lalaki para maghanapbuhay nang makapagpakasal sila. Hindi uuwi si
Luz hangga’t walang matinong trabaho ang binata para tagpuin ang dalaga sa New York. Hindi magpapakalasing at ayaw rin nitóng
makita ang mga kaibigan at mga kakilala sa States. Para lang magkatrabaho at makapagpakasal. Nang magbiyahe sa tren mula Padua
tungong Milan, nagtalo silang dalawa tungkol sa pagtanggi ng dalaga na sumama sa lalaki pauwi kahit isang beses man lang. Nang
magpapaalam sila sa isa’t isa, sa estasyon sa Milan, nagpalitan sila ng halik, kahit hindi pa tapos mag-away. Nanlulumo ang lalaki sa
ganoong uri ng pahimakas.

Tumúngo ang binata sa America sakay ng bangka mula sa Genoa. Bumalik ng Pordonone si Luz para magbukas ng ospi-tal.
Malungkot na’y maulan pa doon sa panahon ng namama-laging batalyon ng arditi sa bayan. Sa maputik, maulang bayan sa taglamig,
naninirahan ang major sa píling ni Luz, na ngayon pa lang nakatagpo ng Italian, na sumulat sa binata sa States na ang kanilang
pagsasama ay tigulang na pag-ibig. Humingi ito ng paumanhin, na hindi raw ito mauunawaan ng binata, ngunit kalakip ang búkas na
siya’y mapapatawad din, na magpasalamat pa raw siya sa dalaga, tulad ng inasahan, lubos na hindi inaasahan, na makapagkasal sa
darating na Tagsibol. Lalagi’t lalaging mahal

50
ni Luz ang binata, ngunit napagtanto nitong ito’y bahagi lamang ng musmos na pagmamahal. Hiniling ng dalaga na magkaroon ang
binata ng matagumpay na karera, at patuloy nitong pinani-niwalaan ang kakayahang ito. Nasisiguro ng babae, na ito ang
pinakamainam.

Walang naganap na kasal sa Tagsibol. Wala ring tugon tung-kol dito sa liham na ipinadala niya sa Chicago. Pagkalipas ng maikling
panahon, nahawaan ang binata ng sakit na gonorrhea mula sa sales girl ng isang department store habang kasakay niya sa taxicab
patungong Lincoln Park.

51
Sa Dakong Maliwanag, Dalisay

8
Gabing-gabi na at mula sa cafe’y nagsiuwian ang lahat bukod sa matandang lalaking nakatalungko sa anino ng mga dahon ng punong
tinatamaan ng ilaw-poste. Magabok ang kalye sa araw, pero mahamog sa gabi kaya’t hilig umupo roon ng matandang bingi at
ngayong madilim na’t tahimik ay ramdam nito ang kaibahan. Alam ng dalawang waiter sa loob ng cafe, na ang matanda’y
nakakainom at kapag ang mabuting kliyenteng ito’y nalalasing, umaalis na lang nang hindi nagbabayad kaya’t minamatyagan nila ito.

“Nagtangkang magpakamatay ‘yon no’ng nakaraang linggo,” sabi ng isang waiter.

“Bakit?”

“Desperado.”

“Saan?”

“Wala.”
“Pa’no mo nasabing wala?”

“Mapera kasi.”

Magkatabi silang umupo sa may mesang karatig ng pader malapit sa pinto ng cafe at nakatanaw sila sa terasang walang katao-tao ang
mga mesa bukod sa matandang lalaking nakatalungko sa anino ng mga dahong marahang kumibo sa hihip ng hangin. May dumaang
babae’t lalaking sundalo. Kumislap ang tanso sa
53

niyebe ng kilimanjaro at iba pang kuwento

kuwelyo nito nang masinagan ng ilaw-poste. Walang saklob sa ulo ang babaeng dali-daling dumikit sa tabi ng sundalo.

“’Yung gwardya na ang bahala sa kanya,” sabi ng isa pang waiter.

“Ano’ng mangyayari kung makita n’ya ang hinahanap n’ya?” “Kailangan na n’yang umalis ngayon sa kalye. Mahuhuli siya ng
gwardya. Umuli sila kanina limang minuto na ang nakararaan.” Binatingting ng matandang lalaking nakatalungko sa anino

ang platito gamit ang baso. Pinuntahan siya nang mas batang waiter.

“Ano’ng sa’yo?”

Tumingin ang matanda sa waiter. “Isa pang brandy,” sabi niya.

“Malalasing ka,” sabi ng waiter. Tumingin ang matanda sa waiter. Umalis ang waiter.

“Magdamag ‘yan dito,” sabi ng waiter sa kanyang kasama. “Inaantok na ‘ko. Lagi na lang lampas alas tres ako nakakahiga. Tinuluyan
n’ya na dapat ang sarili n’ya no’ng isang linggo.”

Kumuha ang waiter ng bote ng brandy at isa pang platito mula sa counter sa loob ng cafe at saka tumungo sa mesa ng matandang
lalaki. Inilapag nito ang platito at nagsalin ng brandy nang puno sa baso.

“Tinuluyan mo na sana ang sarili no’ng isang linggo,” sabi ng waiter sa matandang bingi. Sumenyas ang matanda. “Konti pa,” sabi
niya. Nagsalin ang waiter ng brandy sa baso kaya’t umawas at kumalat sa platito. “Salamat,” sabi ng matanda. Ibinalik ng waiter ang
bote sa loob ng cafe. Muli siyang naupo katabi ng kanyang kasama.

“Lasing na ‘yon,” sabi niya. “Gabi-gabi namang lasing ‘yon.”

“Ano’t kinailangang patayin ang sarili no’n?” “Aba, malay ko.”

“Pa’no kaya no’n ginawa ‘yon?”

54

h e m i ng way

“Nagbigti.”

“Sino’ng nagbaba sa kanya?”

“’Yong pamangkin n’ya.”

“Bakit ginawa nila ‘yon?”

“Takot magmulto.”

“Ga’no karaming pera meron ‘yon?”

“Limpak-limpak.”
“Baka, otsenta anyos na.”

“Siguro.”

“Sana umuwi na ‘yon. Lagi na lang lampas alas tres ako nakakahiga. Ano’ng klaseng oras ng pagtulog ‘yon?”

“Trip n’yang magpuyat.”

“Malungkot ‘yon. Hindi ako malungkot. May asawang naghihintay sa kama ko.”

“Meron ring asawa ‘yon dati.” “Hindi na ‘yon makakapangasawa.”

“’Di mo rin masasabi. Baka mas matino ‘yon ‘pag may asawa.” “May pamangking babae pa namang aalalay sa kanya. Ikaw
ang may sabi no’n kanina.”

“Alam ko.”

“Ayokong maging gano’n katanda. Hindi kanais-nais ang maging matanda.

“Hindi sa lahat ng panahon. Malinis ang matandang ‘to. Walang bubo ‘pag umiinom. Kahit ngayong lasing na. Tingnan mo s’ya.”

“Ayoko nga. Sana umuwi na s’ya. Wala man lang siyang pagsasaalang-alang para sa nagpapakahirap maghanapbuhay.”

Tumingin ang matanda sa baso, tapos sa mga waiter. “Brandy pa,” sabi niya sabay senyas sa baso. Dumating ang
waiter na kating-kating umuwi.

“Tapos na,” sabi ng waiter, sa paraan ng mga taong tanga kapag nakikipag-usap sa mga lasing o kaya’y dayuhan. “Ubos na. Sarado
na.”

55

“Isa pa,” sabi ng matanda.

“Hindi. Tapos na.” Inumpisahan nang punasan ng waiter ang gilid ng mesa gamit ang tuwalya habang umiiling.

Tumayo ang matandang lalaki, marahang binilang ang mga platito, bumunot ng katad na bulsikot mula sa kanyang bulsa saka
nagbayad ng kanyang mga nainom, at nag-iwan ng kalating peseta bilang tip.

Pinagmasdan siya ng waiter habang pababa sa kalye, bilang isang matandang pasuray-suray ngunit nagtataglay ng dignidad.

“Bakit hindi mo hinayaang umistambat at mag-inom?” sabi ng waiter na hindi nagmamadaling umuwi. Nagsasara silang dalawa. Wala
pang alas dos y medya.

“Gusto ko nang umuwi’t matulog.” “Para isang oras lang?”

“Malaking bagay na ‘yon para sa’kin kesa sa kanya.” “Pareho lang ‘yon.”

“Para kang matanda kung magsalita. Pwede naman siyang bumili ng isang bote at sa kanyang bahay inumin.”

“Magkaiba ‘yon.”

“Syempre, hindi,” sabi ng waiter na may asawa. Hindi niya sinadyang maging hindi makatarungan. Nagmamadali lang siya.

“E, ikaw? ‘Di ka ba nangangamba kapag umaalis ka agad kahit hindi pa uwian?”

“Sinusubok mo ba ‘kong insultuhin?” “Hindi, totoy, biro lang ‘yon.”

“Hindi,” sabi ng waiter na nagmamadali pagkatayo sa pagbababa ng panarang bakal. “Malakas ang loob ko. Ako ang lahat-lahat ng
lakas ng loob.”

“Nasa’yo ang kabataan, ang lakas ng loob, at ang trabaho,” sabi ng nakatatandang waiter. “Nasa’yo na ang lahat.”
“At anong kulang sa’yo?” “Hanapbuhay lang ang meron ako.” “Meron ka kung anong meron ako.”

56

“Hindi rin. Wala akong lakas ng loob, isa pa, hindi na ‘ko bata.”

“Hay, naku. Tumigil ka nga sa kaiimik nang walang kapararakan at magsara na lang tayo.”

“Isa ako sa mga natutuwang tumambay nang matagal sa cafe,” sabi ng nakatatandang waiter. “Kasama ng mga ayaw pang matulog.
Kasama ng mga nangangailangan ng liwanag sa dilim.”
“Gusto ko nang umuwi’t matulog.”

“Magkaiba tayong dalawa,” sabi ng nakatatandang waiter.

Nakapagpalit na siya ng damit para umuwi.

“Hindi lang ito usapin ng kabataan at lakas ng loob kahit pa magagandang bagay ‘yon. Tinatamad akong magsara bawat gabi dahil
baka may nangangailang magtagal sa cafe.”

“Manong, may mga bodegang bukas magdamag.”

“’Di mo naiintindihan. Malinis at kaaya-ayang cafe ito. Napakaliwanag. Mainam ang liwanag, isa pa, ngayon ay kayraming anino ng
mga dahon.

“Magandang gabi,” sabi ng nakababatang waiter. “Magandang gabi,” sabi ng nakatatandang waiter. Habang

pinapatay ang ilaw, tinuloy nito ang pakikipag-usap sa sarili. “Mangyari pa, mahalaga ang liwanag pero kailangang maging malinis at
kaaya-aya ang lugar. Hindi mo kailangan ng musika. Siguradong hindi mo kailangan ng musika. Hindi mo rin kailangan ng dangal sa
isang bar kahit pa ito na lang naidudulot nito sa mga ganitong oras. Anong kinatakutan niya? Malabong maging takot o kawalang-
ganang mabuhay. Ang buhay ay naging kawalang alam na alam niya.

Ang buhay ay suma ng kawalan at ang tao’y isa ring kawalan. Gano’n lang ang buhay at liwanag ang talagang kailangan, pati na ang
kalinisan at kaayusan. May mga nabuhay rito ngunit hindi nila ito naramdaman kailanman, pero alam niyang ang buhay ay anopa’t
wala, alalaon baga’t wala. Kawalan namin, nawawala ka, kawalan ang pangalan mo. Kawalan ang kaharian mo. Nawala

57

niyebe ng kilimanjaro at iba pang kuwento

ang loob mo dito sa kawalan para nang sa kawalan. Bigyan mo kami ng kawalan ng aming kawalan sa araw-araw; at pakawalan mo
kami sa aming mga kawalan, para nang pagpapakawala namin sa wala sa amin; at kawalan mo kaming ipahintulot sa kawalan, at
pakawalan mo kami sa kawalan ng wala. Aba, kawalan, napupuno ka ng kawalan, ang kawalan ay sumasaiyo.Napangiti siya at
ngayo’y nasa harap ng bar na may kumikintab na steam pressure coffee machine.

