You are on page 1of 11

“ANAK”

Nais kong umpisahan ito sa pamamagitan ng aking mensahe sa aking tinuturing na Ina, kuya, at ate.
Mama, salamat sa pagpapalaki mo sa akin. Akin itong tunay na utang na loob mula sa iyo. Kuya, salamat sa mga
panahong ako ay iyong pinapagawa ng mga bagay na ikagagalit ni Ina. Ate, salamat sa mga pangaral mong hindi ko alam
kung saan mo napulot dahil isa ka namang lakwatsera. Kayo ay aking pamilya sa papel at batas. Malaki ang aking
pasasalamat sa inyo. Dahil sa inyo, namulat akong hindi nga perpekto ang mundo. Napakadugas. Mapanlinlang. Ngunit
hindi ko lubos maisip na sa rami ba naman ng taong makakaranas nito at bakit ako pa ang nanalo?
Salamat at dahil kahit kailanman hindi niyo ako napuri sa mga natamo ko. Hindi sa pagbubuhat ng bangko ngunit nasa
akin na ata lahat ng hinahanap niyo. Mabait, masunurin, matiisin, matatag, at maasikaso. Lahat ng iyan ay naipamalas ko.
Ngunit hindi niyo ako nagawang irespeto bilang tao. Hindi ko isinusumbat.Ma, Ate, kuya. Salamat po dahil GINAWA
niyo akong ganito. 'Yung naging mailap sa inyo, Yung hindi kumikibo at hindi sumasagot sa mga tanong niyo. Bilang
anak, gampanin ko na suklian ang aking utang na loob. Inay, Mahal na mahal ko po kayo. Bakit? Aba, ewan ko.

KinemengAnakniLa
2018
University of Makati

Mga Gabay na Tanong:


 Ano ang kahulugan ng naratibong teksto?
 Ano ang mensahe na nais ipabatid sa atin ng akda?
 Ano ang damdamin nangingibabaw sa kabuuan ng akda. (Ipaliwanag)
 Paano ang pagkakabuo ng naratibong komposisyon, tungkol saan ang paksa (sariling karanasan,
nasaksihan, napakinggan o nabalitaan, nabasa o likhang isipan). (Ipaliwanag)
 Bakit mahalaga ang pag-aaral ang tekstong naratibo?
 Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tradisyinul at makabagong pagsulat nang isang komposisyon?
“CAMERA”

"Alin dito ang sasalihan niyo?" Pinakita ng principal namin ang maaaring salihan para sa nalalapit na contest. "Journalism
po sana kaso may ibang sinalihan ang mga bata." Nag-isip nang mabuti si Sir habang nakatingin sa aming principal.
Napatingin naman sa akin si Angel at pasimpleng nginuso ang nasa table. "Ano?" Bulong ko sa kanya dahil di ko
maintindihan. "Sabi ko, photography nalang ang salihan natin. You take the pictures, akong bahala sa article." Inquire
niya. Sabagay, kaming dalawa lang ang nandito dahil ang iba naming kasama ay busy sa kani-kanilang studies. "Pero
ikaw ang photographer sa'ting dalawa. Ako nalang ang bahala sa article." Sabi ko. "Pero mas maganda kung yung
preference mo. Nakakasawa ang feminine views." Sagot niya pa. "Ganito nalang. Magtulungan nalang tayo." Suhestiyon
ko."Magtutulungan naman talaga tayo. You take care of the pictures, and I'll do the rest." "Oh anong pinag-aawayan
niyong dalawa?" Sita samin ni Sir. "Ah wala po. May napag-usapan lang kami ni Elijah." Ani Angel kay Sir. "Suggest
lang po namin to ah. Since kaming dalawa lang naman po, why not photography nalang?" Napatango naman ang aming
principal. "Good idea. I'll give you the permission kung saan niyo gagawin ang trabaho niyo." "Okay, ma'am. Thank
you." Ngumiti si Sir at sinama na kami palabas ng faculty office. "Kayo lang ba talagang dalawa?" Tanong ni Sir. "Opo.
Wala sina Evan. Wala rin ang feature writers natin." Sagot ni Angel. "Well then, magsimula na tayo bukas."
Kinabukasan, maaga kami ni Angel dahil labas sa school premises ang pupuntahan namin para sa project na to. Isusubmit
pa namin ito sa regional office. "Our theme is about Christmas." Angel groaned. Ayaw niya talaga sa mga ganito. Mas
gusto pa niyang magsulat at pumunta sa mga tahimik at payapang lugar. Christmas is not that solemn. "Let's get going.
By lunch break, babalik na tayo dahil may mga klase pa kayo." Una naming pinuntahan ay ang plaza kung saan may
tatlong simbahan sa malapit. "You take the pictures, Elijah." Utos ni Angel. Kinuha ko sa kanya ang camera kahit wala
ako masyadong alam sa angles but I still took some nice views. Sa huling kuha ko, hindi ko namalayang nakuhanan ko
pala ng litrato si Angel nang hindi niya namamalayan.

