You are on page 1of 1

narrator: "isang araw sa bayan ng tondo maynila, may 2 mgkapatid na nagngangalang Ian at Lennon na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot" (sa

lansangan) lennon: kuya,.. nagugutom na ko! ian: (umalis upang maghanap ng pagkain ngunit pagbalik nito) : wala akong mahanap na makakain natin, ginawa ko na ang lahat. nanlimos na ko, nagmakaawa na ko sa mga tao pero ni-isa sa kanila walang ibinigay ka akin. eto, rugby. nakuha ko. nakita ko itong ginagamit ng ibang kabataan pampalipas ng kanilang gutom. lennon: kuya, makabubuti ba ito para sa atin?? ian: wala na kong iba pang alam na solusyon para sa kumakalam nating sikmura. narrator: (sininghot ng magkapatid ang rugby) ngunit makalipas ang ilang minuto ay may 2 pulis ang nakakita sa magkapatid. kevin: ano yan ah?! lennon and ian: (takot na takot at di na nakapagsalita) mark: nasaan ba ang mga magulang nyo? lennon: wala na po kaming mga magulang, iniwan na po nila kami. mark: sumama kayo sa amin! ian: saan nyo po kami dadalhin? mark: sa presinto! lennon: bakit nyo po kami dadalhin sa presinto? narrator: (hindi na sumagot ang mga pulis sa tanong ng magkapatid, sapilitan nilang hinuli ang dalawa at nagtungo sa presinto) (sa presinto) kevin; alam nyo bang masama yang ginagawa nyo. maaari kayong makulong dahil dyan. maaari ding maapektuhan ang inyong kalusugan. pero dahil kayo'y Menor de Edad hindi namin kayo ikukulong pero dadalhin namin kayo sa DSWD upang sila ang mag-alaga at gumabay sa inyo. ian: sige po, pumapayag po akong dalhin nyo kami sa DSWD dahil wala na din naman po kaming matutuluyan at wala din po kaming mapagkukuhaan ng pera para sa aming pagkain. (at tuluyan na ngang sumama ang magkapatid sa DSWD) narrator: (.)

SAKIT NG LIPUNAN SA KABATAAN

THE END

You might also like