“Ano’ng sa’yo?” tanong ng bartender.

“Wala.”

“Sira-ulo ka,” sabi ng bartender saka pumaling.

“Bigyan mo ako sa maliit na baso,” sabi ng waiter.

Sinalinan ito ng bartender para sa kanya.

“Masyadong maliwanag at kaaya-aya ang ilaw, pero hindi gaanong malinis,” sabi ng waiter.

Tumingin sa kanya ang bartender pero hindi ito umimik.


Masyado nang gabi para sa salitaan.

“Isa pa?” tanong ng bartender.

“Hindi na, salamat,” sabi ng serbidor saka umalis. Ayaw niya sa mga bar at mga bodega. Ibang klase ang malinis, maliwanag na cafe.
Ngayon, hindi na niya pag-iisipan pang umuwi sa kanyang kwarto. Hihiga siya, at sa wakas, sa sikat ng araw, makakatulog. Sa kabila
ng lahat, nasabi niya sa kanyang sarili, baka naman insomnia lang ito. Mayroon nito ang nakararami.

58
Ang Ilaw ng Sanlibutan

Pagkakita niyang pumasok kami sa pinto, inabot ng bartender ang babasaging takip saka inilagay sa dalawang hawong para sa libreng
tanghalian.

“Bigyan mo ‘ko ng beer,” sabi ko. Kumuha ng isa, tinungkab ang tansan gamit ang espatula saka hinawakan ang baso. Inilapag ko ang
nikel sa kahoy at inisod niya ang beer papunta sa akin.
“Ano’ng sa’yo?” tanong ng bartender kay Tom.

“Beer.”

Humugot ng beer ang bartender saka binuksan at nang makita ang pera’y itinulak ang beer palapit kay Tom.

“May problema ba?” tanong ni Tom.

Hindi siya sinagot ng bartender. Tumingin lang ito sa ibabaw ng aming mga ulo at sinabing “Ano’ng sa’yo?” sa mamang dumating.

“Rye,” sabi ng mama. Inilabas ng bartender ang bote at tagayan at isang basong tubig.

Inabot ni Tom ang hawong para sa libreng tanghalian, at tinanggalan ng takip. Ang laman ng hawong ay inatsarang mga paa ng baboy
na may kahoy na parang gunting, kasama ang dalawang kahoy na tinidor panguha sa atsara.

“’Wag,” sabi ng bartender, ibinalik nito ang takip ng hawong. Hawak ni Tom ang de-kahoy na gunting. “Isauli mo ‘yan,”
sabi ng bartender.

“Para saan,” sabi ni Tom.

59

niyebe ng kilimanjaro at iba pang kuwento

Kinapa ng bartender ang ilalim ng baras habang nakatingin sa amin Naglapag ako ng limang sentimo sa kahoy saka siya tumuwid
nang tayo.

“Ano’ng sa’yo?” tanong nito.

“Beer,” sabi ko, at bago ito kumuha ng beer, tinanggal nito ang takip ng dalawang hawong.

“Umaalingasaw ‘yang mga paa ng baboy mo,” sabi ni Tom, na dumura ng laman ng kanyang bibig sa sahig. Walang inimik ang
bartender. Nagbayad ang mamang uminom ng rye saka umalis nang walang lingon-likod.

“Ikaw ang mabaho,” sabi ng bartender. “Amoy-ninyong mga punks ang umaalingasaw.”

“Bakla raw tayo,” sabi sa akin ni Tommy. “Makinig ka,” sabi ko. “Lumabas na tayo.” “Umalis kayo rito, malalansa,” sabi ng
bartender.

“Talagang aalis kami rito,” sabi ko. “Hindi ikaw ang nakaisip no’n.”

“Babalik kami,” sabi ni Tommy.


“’Wag ka nang babalik,” sabi ng bartender sa kanya. “Sabihin mo ngang nagkakamali s’ya,” pumaling sa akin si
Tom.

“Tara na,” sabi ko.

Kaaya-aya’t madilim sa labas.

“Ano ba namang klaseng lugar ‘to?” tanong ni Tommy. “Malay ko,” sabi ko. “Tara sa estasyon.”

Tumungo kami sa dulo ng bayan patungo sa kabila. Amoy-hayop at tuyong sanga at buntong kusot. Dumidilim nang tumutungo kami,
at ngayo’y gabing kaylamig at ang mga sanaw ng tubig sa kalsada’y nagyeyelo sa tabi-tabi.

May limang putang naghihintay ng paparating na tren sa estasyon, kasama ng anim na puti at apat na Indiano. Siksikan na’y kay-init
pa mula sa kalan at sa kapal ng usok. Nang dumating kami’y walang umimik, nakababa ang bintana ng tiketan.

60

“’Di mo ba maisasara ‘yang pinto?” sabi ng isa.

Hinanap ko kung sinong nagsabi noon. Isa iyon sa mga puti. Nakapantalong kupas at pang-trosong sapatos at naka-mackinaw na
damit tulad ng sa iba nitong kasamah, pero wala itong sombrero at napakaputi ng mukha nito at ang kanyang mga kamay ay
mapuputi’t maninipis.

“’Di mo isasara ‘yan?”

“Ako na,” sabi ko, sabay sara.

“Salamat,” sabi niya. May isang nagpigil tumawa. “Naranasan mo na bang makialam sa isang kusinero?” sabi nito sa akin.
“Hindi.”

“Subukin mo sa isang ‘to,” tumingin ito sa kusinero. “Gusto n’ya ‘yon.” Lumayo nang tingin mula sa kanya ang kusinerong kipil-kipil
ang mga labi nito.

“Naglalagay ‘yan ng lemon juice sa kanyang mga kamay,” sabi ng mama. “Hindi ‘yan naghuhugas gamit ang tubig nang basta-basta.
Tingnan mo kung ga’no kaputi.”

Tumawa nang malakas ang isa sa mga puta. Siya ang pinakamatabang putang nakita ko sa buong buhay ko, pati na rin
pinakamatabang babae. Nakasuout siya ng sutlang damit na nagbabagong-kulay. May dalawa pang matatabang puta pero ‘yong
pinamakataba’y parang umaabot sa tatlong daan at limampong pounds ang timbang. Aakalain mong hindi siya totoo sa kapag
tiningnan mo. Silang tatlo’y nakasuot ng napapalitang sutlang damit. Magkakatabi sila sa upuan. Pagkatataba. ‘Yong dalawa’y
karaniwang puta, peroxide blondes kumbaga.

“Tingnan mo ang kanyang mga kamay,” sabi ng mama sabay tango ng ulo sa kusinero. Tumawa ulit ang puta, alog nang alog.

Pumaling sa puta ang kusinero at agad sinabi, “Nakakaaduwa kang tabatsoy ka.” Tumawa lang nang tumawa ang puta, alog lang nang
alog.

“D’yos ko,” sabi ng puta. Maganda ang boses nito. “D’yos kong mahal.”

61

Tahimik lang iyong dalawang pagkatatabang puta, na para bang wala silang pakinabang, pero mga bulugan sila, malapit nang maging
kasinlaki ng pinakadambuhala sa kanilang lahat. Siguro’y aabot sila ng dalawang daan at animnapong pounds. May puri silang
dalawa.

Sa lahat ng lalaki, bukod sa kusinero at iyong kasasalita lang, may dalawa pang magtrotroso, isang nakikinig, isang interesado pero
mahinhin, at isang malapit nang umimik, at dalawang Swedes. Nakaupo ang isang Indiano sa dulong upuan at ang isa’y nakatayo’t
nakasandal sa dingding.
Mabagal akong kinausap ako noong mamang malapit nang umimik kanina, “Parang malapit na sa rurok ng paggagapas ng dayami.”
Natawa ako, sinabi ko iyon kay Tommy.

“Peksman, mamamatay ka man. ‘Di pa ako nakakarating dito,” sabi niya.

“Tingnan mo ‘yang tatlong ‘yan.” At nagsalita ang kusinero. “Ilang taon na kayo, mga bagets?”

“Ninety-six ako at sixty-nine s’ya,” sabi ni Tommy.

“Ho! Ho! Ho!” umalog na naman ang bulugan katatawa. Napakaganda talaga ng boses niya. Hindi ngumiti iyong isang puta.

“Hoy, hindi mo ba kayang magpakadisente? tanong ng kusinero. “Nagtanong ako para mukhang palakaibigan.”

“Disisyete’t disinuwebe kami,” sabi ko.

“Anong problema mo?” Pumaling sa akin si Tommy. “Ayos lang ‘yon.”

“Pwede mo ‘kong tawaging Alice,” sabi ng pinakamataba, tapos umalog na naman ang katawan niya.

“Pangalan mo ‘yon?” tanong ni Tommy.

“Oo naman,” sabi nito. “Alice. ‘Yon naman talaga, ‘di ba?” pumaling ito sa katabi ng kusinero.

“Alice. Tama ‘yon.”

“’Yan ang pangalang dapat mong manahin,” sabi ng kusinero.

62

h e m i ng way

“Totoo kong pangalan ‘yon,” sabi ni Alice.

“Ano’ng pangalan no’ng ibang babae?” tanong ni Tom.

“Hazel at Ethel,” sabi ni Alice. Ngumiti sina Hazel at Ethel.

Hindi sila gano’n katalino.

“Ano’ng pangalan mo?” tanong ko sa isang blonde.

“Frances,” tugon nito.

“Frances ano?

“Frances Wilson. Para sa’n?” “Ikaw?” tanong ko sa isa pang babae. “’Wag kang masyadong presko,” sabi nito.

“Gusto lang niyang makipagkaibigan,” sabi ng mamang imik nang imik. “Ayaw mo ba ng mga kaibigan?”

“Ayoko,” sabi ng peroxide blonde. “Ayoko sa’yo.” “Mapusok ‘yan,” sabi ng mama. “Napakapusok.” Napatingin ang isa pang blonde,
napailing. “Mga amoy-

lupa,” sabi nito.

Nagsimula na namang tumawa si Alice para umalog nang umalog.

“Walang nakakatawa.” sabi ng kusinero. “Tawa ka nang tawa, e wala namang nakakatawa. Kayong dalawang bagets, pasa’n kayo?”

“Kayo ang pasa’n?” tanong ni Tom sa nagtanong. “Pa-Cadillac ako,” sabi ng kusinero. “Nakarating ka na ro’n?

Do’n nakatira ‘yong kapatid kong babae.”


“S’ya mismo ‘yung kapatid na babae,” sabi ng mamang nakapantalong kupas.

“’Di ka titigil sa kagaganyan mo?” tanong ng kusinero. “’Di ba tayo pwedeng mag-usap nang matino?”

“Sa Cadillac galing si Steve Ketchel at tagaro’n si Ad Wolgast,” sabi ng mahinhing lalaki.

“Steve Ketchel,” sabi ng isa sa mga blondes sa mataas na tono ng boses na para bang naputukan siya. “Binaril muna s’ya bago

63

tuluyan ng kanyang tatay. Oo, D’yos ko, ng sarili niyang tatay. Wala katulad si Steve Ketchel.”

“’Di ba Stanley Ketchel ‘yon?” tanong ng kusinero. “Tumigil ka,” sabi ng blonde. “Ano’ng alam mo tungkol kay

Steve? Stanley. Hindi Stanley ang pangalan n’ya. Si Steve Ketchel ang pinakamagaling at ang pinamagandang lalaki sa balat ng lupa.
Hindi pa ako nakakakita ng malinis at maputi at magandang lalaking gaya ni Steve Ketchel. Nag-iisa lang s’ya. Parang tigre ang
kanyang kilos, at siya ang pinakamakinis, pinakamalaya, at pinakabalingkinitan sa lahat ng lalaking nabuhay.”

“Kilala mo ba s’ya?” may isang nagtanong mula sa kalalakihan. “Nakilala ko ba s’ya? Nakilala ko ba s’ya? Minahal ko ba s’ya?