A stolen shot. She really looks passionate in her ways. As I was about to take another shot of her, bigla siyang napatingin
sa gawi ko at agad kumunot ang noo niya. "Anong ginagawa mo?" Nag-isip naman agad ako ng palusot. "Kanina pa kita
tinatawag. Sabi ko alis dyan nakaharang ka e." Phew. Buti nalang kapani-paniwala ang alibi ko. Sa bawat click ko ng
camera, palihim kong kinukuhanan si Angel. Ilang araw din ang ginugol namin para sa article. "Oh Elijah, ayos na siguro
ito. Pakibasa nalang." Pagod niyang nilahad sakin ang kanyang sinulat. As expected, she's really impressive. "Oo ayos na
ito." Sinabi ko nalang. "Sige ah mauuna na ako sa pag-uwi. Ikaw na magbigay niyan kay Sir." Aniya at lumabas na sa
office. Sa halip na umuwi, ni-revise ko ang mga ginawa namin. Yung mga pictures na nandoon siya, sinama ko at
napangiti nalang ako sa aking ginawa. I passed our work. "Elijah?" Tawag ni Sir nang paalis na ako."Yes, Sir?""A
thumbs up. Wait, si Angel ba ito?" Turo niya sa litrato ni Angel na naka-sideview."Opo." Ngumiti nang nakakaloko ang
adviser namin sa club. "Mali po yang iniisip niyo Sir.""Di ko naman sinabi sayo ang iniisip ko." Tawa ni Sir. May
kahulugan din para sa kanya ang output ko."Sabi ko nga po. Alis na po ako." Pinili ko nalang magpaalam dahil baka
mapaghalataan ako."Elijah?" Ang mala-anghel na boses ni Angel ang una kong narinig pagpasok sa classroom. Hindi
kami magkaklase kaya nagulat ako nang pumunts siya samin."Bakit?" "Ininvite tayo ni Sir mamaya pagkatapos ng klase.
Victory party daw." Masaya niyang saad. "Okay." Matagal ko nang gusto ang babaeng 'to e. Di ko nga lang magawang
umamin... Matapos ang klase, sinunod ko ang sinabi niya. Nagpunta kami sa isang mini-bar. "Congratulations to the both
of you. Tayo ang napili ng regional office. Ang entry niyo ang napili!" Masayang sabi ni Sir. Ngiting-ngiti naman itong
kasama ko. Once again, I took out my own camera and took a picture of her, smiling. Alam kong nakatingin si Sir pero
ngumiti na lamang siya sa ginawa ko. "Oh, Adrian andito ka na pala." Tumayo si Angel para salubungin ang isa pa
palang bisita. Malungkot na ngumiti sakin ang aming adviser. This is the reason why...The reason why I can't freely
confess my feelings. She has someone whom she really likes. At ito lang ang tanging nagagawa ko, taking pictures of her.
I can't go beyond it. Sa araw ng Christmas party, binalot ko ang camera na ginagamit ko sa pagkuha ng kanyang mga
litrato at iniwan ito sa kanyang table isang umaga.
Elijah C.
201*
Others

Mga Gabay na Tanong:


 Ano ang kahulugan ng naratibong teksto?
 Ano ang mensahe na nais ipabatid sa atin ng akda?
 Ano ang damdamin nangingibabaw sa kabuuan ng akda. (Ipaliwanag)
 Paano ang pagkakabuo ng naratibong komposisyon, tungkol saan ang paksa (sariling karanasan,
nasaksihan, napakinggan o nabalitaan, nabasa o likhang isipan). (Ipaliwanag)
 Bakit mahalaga ang pag-aaral ang tekstong naratibo?
 Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tradisyinul at makabagong pagsulat nang isang komposisyon?
“HAYAAN MO AKONG MAGING TANGA”

Tanga na nga ipagmamalaki pa. Alam mo, simula nang dumating ka, nabago na ang pananaw at paniniwala ko. Hindi
lang pala babae ang kayang magpakatanga pagdating sa pag-ibig. Hindi lang pala babae ang kayang umiyak dahil sa pag-
ibig. Hindi lang pala babae ang kayang mag-makaawa para manatili yung taong mahal nila.
Hindi lang pala babae ang marupok. Hindi pala lahat ng lalaki manloloko. Isa ako sa kanila, alam mo yan.Nakakatawang
isipin na from the start you don't like me pero here I am, chasing and still hoping that one day, you'll love me too. Hindi
ko alam kung anong meron ka at kinakaya kong panoorin ka habang masaya ka sa piling ng iba. Sa tuwing nakikita kita
na nakangiti iniisip ko na,"Sana ako na lang. I wish I can be the one who makes you smile."
Ang sakit lang isipin na ganto ako katanga pagdating sayo. Graduate ako as valedictorian nung elementary, salotutorian
nung highschool at DL ako, pero pag-dating sayo ang tanga tanga ko. Feeling ko nga nasasayang na pagpapa-aral sakin
ng magulang ko dahil sa katangahan ko. Raine, pwede ko bang bilhin yung pagmamahal mo? Pwede bang bayaran ko na
lang? Pwede bang hayaan mokong i-train yang puso mo na mahalin ako? Pwede ba 'yon?
Handa na kase akong gawin lahat para lang magustuhan mo'ko. I don't want to force you to love me, but I'm just hoping if
you could give it a try. Kung hindi naman, pwede rin naman. Hayaan mokong mahalin ka kahit wag ka na. Ako na lang
mag-mamahal sayo kahit di mo nako mahalin. Kase alam ko namang hindi na pwede. Kase kasama mo na yung taong
mahal mo. Alam kong masaya ka sa kanya pero di kita kayang bitawan ng ganon ganon na lang. Mahal na mahal kita at
sana bigyan moko ng isang pagkakataon para mas maipakita ko sayo.
Raine, handa akong maging option mo. Handa akong maging pampalipas oras mo. Handa akong maging pangalawa.
Handa ako sa lahat ng sakit basta hayaan mokong maging tanga. Hayaan mo'kong maging tanga kase dito parin ako
masaya. Kahit sinasabi mo na sa akin na, "Ang tanga mo sobra. Ang sarap mong lokohin ng paulit-ulit."
Okay lang. Lokohin mo lang ako kase masaya parin naman ako. Hindi mo man kinuha but I already gave my heart to
you. Ikaw lang ang may karapatang saktan at sugatan 'yan. Raine, please. I can't keep you 'coz you're not even mine.
Raine, handa akong lumuhod sa harapan mo para lang hayaan moko na mahalin ka. Ipinangako ko na sa sarili ko na ikaw
lang ang mamahalin ko at wala ng iba. I can do everything to make you mine. Kahit ako na gumawa ng thesis mo. Kahit
ako na mag-provide ng needs mo. Kahit ako na magbigay ng allowance mo. Kahit ako na magtuloy ng pagbabayad sa
bahay na pinatayo nyo.
Kahit ako na magpa-aral sa kapatid mo. Raine, kaya kong ibigay lahat ng meron ako para sayo. Hayaan mo lang akong
magpaka-tanga sayo. Isang ngiti mo lang, solve nako. Please, please lang 'wag mo naman akong pigilan na mahalin ka.
Ito lang ang pinaka hihiling ko. Ang hayaan mokong maging tanga at bobo sa pagmamahal ko sayo. Raine if you don't
have a reason to stay then I will give you a reason to comeback.
Mahal na mahal kita at sana hayaan mong mahalin kita hanggang sa mapagod ka ng mahalin ang boyfriend mo ngayon.
Handa akong maghintay para sayo. Nandito lang ako kung sasaktan ka nya. Nandito lang ako palagi.Raine, sige na naman
oh. Hayaan mo nako. Dito ako masaya at dito lang ako sasaya. Hayaan mo sana ako. Masaya akong magpaka-tanga sayo
mahal ko. Masayang masaya ako sa ginagawa ko. Kapag dumating na sa punto na mahal mo na rin ako, I swear that I will
never let you go.Iloveyou so much at sana pag nabasa mo'to mapapayag na kita. Raine, please. Hayaan mokong maging
tanga.
Mr.KyleTanga
201*
Others
# USFComeback

Mga Gabay na Tanong:


 Ano ang kahulugan ng naratibong teksto?
 Ano ang mensahe na nais ipabatid sa atin ng akda?
 Ano ang damdamin nangingibabaw sa kabuuan ng akda. (Ipaliwanag)
 Paano ang pagkakabuo ng naratibong komposisyon, tungkol saan ang paksa (sariling karanasan,
nasaksihan, napakinggan o nabalitaan, nabasa o likhang isipan). (Ipaliwanag)
 Bakit mahalaga ang pag-aaral ang tekstong naratibo?
 Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tradisyinul at makabagong pagsulat nang isang komposisyon?
"Ikaw"

Ikaw na naging kaklase ko sa isang asignatura at naging kagrupo ko sa isang proyekto. Ikaw na naging kapareha ko sa
ating grupo at naging kaibigan ko sa social media. Mapaglaro talaga ang tadhana. Hindi ko akalaing darating ka at hindi
ko akalaing may isang tulad mo na magpaparamdam sa akin ng ganito. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman
sapagka't ngayon ko lamang ito naramdaman. Tila hinahanap-hanap ang iyong mga mensahe na lumabas sa aking
cellphone at 'di mapakali. Ngunit ng ikaw ay magtapat ng nadarama, ako ay natakot at sinaktan iyong damdamin.
Matapos ang pangyayari, ikaw ay hindi na nawala pa sa aking isipan at damdamin. Gabi-gabi inaalala mga kulitan at
palitan na'ting mga mensaheng makabuluhan. Tanong sa sarili, ako kaya ay naiisip mo pa? Sagot sa sarili, siguro ay
naiisip mo pa pagkatapos ng mga ilang buwan. Ikaw ay muling nagparamdam labis ang galak ng makitang muli
Ang iyong pangalan at mensahe na ilang araw na puno ng kasiyahan. Nagpapalitan muli ng mga mensahe, nagkita at
nagkasamang muli. Isang linggo na puno ng kasiyahan ngunit ang lahat ng kasiyahan yy mayroong hangganan. Pasensya
ka na aking sinta sapagka't hindi tayo itinadhana. Ikaw na ginusto kong maging kaibigan at ikaw na hindi ko akalaing
iibigin. Ikaw na ginusto kong maging ka-ibigan at ikaw na hindi talaga para sa akin.
Happy kid
201*
AdU
# USFComeback

Mga Gabay na Tanong:


 Ano ang kahulugan ng naratibong teksto?
 Ano ang mensahe na nais ipabatid sa atin ng akda?
 Ano ang damdamin nangingibabaw sa kabuuan ng akda. (Ipaliwanag)
 Paano ang pagkabuo ng naratibong komposisyon, tungkol saan ang paksa (sariling karanasan,
nasaksihan, napakinggan o nabalitaan, nabasa o likhang isipan). (Ipaliwanag)
 Bakit mahalaga ang pag-aaral ang tekstong naratibo?
 Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tradisyinul at makabagong pagsulat nang isang komposisyon?
“MAHIRAP MAGING HONOR STUDENT”

Bibigyan ko kayo ng listahan kung bakit mahirap maging honor student.


1. PRESSURE. Oo bes, pressure, kasi kapag nasa taas ka na, tapos bigla kang bumaba, ang tanong sa'yo palagi ay,
"Bakit? Anyare?" Kaya kung nasa taas ka, dapat maintain lang, kaya iyak ka na lang talaga.
2. ONCE YOU ENTER, THERE'S NO TURNING BACK. Bago n'yo gustuhin o pangarapin na maging honor student,
isipin n'yo muna nang husto, kasi ako ngang honor student, hindi ko alam kung paano makawala sa ganito.
3. DICTIONARY KA NG KLASE. Pwede kayong mag-google translate! HINDI AKO LUMUNOK NG
DICTIONARYYYYYY HINDI KO ALAM KUNG ANONG ENGLISH SA SINASABI NYOOOOO!
4. KOPYAHAN KA. Isa pa 'to. Ang tatamad nyo!
5. EXPECTATIONS. Warning: Nakamamatay
6. GUSTO NILA PERFECT KA. Kailangan kapag nasa honor ka mabait ka at maganda. Kasi kapag hindi ang linyahan
ng mga hayop ay "Ano ba yan, matalino nga, masama naman ugali" o kaya "Kaya pala matalino eh, pangit"
7. HINDI MO ALAM KUNG SINO ANG TRUE FRIENDS. Dahil yung iba nilalapitan ka lang para may makokopyahan
sila.
PrSy
201*
CAA Main
# USFComeback