Tinatanong mo ba ‘ko? Kilala ko s’ya na para bang wala na ‘kong nakilala pang iba at minahal ko s’yang parang D’yos. Siya ang
pinakadakila, pinakamakinis, pinakamaputi, pinakamagandang lalaki noong siya’y nabubuhay pa, Steve Ketchel, tapos binaril s’ya ng
kanyang tatay tulad ng asong bang-aw.”

“Naisama ka na ba n’ya sa dalampasigan?” “Dapat pinakasalan mo na.”

“Ayokong makagulo sa karera n’ya,” sabi ng peroxide blonde. “Ayokong makasira sa kanya. Hindi asawa ang kailangan n’ya. D’yos
ko, kakaibang nilalang s’ya.”

“Para ikaw lang naman ang nag-iisip n’yan,” sabi ng kusinero. “’Di ba napatumba s’ya ni Jack Johnson?”

“Pandaraya ang tawag do’n,” sabi ni Peroxide. “Ginulat s’ya ng solidong bira.”

“Napatumba n’ya si Jack Johnson, ‘yong bastardong damulag na ‘yon. Sinuwerte lang ‘yong negrong ‘yon.”

Tumaas ang ticket window at lumabas rito ang tatlong Indiano.

“Napatumba s’ya ni Steve,” sabi ni Peroxide. “Tumingin s’ya akin para ngumiti.”

64

h e m i ng way

“Akala ko ba, hindi kayo pumunta sa dalampasigan,” sabi ng kung sinong nagsalita.

“Pumunta ako para lang sa labang ‘yon. Lumingon sa’kin si Steve para ngumiti, tapos ‘yong anak ng putang-inang ‘yon, bigla na lang
sumugod sabay suntok sa kanya. Kayang mapatumba ni Steve kahit isandaan pang bastardong kagaya no’n.”
“Mahusay siyang mandirigma,” sabi ng magtrotroso.

“Umaasa ‘ko sa D’yos, na magaling nga s’ya,” sabi ni Peroxide.

“Umaasa ‘ko sa D’yos na wala na sanang mandirigmang katulad n’ya ngayo. S’ya nga, para s’yang D’yos. Napakaputi, napakalinis,
napakarikit, napakadulas, napakabilis, at para bang gaya ng tigre o ‘di kaya’y kidlat.

“Napanood ko na s’ya sa pelikula,” sabi ni Tom. Naantig kaming lahat. Umaalog na naman si Alice, at nang tiningnan ko’y umiiyak
siya. Nakalabas na ang mga Indiano.
“Higit pa s’ya sa isang asawa,” sabi ni Peroxide. “Ikinasal kami sa harapan ng Diyos at pag-aari n’ya ako ngayon, at mamalaging ang
lahat ng akin ay kanya. Wala akong pakialam sa katawan ko. Pwede nilang kunin ang katawan ko. Para kay Steve Ketchel ang aking
kaluluwa. Naging tao siya, sa ngalan ng Panginoon.”

Kinilabutan kami. Nakakahiyang nakakalungkot. Tapos, umalog na naman si Alice, at nagsalita.

“Ang landi mong sinungaling,” sabi niya sa mababang tono ng boses. “Walang Steve Ketchel sa buhay mo, at alam mo ‘yan.” “Aber,
at pa’no mo nasabi?” pahambog na tanong ni Peroxide. “Nasabi ko ‘yon, dahil ‘yon ang totoo,” sabi ni Alice. “Ako ang kaisa-isang
nariritong nakakikilala kay Steve Ketchel at galing akong Mancelona at nakilala ko s’ya ro’n, ‘yon ang totoo, at alam mong ‘yon ang
totoo, kahit tamaan pa ako ng lintik kung
hindi ako nagsasabi nang totoo.

“E, ‘di kidlatan n’ya ‘ko,” sabi ni Peroxide.

65

niyebe ng kilimanjaro at iba pang kuwento

“Ako ang nagsasabi nang totoo, totoo, totoo, at alam mo ‘yan. Hindi basta kathang-isip lang at alam ko ang eksaktong sinabi n’ya
sa’kin.”

“Ano’ng sabi n’ya?” nalulugod na tanong ni Peroxide. Hirapang magsalita si Alice sa panginginig niya dahil sa

pag-iyak.

“Sabi n’ya ‘Kaibig-ibig kang hinugot mula sa aking tadyang.’ ‘Yan ang eksaktong pagkakasabi n’ya.”

“Kasinungalingan,” sabi ni Peroxide.

“Totoo ‘yon,” sabi ni Alice. “’Yan ang tunay n’yang sinabi.” “Kasinungalingan,” pagmamayabang na sabi ni Peroxide. “Hindi, ‘yon
ang totoo, totoo, totoo, mamatay man ang mga
magulang mo.”

“Hindi si Steve ang nagsabi no’n. Hindi kaya s’ya gano’n magsalita,” nasisiyahang sabi ni Peroxide.

“Totoo ‘yon,” sabi ni Alice sa maganda niyang boses. “Wala namang mawawala sa’kin kung maniwala ka man o hindi.” Hindi na siya
umiiyak, kumalma na.

“Napakaimposible namang sabihin ‘yon ni Steve,” pahayag ni Peroxide.

“‘Yon ang sabi n’ya, e,” sabi ni Alice sabay ngiti. “Tandang-tanda ko pa nang sabihin n’ya ‘yon at saka kaibig-ibig pa talaga ako no’n
nang banggitin n’ya ‘yon, at ngayon, lalo akong maalindog kesa sa’yong luma’t tuyong botelya.

“’Di mo ko kayang hamakin,” sabi ni Peroxide. “Isa kang gabundok na nana. Meron akong mga alaala.”

“Wala,” sabi ni Alice sa maganda’t kaibig-ibig na boses, “wala kang totoong mga alaala maliban sa panahong nilalagusan ‘yang mga
tubo mo at nag-umpisa ka nang mag-C at M. Nabasa mo lang sa papel ang nalalaman mo. Malinis ako, at alam mo ‘yan, at gusto ako
ng kalalakihan, kahit pa sabihing mataba ako, at alam mo ‘yan, at ‘di ako nagsinungaling kahit kailan, at alam mo ‘yan.

66

“Tantanan mo ako, kasama ng mga alaala ko,” sabi ni Peroxide. “Kasama ang mga tunay, kagila-gilalas kong mga alaala.”

Tumingin si Alice sa kanya, tapos sa amin, at nawala sa kanyang mukha ang tingin ng isang nasaktan, tapos ngumiti siya, taglay niya
ang pinakamagandang mukhang nasilayan ko sa buong buhay ko. Mayroon siyang marikit na mukha at makinis na balat at kaibig-ibig
na tinig at durong bait na’y napakapalakaibigan pa. Pero, d’yos ko po, sobrang taba niya. Mas mataba pa siya sa tatlong babae kapag
pinagsama-sama.

Napansin ni Tom ang pagkakatitig ko sa kanya, at sinabing “Tara na. Umalis na tayo.”

“Paalam,” sabi ni Alice. Pagkaganda-ganda talaga ng kanyang boses.

“Paalam,” sabi ko.

“Aling daan ang tatahakin n’yo?” tanong ng kusinero. “Sa kabila ng daranan mo,” sabi sa kanya ni Tom.

67
Mukhang Mapuputing Elepante
ang mga Burol

Mahaba’t maputi ang burol sa kabila ng lambak ng Ebro. Walang mga puno’t lilim sa gilid at ang estasyo’y nasa pagitan ng kambal na
linya ng riles sa araw.

Masinsin ang maalinsangang anino ng gusali sa gawing tabi ng estasyon at yaring bamboo beads ang kurtinang pambugaw ng mga
langaw sa pintuan ng bar. Nasa kanlong sa labas ng gusali ang mesang pinuwestuhan ng Amerikano at ng kasama niyang babae.
Sobrang init at sa loob ng apatnapung minuto’y darating ang xpress galing Barcelona. Tumigil nang dalawang minuto ang tren sa
dugtungang ito saka dumiretso ng Madrid.

“Ano’ng iinumin natin?” tanong ng babae. Tinanggal niya ang sombrero at inilapag sa mesa.

“Grabe ang init,” sabi ng lalaki.

“Uminom tayo ng beer.”

“Dos cervezas,” sabi ng lalaki sa may kurtina. “Malalaki?” tanong ng ale mula sa pintuan. “Oo. Dal’wang malalaki.”

Naglabas ng pares ng baso at felt pad ang ale. Pagkapatong ng mga baso sa felt pad, tiningnan ng ale ang dalawa. Pinagmamasdan

69

niyebe ng kilimanjaro at iba pang kuwento

ng babae ang talunton ng mga burol. Mapuputi ang mga ito sa araw, samantalang kayumanggi’t tigang ang lupain.

“Mukha silang mapuputing elepante,” sabi ng babae.

“Wala pa akong nakitang gan’on,” sabay inom ng beer ng lalaki.

“’Di mo na kailangan.”

“Baka kailangan, e,” sabi ng lalaki. “Hindi porke’t sinabi mong ‘di na kailangan ay wala nang gustong patunayan.”

Tumingin ang babae sa kurtina. “May ipininta sila sa mga ‘yon,” sabi niya. “Ano kayang ibig sabihin no’n?”

“Anis del Toro. Inumin ‘yon.”

“Subukin natin?”

Umimik ang lalaki “Pakisuyo” sa may kurtina. Lumabas ang ale mula sa bar.

“Apat na reales.”
“Dalhan mo kami ng dal’wang Anis del Toro.” “May kasamang tubig?” “Gusto mong may tubig?”

“Ewan,” sabi ng babae. “Masarap ba ‘pag may tubig?” “Ayos lang.”

“Gusto n’yong may tubig?” tanong ng ale.

“Oo, may tubig.”

“Lasang anis,” sabi ng babae sabay lapag ng baso.

“Ganyan talaga ang mga bagay-bagay.”

“Oo nga, e,” sabi ng babae. “Lasang licorice ang lahat. Lalo na ‘yong mga bagay na hinintay mo nang kaytagal, parang absinthe.
“Tigilan mo na ‘yan.”

70

“Sinimulan mo, e,” sabi ng babae. “Nalilibang ako, e.

Nakakatuwa kasi.

“Hala, sige, subukin natin at nang masiyahan tayo.”

“Sige. Pinipilit ko naman. Sabi ko nga, mukhang mapuput-ing elepante ang mga burol. Nakakabilib, ‘di ba?”

“Nakakabilib.”

“Gusto ko talagang tikman ‘tong bago nating alak. ‘Yon lang naman ang gawain natin, ‘di ba - tumingin ng kung anu-ano at tumikim
ng kakaibang inumin?

“Wari ko nga.”

Tumingin ang babae sa mga burol.

“Kaibig-ibig sila,” sabi ng babae. “’Di naman talaga sila mukhang mga elepante. Ang tinutukoy ko’y kulay ng kanilang balat sa
pamamagitan ng mga puno.

“Inom pa tayo?”

“Sige lang.”

Tumapik ang kurtina sa mesa nang humihip ang mainit na hangin.

“Ang lamig na, ang sarap pa ng beer,” sabi ng lalaki.

“Kaibig-ibig talaga,” sabi ng babae.

“Napakasimpleng operasyon lang no’n, Jig,” sabi ng lalaki. “Parang hindi nga ‘yon operasyon, e.”

Tiningnan ng babae ang sahig na kinatatayuan ng mesa.

“Alam kong ‘di mo maiintindihan, Jig. Hindi ito basta-basta. Papapasukin lang nila ang hangin.”

Walang sinabi ang babae.

71

“Sasamahan kita at nasa tabi mo ‘ko palagi. Papapasukin nila ‘yong hangin tapos magiging natural na natural lang ang lahat.”
“Ano’ng gagawin natin pagkatapos?”
“Magkakaayos tayo pagkatapos. Gaya nang dati nating pagsasama.”

“Pa’no mo naisip ‘yon?”

“’Yon ang kaisa-isang bagay na lumiligalig sa’tin. Ito ang kai-sa-isang bagay na nakapagpapalungkot sa’tin.”

Pinagmasdan ng babae ang kurtina, inilahad ang palad at hi-nawakan ang dalawang hapin ng beads.

“Ipinagpapalagay mo palang magiging maayos ang lahat at magiging masaya tayo.”

“Alam kong mangyayari sa’tin ‘yon. ‘Wag kang matakot. Marami akong kakilalang gumawa ng bagay na ‘yon.”

“Ako rin,” sabi ng babae. “Tapos, naging masaya silang lahat.” “Hala,” sabi ng lalaki, “kung ayaw mo, ‘wag mo. Ayokong pil-itin ka
kung ayaw mong gawin. Basta, alam kong napakasimple
no’n.”

“At gustung-gusto mo naman.”

“Sa palagay ko, ito ang pinakamabuting hakbang. Pero ‘di kita pipilitin kung ayaw mo.”

“‘Pag ginawa ko ‘yon, magiging masaya ka, tapos babalik ang lahat sa dati at patuloy mo ‘kong mamahalin?”

“Mahal kita ngayon. Alam mong mahal kita.”

“Alam ko. Pero ‘pag ginawa ko ‘yon, e ‘di magiging maganda ulit ang mga bagay tulad ng paghahalintulad ko ng mga ito sa
mapuputing elepante, tapos magugustuhan mo?”

“Gugustuhin ko. Gusto ko naman ‘yon ngayon kaso ‘di ko pa mapag-isipan. Alam mo naman ang napapala ko ‘pag nag-aalala.”
“’Di ka mag-aalala ‘pag ginawa ko ‘yon?”

72

“’Di ako mag-aalala dahil madali lang ‘yon.”

“Hala, sige, gagawin ko na. Dahil wala akong pakialam sa sarili ko.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?” “Wala akong pakialam sa sarili ko.” “May pakialam ako sa’yo.”

“Pakialamero ka kasi. Pero wala akong pakialam sa sarili ko. Gagawin ko ‘yon, tapos magiging maayos na ang lahat.”

“Ayokong gawin mo ‘yan kung ganyan ka.”

Tumindig ang babae at naglakad papuntang dulo ng estasyon. Sa kabila, matatanaw ang palayan at kakahuyan sa tabihan ng ilog Ebro.
Sa malayo, lampas pa sa may ilog, naroon ang kabundukan. Umisod ang anino ng ulap patawid sa palayan at namataan niya ang ilog
sa may kakahuyan.

“At ang lahat ng ito’y magiging atin,” sabi ng babae. “Mapapasa’tin ang lahat at magiging imposible ito bawat araw.”
“Ano’ng sabi mo?”

“Sabi ko, mapapasa’tin ang lahat.” “Mapapasa’tin ang lahat.” “Malabo.”

“Maaangkin natin ang buong mundo.” “Malabo.”

“Pupunta tayo kahit sa’n.”

“Malabo. May iba nang nagmamay-ari ng mundo.” “Atin ‘to.”

“Hindi rin. ‘Pag nakuha na ng iba, ‘di mo na maibabalik.”


“Pero ‘di pa nila nakukuha.”

“Maghintay tayo’t nang malaman natin.”

“Sumilong ka,” sabi ng lalaki. “Wag mong damdamin.” “Wala na ‘kong maramdaman,” sabi ng babae. “Basta’t alam
ko ang alam ko.”

73

“Ayokong gawin mo ang kahit anong ayaw mong gawin --” “Hindi dahil sa masama ito para sa akin,” sabi ng babae.

“Alam ko. Pwede bang mag-beer pa tayo?” “Sige. Pero kailangan mong malaman --”

“Naisip ko,” sabi ng babae. “Pwede bang tigilan na natin ang pag-uusap?”

Umupo sila sa dating puwesto at pinagmasdan ng babae ang mga burol sa tuyong bahagi ng lambak, at sinulyapan muna ng lalaki ang
babae bago tumingin sa mesa.

“Kailangan mong malaman,” sabi ng lalaki, “na ayokong gawin mo ‘yon kung ayaw mo. Handa akong magpursige kung mamarapatin
mo.”

“Balewala lang ba ‘yon sa’yo? Pwede tayong tumuloy.” “Syempre, may kabuluhan ‘yon para sa’kin. Ikaw ‘yon at wala

nang iba. Ayoko ng iba. Alam kong madali lang ‘yon.” “Oo naman, madali ‘yon para sa’yo.”

“Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin, basta ako’y nakakaintindi.”

“Pwede ba ‘kong makisuyo sa’yo?” “Gagawin ko, kahit ano.”

“Pwede bang makiusap makiusap makiusap makiusap maki-usap makiusap makiusap, na ‘wag ka nang umimik?”

Hindi nakaimik ang lalaki kaya’t napatingin na lang ito mga bag na nakasandal sa pader ng estasyon. May etiketa pa ang mga ito mula
sa mga hotel nilang tinuluyan.

“Pero ayokong gawin mo ‘yon,” sabi ng lalaki, “Wala akong pakialam do’n.”

“Sisigaw ako,” sabi ng babae.

74

Lumabas ang ale mula sa pintuang may kurtina dala ang dalawang baso ng beer sabay lapag sa basa-basang mga felt pad. “Limang
minuto na lang, parating na ang tren,” sabi ng ale.

“Ano’ng sabi n’ya?” tanong ng babae.

“Na parating na raw ang tren sa loob ng limang minuto.”

Nginitian ng babae ang ale, tanda ng pasasalamat.

“Mas maigi pang dalhin ko na ang mga bag natin do’n sa kabila ng estasyon,” sabi ng lalaki.

Nginitian ng babae ang lalaki.

“S’ya, sige. Balik ka na lang tapos ubusin natin ang beer.”


Binuhat ng lalaki ang dalawang mabibigat na bag at dinala sa may estasyon. Tinanaw nito ang karil pero walang nakitan tren.
Pagbalik, pagkapasok sa bar, nag-iinuman ang mga taong nag-aabang din ng tren. Lumagok siya ng Anis at pinagmasdan ang mga tao.
Makatuwirang naghihintay ng tren ang mga taong ito. Lumabas siya sa may kurtina. Nakaupo ang babae sa may mesa, ngumiti ito sa
lalaki.

“Mas maayos na ang pakiramdam mo?” tanong ng lalaki. “Matino ang pakiramdam ko” sabi ng babae. “Walang mali
sa’kin. Matino ang pakiramdam ko.”