Mga Gabay na Tanong:


 Ano ang kahulugan ng naratibong teksto?
 Ano ang mensahe na nais ipabatid sa atin ng akda?
 Ano ang damdamin nangingibabaw sa kabuuan ng akda. (Ipaliwanag)
 Paano ang pagkabuo ng naratibong komposisyon, tungkol saan ang paksa (sariling karanasan,
nasaksihan, napakinggan o nabalitaan, nabasa o likhang isipan). (Ipaliwanag)
 Bakit mahalaga ang pag-aaral ang tekstong naratibo?
 Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tradisyinul at makabagong pagsulat nang isang komposisyon?
“Nagmahal, Nasaktan, Nagvideo at Nagviral”
Alma Tagle

Isang magandang buhay ang sumalubong kay Jessa, siya ay kilalang kalog, makulit, at masayahing tao sa
kanilang lugar ngunit kahit siya ay makulit maasahan naman siya sa kanilang klase. Unang araw ng pasukan
noon ng makilala niya si James, transferee noon ang binata at wala pang ibang makausap at dahil pala kaibigan
nga si Jessa ay agad silang nagkapalagaayn ng loob. Magaan ang loob ni Jessa sa binata dahil mabuti ito sa
kanya.
Lumipas ang ilang buwan at lalo pa silang naging malapit sa isa’t isa at hidi namamalayan ng dalawa na
nahuhulog nap ala sila sa isa’t-isa. Aminado noon si Jessa na nagkakagusto na siya sa kanyang kaibigan ngunit
natatakot siyang umamin sapagkat baka masira ang kanilang pagkakaibigan. Hanggang sa dumating na ang
araw na pinakahihintay ng lahat, ang Junior Night. Lahat ay naghahanda para sa nasabing programa at
pinaplano na noon ni Jessa na umamin sa kanyang nararamdaman. Hindi niya alam ay yun din ang nais gawin
ni James. Dumating na nga ang nasabing sandal, at sa huling sayaw, kapwa niyaya ng mga lalaki ang nais
nilang makasayaw para sa huling pagkakataon. At tulad ng inaasahan ay niyaya ni James, si Jessa para sa
huling sayaw, at hindi inaasahan ng dalawa na sabay pa silang napaamin sa kailang nararamdaman. Sobrang
saya ng dalawa at tila ayaw nilang matapos ang mga panahong iyon. Sabay tanong ni James kay Jessa kung
maari ba siyang manligaw sa dalaga. At hindi dahil parehas sila ng nararamdaman ay pumayag ang dalaga nng
nililigawan ni James ng halos tatlong buwan ay naging sila na ng dalaga. Naging Masaya naman ang kanilang
pagsasama na umabot ng mahigit isang taon ngunit katulad din ibang magkasintahan may katapusan din ang
bawat maliligayang sandal ng dalawa. Dumating sap unto na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na
kalaunan humantong sa hiwalayan. Naging masakit it okay Jessa sapagkat pinahahalagahan niya ang isang taon
nilang pagsasama at dahil nauuso ang gadgets ay naisipan niyang videohan ang sarili at sabihin ang kanyang
karanasan, ang pansamantalang kaligayahan kasama si James.
Dito inilahad niya ang mga masasayang sandal noong sila pang dalawa ni James at sakit na idinulot nito ng sila
ay naghiwalayan. Kakaiba ang paraan ng dalawa upang sumaya muli at makalimutan ang mga masasakit na
sandal kasama si James, subalit ito lamang ang naiisip niyang paraan. Nagbitaw siya ng mga linya na tila ba ay
tatatak para sa magkakasintahan at para sa mga nag-iisa nalang. Inupload niya ang video bilang katuwaan
lamang st upang lumuwag ang kaniyang pakiramdam. Kinabukasan, paggising ng dalawa at pagbukas niya sa
kanyang gadget ay laking gulat niya ng Makita ang kanyang video napakarami na ang nakapanood nito at
ipinakalat pa sa iba, marami ang nagkumento at marami ang nahsabing nakarelate sa video ni Jessa. Hindi niya
inaasahan ang ganitong pangyayari na siya ay magviviral a social media, at laking pasasalamat niya rin at
nakilala at dumating si James sa buhay niya. Dahil kasi sa binata ay mayroon siyang napulot na aral, aral mula
sa kanilang karanasan.

Mga Gabay na Tanong:


 Ano ang kahulugan ng naratibong teksto?
 Ano ang mensahe na nais ipabatid sa atin ng akda?
 Ano ang damdamin nangingibabaw sa kabuuan ng akda. (Ipaliwanag)
 Paano ang pagkabuo ng naratibong komposisyon, tungkol saan ang paksa (sariling karanasan,
nasaksihan, napakinggan o nabalitaan, nabasa o likhang isipan). (Ipaliwanag)
 : Bakit mahalaga ang pag-aaral ang tekstong naratibo?
 Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tradisyinul at makabagong pagsulat nang isang komposisyon?
SUWERTE

Pauwi na ako galing sa trabaho. Tulad ng dati, pagod pero laging kinakaya. Matagal-tagal rin na paghihintay bago
dumating si manong tricycle driver. Agad akong pumara at sumakay. Habang humaharurot ang sasakyan ay abala naman
ako sa kapipintot ng aking smartphone. Maya-maya pa'y biglang inihinto ni manong ang sasakyan at itinabi. Kinapa niya
ang laman ng kanyang bulsa. Naging malikot ang kanyang kamay na waring may hinahanap. A, ang kanyang lumang
cellphone.