Ang Obispo
!
I
Inaawit ang bisilya sa bisperas ng Domingo de Ramos sa kumbento ng Lumang Petrovsky. Mag-iikasampu na ng
gabi nang simulang ipamahagi ang palmera, umaandap na lamang ang liwanag ng mga kandila at ibig nang mapugto
ang mga mitsa nito: tila pagpaloob ito sa ulop. Sa dapithapon ng simbahan, tila dagat na nagbabangon at humuhupa
ang kawan ng mga tao, at para sa Kanyang Kabunyian Obispo Pedro, na tatlong araw nang may dinaramdam, ganap
na magkakatulad ang lahat ng mukhang iyon—lalaki’t babae, matanda’t bata—at iisa ang sinasabi ng mga mata
nilang nangagsilapit upang tumanggap ng palmera. Hindi niya matanaw ang mga pinto sa gitna ng manipis na ulap,
patuloy sa pagkilos ang mga tao, at tila wala na itong katapusan at hindi na magkakaroon ng katapusan. Umaawit
ang isang koro ng mga babae, at isang madre ang nagbabasa ng mga dasal para sa araw
na iyon.
Napakainit at kay hirap huminga dahil dito! Halos hindi matapos-tapos ang bisilya. Pagod na ang Obispo. Mabigat,
tuyo at mabilis ang kanyang paghinga, sumasakit sa pagod ang kan-yang mga balikat, nanginginig ang kanyang
mga binti. Hindi rin nakabubuting binabalisa siya ng isa sa mga hangal ng Diyos na hiyaw nang hiyaw sa galerya.
Biglang-bigla, tila panaginip o pagkahibang, inakala ng Obispo na nakita niya si Maria Timofeyevna, ang kanyang
ina, na hindi na niya nakikita sa loob ng siyam na tao, na papalapit sa kanya mula sa kumpol ng mga tao, o isang
matandang babae lamang ito marahil na kamukha ng kanyang ina. Umabot ng palmera sa kanya ang matandang
babae, habang nagagalak siyang minamasdan, may matamis at masuyong ngiti sa labi, hanggang sa mawala sa
kapal ng mga tao. Sa kung anong dahilan, nagsimulang umagos ang luha sa kanyang mga pisngi. Palagay ang
kanyang kaluluwa, payapa ang lahat, saman-talang madalas siyang magpako ng tingin sa koro sa kaliwa, kung saan
binabasa ang mga dasal at kung saan mahirap nang matukoy pa ang mga nilalang dahil sa lumalaganap na dilim ng
gabi—at siya’y nanangis. Kumislap ang mga luha sa kanyang mga pisngi at balbas. Sandali pa’y isang kalapit ang
nagsimulang manangis, at isa pa sa may di-kalayuan, at nangagsitangis na rin pagkaraan ang iba pa, at unti-unting
napuno ang simbahan ng mahinang tunog ng pananangis. Pagkaraan ng limang minuto, nagsimulang umawit ang
koro ng mga madre, nawala ang pananangis, at nag-patuloy ang lahat na tulad ng dati.
Natapos pagkaraan ang bisilya. Sumakay sa kanyang karwahe ang Obispo at nagpahatid pauwi, habang nakikinig sa
masaya at nagmamayaw na tunog ng mabibigat at mamahaling kampana ng simbahan, na minamahal niya at
pumupuno sa kabuuan ng hardin sa liwanag ng buwan. Tila may sari-sariling buhay, ma-layo at di-mawatas, at
napakalapit sa sangkatauhan ang mapupu ting pader, ang mapuputing krus sa mga nitso, ang mapuputing abedul at
maiitim na anino, at ang buwang malayo ngunit tuwi-rang nakatunghay sa ibabaw ng bubong ng kumbento. Simula
pa lang ng Abril, ngunit naging malamig na pagkaraan ng mainit na araw ng tagsibol, at may bahagyang pumapatak
na nagyeye-long hamog. Nadarama pa sa banayad at malamig na hangin ang hininga ng tagsibol. Mabuhangin ang
daan mula sa kumbento patungong bayan, at pinaglalakad na lamang ang mga kabayo. Naliligo sa malinaw at
payapang liwanag ng buwan ang mga peregrino, pahakbang-hakbang na lumalakad sa buhangin sa magkabilang
gilid ng karwahe. Tahimik ang lahat, malalim na nag-iisip. Kaagad makikilala, magiliw at nasa kamurahan ang
lahat ng bagay sa paligid—ang mga puno at langit at maging ang buwan—kaya’t maaasam na hindi ito
magmamaliw habambuhay.
Dumating din sa wakas ang karwahe sa bayan, at madagun-dong na tumugpa sa pangunahing lansangan.
Nakapinid ang lahat ng tindahan maliban sa tindahan ni Yerakin. Isang milyo-naryo si Yerakin na sinusubok ang
mga bagong lamparang de-kuryente na maliwanag na kumikisap kaya’t may mga taong nagtitipon sa paligid ng
tindahan. Sunod-sunod na nadaanan ang mga lansangang malapad, madilim at walang tao; pagkaraan ay ang
malalaking lansangan sa labas ng bayan, ang mga bukid, at ang samyo ng mga pino. Biglang-bigla’y gumitaw sa
harap ng Obispo ang isang puting almenadong pader, sa likod nito ay isang mataas na kampanaryong
napapagitnaan ng limang malala king gintong kupolang nagliliyab sa liwanag ng buwan. Ito ang Monasteryo ng
Pankratievsky, na tirahan ng Obispo. Dito rin, sa itaas ng monasteryo, nakalutang ang isang tahimik na buwang
nag-iisip nang malalim. Pumasok sa tarangkahan ang karwaheng lumalangutngot sa buhangin. Dito at doon,
umaaligid sa liwanag ng buwan ang maiitim na monastikong hubog, at may maririnig na mga yabag sa mga patag
na bato…
“Alam po ba ng Inyong Kabunyian na dumating ang inyong ina noon pong kayo ay wala rito?” wika ng isang
hermano sa Obispo habang papasok ito sa silid.
“Ang aking ina? Kailan siya dumating?”
“Bago ang bisperas. Nagtanong po muna siya kung nasaan kayo, at saka siya nagtungo sa kumbento.”
“Kung gayon ay siya marahil ang nakita ko sa simbahan. Panginoong mahabagin!”
At tumawang nagagalak ang Obispo.
“Sinabihan po niya akong ipaalam sa Inyong Kabunyian,” pagpapatuloy ng hermano, “na babalik siya bukas. May
kasama po siyang batang babae, na sa palagay ko po’y kanyang apo. Sa ponda ng Ovsyabniko po sila mamamalagi
ngayong gabi.”
“Anong oras na?”
“Lampas na po sa ikalabing-isa ng gabi.” “Ay, kahina-hinayang!”
Sandaling naupo sa sala ang Obispo, nagbubulay-bulay. Halos hindi niya mapaniwalaang malalim na ang gabi.
Naninigas ang kanyang mga binti at bisig, sumasakit ang kanyang batok. Nakaramdam siya ng init at kawalang
ginhawa. Pagkaraang mag-pahinga nang ilang sandali, nagtungo siya sa kanyang silid-tulu-gan, at naupo rin doon at
pinag-isipan ang tungkol sa kanyang ina. Narinig niya ang papaalis na hermano at si Padre Sisoi na umuubo sa
kabilang silid. Inihudyat ng orasan ng monasteryo ang pagdatal ng ikalabing-limang minuto.
Nagpalit ng damit ang Obispo at nanalangin bago natulog. Inusal niyang may masusing pansin ang matatanda
at laon nang kilalang mga salita, at naiisip niya sa gitna ng lahat ang kanyang ina. May siyam itong anak, at marahil
ay apatnapung apo. Minsan nang namuhay ang kanyang ina kasama ang kanyang ama na dyakono sa isang dukhang
pamayanan; matagal nanirahan dito ang ina, mula sa gulang na labimpito hanggang sa gulang na animnapu. May
mga alaala ang Obispo tungkol sa ina na nag-babalik sa pinakamaaga niyang kabataan, halos sa gulang na tatlo.
Kung gaano niya kamahal ang ina! Minamahal, pinahahalagahan, di-malilimutang panahon ng kabataan! Bakit nga
ba tila higit na maliwanag, higit na nakagagalak, at higit na mayaman kaysa sa kung ano sila noon ang nangagdaang
mga araw, na hindi na magbabalik! Anong giliw at buti sa kanya ng ina tuwing siya’y nagkakasakit noong kanyang
kabataan! Lumalangkap ngayon ang kanyang mga dasal sa mga gunitang higit pang nagnining ning tulad ng apoy,
at hindi nakapipigil ang mga ito upang isipin niya ang kanyang ina.
Pagkaraang magdasal, tinapos ng Obispo ang pagpapalit ng damit at saka nahiga, at nang mamalayan ang
karimlan ay nag-bangon sa kanyang harap ang laragway ng kanyang ama, ng kan-yang ina, at ng kanyang
pinagmulang nayon, na tinatawag na Lyesopolye. Mga gulong na lumalangitngit, mga tupang tumi tingig, mga
kampana ng simbahan sa isang maaliwalas na umaga ng tag-araw, mga hitano sa harap ng durungawan—napakata-
mis pangarapin ng mga ganoong bagay! Naaalala niya si Padre Simeon, ang pari sa Lyesopolye, isang taong
mapitagan, mahina-hon, may magandang loob, maliit at payat, na may anak na nag-aaral upang maging pari—ang
anak ay isang malaki’t malusog na lalaking may mabangis na lagom ng boses. Minsan, sumabog ang galit ng
batang seminarista sa isang kusinero at dumagundong ang boses nito: “Asno ka ni Jehu—iyan ka!” At narinig siya
ni Padre Simeon at hindi ito umimik, nahihiyang hindi na niya maalala kung saan sa Bibliya nasusulat ang pag-iral
ng ganoong asno. Ang paring sumunod kay Padre Simeon sa Lyesopolye ay tinatawag na Padre Demian. Dahil
malakas na manginginom at dahil dito’y nakakikita kung minsan ng mga lunting ahas, ang paring ito ay tinatawag
minsan na “Demiang Kita-ahas.” Ang maestro ng Lyesopolye ay tinatawag na Matvey Nikolaich. Naging mag-aaral
din siya ng relihiyon. Bagama’t magiliw at matalino, isa rin siyang manginginom. Hindi niya sinasaktan ang
kanyang mga mag-aaral, ngunit lagi siyang nagsasabit sa ding-ding, sa kung anong kadahilanan, ng bungkos ng
mga siit ng abedul, at nakasulat sa ilalim nito ang ganap na di-mawatasang sulat sa Latin: Betula kinderbalsamica
secuta. May alaga rin siyang mabalahibong asong itim na tinatawag na Sintaks.
Natawa ang Obispo. Mga limang milya mula sa Lyesopolye ay ang nayon ng Obnino na may mahimalang poon. Inililibot nila
sa prusisyon ang poon tuwing tag-araw, paalis mula sa Obnino at patungo sa mga kalapit na nayon, kaya’t maghapong tumu-
tunog ang mga kampana ng simbahan sa pook na ito, at sa iba pa pagkaraan, at para sa Obispo noon, tila nag-uumapaw sa saya
ang hangin habang bumubuntot siya sa poon, yapak at walang gora, payak na may ngiti sa mga labi at payak na may pananam-
palataya sa kanyang puso. Hindi masusukat ang kanyang ligaya noong mga araw na iyon, noong siya ay kilala bilang si
Pablito. Nagugunita niya ngayon na laging may makapal na pulutong ng tao sa Obnino, at noong mga araw na iyon, upang
mabigyang panahon ang opertoryo, ipinababasa ng paring si Padre Alexey sa kanyang binging pamangkin ang pangalan ng
mga taong humi-hiling ng mga natatanging dasal “para sa kapayapaan ng kanilang mga kaluluwa” o “para sa kalusugan ng
kanilang mga katawan.” Babasahin ni Ilarion ang listahan ng mga pangalan, at bilang sukli sa kanyang paglilingkod,
nakatatanggap siya paminsan-minsan ng lima o sampung kopek, at noon na lamang tumanda at nakalbo siya, at malapit nang
mamatay, ay saka biglang-biglang napansin sa isa sa mga piraso ng papel ang nakasulat na: “Napakalaki mong tanga, Ilarion!”
Hanggang sa gulang na labinglima, hindi naki-taan ng gaanong pangako si Pablito at napakasama ng kanyang mga gawa sa
paaralan kung kaya’t naisipan ng mga magulang na alisin na siya sa paaralang pinangangasiwaan ng simbahan at ilagay sa
tindahan upang magtrabaho. Isang araw, nang kanyang sadyain ang tanggapan ng koreo sa Obnino para sa ilang sulat, matagal
niyang pinagmasdan ang mga kawani roon at saka nag-tanong: “Paumanhin po, paano po kayo binabarayan, buwanan o
arawan?”

Nag-antanda ang Obispo at bumaling sa kabilang bahagi, umaasang maipapahinga ang isip, umaasang
makakatulog.
“Dumating ang aking ina,” kanyang naalala, at siya’y napatawa. Naglalagos sa bintana ang kinang ng buwan,
makintab na puti ang sahig dahil sa liwanag ng buwan, at nakapaibabaw rito ang mga anino. May sumisiyap na
kuliglig. Tumatagos sa pader ang paghihilik ni Padre Sisoi sa kabilang silid, at nagpapahiwatig ang huklubang hilik
ng kalungkutan, kapanglawan, kakatwang paglalagalag. Minsan nang naging tagapangalaga ng bahay ng obispo ng
dyosesis si Padre Sisoi, kaya’t tinawag siyang “ang da ting Paring Tagapangalaga ng Bahay.” Pitumpung taon na
siya, at naninirahan kung minsan sa monasteryong may labingdalawang milya ang layo sa labas ng bayan, at
naglalagi sa bayan kung min-san. Tatlong araw pa lamang ang nakararaan nang magpakita siya sa Monasteryo ng
Pankratievsky, at kinukupkop siya roon ng Obispo upang makausap tuwing kinakailangan hinggil sa ilang usaping
pangsimbahan.
Ikaisa’ t kalahati ng umaga nang tumunog ang kampana para sa pang-umagang dasal. Umubo si Padre Sisoi,
may inusal na kung ano sa kanyang di-nasisiyahang boses, at bumangon pag-karaan at yapak na nagpagala-gala sa
mga silid.
“Padre Sisoi,” tumawag ang Obispo.
Nagbalik sa kanyang silid si Padre Sisoi at muling lumabas pagkaraan, nakabota at tangan ang isang kandila,
suot ang so-tanang nakapaibabaw sa kanyang mga damit panloob at isang luma, maliit, kupas na gora sa kanyang
ulo.
“Hindi ako makatulog,” sabi ng Obispo, habang umuupo. “May sakit ako marahil. Hindi ko alam kung ano ito.
Lagnat!”
“Marahil po’y nalamigan ang Inyong Kabunyian. Dapat ko po kayong pahiran ng sebo.”
Ilang sandaling nakatayo roon si Padre Sisoi at naghi kab: “O, Panginoon, patawarin po Ninyo ako, isang
hamak na makasalanan…”
“Nakita kong nakasindi ang mga lamparang de-kuryente sa tindahan ni Yerakin,” pagpapatuloy ng Obispo.
“Ayoko sa mga iyon.”
Matanda, payat, hukot, laging di-nasisiyahan si Padre Sisoi sa kung ano-ano, at galit at nakaluwa ang kanyang
mga mata tulad ng mga mata ng alimango.
“Ayoko rin sa mga iyon,” sabi nito habang papalayo. “Ayoko talaga sa mga iyon. O Panginoon, napakalaking
gulo!”
II
Nagmisa ang Obispo sa katedral sa bayan kinabukasan, Domingo de Ramos. Dumalaw siya pagkaraan sa arsobispo,
at dumalaw sa isang biyudang may malubhang karamdaman at asawa ng isang heneral, at pagkaraa’y nagpahatid
pauwi. Dakong ikalawa ng hapon, naging panauhin niya sa tanghalian ang dalawang mina-mahal—ang kanyang
matandang ina at ang kanyang pamang king si Katya, na walong taong gulang. Sa kabuuan ng tanghalian, dumaloy
mula sa patyo papasok sa bintana ang liwanag ng araw ng tagsibol, at magiliw na lumapag sa puting tapete at sa
pulang buhok ni Katya. Naglalagos sa kambal na salaming bahagi ng mga bintana ang iyak ng mga uwak at ang
pag-awit ng mga es-tornino sa hardin.
“Siyam na taon na mula nang huli tayong magkita,” ang sabi ng matandang babae, “ngunit nang makita kita sa
kumbento ka-hapon, mahal na Panginoon, walang nabago sa iyo kahit kaunti, bagama’t bahagya kang namayat at
higit na humaba ang iyong balbas! O, Banal na Ina, Reyna ng Langit! Sa misa kahapon nang gabi, hindi napigilan
ng mga naroon ang kanilang luha—nana ngis silang lahat, at nang makita kita, nanangis din ako, bagama’t alam ng
Diyos kung ano ang aking itinatangis. Iyon ang banal na kalooban ng Diyos!”
Ngunit sa kabila ng magiliw na himig ng kanyang pakiki pag-usap sa Obispo, malinaw na hindi mapalagay ang
matanda, hindi alam kung dapat pa siyang gumamit ng “po” at “opo” o ng higit na pormal na “kayo,” o kung dapat
ba siyang tumawa o hindi, at nararamdaman niyang tila higit siyang biyuda ng isang dyakono kaysa ina ng obispo,
samantalang nakaupo roon si Katya at nakapako ang tingin sa amain, ang Obispo, na tila ba pinipilit tuklasin kung
anong uring lalaki ito. Kumawala na ang buhok ni Katya mula sa suklay at sutlang laso, at nakatayo ngayong tila
sinag sa ulo; nakatikwas ang kanyang ilong, at malikot at may kailapan ang mga mata. Nakabasag na ng kopita ang
bata bago pa dumulog sa hapunan, at laging inilalayo sa kanya ng abwela ang mga baso at inuman habang ito’y
nagsasalita. Nakinig ang Obispo sa kanyang ina, at naalala na maraming, maraming taon na ang nakararaan,
isinama siya nito sampu ng kanyang mga kapatid na babae at lalaki upang dumalaw sa mga kamag-anak na kilalang
mayayaman. Abala na noon pang mga araw na iyon ang ina sa sariling mga anak, at abala naman ngayon sa mga
apo, at isinama nito si Katya upang makita siya.
“Apat na ang anak ng kapatid mong si Varenka,” sinasabi nito. “Itong si Katya ang panganay. Nagkasakit ang
iyong bayaw, si Padre Ivan—Diyos lamang ang nakababatid ng sanhi—at na-matay tatlong araw bago ang Pista ng
Asuncion, kaya’t napa-tapon ang kahabag-habag kong si Varenka sa isang malamig na daigdig…”
“Kumusta si Nikanor?” Itinatanong ng Obispo ang tungkol sa kanyang nakatatandang kapatid.
“Maayos naman, salamat sa Diyos. Maayos naman, purihin ang Panginoon, na may nalalabi pang hininga ang
kanyang ka-tawan. May isang bagay lang: ang anak niyang si Nikolasha— ang aking apo—ay ayaw maging pari at
sa halip ay pumasok sa unibersidad upang mag-aral ng medisina. Iyon sa palagay niya ang pinakamabuti, ngunit
sino talaga ang nakaaalam? Tanging ang banal na kagustuhan ng Diyos!”
“Hinihiwa ni Nikolasha ang mga patay,” pakli ni Katya na naligwakan ng tubig ang kandungan.
“Umayos ka ng upo, anak,” mahinahong sabi ng abwela, at kinuha nito ang baso mula sa kamay ng apo.
“Magdasal ka, at kumain!”
“Napakatagal na mula nang huli tayong magkita!” wika ng Obispo, habang masuyong hinihimas ang kamay at
balikat ng ina. “Hinahanap ko po kayong lagi noong ako’y nasa ibang bansa. Labis akong nasasabik sa inyo.”
“Salamat.”

“Sa mga gabi, kinasanayan ko nang maupo sa tabi ng naka-bukas na bintana, at lagi akong nag-iisa, at may
maririnig akong tumutugtog na banda, at biglang nilulukob ako ng pangungulila, at ninanais kong ipagpalit ang
lahat makauwi lamang muli, at makita kayo…”
Ngumiting may galak ang kanyang ina, at agad ding kinaki-taan ng pagiging seryoso ang mukha, at sinabi nito:
“Salamat.”
Bigla, may nabago sa kalooban ng Obispo. Minasdan niya ang ina at hindi niya maunawaan kung paano ito
umabot sa ganoong kimi, magalang na pahayag ng mukha at tinig, at hindi niya maunawaan kung para saan ito, at
hindi na niya makilala ang ina. Nakadama siya ng lungkot at kirot. Masakit pa ang kan-yang ulo mula nang
sinundang araw, at masakit na masakit ang kanyang mga binti, at matabang at luma na ang isdang kanyang
kinakain, at uhaw na uhaw siya sa simula pa lamang.
Pagkaraan ng hapunan, dalawang mayamang babaeng nag-mamay-ari ng mga lupain, kapwa matigas ang
mukha at walang kibo, ang dumalaw at namalagi roon ng isa’t kalahating oras. Pagkaraan nila’y nagsadya rin ang
isang arkimandrita, isang ta-himik na taong may pagkabingi. Pinatunog nila pagkaraan ang mga kampana para sa
bisilya, at lumubog ang araw sa likod ng kakahuyan, at natapos na ang maghapon. Sa pagbalik niya mula sa
simbahan, mabilis na nagdasal ang Obispo, nahiga, at nagku-mot upang mainitan ang katawan.
Hindi kaaya-aya ang naging pagkatanda niya sa isdang kinain sa hapunan. Ikinabahala rin niya ang liwanag ng
buwan, at na-karinig siya ng pag-uusap. Sa kanugnog na silid, na ukol marahil sa mga dumarating na panauhin, ay
nagsasalita tungkol sa pulitika si Padre Sisoi.
“Nakikidigma na ang mga Hapones ngayon,” sinasabi nito. “Katulad ng mga Montenegrino ang mga Hapones,
aking kapa-tid, sila’y magkalahi. Dati silang napailalim sa mga Turko, hindi mo ba alam?”

At narinig niya pagkaraan ang tinig ni Maria Timofeyevna: “Nagdasal kami at humigop ng tsaa, at pinuntahan
pagkaraan si Padre Yegor ng Novokhatnoye, at pagkaraan ay …”
Paulit-ulit na sinasabi ng matandang babae: “Nag-tsaa kami” o “Uminom kami ng tsaa,” hanggang sa tila
naiukol na nito ang buong buhay sa pag-inom ng tsaa. Dahan-dahan, nag-aantok, nagbalik ang gunita ng Obispo sa
pinagtapusang semi-naryo. Nagturo siya ng wikang Griyego sa seminaryo sa loob ng tatlong taon, hanggang sa
hindi na siya makapagbasa nang walang suot na salamin; naging isa siyang monghe, at ginawang tagasiyasat ng
paaralan sa kalaunan. Kumuha siya pagkaraan ng pagsusulit upang maging titulado. Naging rektor siya ng isang
seminaryo sa gulang na tatlumpu’t dalawa at hinirang na arki-mandrito. Napakapayapa at kalugod-kalugod noong
dumadaloy ang kanyang buhay, at wari’y magpapatuloy patungo sa hindi pa natatanaw na hinaharap. Pagkaraan ay
nagsimulang pumalya ang kanyang kalusugan, lubha siyang nangayayat at halos nabulag, at ipinayo ng kanyang
mga doktor na bitiwan niya ang lahat at manirahan sa ibang bansa.
“At ano ang inyong ginawa pagkatapos?” itinatanong ni Padre Sisoi sa kabilang silid.
“Uminom kami ng tsaa pagkatapos,” sagot ni Maria Timofeyevna.
“Ay, Padre, tingnan po ninyo’t lunti ang inyong balbas!” gulat na bulalas ni Katya, at humagalpak ito ng tawa.
Naalala ng Obispo na sadya ngang may pagkalunti ang balbas ng ubaning si Padre Sisoi, at siya man ay
napatawa.
“Patawarin tayo ng Diyos, sadyang napakalaking parusa naman ang batang ito!” sigaw ni Padre Sisoi sa galit
na boses. “Napakapilya mo! Maupo ka, puwede ba?”
May mga bagong gunitang nagbalik sa Obispo—naalala niya ang bagong-bagong puting simbahang pinagdausan
niya ng misa nang siya’y nangibang-bansa, at ang dagundong ng mainit na dagat. May limang matataas na silid ang
kanyang tirahan doon na naiilawang mabuti, may bagong mesang sulatan sa kanyang silid-aralan at isang buong
aklatan. Marami siyang binasa at si-nulat. Naalala niya kung paano siya nangulila sa iniwang bayan, at naalala niya
ang bulag na babaeng pulubing tumutugtog ng gitara sa tapat ng kanyang bintana at umaawit ng tungkol sa pag-
ibig, at tuwing nakikinig siya rito, sa kung anong dahilan ay lagi siyang nagninilay sa nakaraan. Walong taon ang
nagdaan bago siya muling ipinatawag sa Rusya, at ngayon ay isa na siyang kawaksing Obispo, at ang nakaraan ay
tila ba isang panaginip na nagmamaliw na sa malayong mga ulap.
Pumasok si Padre Sisoi sa silid na may dalang kandila. “Mabuti, mabuti,” sabi nitong may pagkamangha.
“Maagang
nakatulog ang Inyong Kabunyian.”
“At bakit naman hindi?”
“Napakaaga pa po, ikasampu pa lamang! Bumili ako ng kan-dila kaninang gabi. Ibig kong pahiran kayo ng
sebo!”
“Nilalagnat ako,” sabi ng Obispo habang umuupo. “Dapat ko na itong tingnang mabuti. Kakatwa ang
pakiramdam ng aking ulo…”
Hinubad ni Padre Sisoi ang damit pang-itaas ng Obispo at sinimulang pahiran ng sebo ang dibdib at likod nito.
“Diyan… diyan,” sabi ng Obispo.“O, Panginoong Hesukristo! Diyan! Nagtungo ako sa bayan kanina at
nakatagpo si—ano na ngang pangalan nya?—oo, si Punong Presbitero Sidonsky. Nag-tsaa kami. Ayoko sa kanya.
O, Panginoong Hesukristo! Diyan! Kahit kaunti ay ayoko sa kanya!”

III
Isang matandang lalaki ang arsobispo, napakataba, at mahigit isang buwan nang nakaratay dahil sa rayuma. Halos
araw-araw siyang dinadalaw ni Obispo Pedro, na humaharap din sa lahat ng suplikanteng nagsasadya sa arsobispo.
Ngayong siya ang may karamdaman, nililigalig siya ng kababawan at kahungkagan ng anumang hilingin ng mga
ito, ng anumang nagpapatangis sa kanila, at binabagabag siya ng kanilang kawalang-muwang at ka-ruwagan. At
pawang pabigat na dumadagan sa kanya ang lahat ng walang silbi’t mabababaw na kahilingan, at ngayon sa wakas
ay ang pakiramdam na nauunawaan niya ang isang obispong sumu-lat noong mga unang araw ng “Ang mga
Doktrina ng Kalayaan ng Isip,” at tila lulong ngayon sa kababawan, upang makalimu-tan ang lahat, at upang
isaisangtabi ang mga kaisipan ng Diyos. Napawalay na marahil ang Obispo sa buhay Ruso noong siya’y nasa ibang
bansa; hindi na ito madali para sa kanya; tila kay-gagaspang ng mga tao, tila mga dungo at gunggong ang mga
babaeng humihingi ng gabay, walang turo at kung minsan ay mga taong lumaki sa gubat ang mga seminarista at
ang kanilang mga guro. At libo-libo ang mabibilang na dokumentong puma-pasok at lumalabas! Anong mga
dokumento iyon! Binibigyan ng marka ng mga tagapangasiwang pangsimbahan ang lahat ng pari sa mga diyosese;
minamarkahan ang mga nakababata at matatan-dang pari, at ang mga asawa at anak ng mga ito, batay sa kanilang
asal—lima, apat, kung minsan ay tatlo—at hinihinging magsa lita at magbasa at magsulat siya ng mga seryosong
ulat tungkol sa paksa. Walang sandaling maituturing niyang sa kanya, buong araw na ginigiyagis ang kanyang
kaluluwa, at mapayapa lamang siya kapag nasa simbahan.