"Anak, pakihanap nga sa contact ang pangalang Jaston," sabay abot sa akin. Kinuha ko ito at tumugon sa kanyang
pakiusap. Pagkatapos ay muli ko itong ibinalik sa kanya. "Hello anak, kumusta kana?"Nakita ko ang tamis ng ngiti ni
manong habang may kausap. Ramdam ko ang damdaming namayani sa sandaling iyon -ang hindi maipinta na mukha dala
ng labis na kasiyahan. "Ay, pasensya na kong naistorbo kita, 'nak," sabay ibaba ng kanyang cellphone. Nakita ko ang
pagbabago ng kanyang mukha. Ramdam ko ang pagkadismaya niya sa taong kanyang kausap kanina. Ang dating
masayang ngiti ay nabahiran na ng lungkot. Wala na, nagbago na ang kanyang anyo. Nagtanong siya, "Saan na nga ang
punta mo?"

Gumanti ako ng ngiti bago ko sinabi ang aking destinasyon. May katandaan na pala si manong. Kita ko sa kanyang
katawan at mga hibla ng kanyang buhok na kulay abo na. Hindi ko napigilan ang mangusisa. "Siguro po ay matagal nang
ganito ang gawain niyo." "Oo. Siguro mayroon na ring mahigit 25 taon kong pamamasada. Katunayan ay nakapagtapos
na ang aking panganay dahil dito." "A ganoon po ba? Napakaswerte niyo naman at mayroon na kayong propesyonal na
anak. Ano pala tinapos niya, manong?"

"'Yung anak ko, engineer na siya ngayon sa Dubai. Siya 'yung tinawagan ko kanina." "Mabuti kong ganoon, manong.
Buti naman at nakakausap niyo siya araw-araw." "Hindi. Minsanan lang. Swerte ko na nga lang kung nasasagot niya
tawag ." Muling binalot ng kalungkutan ang kanyang mukha. "Swerte mo ngayon manong kasi nakausap mo siya. 'Di
ba?" "Oo, swerte ko nga. Napakaswerte ko kasi may anak akong engineer. Kaso, 'yung inaaasan kong makakatulong sa
akin, wala e. Sabagay, ganoon talaga." "A, bakit?" pagtataka ko. "Ayun, naging engineer lang, kinalimutan na kami.
Kahit simpleng pagbati lang sana ngayong kaarawan ko, wala. Hindi naman ako naghahangad sa pera niya e. Ang gusto
ko lang sana ay huwag siyang makalimot sa tatay niyang nagsikap para mabigyan lang siya ng magandang
buhay."Nanlumo ako sa aking narinig. Naawa ako kay manong. Gusto ko siyang yakapin para iparamdam ang
pagmamahal na hinahanap niya mula sa kanyang anak. "Manong, sa tabi lang ho. Salamat. Happy birthday po!" sabay
abot sa aking pamasahe.
MPepe
201*
Others
# USFComeb

Mga Gabay na Tanong:


 Ano ang kahulugan ng naratibong teksto?
 Ano ang mensahe na nais ipabatid sa atin ng akda?
 Ano ang damdamin nangingibabaw sa kabuuan ng akda. (Ipaliwanag)
 Paano ang pagkabuo ng naratibong komposisyon, tungkol saan ang paksa (sariling karanasan,
nasaksihan, napakinggan o nabalitaan, nabasa o likhang isipan). (Ipaliwanag)
 : Bakit mahalaga ang pag-aaral ang tekstong naratibo?
 Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tradisyinul at makabagong pagsulat nang isang komposisyon?
BESTIDANG ITIM

"Ma, pahangin lang ako sa labas."Hindi ko na hinintay ang sagot ni mama at lumabas na. Naglakad-lakad ako hanggang
sa makaramdam ng pangangalay. Pinatunog ko ang kaliwa kong kamay. Hindi ko maintindihan kung bakit nangangalay
'to. Hindi naman ako nagkiki-kilos. Nawala ako sa pag-iisip nang makasalubong ko si Aling Nena. Ngumiti siya sa akin.
"O, Denise, saan ka nanggaling?" Nginitian ko siya pabalik. Kaibigan siya ni mama. "Hindi po, kalalabas ko lang.
Nagpapahangin lang po." sagot ko. "O, siya, sige." Nagpaalam si Aling Nena sa akin at ganoon din ako.
Kinabukasan, sa sobrang pagkabagot ay naglakad-lakad muli ako. Himala nga at nawala na ang pangangalay ng kamay
ko. Nakasalubong ko na naman si Aling Nena at nilapitan niya na ako. "Denise, ikaw na naman." Nginitian ko siya.
Magpapaalam na sana ako para umuwi na dahil dumidilim na nang hawakan ni Aling Nena ang braso ko. "Denise, nasaan
na 'yung batang kasama mo kagabi?" Kumunot ang noo ko. Mag-isa lang ako kagabi. "Ano po?"
Pinanggigilan ni Aling Nena ang braso ko bago ako sinagot. "May nakakapit na bata sa isang kamay mo kagabi. Hindi ko
nga maaninag pero parang nakangiti. Nakasuot siya ng itim na bestida... babae. Kaano-ano mo ba 'yon? Wala ka namang
kapatid, iha." Nanindig ang balahibo ko. Nagpaalam ako agad kay Aling Nena at nagmadali sa pag-uwi. Pero hindi pa
ako nakakalayo ay namatay ang streetlight sa kalyeng dinaraanan ko. Napapikit ako at pagdilat ko, napatingin ako sa
kaliwang kamay ko. Doon ko nakita ang babaeng naka-bestidang itim. Nakangisi siya sa akin.
Mharchelle
201*
Others
# USFComeback

Mga Gabay na Tanong:


 Ano ang kahulugan ng naratibong teksto?
 Ano ang mensahe na nais ipabatid sa atin ng akda?
 Ano ang damdamin nangingibabaw sa kabuuan ng akda. (Ipaliwanag)
 Paano ang pagkabuo ng naratibong komposisyon, tungkol saan ang paksa (sariling karanasan,
nasaksihan, napakinggan o nabalitaan, nabasa o likhang isipan). (Ipaliwanag)
 : Bakit mahalaga ang pag-aaral ang tekstong naratibo?
 Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tradisyinul at makabagong pagsulat nang isang komposisyon?
KAMERA

Nakangiting binati ko ang security guard sa gate ng aming school. Patalon-talon pa akong naglalakad patungong classroom
namin.Nang makapasok ay agad kong nakita ang aking matalik na kaibigan nakaupo. “Goodmorning, Blair!” magiliw kong bati at
umupo sa katabing upuan. “Goodmorning, Anais.” “Omg! Niregaluhan ako ni Ninang!” excited kong kwento. Halos mapunit na ang
labi ko sa laki ng aking ngisi. “Wow, advance pamasko, girl?” nakangiting aniya. Natawa ako. “Gusto mong makita? Wait.”Hindi ko
na hinintay ang sagot niya at agad inilabas ang regalo sa paper bag. Nakangiting inabot ko 'yon sa kaniya. “Wow! Kamera!” sinipat
niya iyon. “Bagong-bago Anais ah?” Kinuha ko sa kaniya ang kamera. “Tara, subukan natin.” In-on ko ang bagay na hawak at
sinimulan namin ang pagkuha ng mga litrato. “Kawaii!” sambit namin ni Blair at ngumiti habang naka-peace sign bago ko ni-click
ang kamera. Humahagikhik kaming naghintay ng ilang segundo bago lumabas ang larawan. Kinuha 'yon ni Blair at ipinaypay ng
mahina. “Wow! Ang ganda, Anais oh!” aniya nang tinignan namin ang kuhang larawan. Pumalakpak siya. “Nice, nice!”

Nakangiting tumango ako. Ang cute nga namin 'don e. Ngunit agad rin kumunot ang aking noo. Kinuha ko sa kaniya ang picture at
muling sinipat 'yon. Napako ang aking tingin sa magkabilang balikat ko'ng nasa larawan. Naningkit ang aking paningin upang
siguruhin kung ano 'yon. Ilang sandali pa'y may pumasok sa isip ko kung ano nga 'yon kasabay ang pagbangon ng kaba sa dibdib ko.
“Blair.” tawag ko sa kaibigan. “Blair!” muling tawag ko nang hindi ito sumagot dahil busy na pala ito sa pagkuha ng mga larawan.
“Oy! Wait lang!” “Blair! Stop na muna 'yan!” suway ko at kinuha ko sa kaniya ang kamera. “Eehh, ano nga kasi?” Tinuro ko ang
picture. “Tignan mo,” Tinignan niya 'yon. “Oh, tapos?” “Di'ba mo ba nakikita?” “Nakikita, duh! Ano ka ba?” Umiling ako. “Hindi.
Hindi mo ba napapansin?Ayan oh!” tinuro ko muli ang bandang balikat. Kumunot naman noo ni Blair. “P-parang may kung ano.. p-
parang... ” Tinaasan niya ako ng kilay. “Parang?” “P-Parang may marka ng k-kamay... na nakapatong sa b-balikat ko.. ”
kinakabahang saad ko. Tinignan ni Blair ang sinasabi ko. Marahil sinisigurado. Nagbaba ako ng tingin. Ilang minuto pa ang nagdaan
nang may narinig akong parang boses na iniipit. Kaya nag-angat alo ng tingin at nakita ang mukha ni Blair na nagpipigil ng tawa.

Nang magtama ang aming tingin ay tuluyan ng kumawala ang malakas na tawa sa malaking bibig niya. Huh? Naguguluhang tinignan
ko siya.“Anong nakakatawa?” “Ikaw, HAHAHAHA!” “A-Ako?” Pinigilan nitong tumawa at pinunasan ang luha sa gilid ng mata.
“Oo, ikaw. Haha. 'Yan! Sa kakapanood mo ng horror movies, 'yan tuloy kung saan-saan napapadpad ang imahinasyon mo.”
Naguluhan ako sa kaniyang sinabi. Ngunit agad 'ding naintindihan ang ibig niyang sabihin. Napangiwi ako. “Seryoso ako! Tignan mo
pa oh!” tinuro ang larawan. “Parang marka talaga ng kamay ang nasa balikat ko oh!” giit ko.mTumawa siya. “Hay naku! Baka gusot
lang 'yan uniform mo kaya ganon ang labas sa picture. Ikaw talaga.” natatawang napailing siya saka binalik ang kamera sa'kin. “Pero
—” “Goodmorning, class!”

Napabuntong hininga ako 'nung dumating na ang prof namin. Sinulyapan ko si Blair na nakikinig saka tumingin sa hawak kong
larawan. Buong class period, iba't-ibang subject. Walang umiikot sa isip ko kundi sa larawan na ito. “Goodnight, Pa!” Matapos
makipagbeso kay Papa, tumungo na ako sa sariling kwarto. Agad kong nilapitan ang maliit kong mesa. Naroon ang mga kuhang
larawan kanina ni Blair. Gamit ang ipitan, sinimulan ko na ang pagsabit ng mga larawan sa manipis na tali, sa itaas ng salamin.