Hindi siya masanay sa sindak na naihahasik niya sa mga tao nang hindi niya namamalayan sa kabila ng
kanyang tahimik na gawi at kababaang-loob. Tila naluluoy at nagpapakita ng palatan-daan ng batik sa kalooban at
takot ang sinumang masulyapan niya sa lalawigan. Nanginginig kahit sino, maging ang matatan-dang punong pari,
kapag kaharap siya; nangayuyupapa silang lahat, at hindi pa kalaunan, isang matandang babae, ang mayba-hay ng
pari sa nayon, ang nagsadya sa kanya at labis na nilukob ng pagkamangha kaya’t hindi nakapagbitiw ng kahit isang
salita,

at lumisang walang hinihiling na anuman. At siya, na walang ka-kayahang magsalita nang masakit sa mga tao sa
kanyang mga sermon, at siyang hindi magawang sisihin ang mga tao sapagkat kanyang kinaaawaan, ay itinutulak sa
matinding poot ng mga suplikanteng ito; nawawala ang kanyang hinahon at inihahagis sa sahig ang kanilang mga
petisyon. Sa buong panahong naroon siya, wala isa mang nakipag-usap sa kanya nang tunay, nang payak, nang tao-
sa-tao. Kahit ang kanyang matandang ina ay nagbago— ang totoo’y nagbagong higit sa lahat! Bakit walang tigil
kung makipaghuntahan ito kay Padre Sisoi, at labis kung makipag-tawanan dito, samantalang kakatwang nagiging
hindi palakibo at tahimik at pinipigil ang sarili kapag kaharap ang anak? Hindi ganito ang kanyang ina. Ang nag-
iisang taong kumikilos nang likas at sinasabi ang anumang pumasok sa ulo ay ang matandang Padre Sisoi, na sa
kanyang buong buhay ay nakipamuhay na sa maraming obispo at nalampasan pa ang tagal ng buhay ng la-bing-isa
sa mga ito. At kaya palagay ang loob sa kanya ni Obispo Pedro, bagama’t siya, sabihin pa, ay mabusising tao at
mahirap makasundo.
Pagkatapos ng liturhiya noong Martes, nagtungo si Obispo Pedro sa bahay ng arsobispo at tumanggap ng mga
petisyon; uminit ang ulo, nawala ang hinahon, at umuwi. Masama na ang kanyang pakiramdam tulad ng dati, at nais
nang mahiga, ngunit hindi pa siya halos nakararating sa bahay nang ipaalam sa kan-yang sinadya siya para sa isang
mahalagang bagay ng batambatang negosyanteng si Yerakin, isang tagapagtaguyod ng simbahan. Napilitan ang
Obispong harapin siya. Nagtagal si Yerakin nang mga isang oras, malakas na nagsalita, halos sumisigaw, at napaka-
hirap unawain kung ano ang kanyang sinasabi.
“Ipagkaloob nawa ng Diyos!” sabi ng negosyante habang pa-paalis. “Kailangang-kailangan din ito! Ayon sa
mga pangyayari, Inyong Kabunyian! O, umaasa akong mapahihintulutan ito!”

Pagkaraan ng negosyante ay tinanggap ng Obispo ang madre superyora mula sa isang malayong kumbento. At
nang makaalis na ito, inihudyat na ng mga kampana ang bisilya at kailangan na ng Obispong pumunta sa simbahan.
Nang gabing iyon, masiglang umawit sa mga nagtutugmang tinig ang mga monghe, samantalang pinangunahan
ang bisilya ng isang kabataang paring may maitim na balbas; at ang Obispo, na nakikinig habang inaawit ang
tungkol sa lalaking ikakasal na pu-masok nang madaling araw sa kamarang ginayakan para sa kanya, ay hindi
nakaramdam ng pagsisisi sa kanyang mga kasalanan, o anumang pighati, kundi mapayapang kalooban at
katiwasayan, at sa isip ay tinatangay siyang pabalik sa malayong nagdaan, sa mga araw ng kanyang pagiging paslit
at ng kanyang kabataan, noong umaaawit din sila ng tungkol sa lalaking ikakasal na pumapa-sok sa kamara, at
bumabangon ngayon ang nakaraan sa kanyang harap, makulay, maganda at masaya, na malamang ay hindi na-
ganap sa nakaraan. At marahil sa ibang daigdig, sa darating pang buhay, maaalala natin ang malayong lumipas, ang
buhay natin sa daigdig, nang may ganoong pakiramdam. Sinong makaaalam? Naupo ang Obispo malapit sa altar,
kung saan higit na madilim, samantalang lumalagaslas ang mga luha sa kanyang pisingi, at naisip niya kung
paanong natamo na niya ang lahat ng maaaring matamo ng isang taong nasa kanyang kinalalagyan; may pana
nampalataya siya, ngunit hindi malinaw ang lahat sa kanya. May kung anong kulang, at ayaw niyang mamatay. Sa
pakiramdam niya’y bigo siyang matuklasan ang pinakamahalagang bagay sa lahat, isang bagay na naanag-ag niya
sa mga panaginip sa nag-daan, at naliligalig pa rin siya ng mga katulad na pag-asa para sa darating na nadama niya
noong siya’y isang paslit pa lamang, sa seminaryo, at noong siya ay nasa ibang bansa.
“Napakaganda ng kanilang pag-awit ngayon,” naisip niya, habang nakikinig sa koro. “O, napakaganda!”