Sa lahat ng larawan na 'yon ay si Blair lang ang nakapose, nasa tabi niya lang ako na nakayuko. Isang larawan na lang para matapos
na ako nang may nahagilap ang aking paningin. Tinignan ko ang panghuling larawan at napasinghap ako sa aking nakita! Sa huling
larawan nakangiti si Blair habang ako'y nakayuko. Sa gitna, kitang-kita ko kung paano nakasandal ang ulo ng isang itim na anino
sa'king balikat. Tumaas baba ang aking dibdib, unti-unti akong binalot ng takot. Nilingon ko ang mga larawan na nakasabit. Uminit
ang sulok ng aking mga mata. Ang kanina'y nakangiting si Blair sa larawan, ngayon ay umiiyak na... umiiyak ng dugo. Sa bawat
larawan na aking nakikita, naroon ang bangungot na aking nasaksihan. Naroon ang pag-iyak niya ng dugo, ang tinahi niyang bibig at
wala ng mga mata, ang hiwa sa kaniyang madugong leeg, hanggang sa huling larawan ay wala na siyang ulo... Napaatras akom Kahit
nanlalabo ang aking mga mata sinubukan kong i-dial ang numero ni Blair sa kontaks ko. “ANAIS! ANAIS! T-TULUNGAN MO
KO!” “B-Blair? Anong nangyayari?!” “Anais! Tulun—” napatalon ako nang makarinig ng malakas na kalabog sa kabilang linya.
“BLAIR?! BLAIR!!”

Nahihirapan akong huminga, patuloy lang pag-agos ng aking luha. Nanginginig ang aking kalmnan sa sobrang takot. “T-Tul-long...
A-Aanaais... *Toot*” Napatakip ako ng aking bibig. “B-Blair... ” halos wala nang boses na sambit ko. Tulalang humagulgol ako ng
impit na iyak. Nanakip ang lalamunan ko. 'Di ako makapagsalita't makasigaw. *Click*Napatigil ako nang magflash ang kamera na
nasa mesa, nakaharap sa'kin. May lumabas na larawan. Humakbang ang aking mga paa patungo 'don. Nanginginig ang kamay, inabot
ko ang bagong larawan at ipinaypay. Unti-unting lumabas ang mga kulay at guhit 'duon. Ako na nakatayo na maraming marka ng
madugong kamay sa iba't-ibang parte ng damit at katawan.

May nakaitim na nakatakip sa aking bibig. “H-Hindi...” nilingon ko ang salamin, unti-unti akong umaatras. Naroon ang babaeng
nakaitim, mahaba ang buhok na natatakpan ang mukha. Napailing ako't napasabunot sa aking buhok. “Isa lang itong bangungot!
Tama! Nanaginip lang! Bangungot lang! Bang—” Nanlaki ang aking mga mata nang makita sa salamin ang babaeng nakaitim kanina
ay nasa likuran ko na. Nakatakip ang aking bibig ng kamay nito tulad ng nasa bagong larawan. “Smile..” *Click*

Vanter
2018
Unknown
# USFComeback

Mga Gabay na Tanong:


 Ano ang kahulugan ng naratibong teksto?
 Ano ang mensahe na nais ipabatid sa atin ng akda?
 Ano ang damdamin nangingibabaw sa kabuuan ng akda. (Ipaliwanag)
 Paano ang pagkabuo ng naratibong komposisyon, tungkol saan ang paksa (sariling karanasan, nasaksihan, napakinggan o
nabalitaan, nabasa o likhang isipan). (Ipaliwanag)
 : Bakit mahalaga ang pag-aaral ang tekstong naratibo?
 Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tradisyinul at makabagong pagsulat nang isang komposisyon?

HEARTBEAT

Ako si Kristoffer, tubong Bicol. Mayroon akong kasintahan at hindi ko nakikita ang buhay ko nang wala siya. Hindi ko alam ang
kung ano'ng nagawa kong kabutihan para biyayaan ako ng Panginoon ng tulad ni Liyanne. Maganda ang girlfriend ko, maputi,
matalino, at higit sa lahat ay napakabuti ng kaniyang kalooban. Sadyang napakabusilak ng kaniyang puso kaya hindi ko na talaga siya
pakakawalan pa. "Mahal, napakasuwerte ko at ikaw ang naging boyfriend ko." Minsa'y nakangiting iwinika ni Liyanne habang
mahigpit itong nakayakap sa akin. Awtomatikong kumurba ang isang matamis na ngiti sa aking labi. "Higit akong masuwerte. Kung
iisipin ay ako na yata ang pinakamaswerteng lalake sa mundo. I love you, mahal." Saad ko saka siya hinagkan sa noo. "Liyanne,
mahal ko, huwag mo akong iiwan ah. Hindi ko ata kakayanin sakaling mawala ka sa piling ko." Madamdaming sambit ko saka
hinigpitan ang aming yakap. "Mahal, ipinapangako ko. Hanggang kamatayan ay mananatiling tumitibok ang puso ko para sa'yo."
Turan niya na saglit kong ikinatigil. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o kabahan sapagkat sa sinabi niyang iyon ay tila ba
may kakaiba akong naramdaman.

Isang araw ay maaga akong gumising. Hindi pa man pumuputok ang liwanag ay nakagayak na ako. Sinipat ko ang aking kabuuan sa
harap ng salamin at matapos magmasdan ang aking sarili ay hindi ko napigilang mapangiti. Ang naturang araw na ito ang isa sa
pinakahihintay ko sa lahat. Ngayon ko balak magpo-propose sa girlfriend ko. Habang hawak ang binili kong singsing ay hindi ko
mapigilang isipin kung ano kaya ang magiging reaksiyon ni Liyanne. Nakatitiyak akong natural na pupula na naman ang kaniyang
mga pisngi dahil sa kilig at baka nga umiyak pa 'yun sa tuwa. Nakagat ko ang aking labi sa sarili kong isipin. Hindi na ako
makapaghintay na maibigay ang apelyido ko sa babaeng pinakamamahal ko sa lahat sunod sa aking ina at kapatid na babae. Matagal
ko ring pinaghandaan ang araw na 'to, nagtrabaho ako nang maigi at nag-ipon ng husto para mabili ang mamahaling singsing na ito.