IV
Nagdaos siya ng misa sa katedral noong Huwebes. Ito ang Paghuhugas ng mga Paa. Nang tapos na ang misa at
nakauwi na ang mga tao, at masayang sumisikat ang araw, maingay na duma-daloy ang tubig sa gilid ng daan, at
lumulutang mula sa bukid sa labas ng bayan ang walang tigil na awit ng mga langay-langayan, banayad na
nagpapahiwatig ng kapayapaan. Nangagsisigising na ang mga puno at nakangiting bumabati, at nakalatag sa
kanilang ibabaw ang di-maaarok, di masusukat na bughaw na langit.
Nang makarating sa bahay ay uminom ng tsaa si Obispo Pedro, nagpalit ng damit, nahiga sa kama, at sinabihan
ang hermano na isara ang mga bintana. Dumilim sa silid-tulugan. Dinaramdan niya ang pagkapagod, ang sakit sa
kanyang mga binti at likod, ang dumadagang malamig na sakit, ang mga ingay sa kanyang pandinig! Matagal na
siyang hindi nakakatulog—tila napakatagal na nga ngayon—at may ganap na di-mahalagang bagay ang umuukilkil
sa kanyang utak habang siya’y pumipikit, na pumipigil sa kanya sa pagtulog.Tulad ng kahapon, narinig niya mula
sa kabilang silid ang mga boses, ang kalansing ng mga baso at kutsarita… Masayang nagkukuwento si Maria
Timofeyevna kay Padre Sisoi, sa mabirong pananalita, at sumasagot kung minsan ang matandang lalaki sa
magaspang, masungit na boses: “Pagkatapos, anong nangyari? Talaga bang ginawa nila ang ga-noon? At ano ang
sumunod?” At muli nakaramdam ang Obispo ng inis at sama ng loob na kumikilos nang karaniwan at payak ang
kanyang matandang ina kapag iba ang kausap, samantalang lagi itong nag-aalangan, hindi masalita, at ayaw sabihin
ang ibig sabihin sa kanyang anak, at sa mga araw na iyon natitiyak niyang sinisikap nitong makahanap ng dahilan
upang tumayo, na tila ba nahihiyang maupo sa kanyang harap. At ang kanyang ama? Ito man, kung nabubuhay pa,
ay malamang na hindi rin makaiimik kung siya ay kaharap…
May kung anong bumagsak sa sahig at nabasag sa kabi-lang silid. Nabitiwan marahil ni Katya ang isang tasa o
plati-to, dahil kaagad nangalaiti si Padre Sisoi at galit na sumigaw: “Napakalaking parusa talaga ang batang ito!
Panginoon, pata-warin Mo po ako sa aking mga kasalanan, ngunit huwag na po ninyong pahahawakin ng kung ano
ang batang ito!”
Biglang natahimik pagkaraan, ang tanging tunog na mariri nig ay nagmumula sa labas. Nang dumilat ang
Obispo, nakita niya si Katya na nakatayong walang tinag sa silid, nakatingin sa kanya. Ang pulang buhok nito,
tulad nang dati, ay nakatayo sa likod ng suklay na tila bilog na sinag.
“Ikaw ba ‘yan, Katya?” tanong nito. “Sino ang nagbubukas at nagsasara ng mga pinto sa ibaba?”
“Wala po akong naririnig,” sabi ni Katya, may inuulinig.
“Ayun, may kadaraan lamang.”
“Tiyo, iyan po ay tunog ng inyong tiyan!” Tumawa siya at hinagod ang ulo ng bata.
“Hinihiwa nga ba ng pinsan mong si Nikolasha ang mga patay?” tanong nito pagkaraan.
“Opo, pinag-aaralan niya.”
“Mabait ba siya sa ‘yo?”
“Napakabait po niya, Tiyo, pero napakarami niyang uminom ng vodka.”
“Anong ikinamatay ng iyong ama?”
“Nanghina po siya at nangayayat nang husto, at biglang-bigla po’y naging masama na rin ang lagay ng kanyang
lalamunan. Nagkasakit din po ako, at ang kapatid kong si Fedya. Sumakit po ang aming lalamunan. Namatay si Itay
pero gumaling po kami.” Nangatal ang baba ni Katya, ang mga mata’y napuno ng lu-
hang dumaloy sa mga pisngi.
“Inyong Kabunyian!” samo ng bata sa matinis, patangis na boses. “Mahal kong Tiyo, napakasawi po naming lahat
—ang aming ina at kaming lahat… Bigyan mo po kami ng kaunting salapi… Maging mabait po kayo sa amin,
mahal naming Tiyo!” At nagsimula na ring tumangis ang Obispo, at ganap na nabag bag ang loob sa kabuuan ng
mahahabang sandali kaya’t hindi agad nakapagsalita. Hinaplos niya ang buhok ng bata at tinapik sa balikat at
sinabi: “Mainam, aking anak. Malapit na ang Pasko ng Pagkabuhay, at mag-uusap tayo tungkol dito. Tutulungan ko
kayo. Tutulong ako…”
Tahimik na dumating at nakikiming pumasok sa silid ang kanyang ina, at nag-antanda sa harap ng poon. Nang
makitang hindi natutulog ang anak, sinabi nitong: “Gusto mo ba ng sopas?”
“Hindi po, salamat,” sagot niya. “Hindi ako nagugutom.” “Sa tingin ko’y may dinaramdam ka. At paano ba
namang
hindi ka magkakasakit! Maghapon kang nakatayo, maghapon— Alam ng Diyos na sumasakit ang dibdib ko kapag
nakikita kang ganyan. Ano’t anuman, wala naman sa kabilang dako ng burol ang Pasko ng Pagkabuhay, sabi nga
nila, at makapagpapahinga ka na, at pagkaraan, sa awa ng Diyos, makapag-uusap na tayo, pero sa ngayon ay hindi
gagambalain ng aking pagsasalita ang iyong pagtulog. Halika na, Katenka! Hayaang matulog nang kaunti ang
Kanyang Kabunyian.”
At naalala niya, matagal na matagal na panahon na ang naka raraan, noong paslit pa lamang siya, na sa ganoon ding
mapaglaro at magalang na paraan nakipag-usap ang kanyang ina sa matataas na dignitaryo ng Simbahan. Tanging
sa pagpansin sa kanyang magiliw na mga mata at sa nangangambang sulyap sa Obispo habang siya’y papaalis ng
silid mahuhulaang ito ang kanyang ina. Pumikit siya at tila matutulog na, ngunit naririnig niya si Padre Sisoi na
umuubo sa kabilang bahagi ng pader, at narinig niyang makalawang tumunog ang orasan. Muling pumasok ang
kanyang ina, at nakikiming pinagmasdan siya nang matagal. At narinig din niya ang pagdating sa may harapang
hagdanan ng isang nagpapatakbo ng karwahe o bukas na karetela. Bigla’y may kumatok, lumagabag ang pinto, at
pumasok sa silid-tulugan ang hermano.
“Inyong Kabunyian!”
“Oo, ano iyon?”
“Nariyan na po ang mga kabayo. Oras na pong magtungo sa Pasyon ng Ating Panginoon.”
“Anong oras na?”
“Labinglimang minuto po bago mag-ikapito.”
Nagbihis siya at nagtungo sa katedral. Habang binabasa ang Labingdalawang Ebanghelyo, kinailangan niyang
tumayong walang tinag sa gitna ng simbahan, at binasa niya ang unang ebanghelyo, na siyang pinakamahaba at
pinakamaganda. Nilukob siya ng tiwala at lakas ng loob. Kabisadong-kabisado niya ang unang ebanghelyong iyon
—“Ngayon ay Niluluwalhati ang Anak ng Tao”—at habang nagbabasa, manaka-nakang nag-aangat siya ng tingin
at nakikita sa magkabilang bahagi ang mga liwanag sa kanyang paligid, at naririnig niya ang pagpisik ng mga
kandila, ngunit tulad ng nangyari sa mga nakaraan, hindi niya makita ang mga tao. Sumagi sa kanyang isip na
marahil ay sila rin ang mga taong nasa kanyang paligid noong mga panahong siya’y paslit pa lamang at sa panahon
ng kanyang kabataan, at lalagi silang naroon taon-taon hanggang sumapit ang ipinagkakaloob na pa-nahon ng
Diyos.
Dating dyakono ang kanyang ama, pari ang kanyang abwelo, dyakono ang kanyang dakilang ingkong, at nabibilang
na marahil sa Simbahan ang kanyang buong angkan simula nang pumasok ang Kristiyanismo sa Rusya, at ang
kanyang pagmamahal sa banal na misa, sa pagkapari, at sa tunog ng mga kampana ay hindi ma-papawing tanda na
taglay niya mula nang isilang. Sa simbahan, lalo kung siya’y nagmimisa, nararamdaman niyang siya’y buhay na
buhay, masigla, at maligaya. Ganoon siya ngayon. Noon na lamang binabasa ang ikawalong ebanghelyo ay saka
niya nadama ang paghina ng kanyang boses, at hindi na niya marinig maging ang kanyang pag-ubo. Matindi ang
sakit ng kanyang ulo at ni-lukob siya ng takot na bigla siyang humandusay. Naramdaman niya ang pamamanhid ng
mga binti, ang unti-unting pagtakas ng pakiramdam sa mga ito, at hindi niya lubos maisip kung paano siya
nakatayo o kung saan siya nakatayo, at bakit hindi siya nalugmok…
Labing limang minuto bago mag-ikalabingdalawa ay natapos ang misa. Nang marating niya ang tirahan,
nagpalit ng damit ang Obispo at nagtungo sa higaan nang hindi inuusal ang kan-yang mga dasal. Hindi siya
makapagsalita, at tiyak niyang hindi siya makatayo. Nang hilahin niya ang kumot, nakadama siya ng biglang pag-
asam na mapunta sa ibayong dagat, isang malalim at madamdaming pag-asam! Naisip niyang ipagkakaloob niya
ang kanyang buong buhay upang hindi makita yaong mumura-hin at kahabag-habag na mga bintana, ang
mabababang kisame, upang hindi malanghap ang nakapananaig na amoy ng monas-teryo. Kung mayroon lang sana
siyang isang taong makakausap, at maaari niyang pagbuhusan ng laman ng kanyang kaluluwa.
Mahahabang sandali ang lumipas at nakarinig siya ng mga yabag sa kabilang silid, at hindi niya masabi kung
kanino ang mga iyon. Sa wakas ay bumukas ang pinto at pumasok si Padre Sisoi na may hawak na tasa ng tsaa sa
isang kamay at kandila sa kabila.
“Matutulog na po ba ang Inyong Kabunyian?” tanong ni Padre Sisoi. “Pupunasan ko po kayo ng vodka at suka.
Mahusay po kung ganap kayong mapupunasan! Panginoong Hesukristo! Dito! Dito! Kagagaling ko po sa ating
monasteryo… Ayoko po doon… Aalis na po ako bukas, Inyong Kabunyian, dahil sawang-sawa na ako.
Panginoong Hesukristo! Siya po!...”
Hindi tumatagal sa isang lugar si Padre Sisoi, at sa pakiramdam niya’y nakaisang taon na siya sa Monasteryo ng
Pankratievsky. At higit sa lahat, mahirap alamin batay sa kanyang sinasabi kung tagasaan siya, kung may sinuman
o anuman siyang minama-hal, o kung naniniwala siya sa Diyos. Hindi rin niya alam kung bakit siya naging
monghe, ngunit hindi niya ito napag-iisipan, at malaon nang nabura sa kanyang alaala ang panahon ng kanyang
panunumpa bilang pari. Isinilang siya marahil sa monasteryo.
“Iiwan ko na po sila bukas, at angkinin nawa sila ng Diyos!” sabi ni Padre Sisoi.
“Matagal na kitang ibig kausapin,” sabi ng Obispo. “Tila hindi ako nagkaroon ng panahon.” Naging bulong
ang kanyang boses, at nahirapan sa pagsasalita. “Wala akong kilalang sinuman o anuman dito.”
“Kung gayon po’y mamamalagi ako hanggang Linggo kung siya ninyong nais. Ganyan po, ngunit hindi na
lalagpas pa doon. Kailangan ko nang iwan ang lugar na iyon…”
“Anong uring obispo ako?” pagpapatuloy ng Obispo sa napakahinang boses. “Dapat ay naging isa akong pari
sa nayon o dyakono o isang payak na monghe. Nasasakal ako ng lahat nang ito—Nasasakal ako…”
“Ano po? O, Panginoong Hesukristo! Ganyan po, matulog na po ang Inyong Kabunyian. Ano po ang
nangyayari sa inyo? Tungkol po saan? Ay, magandang gabi po!”
Buong magdamag na nakahigang gising ang Obispo. Sa ikawalo ng umaga, nagsimulang duguin ang kanyang
bituka. Nabahala ang hermano at sumugod sa arkimandrita at pagkaraan ay kay Ivan Andreyich, ang doktor ng
monasteryo, na nakati-ra sa bayan. Matagal pinagmasdan ng doktor, isang mabilog na matandang lalaking may
mahabang abuhing balbas, ang Obispo, umiling, sumimangot, at nagsabing: “Alam po ba ng Inyong Kabunyian na
kayo ay may tipus?”
Nagpatuloy ang pagdurugo ng Obispo sa sumunod na isang oras. Namutla siya, pumayat, at nahumpak ang mukha.
Napuno ng kulubot ang kanyang mukha at lumuwa ang mga mata: tila tumanda siya at naluoy. Naramdaman
niyang patuloy siyang tagasaan siya, kung may sinuman o anuman siyang minama-hal, o kung naniniwala siya sa
Diyos. Hindi rin niya alam kung bakit siya naging monghe, ngunit hindi niya ito napag-iisipan, at malaon nang
nabura sa kanyang alaala ang panahon ng kanyang panunumpa bilang pari. Isinilang siya marahil sa monasteryo.
“Iiwan ko na po sila bukas, at angkinin nawa sila ng Diyos!” sabi ni Padre Sisoi.
“Matagal na kitang ibig kausapin,” sabi ng Obispo. “Tila hindi ako nagkaroon ng panahon.” Naging bulong
ang kanyang boses, at nahirapan sa pagsasalita. “Wala akong kilalang sinuman o anuman dito.”
“Kung gayon po’y mamamalagi ako hanggang Linggo kung siya ninyong nais. Ganyan po, ngunit hindi na
lalagpas pa doon. Kailangan ko nang iwan ang lugar na iyon…”
“Anong uring obispo ako?” pagpapatuloy ng Obispo sa napakahinang boses. “Dapat ay naging isa akong pari
sa nayon o dyakono o isang payak na monghe. Nasasakal ako ng lahat nang ito—Nasasakal ako…”
“Ano po? O, Panginoong Hesukristo! Ganyan po, matulog na po ang Inyong Kabunyian. Ano po ang
nangyayari sa inyo? Tungkol po saan? Ay, magandang gabi po!”
Buong magdamag na nakahigang gising ang Obispo. Sa ikawalo ng umaga, nagsimulang duguin ang kanyang
bituka. Nabahala ang hermano at sumugod sa arkimandrita at pagkaraan ay kay Ivan Andreyich, ang doktor ng
monasteryo, na nakati-ra sa bayan. Matagal pinagmasdan ng doktor, isang mabilog na matandang lalaking may
mahabang abuhing balbas, ang Obispo, umiling, sumimangot, at nagsabing: “Alam po ba ng Inyong Kabunyian na
kayo ay may tipus?”
Nagpatuloy ang pagdurugo ng Obispo sa sumunod na isang oras. Namutla siya, pumayat, at nahumpak ang
mukha. Napuno ng kulubot ang kanyang mukha at lumuwa ang mga mata: tila tumanda siya at naluoy.
Naramdaman niyang patuloy siyang pumapayat at humihina at nawawalan ng silbi sa kahit sino pa man sa daigdig,
at tila para sa kanya ay naglalaho sa malayo at hindi na muling babalik pa ang lahat ng bagay na naganap sa
nakaraan. “Mainam!” Naisip niya. “O, napakainam!” Pumasok sa silid ang kanyang ina. Nang makita nito ang
nangungulubot niyang mukha at nakaluwang mata, natakot ito, lumuhod at sinimulang halikan ang kanyang
mukha, ang kanyang balikat, ang kanyang mga kamay. At para sa ina, siya’y tila higit na pumayat, higit na humina,
at nawalan ng kabuluhan, at nakalimutan niyang ito’y isang Obispo, at hinalikan itong tila isang paslit na malapit sa
kanya at minamahal niya. “Pablito, pinakamamahal ko,” sabi niya. “Mahal na mahal ka sa akin! Anak ko, anak
ko!.. Anong nangyari? Pablito, kausapin mo ako!” Nakatayo sa tabi ng matandang babae si Katya, na namumutla at
walang ngiti sa mukha, at hindi nito maunawaan kung ano ang nagaganap sa kanyang tiyuhin o kung bakit bakas
ang pagdurusa sa mukha ng kanyang abwela o kung bakit ito nangungusap ng mga bagay na nakasasakit sa puso.
Hindi na makabuo ng mga salita ang Obispo, at hindi na nawawatasan ang nangyayari sa kanyang paligid. Ang
nailalarawan na lamang ng kanyang isip ay isa siyang payak, pangkaraniwang nilalang na masayang tumatakbo sa
gitna ng parang, iwinawasiwas ang baston, kasinglaya ng ibong naglalagalag sa kung saan nito nais sa ilalim ng
malawak na kalakhan ng langit na nalalatagan ng sikat ng araw. “Pablito, mahal ko, kausapin mo ako!” sinasabi ng
matandang babae. “Anong nangyari? Mahal kong anak…” “Hindi na po ninyo dapat ginagambala ang Kanyang
Kabunyian,” paasik na sigaw ni Padre Sisoi habang paroo’t parito sa silid. “Hayaan na po natin siyang umidlip!
Wala na tayong magagawa sa ngayon…
Tatlong doktor ang dumating, sumangguni sa isa’t isa, at saka nagsilisan. Hindi kapanipaniwalang tila kay haba
ng araw na si-nundan ng wari’y pagkahaba-habang gabi. Bago magbukang-liwayway ng Sabado, lumapit ang
hermano sa matandang babae, na nakahiga sa sopa sa sala, at niyakag ito sa silid-tulugan. Patay na ang Obispo.
Pasko ng Pagkabuhay kinabukasan. May apatnapu’t dalawang simbahan at dalawang monasteryo sa bayan; at
mula umaga hang-gang gabi, nangingibabaw sa buong bayan ang malalagom, masa-sayang nota ng mga kampana
ng simbahan, hindi tahimik, pinu-pukaw ang hangin ng tagsibol. Umaawit ang mga ibon, at masigla ang sikat ng
araw. Puno ng ingay ang plasang pamilihan: masiglang umuugoy ang mga duyan, tumutugtog ang mga organong
de-gulong, humihiyaw ang mga konsertina, at dumadagundong ang mga lasing na boses. Pagkapananghali’y
napuno na ng mga tao ang pangunahing lansangan. Sa madaling salita, masaya at maayos ang lahat, tulad ng
nagdaang taon at walang pagdududang magiging ganoon din sa mga darating pang taon.
Isang buwan pagkaraan, isang bagong obispo ang hinirang, at wala isa mang nakaisip pang muli kay Obispo
Pedro. Di naglaon at ganap na siyang nalimot. At tanging ang matandang babae, ang ina ng namayapa, na
nakikipanirahan ngayon sa kanyang ma-nugang na dyakono sa isang malayo at maliit na nayon, tuwing lumalabas
ito bago dumilim upang iuwi sa pagkakapastol ang kanyang baka, ang humihinto kung minsan upang makipag-usap
sa ibang kababaihan sa bukid tungkol sa kanyang mga anak at apo at anak na lalaking naging obispo, at laging
banayad at naki-kimi kung siya’y mangusap, nangangambang walang maniniwala sa kanya.
At tunay ngang may ilang hindi naniniwala sa kanya.

You might also like