Habang papalapit ako sa bahay ng aking kasintahan ay pabilis nang pabilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko mawari kung bakit. Naisip
ko na lang na baka dala lang ito ng kaba at excitement. Bago tuluyang mag-doorbell ay napahugot muna ako ng malalim na hininga.
Nakailang pindot din ako sa doorbell bago sa wakas ay napagbuksan ng tarangkahan. "Oh, Kristoffer, hijo." Pangbungad na saad ng
mama ni Liyanne. "Uh, magandang umaga po Tita." Pagbati ko sabay mano. "Magandang umaga rin. Ano'ng dahilan at naparito ka?
Kay aga pa." Ani Tita. "Susunduin ko lang po sana si Liyanne. May usapan po kasi kaming magkikita kami ngayon para ipagdiwang
ang anibersaryo namin." Nakangiting turan ko. Kumunot ang noo ni Tita na siyang bahagyang ipinagtaka ko. "May problema po ba?"
Tanong ko. "Hindi ba't magkasama kayong dalawa? Ang buong akala namin ay sa inyo siya natulog. Hindi siya umuwi kagabi." Sa
sinabi niyang iyon ay biglang nabura ang pagkagalak na nararamdam ko. Puno ng pagtatakang tiningnan ko si Tita. "Hindi po Tita.
Kahapon na hapon po kami huling nagkasama..." Halos pabulong nang anas ko. "Hindi siya umuwi. Ni hindi nga siya tumawag.
Inakala naming kasama mo siya kaya hindi na kami nag-alala." Ani Tita. Nasapo ko na lang ang sarili kong noo. "May kinailangan po
akong gawin kaya hindi ko na siya nahatid pa. Nung huling pag-uusap namin sa telepono ay alam kung pauwi na siya." Kinakabahang
bulalas ko. "Kung hindi kayo magkasama ay nasaan kung gayon ang anak ko?" Nag-aalala na ring wika ni Tita.

Lumipas ang mga araw na wala pa rin kaming ideya kung nasaan si Liyanne. Halos wala na akong naging tulog at halos 'di na rin ako
nakakakain. Sa mga na nagdaang araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang maghanap nang maghanap. Ilang araw pa lang
nawawala ang kasintahan ko pero ang laki na agad ng naging epekto nito sa aking katawan. Hindi na nakapagtataka, hangga't hindi
ako nakararamdam ng matinding pagod ay hindi ako humihinto sa pagpunta sa iba't-ibang lugar para magbakasaling makikita ko siya.
"Anak, ipagpaliban mo na muna ang paghahanap. Kailangan mo ring magpahinga. Masiyado mong inaabuso ang katawan mo. Ano'ng
malay natin, nagpunta lang pala si Liyanne sa kung saan." Saad ni mama. "Hindi, ma. Hindi ko pwedeng ipagpaliban ang
paghahanap. Alam ko, nararamdaman ko. Kailangan ko mahanap agad ang girlfriend ko dahil baka kung ano'ng mangyari sa kaniya.
Hindi siya basta-bastang umaalis nang hindi nagpapaalam sa'kin. Malakas ang kutob kong nasa panganib siya. Kailangang kong
makita kung nasa'n siya." Sambit ko at hindi ko na napigilan pa sa pagkawala ang mga luha ko. Naiyukom ko na lang ang mga kamao
ko at kulang na lang ay saktan ko na ang sarili ko dahil sa sobrang pagkabigo. "Kasalanan ko 'to. Naging pabaya ako. Kung sana'y
hindi ko siya hinayaang umuwi nang mag-isa ay baka hindi siya nawawala ngayon." Saad ko sa pagitan ng aking paghikbi."Kuya!
Tumatawag 'yung mama ni ate Liyanne." Anunsyo ng nakababata kong kapatid sabay abot sa akin ng telepono. "Tita..." "K-kristoffer,
hijo. Si Liyanne, n- natagpuan na siya." Bigla akong nabuhayan sa sinabi ni Tita gayunpaman ay para ba akong binuhusan ng
malamig na tubig dahil sa masamang kutob ko.

Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Kung panaginip lang ito, nakikiusap ako. Gisinging niyo na ako. Hindi ko kayang tagalan
ang bangungot na ito. Natagpuan na si Liyanne--- natagpuan na nila ang nakahahabag na bangkay niya. Mga hayop, mga halang ang
kululuwa, mga demonyo. Halimaw lang ang tanging makagagawa nito. Lasog-lasog ang katawan ang girlfriend ko. Para siyang hayop
na pinagpiyestahan ng mga tarantadong tao. Wakwak ang kaniyang tiyan, nakalabas ang kaniyang mga lamang-loob at dinukot rin
ang kaniyang puso. Matapos madapuan ng tingin ang puso niya ay tila ba ako mababaliw sa aking nakikita. Unti-unti akong
napapatawa habang panay ang pagluha ng aking mga mata. Ang kaniyang puso, bagaman tuluyan itong dinukot mula sa kaniyang
katawan, bagaman wala nang buhay ang girlfriend ko. Patuloy pa rin sa pagtibok ang puso niya. Patuloy itong tumitibok na parang
bang buhay na buhay. Bigla kong naalala ang sinabi ng babaeng mahal na mahal ko, " Hanggang kamatayan, mananatiling tumitibok
ang puso ko para sa'yo..."
Mga Gabay na Tanong:
 Ano ang kahulugan ng naratibong teksto?
 Ano ang mensahe na nais ipabatid sa atin ng akda?
 Ano ang damdamin nangingibabaw sa kabuuan ng akda. (Ipaliwanag)
 Paano ang pagkabuo ng naratibong komposisyon, tungkol saan ang paksa (sariling karanasan, nasaksihan, napakinggan o
nabalitaan, nabasa o likhang isipan). (Ipaliwanag)
 : Bakit mahalaga ang pag-aaral ang tekstong naratibo?
 Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tradisyinul at makabagong pagsulat nang isang komposisyon?

You might also like